You are on page 1of 1

San Nicolas: Pinagpala ng Dakilang Kamay

Tahimik at dalisay na lugar ang nasa likod ng nagsisimulang magningning na bayan. Natatangi’t
abot-langit ang tingkad ng katiwasayan. Yamang maituturing ang dito’y nakalatag.

SAN NICOLAS- isang lugar na kamangha-mangha, sariwang hangin ating matatamasa, at higit sa
lahat mamamayan ay nagkakaisa. Dito, iyong masisilayan ang namumukod-tangi at agaw pansin na
produkto- ang banga. Mayroon din silang makulay na kapistahan na ikatutunaw ng iyong mga problema,
ito ang “Damili Festival”. Tunay na kilalang-kilala ang bayan ng San Nicolas, hindi lamang sa kadahilanan
na ito’y dinadayo ng sinuman, bagkus sa naiiba rin nitong kasaysayan. Kuing kaya’t bago pa man sumikat
ang mga sinag ng araw sa sansinukob,ay hamog ng kagandahan at kasaganaan ang tila nagbukas at
nagbigay liwanag sa aking araw at higit sa lahat ang awit ng inang kalikasan na umaalingawngaw upang
aking balik-balikan ang mga bagay-bagay nagbibigay atraksiyon sa aking mga mata na tunay na kakaiba
tulad ng Hertes Resort, kung ikaw ay naririto tiyak na ikaw ay liligaya.

Marami pang lugar ang maaari nating pasyalan na tunay na nakapagpapagaan ng buhay at
nakakaalis ng makamandag nating pagod sa ating katawan. Ngunit ang bayan ng San Nicolas ay hindi
lamang sa mga may problema, pagod ang katawan bagkus dito ikaw ay makabubuo ng magagandang
karanasan na kailanman ay hindi mo malilimutan. Kaya saan ka pa? Dito na! Sa San Nicolas na tangan ng
Tunay na Yaman.

You might also like