You are on page 1of 1

WIKA AT KULTURA NG ADIVAY FESTIVAL NG BENGUET

Mga mananaliksik

Amparo E. Cato, Kb Mar K. Bautista, Manuel E. Miranda III, Fella Joy A. Anas, Forlinee Claine
O. Balagsa, Banisa T. Binwihan, Christine Joy B. Brazas, Athena Grace P. Camodag, Sarena
Jane S. Dalere
ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay pumapaksa sa Wika at Kultura ng Adivay Festival sa probinsiya


ng Benguet. Ang pananaliksik ay gumamit ng disenyong kwalitatibo at deskriptibo sa pagsusuri
ng mga video at larawan. Nagkaroon din ng pakikipanayam sa apat (4) na miyembro ng komite ng
nasabing festival at sa labindalawang (12) manonood na taga-Benguet at walo (8) na mula rin sa
karatig probinsiya. Ang aktuwal na panonood ng mga mananaliksik ang isa ring tumulong sa mas
masusing pag-aaral. Nakatuon ang pag-aaral sa mga kahulugan at simbolismo ng mga
pangunahing kagamitan na nakapaloob sa pagdiriwang ng Caṅao- ang peshit at sa iba ang parte ng
Adivay Festival. Sinaliksik rin ang kahulugan ng mga natatanging kasuotan- bahag at tapis, awit
at musika na ba-diw, at ang sayaw na Bendiyan at Tayaw. Pinagtuonan rin ng pansin ang mga
naging epekto ng Adivay estival sa mga taga-Benguet at sa mga bisitang nagmula sa karatig
probinsiya.

Sa pamamagitan ng pag-aaral, ito ang naging isang tulay ng mas malalimang pagkilala sa mga
natatanging kultura at tradisyon na mayroon ang probinsiya ng Benguet.

Mga Susing Salita: adivay, Adivay festival, festival, kultura, wika, pangkat-etniko, kagamitan,
kasuotan, awit/musika, sayaw

You might also like