You are on page 1of 3

DETAILED LESSON PLAN

IN
Mother Tongue-Based Multilingual Education

LAYUNIN
 Nakikilahok nang masigla sa talakayan ng grupo o klase.
 Nakapagbibigay ng saloobin gamit ang payak na pangungusap.
 Nakagagamit ng mga salitang angkop sa sariling kultura sa pagpapahayag ng sariling
saloobin.

CODE:MT2OL-Ie-f-3.2

PAKSA
 Saloobin gamit ang payak na pangungusap
 Paggamit ng mga salitang Angkop sa sariling Kultura

KAGAMITAN
Kwento,kartolina,poster, at pentel pen

SANGGUNIAN:
K TO 12 Curriculum Guide in Mother Tongue K-12 CG p89
K TO 12 Teacher’s Guide in Mother Tongue 43-44

Paghahawan ng balakid

(Sapamamagitan ng pahiwatig ng pangungusap)


Poster-magpakita ng mga halimbawa nito sa klase.
Lider-namumuno sa isang pangkat.

PAGGANYAK
 nakalahok na ba kayo sa mga pangkatang Gawain sa paaralan?
Paano hinati-hati ng inyong lider ang Gawain ng bawat isa sa inyo?
 Nagawa n’yo ban g maayos ang proyektong itinakda ng inyong guro.

PAGGANYAK NA TANONG

 Ano kaya ang paksa ng kwento?


 Bakit kaya dapat ipagbaha-bahagi ang mga Gawain sa bawat
miyembro ng isang pangkat?

GAWAIN HABANG NAGBABASA

Makinig sa babasahing kwento.

“Pangkat ni Inoc”

GAWAIN PAGKATAPOS BUMASA


Pagsagot sa pagganyak na tanong

 Ano kaya ang paksa ng kwento?


 Bakit kaya dapat ipagbaha-bahagi ang mga Gawain sa bawat
miyembro ng isang pangkat?

Ugnayang Gawain

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo


Narito ang gagawin ng bawat pangkat

PANGKAT 1: Itala ang mahahalagang impormasyon mula sa kwento. Itala ito


sa kartolina. Humanda sa pag-uulat nito sa klase.

PANGKAT 2: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng sama-sama at tulung-


tulong sa paggawa ng poster ng pangkat nina Inoc. Kulayan ito. Iulat sa klase
ang ginawang pagbabahagi ni Inoc ng Gawain sa bawat miyembro ng
kanyang pangkat.

PANGKAT 3: Bumuo ng isang maikling talata sa nagpapatunay na ang


paggawa ng sama-sama at tulung-tulong ay mahalaga at mabuti.
Ipaliwanag ng mabuti ang kasagutan.

PAGLINANG SA KASANAYAN
1. Ano ang pamagat ng ating binasang kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Sino ang naging pinuno ng pangkat 4?
4. Ano ang layunin ng pangkatang Gawain na ibinigay ng guro?
5. Paano pinamumunuan ni Inoc ang kangyang pangkat?
6. Paano niya ibinabahagi sa bawat isa ang kanilang mga Gawain?
Pakinggan ang ulat ng pangkat 1.

A. Paano pinamumunuan ni Inoc ang kanyang pangkat?


B. Tama ba o wasto ang kanyang pamumuno? Bakit?
Pakinggan ang ulat ng Pangkat 2.

A. Ano ang inyong saloobin kaugnay sa paghahati-hati ng Gawain para sa


bawat miyembro ng isang pangkat?
B. Tama bang ibahagi ito sa bawat isa ayon sa kani-kaniyang kakayahan?
Bakit?
C. Mahalaga bang ibahagi sa bawat miyembro ang mga Gawain sa isang
pangkatang Gawain? Bakit?
Pakinggan ang ulat ng pangkat 3.
PAGLALAHAT
1. Paano mauunawaan ang nilalaman ng isang kuwento?
2. Paano natutukoy ang saloobin sa kuwentong binasa?
3. Paano makapaghihinuha ng maaaring mangyari sa kuwento?

INIHANDA NI:

AILEEN U. PAWANGAN
Grade 2 Adviser

You might also like