You are on page 1of 7

MASUSING Paaralan Baitang Grade -10

BANGHAY- Guro Asignatura Filipino


ARALIN Petsa at Oras Markahan Unang
Markahan

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag –aaral ang pag unawa at
A. Pamantayang Pangnilalaman
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
Ang mga mag aaral ay nakabubuo ng kritikal na
B. Pamantayan sa Pagganap pagsususri sa mga isinagawang critique tungkol
sa alinmang akdang pampanitikan

A.PAGSASALITA
F10PS-If--68

1.Nakikibahagi sa round table discussion


kaugnay ng mga isyung pandaigdig

1.1. Nailalarawan ang mga kasuotan sa ilang


bansa sa Mediterranean
1.2 Nabibigyang – halaga ang mga kasuotan
at nasasalamin na kultura ng bansang
pinagmulan
B. PAGLINANG ng TALASALITAAN
F10PTIf-g-66
C. Mga Kasanayang
C.PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Pampagkatuto/Layunin
F10PN-If-g-66
1. Naipagpapaliwanag ang ilang
pangyayaring napakinggan na may kaugnayan
sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig
1.1 Nakapagbibigay ng mga pangyayaring
napakinggan na may kaugnayan sa
pangyayari sa akda
D. Pag –unawa sa Binasa
F10 PB If –g 67
1. Napatutunayang ang mga pangyayari sa
akda ay maaring maganap sa tunay na buhay
1.1 Nakapagbibigay ng mga pangyayari sa
tunay na buhay na nagsisilbing patunay sa ilang
mga pangyayari sa akda
1I. PAKSA
ANG KWENTAS ( Maikling Kwento –France)
Ni Guy de Maupassant (Isinalin sa Filipino ni Mariano C. Pascual)

III. MGA KAGAMITAN

A. Sanggunian:Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral , Gabay ng Kurikulum,Patnubay ng Guro

B. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo: laptop, projector, tsart , manila paper.


worksheets, larawan etc

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o Panimula (10 minuto)
1. Balik- aaral:

Pahina 1 of 7
a..Magpakita ng larawan ng kasuotan ng mga bansa ( Thailand, France, India, Vietnam, Greece,
Russia , Spain.). Tukuyin kung anong bansa ang nagmamay –ari ng kasuotang nasa larawan.
b. .Magsagawa ng malayang talakayan tungkol sa pambansang kasuotan ng ng iba’t ibang bansa
sa larawan at ipasagot ang mga tanong:
1.Nasasalamin ba sa uri ng kasuotan ang antas ng tao sa lipunan?
2. Nakikilala rin ba ang ugali o pagpapahalaga ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang
pananamit?
3. Pumili ng pinakanagustuhang kasuotan at ipaliwanag kung bakit nila ito nagustuhan.
c. Ipabasa ang bahaging “ALAM MO BA NA”,(pahina 58-61)
Itanong:1. Ano ang katangian ng kwento ng tauhan?
2. Ano ang kaibahan ng kwento ng tauhan sa iba pang uri ng kwento tulad ng kwentong
makabanghay at kwento ng katutubong kulay?
d. Ipabasa ang “ Kultura ng France : Kaugalian at Tradisyon” ( pahina 58-60)
Pangkatang Gawain:Talakayin ng bawat pangkat ang tungkol sa France.Gumamit ng ibat ibang
masining na paraan sa pag –uulat.
Pangkat I- Kasaysayan ng France
Pangkat II – Relihiyon at Pagpapahalaga ng mga taga- France
Pangkat III – Lutuin at Pananamit
Pangkat IV - Sining , Piyesa , At Pagdiriwang

2. Pag-alis ng Sagabal sa Pag-unawa

Pabigyan ng kahulugan ang mga salitang may salungguhit sa sumusunod na mga


pangungusap.

1. Sinubok niyang isuot sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi magpasyahan kung
ang mga iyon ay isauli o isuot.
2. May taglay siyang alindog na hindi na babagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kayat
ipinaghhinagpis niya ang karukhaan ng kanyang lumang tahanan.
3. Malimit na sa pagmamasid niya sa mga babaeng Briton na siyang gumaganap ng ng ilang
abang ng ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama
4. May masarap siyang pasalubong

B. Pangganyak
BAGO BUMASA
Ipatupad ang sumusunod bago ang pagbasa

Magpabuo ng picture puzzle . (Paunahan sa pagbuo ng larawan ng mga bahay ang apat na
pangkat). Pagkatapos mabuo ang larawan ay ipagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod.

PANGKATANG GAWAIN (10 minuto)

Pangkat 1

Panuto : Sagutin ang sumusunod ng mga tanong:

a. Ano- ano ang nabuong larawan mula sa ginupit na mga papel?


b. Magkatulad ba o magkaiba ang mga nabuong larawan?
c. Sa aling aspeto ito nagkakatulad? Sa alin naman nagkakaiba? Bakit?
d. Naranasan na ba ninyong makapasok o makapanirahan sa ganitong uri ng bahay?
e. Alin sa mga larawan ng bahay ang nagustugan ninyong bahay ?

Pangkat 2

Panuto: Sumulat ng tiglilimang pangungusap ukol sa bahay ng mga naninirahan sa nayon


at sa lungsod.
.

Pahina 2 of 7
Nayon Lungsod

Pangkat 3

Panuto: Bumuo ng tulang may dalawang saknong, tig-aapat na taludtod at ang paksa ay ukol
sa pangarap na bahay.

Pangkat 4

Panuto: Gumuhit ng larawan ng bahay na pinangarap mo sa iyong buhay.

Tumawag ng kinatawan ng bawat pangkat/ o buong pangkat para maiulat/maisagawa ang


ang awtput.

1. Pagganyak ng Tanong

Itanong: Nakarinig na ba kayo ng kwento ukol sa isang titser na nagtuturo sa kariton? May
nabasa na rin ba kayong kwento ukol sa mga taong nanirahan sa bangka? sa kweba? sa
puno? o kariton?
Sino sa inyo ang nakapunta na sa malalaking lungsod tulad ng Metro Manila? Alam ba
ninyong sa ganitong mga lugar ay may mga taong napilitang tumira sa bangketa, sa ilalim ng
tulay. sa sementeryo at iba pang di natin inaasahang panahanan .Sige nga bumuo ng mga
tanong ukol nito.

(Posibleng tanong)
Saan naninirahan ang tauhan sa kwento?
Bakit kaya may mga taong naninirahan sa bangketa?sa ilalim ng tulay?
Ano ang mga naging dahilan bakit sila napilitang tumira sa ganito?

C. Paglalahad ng Aralin

Ipahayag na ang tatalakayin aralin ay isang kwentong may pamagat na “May Gulong na Bahay”
na isinulat ni Genaro R. Gojo Cruz. Ang kwentong ito ay naging Honorable Mention sa 2004 PBBY-
Salanga Writers Prize Winner, 2018 National Childrens Book Award

Pagbabasa ng Kwento
Tumawag ng ilang mag-aaral upang isagawa ang dugtungang pagbasa ng teksto. Magbahagi rin ng kopya
ng kwento sa mga mag-aaral( 10 minuto)

Bago ipatupad ang dugtungang pagbasa ay pangkatin muna ang klase sa apat. Pagkatapos, ay ibigay ang
kani-kanilang gawain habang may bumabasa.

HABANG MAY NAGBABASA


MGA GAWAIN

Pangkat 1. Itala ang mga mahahalagang pangyayari sa akda sequence tsart.

Pangkat 2. Sumulat ng mga salitang nagpapakita ng mga katangian ng mga pangunahing tauhan
sa babasahing kwento gamit ang character organizer.
Pahina 3 of 7
ama anak

Pangkat 3. Tukuyin ang sumusunod ng mga impormasyon mula sa kwento gamit ang t-tsart.

Pamagat ng Kwento at Ang May akda Suliranin

Pangkat 4. Isulat ang mga salitang naglalarawan sa pinangyayarihan ng kwento

D. Pagtalakay sa Aralin

1. Pagsagot sa Pagganyak na mga Tanong

2. Pagbabahagi ng mga sagot sa gawain habang nagbabasa (10 minuto)

PAGKATAPOS NG PAGBASA

1. Gawaing Pagpapaunawa (tungo sa pormatibong pagtataya #1)

Pag-usapan ang teksto batay sa sumusunod na mga tanong:

1. Anong uring bahay mayroon ang mga tauhan sa seleksyon?


2. Bakit kaya ganoon ang kanilang bahay?
3. Saan matatagpuan ang bahay nila? Bakit hindi sila nanatili sa isang lugar?
4. Anong gamit mayroon sila sa kanilang bahay?
5. Paano inaalagaan ng tatay ang anak sa kwento?
6. Anong ginagawa ng tatay tuwing gabi? Tuwing Linggo?
7. Anong nangyari minsan isang Linggo nang sila ay magtungo sa Binondo?
Bakit?
8.Saan sila namahinga matapos kunin ng mamang malaki ang tiyan ang
kanilang bahay?
9. Nabawi ba nila ang kanilang bahay?Papaano?
10. Ano ang nararamdaman ng mga tauhan sa huling bahagi ng kwento.

2. Gawaing Pagpapalalim (tungo sa pormatibong pagtataya #2)

Pahina 4 of 7
Panuto : Itala ang mga suliraning panlipunang tinalakay sa kwento at pangatwiran ito
Suliraning Panlipunan Katuwiran/Paliwanag

(Mga Posibleng Sagot)


1. kahirapan
2. edukasyon

3. pabahay
4. urban poor

5. kawalan ng trabaho atbp...

3. Gawaing Paglinang sa Kabihasaan (tungo sa pormatibong pagtataya #3)

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang sumusunod na mga pahayag mula sa kwento

Pahayag Pakahulugan
1. Kahit ganito ang aming bahay,
bahay parin ito para sa amin ni
Tatay.
2. Hawak ni Tatay ang aking kamay
habang pumapasok kami sa
simbahan.
3. Kahit sa maliit na iskinita kayang-
kaya nitong sumingit...nakalulusot
na walang gasgas o daplis.
4. Ngayon ay araw ng Linggo kaya
magsimba tayo sa Binondo.
5. Nilapitan namin ang isang lalaking
parang buntis ang tiyan

Panuto: Magbigay ng mga mungkahi upang hindi maranasan ang suliraning kinakaharap ng mga
pangunahing tauhan sa kwento.

Suliranin Paraan na Maiwasan


1. Kawalan ng edukasyon Mag-aaral
2. Paghihirap sa buhay Magtrabaho
atbp

Pagpoproseso ng guro sa mga naging sagot/feedback ng mga mag-aaral sa tanong ng guro,kapwa mag-
aaral at teksto. (Malalimang pagtalakay sa mga isyung panlipunang nakapaloob sa seleksyon)

E. Paglalapat

Pagpapaunlad ng Kasanayan
1. Pagsasanay. (15 minuto)
A. Gawain ng Buong Klase
Pahina 5 of 7
Panuto: Isulat sa istripo ang sunod-sunod na mga pangyayari sa binasang kwento.
B. Gawain ng Grupo
Hatiin sa apat na pangkat ang klase at ipatupad ang mga kasunod na gawain.
Pangkat 1- Gumawa ng poster ukol sa karahirapan
Pangkat 2- Bumuo ng photo essay kaugnay sariling bahay
Pangkat 3- Bumuo ng plano upang makatulong sa mga gawain sa bahay
Pangkat 4- Gumuhit ng mga larawan ng paghihirap sa lungsod

C. Solong Gawain
Pasulatin ang mga mag-aaral ng kwento o karanasan nila kasama ang ama.

F. Paglalagom

Bilang paglalahat ay humiling muli ng opinyon sa mga mag-aaral ukol sa pahayag na : “Ang bahay
ay buhay nililinis...inaayos.” Ano ang kaugnayan ng pahayag na ito sa nabasang kwento?

G. Pagtataya
(Pangalawang Araw)
Magtanghal ang klase ng pangkatang pagkukwento ukol sa binasang akda na “ Bahay na May
Gulong” ayon sa sumusunod:
Kasanayan 40%
Pagkamalikhain 40%
Dating 20%
Kabuoan 100%

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Magsaliksik sa internet ukol sa manunulat na si Genaro R. Gojo Cruz.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nagtamo ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng mga
gawaing pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral na
naunawaan ang aralin
D. Bilang ng mag-aaral na patuloy
na nangangailangan ng
pagpapahusay (remediation)
E. Alin sa aking pagtuturo ang nag
ing epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking naging
suliranin na maaaring malutas
sa tulong ng aking punongguro
Bat superbisor?
G. Anong mga inobasyon o
lokalisasyon sa mga kagamitan
ang ginamit /natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang
guro?

Pahina 6 of 7
Inihanda ni : Lindo O. Adasa Jr.
EPS I, Sangay ng Dapitan
Rehiyon IX

Pahina 7 of 7

You might also like