You are on page 1of 1

Kalagayan ng Kababaihan sa Pakistan

Sa Pakistan, ang kwento ng pag – agaw sa karapatan ng babae ay nagsisimula hindi pa man siya ipinanganak. Sa bansang
ito, karamihan ng babaeng sanggol sa sinapupunan pa lamang ay pinapatay na. Ang mga sinusuwerteng mabuhay ay karaniwang
“hindi pinapaburan” sa mga anak. Ang kanilang buhay ay pakikipagsapalaran ng patuloy na pagsunod at pagpapasupil.
Habang bata, idinidikta sa kanya ng mga magulang, lolo at lola, nakatatandang lalaki at babae kamag – anak, at mga
lalaking kapatid, maging kung paano mag – iisip at mamimili. Karamihan sa kababaihan sa Pakistan ay walang karapatang mamili
mula sa pagkaing kakainin hanggang sa lalaking pakakasalan.
Bagp pa man ang pag – aasawa, mahigpit nang binabantayan ang kanilang mga ikinikilos lalo na sa pagpasok sa paaralan
kung saan pinagbabawalan maging ang pagngiti nila sa mga kaklaseng lalaki. Pamilya rin ang nag – aareglo sa pagpapakasal ng
kababaihan.
Pagkatapos ng kasal, ang kanyang asawaat mga kamag – anak ang magdedesisyon para sa kanya; halimbawa ay kung
magbubuntis ba kada taon, o kaya’y kung manganganak siya ng puro lalaki lamang, o kung maari siyangmagtrabaho at iba pa.
maging sa kanyang pagtanda, paghina at pagkamatay ng kanyang asawa, ang mga anak niyang lalaki ang magdedesisyon sa
kahihinatnan ng mga nalalabing araw niya. Hindi pa ito sapat, dahil ang buong lipunan ay humuhubog sa kanyang maging sunod –
sunuran.
Samakatuwid, ang salitang “babae” sa Pakistan ay nangangahulugang “pagtitiis.” Pinupuwersa siyang tanggapin ang mga
katotohanan ng buhay habang lumalaki. Sa kalsada o maging sa mga restawran, kailangan ang alertong pagsunod ng mga babae.
Hindi niya kailangang mag – isip at magsuri, dahil sinasabi na ang bawat hakbang na dapat niyang gawin. Ayon kay Hina Jilani,
abogado at tagapagsulong ng karapatang pantao, “ang karapatang mabuhay ng kababaihan sa Pakistan ay nakabatay s akanilang
pagsunod sa mga panlipunang paniniwala at tradisyon.
Dagdag pa rito, kinakaharap ng mga kababaihan ng Pakistan ang iba’t ibang malulubhang karahasan sa kamay ng mga
lalaking salarin, kamag – anak, at mga ahente ng estado. Ang iba’t ibang porma ng karahasan ay panggagahasa, domestikong pang
– aabuso hanggang sa tuluyang pagpatay ng asawa, mutilisasyon, pagsunog at pagsira sa mukha sa pamamagitan ng pagbuhos ng
asido, pambubugbog, ritwal ng marangal na pagpatay (honor killings) at iba pa.
Ayon sa ulat ng Amnesty International. Libu – libong babae ang namamatay kada kada taon dahil sa ideya ng marangal na
pagpatay (honor killing) sa Pakistan, sa kalagayang walang ginagawa ang pamahalaan hinggil dito. Ang paraktis ng marangal na
pagpatay ay karaniwang ginagawa sa mga babaeng pinaghihinalaang may ibang relasyon labas sa tunay na asawa. Ito ang
tinatawag na “Karo Kari” sa Sindh at Balochistan, na ayon sa ulat ay nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang mga Kari (
babaeng pinaghihinalaang nagtataksil sa asawa), ay tinatanggalan ng karangalan hanggang sa kanilang kamatayan. Ang kanilang
mga katawan ay itinatapon sa mga ilog o kaya’y sa mga libingan ng Kari na ginagawa para sa kanila. Walang nagluluksa o nagbibigay
– parangal sa kanilang alaala. Sa kabilang banda, ang mga Karo (lalaking pinaghihinalaang nagtataksil sa asawa) ay inililibing sa
libingan ng komunidad. Nangako ang ang punong ehekutibo ng bansa noong Abril 2000 na lahat ng marangal na pagpatay ay
ituturing na krimen, ngunit mabuway ang pagpapatupad hanggang sa kasalukuyan.
Marami ring kinakaharap na balakid ang mga babae na nagsusumbong na sila’y nagahasa o biktima ng sekswal na
pagsasamantala. Kasama rito ang mga pulis na tumututol sa pagsasampa nila ng kaso at madalas na mali ang ulat na ginagawa
batay sa kanilang pahayag, o kaya’y mga doctor na ang mas inaalam at ang istatus nila ng pagkabirhen at may kakulangan sa
kakayahang magsagawa ng sapat na eksaminasyon. Dagdag pa rito, ang mga babaeng nagsasampa ng kaso, sa halip na makakuha
ng hustisya ay may mas may posibilidad pang maparusahan ng illegal na pakikipagtalik kung hindi nila mapatunayang ginahasa
sila. Ito ay nakasaad sa 1979 Hudood Ordinance na nagpaparusa sa pangangalunya at pakikipagtalik nang hindi kasal. Sa kabuuan,
kapag ang mga biktimang babae ay umasa sa Sistema ng hudikatura, mas malamang na lalo pa siyang abusuhin at maging biktima.
Mababa rin ang bilang ng naitalang kaso ng domestikong pang – aabuso dahil tinatangggap ito ng panlipunang kaugalian at
itinuturing na pribadong usapin ng pamilya.
Dagdag pa, maraming kaso ng panggagahasa sa pamilya kung saan ang Bradary (Konseho ng Kamag – anakan), Punchait
(Lupong Tagahatol ng Komunidad), at Jirga (Konseho ng Tribo) ay nagdedesisyong pagkasunduin na lang ang mag – asawa at
manahimik ang ang babae ngunit kung ang biktima ay hindi sumunod sa kasunduan, ito ay makukulong siya sa ilalim ng Zina
Ordinance.
Kung susumahin ang kalagayan ng babae sa Pakistan, wala silang karapatan sa kanilang sariling katawan at lalaki angmay
tradisyonal na control sa lahat ng aspekto ng kanilang buhay maging sa pagpapahayag at pagkilos. Ang pagtitiis ay bahagi ng kismet
(kapalaran) ng mga babae. Ang pagsuway rito ay nangangahulugang paglapastangan sa karangalan ng lalaki, pamilya, at ng
komunidad.
Ang ilang rekomendasyon upang unti – unting magbago ang kalagayan ng kababaihan ay: Una, kailangang magkaroon ng
pagbabago sa paraan ng pag – iisip ng lalaki hinggil sa kasalukuyang nosyon ng awtoridad, momo;polyo, at kapangyarihan; ikalawa,
ang mahalaga sa kasalukuyan ay hindi upang bigyang – kapangyarihan ang isang kasarian laban sa isa, kundi magkaroon ng balnse
sa pagitan ng dalawa upang magkaisa sa layunin tungo sa mas mabuting lipunan at mas maayos na kinabukasan para sa mga
susunod na henerasyon na may pagmamalaki sa kanilang tradisyon at kultura: ikatlo, ang dalawang paraan upang magawa ito ay
sa tulong ng media, na may kakayahang humulma ng pampublikong opinion, at ng pamahalaan na kailangang magkaroon ng
walang kondisyong suporta sa kababaihan; at ikaapat ay ang proseso ng ebolusyon kung saan ang mga ina na kailangang maging
malaya mula sa relihiyon at sistemang caste, ay magmumulat sa kanilang mga anak sa simula pa lamang na ang kapuwa kasarian
a dapat ikarangal at may mahalagang tungkulin sa lipunan. Magiging posible ito kung mabibigyan ng mapagpalayang edukasyon
ang kababaihan sa tulong ng pamahalaan.

You might also like