You are on page 1of 3

Abarra, Carl Stephen D.

II-BS MATH B

SPOKEN POETRY (SCRIPT)

Jose Protacio Rizal

Isang bayani na nagbigay dangal at pagmamahal

Sa ating bayang tinaguriang Perlas ng Sinilangan

Pepe kung tawagin, madaming gustong iparating na saloobin

Saloobin, na sa murang edad pa lamang ay nais nang ihain

Sa bawat pilipino na gusto’y kalayaan para sa atin.

Pinahahalagahan ko ang kabanalan ni Rizal sa laha’t ng kaniyang kahanga-hangang katangian

Isa siya’ng halimbawa ng taong may pananampalataya dahil alam niya ang Diyos lamang ang kanyang malalapitan

Bata pa lamang namulat na sa salita ng Diyos

Ito’y kanyang niyakap at niyapos.

Turo ng kanyang magulang di makakalimutan di matatapos

Nakaraan man ay kalungkutan

Dahil sa pagkamatay ng kanyang kalaro’t sandigan

Di papatinag di papakain sa kadiliman.

Ang bayaning nangahas na huwag gumamit ng karahasan

Ay nagpapahayag ng kanyang damdamin sa matalinong paraan

Ang kanyang buhay ay ipauubaya sa kataas-taasang Diyos

At inialay sa mga taong ipinanganak sa kanyang bansang niyayapos.

Hinahangaan ko siya sa kanyang personalidad at kwento

Dahil aking nakita ang kanyang mga naranasan at talento

Nakita dahil sa imahinasyon na nagbibigay kahulugan sa bawat dokumento

Dokumento, na puno ng buhay ng bayani, huwaran, ehemplo.


Aking natutunan “Di karahasan ang kailangan para mapakita ang ating nararamdaman”

Bagkus ipabatid ang damdamin sa isang matalinong paraan

Talagang hinangaan ko siya sa mga mapangahas niyang nobela’t tula

Nagsilbing inspirasyon, nagbigay determinasyon sa aking simula.

Nang siya’y nasa dapitan hinarap nya ang panganib

Buong tapang hinarap kahit puno ng kaba ang dibdib

Bilang isang kabataan, siya ay nag iisang huwaran

Huwaran, simbolo ng pag-asa at kasarinlan.

Dala niya’y puro turo at adhikain

Na wag na maulit ang nakaraan sa atin

Siya ay tulad ng mga santo na ating tinitingala

Sapagkat, siya ay mananatili sa ating puso ngunit di nakikita.

Ipinagkatiwala na ang kanyang buhay para sa kasarinlan

Wag nating kalimutan bagkus ating pahalagahan

Payabungin, pagyamanin ang kasalukuyan upang makamtan ang hinaharap na puno ng kasaganahan

Nang di masayang ang buhay ng isang dakilang bayani ni Juan

Ating isapuso na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.

You might also like