You are on page 1of 3

Module 0

Oryentasyon ng Kurso

Sa katapusan ng modyul na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang


1. Natutukoy ang mga mahahalagang araling sakop ng kurso
2. Nabibigyang-pansin ang sistema ng pagmamarka sa kurso
3. Naitatala ang mga pangangailangan ng kurso
Deskripsyon ng Kurso
Saklaw ang kursong ito sa kritikal na pag-aaral sa mga pangunahin at limbag na
pananaliksik sa disiplinang Filipino na nagbigay-daan sa higit na malaking espasyo ng
Filipino bilang isang disiplina.
Saklaw din ng kurso ang pagsulat ng kritikal at mapanaliksik na pag-aaral na ambag sa
produksyon at korpus ng karunungan sa disiplinang Filipino.
At bibigyang tuon din sa kursong ito ang kasanayan sa pagsasalita mula sa kritikal na
pagsusuri sa mga karunungang Filipino.

Layunin ng Kurso
• 1. Natutukoy nang may ganap na pag-unawa ang mga batayang simulain at
paninindigan sa paggiit sa pag-aaral at pagpapayabong sa disiplinang Filipino sa
pamamagitan ng mga itinakdang babasahin;
• 2. Nagagamit ang mga batayang kaalaman/teorya sa wika, pagsulat, pagsasalita
at pananliksik tungo sa masinop at matalas na pag-aaral talakayan ukol sa
disiplinang Filipino; at
• 3. Nakasusulat ng iskolarli o mapanaliksik na papel na nakatuon sa disiplinang
Filipino at Filipino sa ilang piling disiplina.

Kahingian ng Kurso
• Pakikilahok
• Mga Sulatin
• Mga Pagsusulit
• Mga Proyekto/Pagsasanay

Sistema ng Pagmamarka

Maikling Pagsusulit 20%


Mahabang Pagsusulit 25%
Mga Pagsasanay at
Takdang-Aralin 20%
Eksaminasyon 35%
KABUUAN 100%

Nilalaman ng Kurso
Mga Batayang Kaalaman sa
a. Wika – kalikasan, kahulugan, katangian, pagbabago
b. Pananaliksik – kalikasan, layunin at etika
c. Pagsulat at Pagsasalita – sangkap, proseso at estilo

Pagbasa at Pagsusuri ng mga Kritikal na Pag-aaral sa Disiplinang Filipino (Unang Bahagi)


Pagbasa at Pagsusuri ng mga Kritikal na Pag-aaral sa Disiplinang Filipino (Ikalawang Bahagi)
Pananaliksik at Pagsulat
a. Ugnayan
b. Gamit sa Akademikong Filipino
Pananaliksik
a. Pag-aaral Tekstwal
b. Awtor at Pagmamay-ari
Pagsulat ng kritikal at mapanaliksik na pag-aaral sa disiplinang Filipino at/o Filipino at kaugnay na
disiplina
Pagkritik sa Awtput o Sulatin
• Mga Gabay sa Oral na Paglalahad
• Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat at Pagsasalita
Paglalahad ng Pinal na Sulatin
• Hakbangin sa paglalahad ng isinulat
• Kahalagahan ng Oral na Paglalahad
• Mga Materyales at Kagamitan Panteknolohiyang na Ginagamit sa Paglalahad ng Pag-aaral at
mga Tulong nito
Oral na paglalahad ng pag-aaral
Sanggunian :
Bernales, Rolando A., et al. (2015). Akademikong Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik.
Malabon City : Mutya Publishing House, Inc.
Yapan, Alvin B. (2017). Bagay Gabay Sa Pagsulat Sa Wikang Filipino. Blue Books

Matilla, Marilou S., et al. (2015). Pagbasa at pagsulat tungo sa epektibong pananaliksik
sa Filipino. Malabon City : Mutya Publishing House, Inc.

San Juan, Corazon P. (2015). Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik : Filipino 2.


binagong ed. Pasig City : Grandstream Publishing Center.

Pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina. Goodwill Trading Co., Inc.

You might also like