You are on page 1of 1

Ang Alamat Ng Tabios

Kaytagal nang hinihintay ni Haring Lawis at ni Reyna Gila ang pagkakaroon ng anak.
Matagal na silang kasal ngunit hindi sila magkaroon ng supling.
Napakarami ng mga manggaga-mot ang tumingin sa mag-asawa ngunit bigo ang mga
ito na mabig-yang solusyon ang kanilang problema.
Bagamat malungkot ay natutuhan na ring tanggapin ng hari at reyna ang kanilang
kapalaran. Ibinuhos na lang nila ang atensyon sa pagtulong sa mga nasasakupan.
Isang umaga ay nagulat na lang ang hari nang ayaw tumigil sa kasu-suka ang asawa.
Agad niya itong ipinasuri sa mga manggagamot ng palasyo. Nasorpresa sila nang ma-
lamang nagdadalantao ang babae.
Halos ayaw pagalawin ni Haring Lawis ang asawa. Ang sabi kasi ng mga manggagamot
ay maselan ang pagbubuntis nito. Isa sa naging malaking problema ng hari ay walang
ganang kumain ang reyna. Kapag nagpatuloy ito sa hindi pagkain ay malamang na
manghina ang kata-wan at manghina rin ang sanggol sa sinapupunan.
Nang malaman ng mga nasasakupan ang kalagayan ng reyna ay nagdala ang mga ito
ng iba't ibang uri ng pagkain sa palasyo. Halos lahat naman ay tinitingnan lang ng reyna
at ni hindi gagalawin.
Minsan ay may isang matandang dumating sa palasyo. May dala itong isang kulay
berdeng prutas na pa-bilog ang hugis. Noon lang nakakita ng gayong prutas ang reyna
kaya naingganyo siyang tingnan iyon.
Lalong napukaw ang interes ng reyna nang buksan iyon at makita ang tila puting mga
patak ng luha na itsura ng prutas.
Nang tikman niya ang prutas ay nasiyahan siya kaya sinabing dalhan pa siya ng prutas
ng matanda. Nang itanong ni Reyna Gila kung ano ang prutas na iyon ay sinabi ng
matanda na suha ang pangalan niyon.
Hindi naman lubos na kinakain ng reyna ang prutas. Sinisipsip lamang niya ang katas at
pagkatapos ay itatapon ang sapal sa lawang katapat ng bintana ng silid niya sa
palasyo.
Nang manganak ang reyna ay nalimutan na niya ang prutas na pinaglihian sa anak.
Naaliw silang mag-asawa sa sanggol na kaytagal nilang hinintay.
Isang umaga ay naisipang paarawan ng reyna ang sanggol sa may tabi ng lawa.
Naagaw ang kanyang pansin ng maliliit na mga bagay na tila naglalanguyan sa tubig.
Nagulat pa siya nang makita ang maliliit na mga isdang halos kasinlaki ng mga sapal ng
suha na itinapon niya roon.
Ang mga isda ay tinawag na tabios ng reyna.

You might also like