You are on page 1of 2

*background music*

GMA- Cbn 5

Anchor: Hatid nami’y isang mabilis na balita.

: Mag- aaral ng Langkaan 2 National Highschool nagkilos protesta. Narito si (name ni reporter) ibalita
mo.

REPORTER: Magandang umaga! (name ni anchor)


: Narito nga tayo ngayon sa isa sa paaralan ng Lungsod ng Dasmarinas kung saan makikita mo
ang ilang mga mag-aaral ng Langkaan 2 National Highschool na nagpoprotesta. Kani kanina lang ay
nakausap natin ang dalawa sa sa mga mag-aaral ng paaralan kung bakit sila nagpoprotesta. At ito ang
kanilang naging pahayag….

R: Magandang hapon sa inyo!!

STUDENTS: Magandang hapon rin po!!

R: Maaari ba naming malaman kung ano ngaba ang dahilan ng inyong pagkikilos protesta?

S1: Simpleng sagot lang ang maibibigay ko sa inyo. Gusto namin ng pagbabago, pagbabago kung saan
lahat tayong mamamayan ng ating bansa ay kikilos upang mas mahubog pa natin ang ating persona
dahil ang bawat isa sa atin ay natatangi. Hindi lang dapat tayong maging tao dapat ay gawin natin ang
ating makakaya upang magpakatao na kung saan ‘di lang sarili ang napapaunlad natin kundi pati ang
ating bayan.

S2: Hindi lang tayo basta tao na tinutukoy ang ating pagkasino, na may konsensiya at kilos loob, dahil
tayo ay nagpapapakatao na kung saaan ay natatangi ang bawat isa sa atin sapagkat iba’t iba tayong pag-
iisip at pag- unawa. Mayroon tayong kanya kanyang talento at kakayahan na nakapaloob na sa atin mula
ng tayo’y isilang, ang pagpapakatao ay ang personang hinuhubog natin bilang isang indibidwal. Huwg
tayong maging tao lang patunayan natin ang ating sarili sa pagpapakatao natin.

R: Ayun nga (name ni anchor) ang naging pahayg ng mga mag- aaral sa paaralan. Nakausap din natin ang
head ng kanilang paaralan kung may nalalaman ba sila sa pagkilos protesta ng mga mag-aaral ngunit
tumanggi silang magbigay ng pahayag. Balik sayo (name ni anchor)

Anchor: Maraming Salamat (name ni reporter). Narito si (reporter name) upang magbigay ng kaunting
kaalaman. (tawagin ang kanyang name) (mala kuya kim)

R2: Magandang umaga sa inyo! Narito ako upang bigyan kayo ng maliit na kaalaman sa pahayag na
“madaling maging tao mahirap magpakatao”. Simple lamang po ang ibig sabihin nito. Simula ng tayo’y
isilang ay tao na tayo na may intelekwal na kaisipan, kilos- loob, konsensiya, dignidad at Kalayaan.
Tayong mga tao ay may prinsipyo at layunin sa buhay na tayo mismo ang nadedesisyon. Samantala, ang
pagpapakatao naman ay tumutukoy sa paghulma natin sa ating sa sarili alang alang sa ikagaganda at
ikabubuti ng nasa paligid natin. Lagi nating pinipili ang tama at inuunawa ang mga bagay bagay upang
higit natin itong maindintihan ng makagawa tayo ng maayos na pagpapasya.. Basta lagi nating tandaan
na nilikha tayo ng Diyos bilang tao ngunit nasa sa atin kung ano ba ang pipiliin natin ang maging tao o
magpakatao.

Anchor: maraming Salamat! (name). Maraming Salamat sa inyong pakikinig at ito muli ang GMA-Cbn 5
nakatutok. (background music)

You might also like