You are on page 1of 3

MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN

1. 1. MODYUL 14: KARAHASAN SA PAARALAN


2. 2. • Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na
malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o
isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
3. 3. • Ito ay nagaganap dahil sa hindi pantay na kapangyarihan o lakas sa
pagitan ng mga tao.
4. 4. • Nakalulungkot na ang lugar na dating sagrado dahil dito dumadaloy
ang karunungan at katuwiran ay nababahiran na ng karahasan.
5. 5. • Ang mga batang nambubulas ay ginagamit ang kaniyang
kapangyarihan, na nakahihigit sa kaniyang binubulas – pisikal na lakas,
pagkakaroon ng kaalaman sa mga nakahihiyang impormasyon tungkol sa
binubulas o kaya naman ay popularidad – upang kontrolin o magdulot ng
panganib sa kapwa.
6. 6. • Matatawag lamang na pambubulas kung ito ay isasagawa ng paulit-ulit
o may potensyal na maulit sa takdang panahon.
7. 7. • Ang pambubulas ay hindi palaging marahas. • Sa katunayan, mas
malalim ang sugat na iniiwan ng pambubulas na hindi marahas.
8. 8. • Upang mas maging madaling unawain ito ay tatalakayin ang dalawang
uri ng pambubulas.
9. 9. Mga URI NG PAMBUBULAS
10. 10. Pasalitang pambubulas  pagsasalita o pagsusulat ng masasamang
salita laban sa isang tao .
11. 11. Halimbawa:
12. 12. Sosyal o relasyonal na pambubulas  ito ay may layuning sirain ang
reputasyon at ang pakikipag- ugnayan sa ibang tao.
13. 13. Halimbawa:
14. 14. Pisikal na pambubulas  ito ay ang pisikal na pananakit sa isang
indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari.
15. 15. Halimbawa:
16. 16. Mga dahilan kung bakit nambubulas (ayon kay Karin E. Tusinski) • Mas
malamang na napalaki ng isang pamilyang napabayaan na gawin ang lahat
ng kaniyang gustong gawin at hindi napaaalalahanan lalo na sa mga hindi
tamang nagagawa.
17. 17. • Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang pagmamahal. • Hindi
napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya. • Ginamitan ng
pananakit bilang pagdisiplina.
18. 18. • Nakita ang pagiging marahas ng magulang na magdudulot ng
pagkakaroon ng damdamin ng poot sa kapwa at malaon ay makaramdam
ng kasiyahan sa pananakit sa iba.
19. 19. KAKAIBANG PISIKAL (Physically Different) • ANG MGA HALIMBAWA
NITO AY ANG PAG KAKAROON NG KAPANSANAN SA KATAWAN ,
MASYADONG MATABA O PAYAT , MAHINA , MASYADONG MATANGKAD O
BANSOT, AT IBA PA.
20. 20. KAKAIBANG ISTILO NG PANANAMIT (Dresses up differently ) •
Halimbawa , kung ikaw ay babae, maaaring magiging target ka nila kung
masyadong maiksi o bulgar ka sa iyong pananamit, o di kaya masyado
namang mahaba o balot ang katawan o konserbatibo ka kung manamit.
21. 21. ORYENTASYONG SEKSWAL (Sexual orientation)
22. 22. MADALING MAPIKON (Short-Tempered)
23. 23. BALISAAT DI MAPANATAG ANG SARILI (anxious and insecure)
24. 24. Mga
25. 25. Mga
26. 26. Mga
27. 27. Bilang panlipunang nilalang, likas sa atin ang pagnanais na mapabilang
(belongingness). Naghahanap tayo ng pangkat kung saan tayo mapabilang
maliban sa ating pamilya. Ang usapin na lamang ay kung anong uri ba ng
pangkat ang iyong nais na kabilangan o sa kasalukuyan ay kinabibilangan.
28. 28. Ayon sa Estados Unidos: 1. Pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang
indibidwal. 2. Ang mga myembro nito ay kolektibong kinikilala ang kanilang
pangkat sa pamamagitan ng paggamit ng pangkatang pagkakakilanlan
(group identity) na kanilang ginagamit upang makalikha ng takot o
intimidation, madalas ay ginagamit nila ang isa o mahigit pa sa mga
sumusunod:
29. 29. • iisang pangalan o pagkakakilanlan • islogan • mapagkakakilanlan o
palatandaan • simbolo • tattoo o ibang marka sa katawan • kulay ng damit
• ayos ng buhok • senyales ng kamay o graffiti
30. 30. 3. Ang tanging layunin ay makilahok o sumali sa masasamang gawain o
mga krimen at gumagamit ng karahasan o intimidation upang maisagawa
ang mga ito. 4. Ang mga kasapi ay sumasali sa masasamang gawain o
krimen na kung ang gagawa ay mga nakatatanda, ay mga krimen na may
layuning mas palakasin ang kapangyarihan ng pangkat, reputasyon at
pinansyal na panustos sa kanilang mga pangangailangan.
31. 31. 5. Ang samahan ay maaari ring magtaglay ng sumusunod na katangian:
• mayroon silang sinusunod na mga panuntunan para sa pagsama o
paglahok. • nagkikita ang lahat mga miyembro sa mga on a recurring
basis. • nagbibigay ang mga kasapi nito ng proteksyong pisikal sa mga
kapwa kasapi nito lalo na mula sa mga kapwa gang. • mayroon silang
itinuturing na partikular na lugar na tinatawag nilang teritoryo.
32. 32. • Isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan na
ginagamit ang alpabetong griyego na batayan sa kanilang mga pangalan. •
Ito ay isang pagkakapatiran (latin : frater na nangangahulugang “brother”)
• Layuning mapalago ang aspektong intelektwal,pisikal at sosyal ng mga
kasapi .
33. 33. • ito ay binuo dahil sa maraming layunin,kasama rito ang edukasyon
lalo na sa mga pamantasan,kakayahan sa
paggawa,etika,relihiyon,politika,pagtulo ng sa kapwa o maging paggawa
ng krimen at marmi pang iba. • Palaging ginagabayan ang mga kasapi nito
ng kahalagahan
34. 34. • itinuturong nangungunang dahilan sa pagdami ng karahasan o krimen
• Upang maging kasapi ng gang,isang inisasyon ang kailangan maipasa •
Ang pagiging kalahok ng gang ay maaaring magdulot ng kapahamakan •
Ang paglahok sa gang ay halos palaging nangangahulugan ng paggamit ng
droga at alcohol
35. 35. • Inilalagay nito sa kaahamakan maging ang sariling pamilya na
maaaring pagbalingan ng mga kalabang gang bilang paghihiganti •
Karamihan sa mga miyembro ng gang ay nadadala ang pagiging marahas
hanggang sa kanilang pagtanda • karamihan sa mga miyembro ng gang ay
humihinto sa pag-aaaral o natatanggal sa paaralan
36. 36. • Ang mga miyembro ng gang ay mas madalas na nasa kalye at kung
minsan ay humahawak ng baril o iba pang mga armas na nakasasakit at
nakamamatay
37. 37. • Ang layunin ng iba’t ibang pamamaraan na nabuo bunga ng mga pag-
aaral sa ibang bansa pangunahin na ang Estados Unidos ay ang pigilan ang
pagkakaroon ng karahasan sa paaralan.
38. 38. Mayroong APAT NA ANTAS upang pakilusin ang programa laban sa
karahasan sa paaralan Ang APAT NA ANTAS ay: Antas sa LIPUNAN Antas
sa PAARALAN Antas sa TAHANAN Antas sa INDIBIDWAL
39. 39. • Ang mga pamamaraan sa antas na panlipunan ay nakatuon sa sosyal
at kultural na pagbabago dito upang mabawasan ang karahasan saan man
ito nagaganap.
40. 40. • Halimbawa: ay ang regulasyon ng media upang mabawasan ang
pagpapalabas at paglalathala ng karahasan dito, ang paghuhubog ng mga
pamantayang sosyal, pagbabago sa sistema ng edukasyon
41. 41. • Ang mga programa sa antas na ito ay nangangailangan ng mahabang
panahon at higit na mahirap ipatupad kaysa sa alinmang antas
42. 42. • Ang programa sa antas na pampaaralan ay nakadisenyo upang
baguhin ang mga kalagayan sa paaralan na kaugnay ng karahasan. Ito ay
maisasagawa sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagkakaroon ng sistema
sa loob ng klase, cooperative learning at wasto at sapat na pamamatnubay
ng mga guro sa mga mag- aaral.
43. 43. • Sa mga paaralang elementarya ang pamamaraan o istratehiyang
tinawag na Good Behavior Game ay nakatutulong upang mabawasan ang
pagkaantala ng klase at magkaroon ng mabuting interaksyon sa loob ng
klase.
44. 44. • Nakatutulong naman ang Second Step Curriculum upang sanayin ang
mga mag-aaral sa ikalawa at ikatlong baitang na magkaroon ng pagpipigil
sa sarili at empathy upang mabawasan ang agresyon sa kanilang pagkilos
at pakikitungo sa kapwa mag-aaral
45. 45. Karamihan ng mga programa sa paaralan upang mabawasan o mawala
ang karahasan ay nakatuon sa pagsugpo sa pambubulas sa loob ng
paaralan. Gayun pa man napatunayan pa rin na higit na mabisa ang mga
programa na kaugnay ng pagpapalakas ng ugnayan sa pamilya at mga
programang nakapagpapataas ng kasanayang sosyal at akademiko ng mga
kabataang nanganganib bumagsak o umalis sa paaralan.
46. 46. Samakatuwid ang mga estratehiya at programa sa antas na
pantahanan at indibidwal ay mas dapat na bigyan ng tuon.
47. 47. • Tama nga ang lahat ay dapat na nag-uugat sa sarili,ang isa sa
pinakamahalagang sandata sa anumang karahasan sa paaralan.
48. 48. • Kaya mong mahalin ang iyong kapwa, mag alala para sa kanila,
bigyan sila ng lakas ng loob,suportahan, at makinig ngunit lahat ng biyaya
ng kasiyahan,pag-unawa at pag-aaruga na iyong ibinibigay sa iyong kapwa
ay nararapat rin para sa iyong sarili.
49. 49. Ang Dalawang bagay na mahalaga upang maiwasan ang pagiging
mapaghanap at ang kawalang ng kapanatagan ng tao:
50. 50. 1.) Kaalaman sa Sarili- Mahalagang kilalanin ang sarili. Ano ang iyong
talento at kakayahan?Ano ang tunay na layunin mo sa buhay? Mahalagang
masagot ang mga tanong na ito upang maging panatag ang iyong
damdamin at kalooban.
51. 51. 2.) Paggalang sa Sarili- upang magkaroon ng paggalang sa iyong
sarili.Ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili (self
esteem or self worth)
52. 52. 1.Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pag
mamahal na inilalaan 2.Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan
ding pagmamahal sa kanya 3.Ang pagmamahal sa kapwa ay kaakibat ng
karunungan

You might also like