You are on page 1of 2

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Agosto 7 ,2017

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang mga nais ipabatid ng tulang binasa.
2. Napahahalagahan ang panitikan sa pamamagitan ng pagsusuri sa tulang
“Diyos ang Bahala" ni: Ariana Trinidad
3. Napapahalagahan ng paggamit ng pandiwa sa paggawa ng tula.
4. Nakakagawa ng pagsasalarawan sa pamamagitan ng pagsasatablo.
5. Nahahanap ang pandiwa sa tula at nagagamit sa ibang pangungusap.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Diyos ang Bahala ni: Ariana Trinidad
B. Sanggunian: Filipino7, pp. 45
C. Kagamitan: Powerpoint at marker, visual aids

III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Pagsasaayos ng upuan
3. Pagtala sa lumiban

B. Pagganyak
Mula sa powerpoint, pipili ang mga mag-aaral ng numero at
letra. Ang bawat numero ay may mga katumbas na salitang nagsasaad
ng kilos, habang ang letra naman ay nagsasaad ng mga pangalan.
Pagkatapos makapili ay bibigyan ng 30 segundo ang mag-aaral kung
paano niya iprepresenta ang kanyang nabunot.

D. Paglalahad
Maghahawi muna ng sagabal bago ang pagbabasa ng tulang “Diyos ang
Bahala" ni: Ariana Trinidad

1. Ano ang nais ipakahulugan ng unang saknong?


2. Ano ang nais ipakahulugan ng ikalawang saknong?
3. Ano ang nais ipakahulugan ng ikatlong saknong?
4. Ano ang nais ipakahulugan ng ikaapat saknong?
5. Pandiwa
i. Ano ang pandiwa?
ii. Hanapin ang pandiwa sa tula.
E. Paglalahat
1. Ano ang aral mapupulot sa tulang tinalakay.
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng pandiwa sa tula.

F. Paglalapat

Hahatiin sa 4 na grupo ang klase, bawat grupo ay may nakaatas


na saknong at pupunta sila sa harapan upang basahin ang tula at
pagkatapos itatablo nila ang naturang saknong sa tula.

IV. Pagtataya

Hahatiin sa 4 na grupo ang klase. Magbibigay ang guro ng mga


tanong hinggil sa tinalakay. Bawat grupo ay may tirador at plastic
bottle. Bago nila sagutin ang tanong, kailangan muna nilang hintayin
pagsigaw ng guro ng “go” saka nila batuhin ang plastic bottle ng isang
beses lamang. Kung hindi natumba ang plastic bottle, wala ng pag-
asang makasagot. Kung sino naman ang unang nakatumba siya ang
may kapangyarihan upang sagutin ang tanong. Kung walang
natumbang plastic bottle sa isang tanong, magpapatuloy ito sa
kasunod na tanong at babalikan lamang ito. Bawat tamang sagot ay
may isang puntos. Ipapakita sa powerpoint kung ano ang mga
gantimpala kanilang makukuha.

V. Kasunduan

Isulat sa ½ crosswise.

A. Ano ang mga aspekto ng pandiwa.


B. Magbigay ng 5 halimbawa

Inihanda nina;
Amer Khallid Alauya
Judy Ann Alob
BSED – Filipino

You might also like