You are on page 1of 3

KATITIKAN NG PULONG

Ang katitikan ng pulong ay isa sa mga bahaging isinasagawa ng kalihim sa mga


pangyayaring nagaganap sa isang pulong. Ibinabatay ang katitikan sa adyendang unang
inihanda ng Tagapangulo ng lupon. Matapos mapag-usapan ang adyenda, maaaring
magpasok ng iba pang bagay na matatalakay sa susunod na pagpupulong. Ang katitikan
ng pulong ay kailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, at pook na pagdarausan ng
pulong. Kailangan ding itala ang mga taong dumalo at di–dumalo sa pulong. Isusunod
ang oras ng pagsisimula nito at ang mga bagay na tinalakay sa pulong. Sa huling bahagi,
itinatala ang oras ng pagtatapos o pagsasara ng pulong.

HALIMBAWA:
KATITIKAN NG WORKSHOP SA PANUKALANG IRR NG BATAS REPUBLIKA 8439 NA GINANAP SA AUDIO-
VISUAL ROOM NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN NOONG MARTES, 13 HULYO 2004, 8:30
NU–2:00 NT.
Dumalo:
Inh. Eva Acera Gng. Myrna Oclarino
Bb. Carminda Arevalo G. Francisco San Pedro
Bb. Paulita Avestruz Bb. Ma. Edna Santiago
Ark. Veronica Dado
Gng. Marilou Dancel
Dr. Augusto De Viana
Bb. Julieta Dizon
Ark. Reynaldo Inovera
Gng. Emma Mula
• Kasalukuyang nirerebisa ng DOST ang mga Tuntunin at Kautusan na nagpapatupad ng Batas Republika
Blg. 8439 o ang Magna Carta para sa mga siyentista, mga inhenyero, mga mananaliksik at iba pang kawani
sa agham at teknolohiya sa pamahalaan. Hinggil dito, ang kalahating araw na workshop ay pinasimulan ni
Ark. Reynaldo Inovero, Puno ng HPD, sa tulong ng Dibisyong Pampangasiwaan upang bumuo ng mga
mungkahi at rekomendasyon.
• Ayon kay Bb. Dizon, may naunang rekomendasyon na noong Nobyembre 2001, sa panunungkulan ni Dr.
Pablo S. Trillana III. May mga kawaning dapat mabigyan ng ganitong benepisyo at insentibo ayon sa Batas
Republika. Ang ilan dito ay sina Marilou Dancel, isang kimiko, at Eva Acera at Candido Castro, pawang
inhenyero sibil.
• Idinagdag niyang ang pondo para sa pagkakaloob ng nasabing benepisyo ay kukunin sa nakalaang
badyet subalit depende kung may makukuha sa naimpok. Ang badyet sa taong ito ay tulad ng nakaraang
mga taon, kaya makatatagpo tayo ng magkatulad na suliraning pinansiyal.
• Binasa ni Bb. Dizon ang naunang mga rekomendasyon, nakalakip ang sipi nito.
• Noong 2002, ang komite sa hazard na binuo para pamunuan ang pag-inspeksiyon sa kinauukulang mga
ahensiya/mga tanggapan upang tiyakin ang karapat-dapat na makatanggap ng hazard pay ay bumisita sa
laboratoryo ng NHI. Batay sa kanilang mga natuklasan at mga ebalwasyon, binigyan ng sertipikasyon ang
mga karapat-dapat na mga tauhan upang makatanggap ng 30% hazard allowance.
• Tuwirang sinabi ni Bb. Dizon na ang pagpopondo sa mga benepisyo ay manggagaling sa mga impok ng
ahensiya. Para sa kasalukuyang taon ay may nakalaang 25% mandatory savings para sa ganitong layunin.
Katitikan ng Pulong 147
• Iminungkahi ni Arkitekto Inovero na ibahagi sa lahat ang benepisyo upang ang lahat ay makinabang
dito. Magkakaroon ng kasunduan hinggil sa porsiyento na ibabahagi sa ibang mga kawani. • Ipinabatid ni
Gng. Dancel na may panukalang ginawa upang isama ang mga tauhan ng MCC na nagtatrabaho sa
laboratoryo na nasa ilalim ng DOST sa kategoryang tekniko. Subalit natuklasan na kulang sila sa itinakdang
edukasyon.
• Sa pagsusuri sa mga probisyon ng Batas Republika 8439, binigyang diin ni Bb. Dizon ang mga sumusunod:
1. Ang kahulugan ng “Siyentipiko at Teknolohikong mga Gawain” (Scientiic and Technological
Activities o STA) na tumutukoy sa lahat ng mga sistematikong gawaing may kinalaman sa paglikha,
pag-unlad, pagpapalaganap at paggamit ng siyentipiko at teknikal na kaalaman sa lahat ng
larangan ng natural na agham at teknolohiya.
2. Mga uri ng STA:
a. a. Ang Pananaliksik at Pagpapaunlad Eksperimental (Research and Experimental
Development o R & D) o alin mang sistematiko at malikhaing gawain sa mga larangan ng
pisikal, natural, matematikal, at applied na agham sa pamamagitan ng paggamit ng mga
pamamaraang makapagpaparami ng mga kaalaman, at ang paggamit ng kaalamang ito sa
gayong mga larangan upang makalikha ng mga bagong aplikasyon;
b. Ang Siyentipiko at Teknolohikong Serbisyo (STS) na tumutukoy sa mga gawaing
pansuporta sa mga pang-agham na pananaliksik at pagpapaunlad, diseminasyon at
aplikasyon ng mga pang-agham at panteknolohiyang kaalaman (i.e. mga serbisyo ng
aklatan, impormasyon, at museo, mga sarbey na heolohiko at idrolohiko, mga
obserbasyong meteorolohiko at seismolohiko; pagtitipon ng routine statistics, testing,
estandardisasyon, at kontrol sa kalidad; pagpapayo sa mga kliyente, pagkuha ng patent at
lisensiya, mga serbisyong pang-inhenyeriya at panteknolohiya.

• Nabanggit ni Arkitekto Inovero na may natala na sila hinggil sa saklaw ng Pagpapahayag ng Patakaran
ng DOST. Ang halimbawa ay ang kay Ark. Arnulfo Dado na isang propesyonal na arkitekto subalit siya ay
gumaganap sa mga tungkuling may kinalaman sa agham sa laboratoryo ng MCC. Napagkasunduan na ang
mga hustipikasyon at rekomendasyon ay dapat isagawa upang ang ibang mga kawani ay maging
karapatdapat.
• Tungkol sa Sek. 4.2, binigyang diin ni Bb. Dizon na ang mga tauhan ng MCC gaya nina Gng. Dancel at
Inhenyero Acero at gayundin ni Inhenyero Castro ay nasuring karapatdapat. Ang tungkulin at mandato ng
kanilang uri ng trabaho ay may kinalaman sa Siyentipiko at Tekonolohikong Serbisyo 148 Agham at
Teknolohiya.
• Hiniling ni Bb. Dizon ang mga puna ng mga puno ng dibisyon na naroroon hinggil sa probisyon. Ang mga
sumusunod ang nagawang mga puna:
• Ang puno ng RPD na si Dr. De Viana ay umaamin na ang kaniyang mga tauhan ay di karapat-dapat sa
Sek. 2.3.2 (STS) sapagkat sila, kabilang ang laybraryan, ay hindi gumaganap sa mga gawaing siyentipiko
gaya ng sinasaad ng Magna Carta.
• Si Ark. Veronica Dado ng MHD ay nagpapalagay namang ang mga tauhan ng museo ay hindi karapat-
dapat dahil sa uri ng kanilang trabaho.
• Si Arkitekto Inovero, sa kahilingan ni Bb. Dizon, ay sumang-ayon na ang mga hustipikasyon at
rekomendasyon ay dapat ihanda ng mga tauhan na nagsisigawa sa siyentipikong HPD na gumaganap sa
mga tungkuling may kinalaman sa agham.
• Nilinaw na ang mga allowance ay dapat maibigay kung may naimpok para dito. Ang gugulin para sa
subsistence allowance ay tinatamasa na ng mga kawani sa pamamagitan ng mga per diem sa panahon ng
kanilang paglalakbay.

Itinala:

(Lgd.)
JULIETA M. DIZON
Pinunong Pampangasiwaan I

You might also like