You are on page 1of 1

BULACAN PRIVATE SCHOOLS ASSOCIATION OFFICIAL

CONTEST PIECE FOR TULA 2019


ELEMENTARY LEVEL 2

GURONG BAYANI
NI G.Ariel Reyes Inocencio

I
Katulad ni ina, ang guro kong giliw
Mat’yaga’t mabait laing masayahin
T’wina ang salubong ngiting may paggiliw
Sa isang tulad kong anak kung ituring

II
Sa loob ng aming silid- Karunungan
Hangad n’ya’y matuto kaming mag-aaral
Magsulat, magbasa, at saka magbilang
Iba’t ibang kwento sa kanya’y nalaman

III
S’ya ang dakilang guro sa’ming puso
Sa tuwid na landas kami’y tinutungo
Magandang bukas daw aming matatamo
Kung ang pagmamahal lalagi sa puso.

IV
Dapat s’yang ituring na Gurong-Bayani
Buhay n’ya’y inalay sa lahing kayumanggi
Talino’y hinandog walang pagtatangi
Hindi naghihintay , munti mang papuri

V
Ngayo’y panahon nang sila’y parangalan
Ang bayani’y hindi lang yaong nangamatay
Sa Lahat ng laban walang inurungan
Mga gurong Bayani, dangal ka ng bayan.

You might also like