You are on page 1of 1

Talumpati Para sa Kahirapan

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga


masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong
hiramin ko ang inyong mga taynga.
Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang
pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon?
Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay,
aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng
kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang
kahirapan.
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang
kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil
doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay
nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga
pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas
lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno.
Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng
mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya
naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang
trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas
ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga
lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga
Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala
silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila
sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga
tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong
ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng
kahirapan sa ating bansa.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon
sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?
Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para
hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan.
Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay
magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay
kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa
kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay
maipapamana sa susunod pang henerasyon.

Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating
natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad
ang ating buhay!

You might also like