You are on page 1of 4

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito, ang mga mananaliksik ay nakalikom ng mga

mahahalagang impormasyon bilang pagbibigay suporta sa pag-aaral na ito.

Nakapaloob dito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na nagsasaad ng -

------

Lokal na Literatura

Ang wika ay itinuturing na lipon ng mga makabuluhang sagisag na

binubuo at tinatanggap ng isang lipunan o pangkat at nagsisilbing

pagkakakilanlan nito. Kasabay ng panahon, nagbabago at nalilinang ito sa

bawat henerasyon. (Carroll)

Ayon kay Hill at Gleason, ang wika ay dinamiko. Ito ay sumasabay sa daloy

ng pagbabago kung saan nadadagdagan ito ng mga bagong bokabularyo dulot

ng taglay na pagkamalikhain ng mga tao.

(Sanggunian: Akademikong Filipino Tungo sa Epektiong Komunikasyon, P:7)

Isinaad ni Jimenez (2014) sa kanyang artikulo tungkol sa pagsabay sa uso

ng wikang Filipino, talamak ang paggamit ng mga makabagong salita sa

kasalukuyan habang tila nawawala na sa sirkulasyon ang mga makalumang

salita. Sa tingin niya ay natural lamang ito lalo na sa panahong mabilis

umusbong ang teknolohiya. Kaugnay nito, ayon kay Kleinman (2010), isa sa

nagpapabilis ng proseso ng patuloy na pagbabago ng wika ay ang Internet.


Sa pag-usbong ng social media, nagiging daan ito upang makabuo ng mga

salita ang mga kabataan tulad na lamang “hashtag” at “photobomb”. Bilang

midyum, nakakalikha sila ng kahulugan sa mga bagong salitang ito. (Davies,

2016)

Sa pahayagan na The Conversation, inihayag ni Glance (2015) ang ukol

sa pagkakaroon ng makabagong pananalita na may kaugnayan sa Google kung

saan ang terminong “igo-google kita” ay nangangahulugang maghahanap ng

impormasyon tungkol sa tao kung saan naiintindihan ito ng karamihan.

Ayon kay Lumbres (2016), nauuso rin ang paggamit ng akronim kung

saan ipinapaikli ang isang pahayag gamit ang unang mga letra ng bawat salita

nito tulad ng YOLO na nangangahulugang You Only Live Once. Isa pang

halimbawa ng makabagong salita ay ang mga slang words tulad ng “werpa”.

Maituturing ding laganap ang salitang balbal o tinatawag ding salitang kalye o

kanto.

Nasabi naman ni Mario Miclat, Ph.D sa kanyang artikulo na Ang

Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon Ngayon, na isa sa mga salik na

nagiging dahilan ng mga samo't saring suliranin kaugnay sa wika ay ang

paglitaw ng mga makabagong salita, tulad ng lumalaganap na Jeje words, Beki

Languange at iba pang mga nauusong salita, na kung titignan ay nagbubunsod

ng hindi pagkakaunawaan ng bawat isa.

Dayuhang Literatura

Kung meron man


Lokal na Pag-aaral

Sa programang Investigative Documentaries ni Malou Mangahas, isang

journalist at taga-ulat ng GMA Network ay nagsagawa sila ng isang eksperimento

upang matuklasan kung mauunawaan nga ba ng mga Filipino ang wikang

Jejemon. Ipinabasa sa mga partisipant ang mensaheng naglalaman ng Jejemon

words. Base sa obserbasyon, ang mga may edad na partisipant ay nahirapang

basahin ang nakalahad sa mensahe samantalang agad namang naitindihan ng

mga kabataan ito sapagkat ayon sa kanila, pamilyar ito sa kanilang henerasyon.

Napag-alaman sa pag-aaral na mas binibigyang pansin ng ibang mga

kabataan ang pagbuo ng unique na salita kaysa sa kahulugan nito. Walang

masama sa pagiging malikhain ngunit dapat lagyan ng limitasyon ito dahil

mawawalan ng saysay ang ganda sa pandinig ng isang salita kung iilan lamang

ang makauunawa nito. Bukod dito, nagdudulot din ito sa ibang kabataan upang

makalimutan nila ang tamang baybay ng mga salita.

Sa survey na isinagawa sa 391 na respondent sa PHINMA-university of

Pangasinan, maraming naniniwala na hindi nagkakaintindihan ang dalawang

tao sa tuwing ginagamit nila ang wikang Jejemon sa pagpapalitan nila ng

mensahe at sa tingin din nila’y hindi nakatutulong sa epektibong pagyabong ng

wika ang paggamit ng conyo, ang paghahalo ng wikang Ingles at Filipino, upang

magtunog sosyal ang pag-uusap.


Sa isinagawa namang eksperimento ng GMA News sa Pandacan, Maynila

sa harapan ng bantayog ni Francisco Balagtas y Dela Cruz, isang batikang

makata at manunula sa kasaysayan ng Pilipinas, nagtanong sila sa mga

kabataan at matatanda kung nalalaman nila ang mga kahulugan sa mga

piniling lumang salita tulad na lamang ng alimpuyo, papagayo at salakat. Base

sa resulta, wala sa mga kabataan ang nakakuha ng tamang sagot samantalang

may iilan sa mga matatanda ang tumama. Mahihinuhang hirap ang mga

kabataan na kilalanin ang mga salitang mula sa ating kasaysayan.

Ayon sa pananaliksik-papel ni Diama (2015), sa pag-usbong ng mga social

networking sites, text messaging, mass media at iba pa ay mas madali ng

makipagkomunikasyon sa iba’t ibang tao at ito ang nakikitang dahilan kung

bakit mabilis makabuo ng maraming makabagong salita. Isinaad niya na hindi

nararapat na mabuo ang mga ito sapagkat hindi ito naaayon sa lenggwaheng

nakasanayan na.

Dayuhang Pag-aaral

Kung meron man

You might also like