You are on page 1of 2

Tips for ECE Board Exam:

1. Kung ano man nireview nyo sa review center, magtiwala nalang dun, unless ramdam mo na kulang
pa talaga turo nila sa inyo. Dito na papasok yung dapat nakapagbasa ka nan g iba’t ibang books.
Nandito sa folder na ito yung mga books na nabasa ko, tho di ko naman sila natapos. Importante
padin ung mabasa mo yung parts na naguguluhan ka, lalo na sa Elecs at ESAT.

2. Kapag natakot ka magtake sa boards at inisip mong ipagpaliban yung pagtetake, magtake ka padin.
Kasi never ka magiging prepared enough para mag-take ng boards. Lagi at lagi kang may kulang na
marereview. Swertihan nalang kung ang naaral mo at naturo sa inyo sa review center ang lilitaw sa
board exams.

3. Bugbugin simula palang ang Math, lalo na ang caltechs, pati nadin GEAS. The best sa Math
calculator techniques at GEAS ang Smart Edge Review Center. Syempre ipagmamalaki ko ‘to kasi
dito ako galing at sobrang natulungan ako nito sa boards. Smart Edge Numbawan. HAHAHA

4. 1 month before the boards, dapat balikan mo na mga inaral nyo sa review center para marefresh ka
sa mga naturo sa inyo. Wag magskip ng number, at WAG NA WAG MAGLOOKSFAM. Ulit-ulitin ang
pagsosolve ng problems hanggang dumating sa point na parang nalooksfam mo na ung tanong di
dahil alam mo ung sagot, kundi dahil alam mo na pano sya sasagutin. Kung tinatamad ka magsolve
ng isang number, isipin mo nalang, pano pag di mo sya masolve sa board exam tapos 69 ung naging
score mo? Kahinayang diba? Kaya dapat, wag magsi-skip ng number! Hahaha.

5. Pag board exams na, siguraduhin na lagpas kalahati lagi masusure mo. Eto bilang ng mga sure ko
nung board exams sa unang pasada ng questionnaire. Syempre, di porket sure, tama na agad. May
iba padin jan na erroneous (lilitaw ang sagot sa solving, pero iba ung narecord na tamang sagot).

First Day: Math – 55 Elecs – 61 Second Day: GEAS – 61 ESAT – 61

Tips per subject (during board exams):

ELECTRONICS ENGINEERING BOARD EXAM DAY #1

1. MATH (Engr. Detalla)

Wag na wag kang kakabahan. Mali ako dito e. Kinabahan kasi ako. HAHA. Tipong three unknowns
lang na icaltech, di ko nagawa icaltech kasi dinaga dibdib ko hahaha. Tiwala lang dapat sa naaral
na Caltech. Pag may tanong na di lumilitaw ang sagot kahit cinaltech, wag kakabahan. Sinadya nina
Detalla yan para panghatak sa mga asado sa Caltech. Meron din problems dito na pamigay, gaya
ng concepts ng cone, obtuse angle, prism, etc. (October 2018 Boards). Pag concepts, dapat isure
na tatama ka, kasi panghatak na yun. Meron pa dun na madadali gaya ng isosceles right triangle na
hahanapan ng hypotenuse given the area.

2. ELECS (Engr. Delmoro)

Mahirap mapredict yung lalabas sa Elecs. Magaling sila maghalo-halo ng binibigay ditto, starting
from the basics gaya ng P-N junctions, KVL, KCL, Ohm’s Law, hanggang sa transistors, op-amps,
power electronics, iba’t ibang parameters, at logic circuits. Sa batch namin, andaming lumitaw na
power elecs, op-amps concepts and solving, pati transistor concepts and solvings. May logic circuits
din. Ang laking tulong din dito ng Smart Edge, kasi ung mga natanong samin sa Elecs exam, ilang
beses nabigay sa quizzes namin sa review center. Meron din pala dito yung sa 741 at 555 timer
characteristics at pins. Nung exam namin, dalawang beses binigay ung 741 slew rate. Dahil alam
namin ‘to, matik na sure na agad 2 points. I-note nyo ‘to, kasi sa susunod, baka ung 555 naman
ibigay sa inyo. Gawin nyong reference yung Indiabix at Exam Primer, kasi may mga mangilan-ngilan
na lumilitaw galing dun.

ELECTRONICS ENGINEERING BOARD EXAM #2

3. GEAS (Engr. Detalla)

Nadalian ako sa GEAS. HAHAHA. Nagchoke kasi ako sa unang pasada kaya 61 lang nasure ko.
Ung strema, nalimutan ko pano atakihin, pero nung pangalawang pasada, umabot na ako ng higit
70, tas nilagpasan ko muna ung ibang concepts na di ako sure. Yung coverage ng GEAS, Chemistry,
Statics, Dynamics, Strema, EEcon, onting Emags, at Laws.

Pinakamadali dito ay yung Laws, kaya simula palang, dapat kabisaduhin na agad si RA9292 (ECE
Law of 2004) at RA10912 (CPD Law of 2016). Si 9292 at 10912 lumitaw samin nung board exam.
Magkabisado din dapat ng onting NTC Memorandums, DO, at EO. Madalas din pala matanong si
RA3846 (Radio Comms Law), at si RA7925 (Public Telecomms Law). Baka yun na matanong sa
inyo sa susunod. Napakadami din ng Dynamics kaya dapat kabisadong kabisado nyo yung three
main equations niya. Yung Strema, dapat master nyo yung members in “series” at members in
“parallel”. Naturo ‘to samin sa Smart Edge kaya ez ‘to samin ng boards. Yung Chemistry naman,
napakadami! 15 items mahigit ata. Pero napakadali nila kasi percentage composition lang karamihan
pati atomic mass unit. Sa EEcon naman, naka 5 items ata sya. Isang simple interest ata at tatlong
compound interest. Pag lump sum binanggit, wag kayo papauto. Compound interest na yun na isang
bagsakan ang bigay ng pera. Hahaha. May isang kakaiba nah along annuity na napakagulo. Hirap
isolve kaya di na ako nagtangka. HAHA. Yung Emags naman dito, basic solving lang na q1q2 at unit
analysis. Sa Statics naman, Caltech lang sya at analysis lang ng problems. Wag basta magcaltech
nang hindi naiintindihan ung problem, kasi mali talaga lilitaw na sagot pag ganun ginawa mo. Sayang
yan. Hahaha.

4. ESAT (Engr. Orbe)

Dito naman, gamit na gamit si Channel Capacity ni Hartley at Shannon-Hartley. Madaming concepts
about sa Antennas, DataComms, Microwave, Radio Wave Propagation, etc. Dapat dito, madami
kang nabasa na concepts, kasi magugulat ka nalang talaga kung saan nila nakuha yung mga tanong.
Malaki din natulong ng Smart Edge kasi maganda pundasyon samin ni Sir Lomboy sa Antennas at
Sir Matias sa DataComms. Maganda din yung bigayan ni Sir Yu nung ESAT Refresher na formula
para sa lahat ng gains ng kahit anong antenna. Isang formula lang yun, pero syempre secret lang
yun. HAHA. Basta tiwala lang sa turo ng Smart Edge. As additional sources ng concepts, mag Exam
Primer kayo, Indiabix, pati NEETS. Praktisin nyo ng husto ung concepts. Yung solving, maaapply
nyo as concepts kasi dun minsan makukuha yung hinahanap.

You might also like