You are on page 1of 10

Papel pananaliksik

KABANATA I
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Introduksyon
Ang multimedia ay tumutukoy sa mga paraan kung saan ang impormasyon ay
ipinapamahagi sa pamamagitan ng iba’t ibang media. It ay aktwal na dalawang media,
tunog (audio) at larawan (video).
Ayon kaya Aton(2007), ang edukason ay ang parte ng pagaaral kung saan ang mga
magaaral ay tumatanggap ng impormasyon sa pamamgaitan ng iba’t ibang media.
Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng midyang
instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-katuto, halimbawa:
·0 Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral;
·1 Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at
napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto;
·2 Nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at
pagkatuto;
·3 Nag-aambag ito ng iba’t ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo
nila ng mga minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga
sa kanilang sarili at kapaligiran;
·4 Nagbibigay ito ng mga tunay at iba’t ibang kalagayan upang mapasigla ang
pansariling gawain ng mag-aaral;
·5 Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon
ang pagtuturo at pagkatuto;
·6 Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo;
·7 Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalitao pagtalakay ng
aralin sa loob ng silid-aralan.
Isa sa mga pagbabagong dala ng multimedia sa edukasyon ay ang napagaan nito ang
hirap ng pagpapadala ng mga impormasyon sa mga estudyante.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng multimedia sa pang-akademikong
kasanayan ng mga mag aaral sa Departamento ng Hayskul sa La Consolacion College
Tanauan sa taong panuruan 2014–2015. Kaugnay nito ninanais ng mga mananaliksik na
masagot ang mga sumusunod na suliranin;
1. Paano nakakatulong ang multimedia sa pang akademikong kasanayan ng mga
mag aaral?
2. Paano nakakaepekto ang multimedia sa iba’t-ibang asignatura sa mga mag-aaral
sa hayskul?
3. Anu-ano ang mga uri ng kagamitang multimedia ang may malaking epekto
sakasanayang pang-akademiko ng mgamag aaral?
4. Anu-anong pamanaayan ang isinasaalang –alang ng mga guro kapag gumagamit
sila ng modernong kagamitan sa pagtuturo?
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglalahad ng epekto ng multimedia sa pang-
akademikong kasanayan ng mga mag-aaral sa Departamento ng Hayskul sa La
Consolacion College Tanauan sa taong panuruan 2014-2015. Ang mga nakalap na entri,
kalakip ang iba’t-ibang impormasyon, napatunayan ang mabuti at masamang epekto ng
multimedia sa mga respondent. Binigyang diin din sa pag-aaral na ito ang pang-
akademikong kasanayan ng mga mag-aaral, ang kakayahang makaunawa ng naturang
paksa sa pamamagitan ng tradisyunal na pamamaraan o modernong pamamaraan
(paggamit ng multimedia sa pagtuturo). Subalit, hindi gaanong napagtuunan ng pansin ng
mga mananaliksik ang masamang epekto ng multimedia sa mga respondente.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga datos na makakalap sa isinasagawang pag-aaral na ito ay may malaikng
maitutulong sa mga sumusunod;
Administrasyon: Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong bilang batayan ng
mga administrador ng paaralan kung paano nakakatulong ang multimedia sa pang-
akademikong larangan ng mga mag-aaral.
Guro: Angresulta ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga guro kung anong uri
ng multimedia ang gagamitin upang mas mapadali ang paraan ng kanilang pagtuturo.
Mag–aaral: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maging epektibo ang
proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa tulong ng iba’t ibang uri ng multimedia.
Susunod pang Mananaliksik: Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa iba pang
mananaliksik sa hinaharap upang magkaroon sila ng mga mapagkukunan ng
impormasyon kaugnay sa kanilang gagawin na papel pananaliksik.
Kabanata II
Kaugnay na Literatura
Lokal na Literatura:
Sa panahong tinatawag na digital, nagigigng mahalaga ang kakayahan at talento ng bawat
indibidwal. Nagbabago na ang mga pamaraan sa pag-oorganisa ng mga bagay. Ang
teknolohiya ay nakapag-aambag na rin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng pagtuturo
at pagkatuto. Ang tekholohiya ngayon ay nagbibigay na ng malawak na oportunidad para
sa pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na ang access sa midya. Sa panahon na tinatawag
nating “knowledge explosion”, ang guro sa makabagong panahon ay maaaring hindi
kayang ibigay lahat ng kailangang hinahanap ng kanyang mga mag-aaral. Katulad ng
maraming bagong kasanayan at kaalaman na kailangan sa curriculum development at
pagtataya, mga bagong pedagohiya naman ang nalilikha habang ginagamit ng mga guro
at mag-aaral ang teknolohiya sa pananaliksik at pagkatuto. Ang suliranin ukol sa
umaapaw na impormasyon ay totoo kaya ang mga guro ay napipilitang mamili tungkol sa
paggamit ng teknolohiya na maaaring magagamit sa pananaliksik at paghahanap ng mga
inobatibong lapit at estratehiya sa pagtuturo.
Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon ng guro at
mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa berbal na komunikasyon ng
guro at mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitan
pampagtuturo o kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na ginagamit
ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay,
katotohanan, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging
konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto.
Sa paghahanda ng mga midyang instruksyonal ay kailangang alamin ang karakteristik at
pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang layunin, balangkasin ang nilalaman, iplano
ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na paghahanguan.
Sa pagsusulat, ihanay ng maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga
gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks.
Sinasabi ngang walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting guro,
ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting guro ay gumagamit ng mga
kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante.
Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng midyang
instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-katuto, halimbawa:
·8 Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral;
·9 Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla
at napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto;
·10 Nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at
pagkatuto;
·11 Nag-aambag ito ng iba’t ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo
nila ng mga minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga
sa kanilang sarili at kapaligiran;
·12 Nagbibigay ito ng mga tunay at iba’t ibang kalagayan upang mapasigla ang
pansariling gawain ng mag-aaral;
·13 Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon
ang pagtuturo at pagkatuto;
·14 Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong
pagtuturo;
·15 Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalitao pagtalakay ng
aralin sa loob ng silid-aralan.
Gayunpaman, may mga limitasyon din ang paggamit ng multimedia sa silid-aralan tulad
ng; kaamitang panteknolohiya (hard-ware at software), kakayahang panteknolohiya (para
sa mga mag-aaral at mga guro) at oras o panahon na kakailanganin sa pagpaplano,
pagdidisenyo, pag-linang at pagtatasa sa mga gawaing pang ultimedia.
Ang multimedia ay dinisenyo upang mapagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sa
pamamagitan ng multimedia, nagiging kapanapanabik, nakagaganyak at natutulungan
ang mga mag-aaral na matuto sa makabagong paraan.
Makikita sa gumagamit ng multimedia ang mga totoong mundo sa pamamagitan ng mga
tunog, , mga larawan at bidyo na maaaring hindi nararanasan ng mga mag-aaral sa
tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng guro. Tumataas din ang antas ng interaksyon ng
mga mag-aaral. Hindi na sila pasibo kundi mga mag-aaral nang aktibong nakikilahok sa
mga gawain.
Ang mga rekurso ng multimedia ay makatutulong sa mga gurong lumilikha ng mga
gawain o karanasan sa pagkatuto ng bawat indibidwal ng mag-aaral. Ang mga gawain at
karanasang ito ay magpapakilala sa pagpapahalaga ng mga kakayahan ng bawat mag-
aaral.
Sa mabilis na pagbabago ng sanhi ng mga makabagong teknolohiya, ang mga guro ay
magkakaroon ng kaalaman at kakayahang panteknolohiya upang makaagapay sa panahon
ng digital. Sa larangan ng edukasyon ngayon, may mga indibidwal na nagtataglay ng
kagalingan at kakayahan sa pagtuturo gamit ang impormasyon sa komunikasyong
panteknolohiya o yaong tinatawag nating Information and Communication Technology
(ICT).
Ayon pa nga kay Dr. Johari Bin Mat, Secretary-General ng Ministry of Education ng
Kuala Lumpur, Malaysia, sa isang kumperensya tungkol sa E-Learning noong Mayo,
2000:
“Technology has been and is becoming an important component of teaching and learning
in the educational system… Information and Communication Technology (ICT) provides
powerful tools for accessing, storing and disseminating information… Our approaches to
teaching, preparing contents and delivering learning materials needs to be adjusted
according to the existence of this technology. The classroom is no more static physical
set-up, but rather a dynamic existence…. Teachers should be able to integrate technology
in their process of teaching and learning… Technology supports learning. It will enable
teachers to pursue traditional goals with new fervor and success. This impact of
technology will give a new dimension to the quality of the education system….
Technology supports the learners to bring about significant change in learning.”
Sa kasalukuyan, maaring nasa paligid lamang natin ang mga kagamitang panteknolohiya.
Pero handa na ba tayo dito? May sapat bang pondo sa tinatawag nating technology-
oriented na pagtuturo? Mananatili pa rin ba tayo sa tradisyunal nating paraan sa pagtuturo
o buksan ang isipan at gawin ang ating makakayang makipagsabayan sa nagbabagong
panahon?
Sa tradisyunal na pamaraan, ang tungkulin ng guro ay magturo lamang sa nilalaman at
impormasyon sa mga mag-aaral. Nagagawa ito sa tulong ng iba’t ibang anyo ng
kagamitang pampagturo o midyang intraksyonal. Sa pamamagitan ng teknolohiya, lalung
lalo na ang multimedia, ang mga nilalaman at mga impormasyong ito, ay maihahatid sa
mga mag-aaral sa pamamagitan ng anyong elektroni-ko at mailalahad sa tulong ng
kompyuter. Dahil sa mga anyong elektroniko ay maihahatid sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng anyong elektroniko at mailalahad sa tulong ng kompyuter. Dahil sa mga
pagbabagong ito, nababago rin ng multimedia ang paraan ng pakikipagkomunikasyon
natin sa isa’t isa – ang paraan ng pagpadala at pagtanggap natin ng mensahe sa isang
epektibo at komprehensibong paraan. Ang pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng midya
ay nagdudulot ng mas mahusay na pagkatuto at kapaligirang pagtuturo.
Ang kapangyarihan ng multimedia ay multi-sensor na kung saan magagamit talaga ang
mga pandama o sensor ng mga mag-aaral na magdudulot ng mas mataas na antas ng
atensyon at retensyon. Sa madaling salita, naibibigay ng multimedia sa isang indibidwal o
maliit na pangkat ang impormasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na mga element ng
midya.
Ang halaga ng paggamit ng teknolohiya sa silid-aralin ay konsern ng halos lahat ng mga
guro ngayon. Maaaring hindi pa kasi uso ang kompyuter noon kaya maaaring mas
maalam pa ang estudyante natin ngayon kaysa mga guro. Isang hamon para sa mga guro
ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo pero maaring wala silang
panahon at sapat na pondo para sa mga bagay na ito. Sagana sa impormasyon at hitik sa
pagbabago ang hated ng teknolohiya. Huwag lamang tayong padala sa teknolohiyang
hatid ng kompyuter. Gamitin natin ang kompyuter bilang pantulong sa pagpapaganda at
pagpapagaan ng ating gawain, subalit huwag tayong paalipin dito. Tao lamang ang
gumawa ng kompyuter. Kaya, upang mapagtagumpayan ang mga sagabal kaugnay sa
teknolohiya, bakit hindi magtulungan ang mga guro at mga mag-aaral sa pagkatuto ng
mga bagay na ito?
Banyagang Literatura:
Mabuting dulot ng multimedia sa pang-edukasyong larangan (galing sa mga
pananaw ng mga mangangaral)
·16 Nakakapagbigay ng opportunidad sa paghahayag ng mga dating kaalaman ng mga
mag-aaral.
·17 “Hinahayaan ang mga mag-aaral upang maging malikhain, sa paggamit ng mga
kagamitang multimedia para sa pag-aanalisa ng mundo, interpretasyon ng mga
impormasyon, pagsasaayos ng kanilang personal na kaalaman at pagrerepresenta
ng ano ang alam nila sa iba.”
·18 Ang mga aplikasyong sa multimedia ay inuugnay sa mga mag-aaral at nagbibigay
ng mahalagang opportunidad.
·19 Pinapalakas ang mga mag-aaral upang gumawa at makalikha kaysa “tumanggap
ng mga representasyong nalikha mula sa iba.”
·20 Humihikayat ng malalim na replectib na pag-iisip.
·21 Lumilikha ng personal na makahulugang opportunidad.
Mabuting dulot ng multimedia sa pang-edukasyong larangan (galing sa mga
pananaw ng mga mag-aaral)
·22 Nagbibigay sa mga mag-aaral ng opportunidad uapang makagawa ng mga
dokyumento ng kanilang ihinandang kaunting edukasyonal na
·23 Ang mga mag-aaral na nakakaranas ng teknikal na hakbang ay nangangailangang
makagawa ng epektibong multimediang dokyumento upang mas magaling na
taga-gamit ng multimediang dokyumentong ginawa ng iba.
·24 Sinasabi ng mga mag-aaral na ang materyal kasama ang nasa kanilang
presentasyon ay mas malalim kaysa sa tradisyonal na pagsusulat.
·25 Gumagawa ang mga mag-aaral ng parehas na impormasyon para sa apat na
pananaw: 1. bilang mananaliksik, kailangan nilang mahanap agt makuha ang mga
impormasyong kailangan upang maintindihan ang napiling paksa; 2. bilang awtor,
kailangan nilang ikonsidera angang mga manunuod at magdesisyon kung ilang
impormasyon ang kailangang ibigay sa kanilang mambabasa upang maintindihan
ang paksa; 3. bilang tagalikha, kailangan nilang pumili ng tama media upang
maibigay ang konseptong napili; at 4. bilang manunulat, kailangan nilang
mahanap ang paraang nababagay sa impormasyon kasama ang paraan ng
pagdudugtong ng impormasyon para maintindihan ng iba (Smith, 1993). Lahat ng
ito ay nakakadagdag ng kaalaman ng mag-aaral upang mapaliwanag at
madagdagan ang kaalaman na madalas naiuugnay sa IT-assisted PBL.
Ang multimedia ay masasabing katulad din ng mga tradisyonal na mga libro sa aspeto ng
pagbibigay ng mga impormasyon. Subalit, ang kakayahan nito na magmanipula ng mga
teksto sa pamamagitan ng isang elektronikong kagamitan ay nagbibigay ng potensyal sa
mga estudyante na gumamit ng mga midya, sa gayon nagagamit ang mas nakakawiling
metodo kumpara sa tradisyonal na paraan ng pagsusulat ng leksyon. Ang multimedia ay
may kakayahang magbigay ng kasiyahan sa mga gumagamit nito kumpara sa mga
nakasanayang libro. Ang pagkatuto at pagtuturo ay nakabatay sa masaya at kalugurang
impormasyon na natututunan ng isang bata sa halip na takot at pagkainip (Freeman,
1996).
Ayon kay Shavinina at Loarer (1999), ang presentasyon na ipepresenta ng guro ay
binubuo ng mga sumusunod:
5. Teksto (binubuo ng tala, pamagat, pangalawang pamagat at iba pang dagisunan
tulad ng talaan ng nilalaman, indikasyon, diksyonaryo)
6. Datos (binubuo ng mga talahanayan, tsarts, banghay talaan, spreadsheets,
statistika)
7. Tunog (binubuo ng pagsasalita, musika)
8. Grapiko (mga tradisyonal na midya tulad ng mga guhit, tatak, mapa at mga
naiprosesong mga imahe na nagawa sa kompyuter
Ang mga ebidensyang nakapaloob sa teknolohiya ay ang rebolusyonaryong paraan ng
mga tao sa pagpapakahulugan nito sa lipunan (Anderson & Lee, 1995, Means, 1994).
Ang kompyuter ay kilala sa mga pantrabahong lugar, at ang paggamit nito sa bawat
tahanan ay lalong lumalaki. Ang argumento para sa tumataas na teknolohiya ng
kompyuter sa mga paaralan ay ang kahalagahan nito sa paghahanda ng mga estudyante
para sa digital na hinaharap (Reinking,1997). Kapag ang guro ay tumanggap ng “ Sa
pagpeprepara ng ating mga estudyante para sa mga pagsubok ng kanilang bukas, ang
internet at ang mga darating pang teknolohiya ay siyang magiging sentro ng ating
misyon” (Leu, 1997, p.63), nangangailangan nitong maibigay ang mag kagamitan para
mangyari ang mga iyon.
Maraming estado at pambansang inisyatibong edukasyunal ang sumusuporta sa
teknolohiyang nagreporma ng panahon sa mga paaralan. Napaglimi ng mga guro na ang
komunikasyong elektrikal ay nagiging maliit ang pagkakataong hindi iprayoridad at mas
nagiging kailangan para sa tagumpay ng mga estudyante sa ika-21 siglo. Hindi
nakapagtatakang ang mga opisyal ng gobyerno sa nasyonal na lebel ay nananawagan na
bawat estudyante ng estados unidos ay may kaugnayan sa internet.
Maraming guro ang natutunang tanggapin ang walang limitasyong posibilidad na inaalok
ng malikhaing software at websites upang mapagyaman ang tradisyunal na pamamaraan
ng pagtuturo. Sa katunayan, mas madali ang pagakakaroon ng koneksyon sa internet
kaysa sa mga nakatalang teksto para sa mga makabagong ideya. Ngayon ang teksto ay
mananatiling pamantayan sa silid- aralan na mayroong kompyuter kung saan maaaari
siyang mapagkunan ng kaalaman. Sa patuloy na paglakas ng pwersa na parang buhawi ng
teknolohiya, ang papel nito ay nabaliktad.
Sa kabila ng makabagong reporma, gayunman hindi nabago ng kompyuter ang mga
paaralan sa sukdulan gaya ng hinuha ng mga tao (Bork,1987). Sa kabuuang pananaliksik
ng literatura na sumusuporta base sa teknolohiyang panuntunan kaysa ibang uri ng
instruksyon, samantalang ang lumalagong bilang ng mga pag-aaral na sumusuporta sa
gamitng kompyuter upang magturo ng literatura. (Atkinson & Hanser, 1996;Labbo,
1996;Labbo, Reinking & Mckenna, 1995;Leu & Reinking, 1996;Reinking, 1996).
Isinuhestiyon naman nina Morinson, Lowther at DeMeulle (1999) na ang oras o panahon
ay hinog na para sa panahon ng mga kompyuter sa paaralan. Ang mga awtor na ito ay
nagbase ng kanilang pahayag sa mga bagong kaalamang natutunan ng mga nakaraang
ilang taon ng pananaliksik tungkol sa paano gamitin ang mga kompyuter sa paaralan. Sa
maraming pagkakataon, imbes na gamitin bilang tagapaghatid na mekanismo, ginagamit
ngayon ang kompyuter bilang taga- resolba ng mga saguting problema. Sa pagpapaunlad
ng sinaunang pagtuturo, ang mga bagong kaalaman ay tumutulong na maipakilala pa ang
literatura at ang pagsasabuhay nito mula sa edukasyonal na panuntunan mula sa pag-
uugali hanggang sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo.
Sa ating pagmamasid sa kapaligiran, maraming pagbabago ang ating mapapansin.
Nariyan ang paglago ng teknolohiya na nagiging sanhi ng pagiging modernisado ng ating
mundo. Ang mga pagbabagong ito ay hindi lamang nakakaapekto sa pang araw- araw
nating pamumuhay ngunit maging sa paraan ng ating pagkatuto at pagkakaroon ng
kaalaman. Noong una, ang paraan ng pagtuturo ng mga guro ay napakapayak lamang
dahil ang mga kagamitang ginagamit dito ay napakapopular sa lahat. Gumagamit kamag-
aral ang isang kwento habang ipinaririnig sa buong klase. Sa panahon ngayon, nakakainip
kapag ganito ang isinasagawang paraan ng guro sa pagtuturo.
Ayon sa internet, ang multimedia ay isang kumbinasyon ng mga kompyuter at bidyo
teknolohiya, at binubuo ng dalawang media; tunog at larawan. Ito rin ay may dalawang
aspeto, ang lahat ng mga modernong teknolohiya na gawa sa hardware at software, o
isang halo ng mga makina o ideya. Ang multimedia ay hindi lamang isang bagay, ngunit
may kasamang isang komplikadong kumbinasyon ng maraming mga bagay; hardware,
software, at ng mga interface kung saan sila matugunan. Ang paggamit ng multimedia
para sa mga layuning pagtuturo, bukod pa sa sariling pagkatuto ay maaaring maging
dahilan upang tumaas ang interes ng mga mag-aaral sa pakikinig at pag-aaral.
Ang multimedia ay isang kasangkapang ginagamit sa pagtuturo na makakatulong sa mga
estudyante na matuto ng mas mahusay kapag nagamit ng tama at maayos dahil ang mga
sensory input na patuloy na isinasama sa mga bagong impormasyon ay may positibong
epekto sa kaalamanan ng isang estudyante. (Stansbury, 2004)
KABANATA III
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo at pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik. Nakapaloob dito kung anong mga instrumento ang ginamit sa pangangalap
ng datos, pagalarawan sa mga tagatugon o respondents at istatistikal na pag aanalisa ng
datos tungkol sa epekto ng multimedia sa pang-akademikong kasanayan ng mga mag-
aaral sa Departamento ng Hayskul sa La Consolacion College Tanauan sa taong panuruan
2014-2015.
Uri ng Pananaliksik
Ang pag aaral naito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib. Ito ay
disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na
kaugnay ng paksa ng isang pamanahong papel. Dito, ang mga mananaliksik ay gumamit
ng sarvey-kwestyuner para sa mas mabilis na pangangalap ng mga datos.
Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang positibo at negatibong epekto ng
paggamit ng multimedia sa pag-aaral, personalidad, pagdedesisyon at interaksyon sa
pamilya, kapwa mag-aaral at mga tao sa paligid ng respondent. Ang disenyong ito ay
ginagamit ng mga mananaliksik dahil naniniwala sila naangkop ito para sa paksang
pinag-aaralan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa mga
respondente.
Kagamitan sa Pananaliksik
9. Questionnaire
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kweatyuner o talatanungan upang makalap ang
mga sagot na kailangan mula sa mga respondent sa madaling panahon. Ang mga
kwestyuner ay hinati-hati sa ilang bahagi: ang una at ialawang bahagi ay kinapapalooban
ng mga prsonal na imormasyon ng mgatagatugon katulad ng pangalan,antas at seksyon,
kasarian at edadAng kwestyuner ay dumaan muna sa pagbavalideyt at iniwasto muna sa
pagsususri ng tagapayo kung saan tinama angmga aytem na may pagkakamali.
10. Reference Material
Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na mangalap
ng impormasyon sa iba’t-ibang hanguan sa aklatan katulad ng mga nakaraang
mananaliksik, libro at iba pang referensyal upang sa ganoon ay masuportahan at
madagdagan ang mga nakalap na datos para sa napiling paksa at sa paglalahad ng ibat’t-
ibang kaisipan sa Kabnata II. Bukod dito, ay naghanap din ang mga mananaliksik nd
ilang impormasyon mula sa internetpara makakuha ng iba pang mahahalagang
karagdagang impormasyon ukol sa magagandang naidudulot ng multimedia sa mag-aaral.
Instrumentasyon
11. Sarbey
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ito ay ang
pangunahing instrumento na ginanamit ng mga mananaliksik na naglalaman ng mga
close-ended na katanungan. Ang sarvey na ito ay isang anyo ng pagtugon sa papel at apis
sa isang intensiv one-on-one at malalim na interbyu. Ang mga mananaliksik ay naghanda
ng sarbey-kwestyuner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang
kamalayan, pananaw at kaalaman ng mga respondent hinggil sa paggamit ng multimedia.
Para sa mas mabilis na pagsasagawa nito, napagpasyahan ng mga mananaliksik na
maghiwa-hiwalay at bago ipamahagi ang sarbey-kwestyuner ay humingi muna ang mga
ito ng pahintulot sa bawat respondente. Matapos ito, personal na pinamahalaan ng mga
mananaliksik ang pagbibigay ng talatanungan sa mga napiling kalahok at ibinigay ang
tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Ang pananaw ng mga
mag-aaral sa mga benepisyong naibibigay ng paggamit ng multimedia ay napalitaw sa
pamamagitan ng sarbey.
Popuasyon /Desenyo ng Sampling
Ang mga napiling respondent ay nagmula sa departamento ng hayskul sa La Consolacion
College Tanauan na binubuo ng 84 na mag-aaral na nagmula sa iba’t-ibang antas.
Random sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ngmga respondente.
Nangangahulugang ito na pumili lamang ang mga mananaliksik ng grupo ng mga mag-
aaral mula sa malaking populasyon ng Departamento ng Hayskul.
Sa kabuuang populasyon ng Grade 7, pumili lamang ang mga mananaliksik ng 20
respondante mula sa tatlong seksyon. Ang napili namang tagatugon sa Grade 8 ay may
bilang na 20 mula sa una at pangalawang seksyon. Samantala ang mga kalahok na
nagmula sa Grade 9 ay binubuo ng 24na mag-aaral na nabibilang din sa first ang second
seksyon. Gayundin sa mga respondante ng Ikaapat na taon na binubuo naman ng 20 na
mag-aaral kapareho ng bilang ng mga napili sa Grade 7 at 8.
Lokasyon
Ang La Consolacion College Tanauan, kung saan isiginawa ang pag-aaral ay isang sa 23
nangungunang institusyon sa Pilipinas na pamamay-ari at pinamamahalaan ng
Augustinian Sisters ng Our Lady of Consolation. Mula 1948, ang kolehiyo ay tapat sa
tungkuling ibigay ang mga impormasyong pang-Katoliko at paghubog sa paniniwala ng
mga estudyante na nakabase sa mga mag-aaral ni San Agustin.
Ang LCCT sa kanyang pagtugis upang maging Premiere Augustinian Catholic
Educational Institution sa rehiyon ay determinado na bumuo ng isang mas malakas at
matinay na kultura ng kahusayan sa pag-aaral sa pamamagitan ng kalidad ng pagtuturo,
pananaliksik at serbisyo sa komunidad.
Sa nakalipas na 60 taon, ang La Consolacion College Tanauan ay walang humpay na
nagtrabaho patungo sa higit pang malawak at hindi hihinto upang magbigay ng maayos
na serbisyo sa tao hanggang ang mas mahusay ay magibg pinakamahusay na, at lahat ay
higit pa sa ating mga sarili.
Marami-rami na ang napagtagumpayan ng paaralang ito. Isa na nga rito ay ang pagiging
PAASCU-Accredited na nasa pangalawang lebel na sa kasalukuyang pnahon.

You might also like