You are on page 1of 9

Alipato 19

Prosesong Pagdulog sa
Pagsulat ng Iba’t ibang
Teksto sa Elementarya

Rowena U. del Castillo

Panimula

Ayon sa pinakabagong manual ng mga


Kasanayan sa Pagkatuto sa Elementarya na ipi-
nalabas ng Departamento ng Edukasyon ng
Pilipinas (2002), inaasahang ang mga mag-aaral
na nagtapos sa elementarya ay mayroon nang
angking kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri
ng kathang naglalahad, nagsasalaysay, nagla-
larawan at nangangatwiran na angkop sa
kanilang antas.

Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami


pa rin ang mga mag-aaral na nakatatapos ng
elementarya na kulang sa kakayahan sa pagsu-
lat. Kung nakasusulat man, ang kanilang mga
nililikhang sulatin ay hindi tumutugon sa mga
itinakdang kraytirya sa kanilang antas ng pag-
katuto (Bersales at Villafuerte, 2008).

Marami ring bilang ng mga mag-aaral


ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng
motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap
na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay
bunga ng maling konsepto at mahinang estrate-
hiya sa pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan,
naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang ka-
sanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat
(Badayos, 1999).

Maiisip na isa sa mga pangunahing


solusyon sa kahinaan ng mga mag-aaral sa ka-
sanayang ito ay ang kahandaan ng guro sa pag-
tuturo ng pagsulat. Masasalamin ang kahan-
daang ito sa maraming gawaing inihahanda ng
guro para sa pagtuturo ng pagsulat (Rudell,
1995).
20 Alipato

Sa paghahanda ng mga gawain, kailan- at pagbasa ay nagbibigay ng angkop na suporta


gang isaalang-alang ng mga guro ang nagba- o scaffolding sa kanilang mga mag-aaral.
bagong interes at pangangailangan ng kanilang
mga mag-aaral. Upang makasabay sa mga pag- Maipakita ito sa pagbibigay ng gabay,
babagong ito, naroroon ang pangangailangan sa pagtuturo, at pagmomodelo ng iba’t ibang ka-
bahagi ng mga guro na maghanda ng mga aralin sanayan. Mahalaga ring bumuo ng isang komu-
sa pagsulat na naaayon sa interes at lebel ng nidad ng mga mag-aaral na makapagbibigay ng
kakayahan ng mga mag-aaral at sa mga napa- positibong motibasyon sa isa’t isa upang makila-
panahong teknik at estratehiya sa pagtuturo. hok sa mga gawaing inihanda ng guro. Ilang
implikasyon ng paniniwalang ito ang pangyayar-
Layunin at mga Kaugnay na Literatura ing ang mga estudyante ay (a) hindi natatakot
sumubok na magkamali sa pagsulat dahil nara-
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ramdaman nila ang suporta ng kapaligiran; (b)
na maipakita sa anim na banghay-aralin para sa nahihikayat na makilahok sa klase nang walang
ikatlong grado ang prosesong pagdulog sa pag- pag-aalinlangang nararamdaman; (c) nakata-
sulat ng iba’t ibang teksto para sa mga mag- tanggap ng feedback mula sa klase; at (d) na-
aaral na nasa ikatlong grado. Ang mga tiyak na kaiisip na nakasalalay sa kanilang sarili, o sarili
layunin ng pag-aaral ay (a) matiyak ang mga nilang responsibilidad, ang pagkatuto, samanta-
kasanayan sa pagsulat sa Filipino na dapat lang nagsisilbing gabay lamang sa pagkatuto ang
linangin sa mga mag-aaral sa grado 3 ng U. P. kanilang guro.
Integrated School; (b) makapaghanda ng mga
gawaing lilinang sa mga natiyak na kasanayan sa Ganito rin halos ang paniniwala ni Lantolf
pagsulat gamit ang prosesong pagdulog; at (c) (2000) kaugnay ng pagsulat at pagkatuto sa
mataya ang bisa ng mga inihandang aralin sa pagsulat. Para sa kanya, mahalagang salik ang
pagsulat. interaksyong sosyal sa pagkatuto ng mga mag-
aaral. Nakatutulong ito sa tulong ng scaffolding,
Ayon kina Owocki at Goodman (1997), ang suporta o gabay na ibinibigay ng guro,
mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung kamag-aral, at magulang upang mapagtagum-
ang mga mag-aaral ay binibigyan ng sapat na payan ng mga-aaral ang mga gawaing lubhang
panahong makapagsulat; pinaliliwanagan na mahirap para sa kanya. Binigyang-diin pa ni
ang pagsulat ay nangangahulugan ng eksperi- Lantolf na mas makabubuti ang mga kolaborati-
mentasyon sa gamit ng wika, pagsubok ng mga bong gawaing hahamon sa kakayahan ng mga
bagong ideya, at isang gawain ng paglikha; at estudyante habang may suporta ang guro, at
binibigyan ng angkop na kasangkapan at espas- klase, kaysa paulit-ulit na mga gawaing kaya
yong makatutulong sa mas mabilis at epekti- nang isagawa ng mag-aaral nang nag-iisa. Ha-
bong paglinang ng kasanayan sa pagsulat. bang natututuhan ng mag-aaral ang isang aralin,
unti-unti nang inaalis ng guro ang kanyang pag-
Ganito rin ang paniniwala ni Raimes (1983) na gabay sa iba’t ibang gawain, kabilang na ang
nagsaalang-alang sa tatlong salik sa pagpaplano pagsulat. Samakatwid, habang nararanasan ng
ng aralin sa pagsulat. Una, pagbibigay ng sapat mag-aaral ang proseso ng pagsulat, nagkakaroon
na panahon sa mga mag-aaral na makapagsulat; siya ng malawak na kaalaman tungkol sa pak-
ikalawa, paghahanda ng mga gawaing angkop sa sang kanyang isinusulat. Nagaganap ito sa patu-
kakayahan ng mga mag-aaral upang mahimok loy niyang obserbasyon sa kanyang guro bilang
silang magsulat; at ikatlo, pag-aangkop ng mga modelo ng kanyang gawaing pasulat, gayon din
paksang isusulat sa interes at lebel ng kaalaman sa interaksyon niya sa mga kapwa mag-aaral.
ng mga mag-aaral. Nangangahulugan lamang na hindi lamang ga-
waing pang-indibidwal ang pagsulat. Nagaganap
Kaugnay ng gampanin ng guro sa pag- ito sa isang discourse community na ang bawat
katuto sa pagsulat, naniniwala si Tompkins kasapi ng komunidad ay malayang nakikipagta-
(2003) na ang isang epektibong guro sa pagsulat lastasan.
Alipato 21

Binigyang-diin nina Tompkins (2003) at Matapos matukoy ang mga kasanayang


Raimes (1983) ang pagsulat bilang isang proseso lilinangin, binuo ang anim na banghay-aralin sa
na hindi natatapos sa isang upuan kundi naha- pagsulat na ginamitan ng prosesong pagdulog.
hati sa iba’t ibang yugto. Itinuturing itong isa sa Hinati sa tatlong yugto ang bawat aralin: bago
pinakakomplikadong kasanayang dapat matutu- sumulat, habang sumusulat at pagkatapos
han ng mga mag-aaral sapagkat habang nag- sumulat.
susulat, natututuhan din niya kung paano mag-
eksperimento sa gamit sa wika. Dahil sa gani- Ipina-validate sa tatlong guro ng Filipino
tong kalikasan ng pagsulat, kailangang iparanas sa UP Integrated School ang mga nabuong ara-
sa mga mag-aaral ang prosesong pagdulog na lin sa tulong ng inihandang kwestiyonaryo na
binubuo ng sumusunod na mga yugto: prewrit- nakatuon sa layunin, paksa, at gawain na angkop
ing; drafting; revising; editing at publishing. sa lebel ng mga mag-aaral. Batay sa mungkahi
Ang mga gurong gumagamit ng ganitong lapit ay ng mga gurong kalahok sa balidasyon, nilapatan
nagbibigay sa mga mag-aaral ng dalawang ma- ng pagbabago ang bawat aralin.
hahalagang suporta sa pagbuo ng isang sulatin -
sapat na oras at feedback. Sinubok ang mga aralin sa tatlumpu’t
tatlong (33) mag-aaral na nasa ikatlong grado ng
Ang kabisaan ng paggamit ng prosesong UP Integrated School. Pagkatapos ay isinagawa
pagdulog sa pagsulat ay pinatunayan sa kwalita- ang ebalwasyon, gamit ang isang kwestiyonary-
tibong pag-aaral na isinagawa ni Concepcion ong naglayong matukoy ang saloobin ng mga
(2006). Lumabas sa kanyang pag-aaral na mas kalahok na mag-aaral tungkol sa paksa, gawain
mataas ang kalidad ng mga sulating nabubuo ng at pamaraang ginamit sa aralin. Isinagawa rin
mag-aaral kung ginagamitan ng prosesong pag- ang isang focus group interview
dulog ang mga ito. Napatunayan ding malaking upang masubok ang resulta sa kwestiyonaryong
tulong ang ang ganitong dulog sa paglinang ng sinagot ng mga kalahok na mag-aaral.
komprehensyon ng mga mag-aaral, lalo pa kung
isinasaalang-alang ang interes, kakayahan at Kinalabasan ng Pagsusuri
istilo sa pagkatuto ng mga estudyante.
Obserbasyon sa mga Naunang Komposisyon
Pamaraan
Sa pagsusuri ng mga naunang kom-
Unang sinuri ang nilalaman ng Philippine posisyon sa simula ng pag-aaral, kapansin-
Elementary Learning Competencies (PELC) at pansing kulang ang kasanayan ng mga kalahok
tinukoy ang mga kasanayan sa pagsulat sa Fili- na mag-aaral sa organisasyon, o pag-uugnay at
pino na dapat linangin sa mga mag-aaral na nasa paghahanay ng mga ideya. May mga mag-aaral
ikatlong grado ng elementarya. Mula sa mga na sapat ang ideya tungkol sa paksa, ngunit ku-
natukoy na kasanayan, pumili ng anim (6) na lang ang kakayahang maayos na mapagsunud-
kasanayang nilayong linangin sa pag-aaral, kabi- sunod ang mga ideyang iyon. Mayroon ding
lang ang pagbuo ng balangkas ng talata at sadyang maganda at malaman ang mga kaisi-
pagsulat ng talatang naglalarawan, nagsasalay- pan, subalit hindi naman organisado ang paraan
say, nagbibigay-impormasyon, at naglalahad ng ng pagpapahayag ng mga ito.
sanh at bunga.
Kapuna-puna sa mga sinuring kom-
Sinundan ito ng pangangalap ng ilang posisyon ang kakulangan sa nilalaman (content).
komposisyong gawa ng mga mag-aaral at pag- Batay na rin sa karanasan ng mananaliksik,
susuri ng mga komposisyong ito upang matukoy madalas marinig sa mga mag-aaral na hindi nila
ang kahinaan sa pagsulat ng mga mag-aaral. alam kung ano ang isusulat at wala silang “wala
Isinasaalang-alang ang mga nakitang kahinaan silang maisip” tungkol sa paksa. Kung mayroon
sa pagbuo ng mga aralin, kasama ang mga ob- man, karaniwan nang maikli ang naisusulat ng
serbasyong napansin ng mananaliksik habang mga bata, o kaya’y maraming pangungusap
aktwal na nagsusulat ang mga mag-aaral.
22 Alipato

ang naisasama ngunit wala namang kauignayan Nasa Talahanayan 1 ang resulta ng bali-
sa paksa ng sulatin. dasyon ng tatlong (3) guro sa mga binuong
banghay-aralin, batay sa kwestiyonaryong ini-
Nakita rin sa mga sinuring komposisyon handa rin ng mananaliksik. Nasa ibaba naman
ang maraming kamalian sa paggamit ng mga ang pagpapahalaga o deskripsyon ng iskalang 1
bantas, malaking titik, at pagbaybay lalo pa’t hanggang 3.
may gitling o kudlit ang salita. Isama rin dito 1: Lubos na sumasang-ayon
ang maling pagbuo ng mga salita at pangun- 2: Sang-ayon
gusap, kasama ang paglalapi at pagsusunud- 3: Di-sang-ayon
sunod ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap.
Balidasyon ng mga mga Kalahok na Guro sa Talahanayan 1: Resulta ng
mga Nabuong Aralin Balidasyon ng mga Guro sa
Mga Kategorya Mga Sagot
A. Mga Layunin Guro 1 Guro 2 Guro 3 Mean
Average
1. Tiyak at malinaw ang mga layuning nais 3 3 3 3
matamo sa aralin.
2. Nasusukat ang mga layunin na nais 3 3 2 2.7
matamo sa bawat aralin.
B. Mga Kagamitan
3. Sapat ang mga nakalahad na kagamitan
upang matamo ang mga layunin (lunsaran 3 3 2 2.7
at mga kagamitang biswal).
4. May barayti ang mga kagamitan. 3 3 3 3
5. Angkop sa antas ng mga mag-aaral ang 3 3 3 3
kagamitan sa mga aralin.
C. Pamamaraan
6. Nakatulong ang mga gawain upang 3 3 2 2.7
mapukaw ang mga datihan nang kaalaman
ng mga mag-aaral.
7. Nakatulong ang mga gawain upang 3 3 3 3
mapadali ang mga gawaing pasulat ng mga
mag-aaral.
8. Angkop ang mga gawain sa paksa ng 3 3 2 2.7
aralin.
9. Malinaw ang pagkakalahad ng nilalaman ng 3 3 2 2.7
aralin.
10. Angkop sa lebel ng mga mag-aaral ang lun- 2 3 3 2.7
saran.
11. May pagkakataon ang mga mag-aaral na 3 3 2 2.7
makapagsuri ng iba’t ibang teksto.
12. Naaayon sa lebel ng mga mag-aaral ang paksa 3 3 2 2.7
ng aralin.
13. Angkop sa lebel ng mga mag-aaral ang mga 3 3 3 3
gawaing pasulat.
14. May barayti ang mga gawain ang mga aralin. 3 3 3 3
Alipato 23

Batay sa Talahanayan 1, walang mababa Matapos na masuri ang mga uri ng tek-
sa mean average (MA) na 2.7 ang nakuha ng sto, aktwal na pinasulat ng guro ang mga mag-
mga kategorya sa kwestiyonaryong sinagot ng aaral ng kanilang komposisyon sa tulong ng saril-
mga gurong kalahok. Nangangahulugan itong ing graphic organizer. Para sa anim na banghay-
“mataas ang pagsang-ayon” ng mga guro sa aralin, bumuo rin ang guro ng iba’t ibang gawain.
kabisaan, kasapatan, at kaangkupan ng mga
layunin, kagamitan at pamaraang ginamit sa mga May araling ang sulatin ay nasa anyo ng
sinuring banghay-aralin. liham pangkaibigan, kuwento, at iba pa. Ilan sa
mga obserbasyong napansin sa mga mag-aaral
Mahalagang banggitin na sa bawat ar- ang mga sumusunod: (a) hindi na sila nahihira-
aling nabuo, ang mananaliksik ay gumamit ng pang mag-isip ng kanilang isusulat dahil natutu-
mga grapikong pantulong (o kagamitang biswal) koy na nila ang kanilang mga ideya sa panimu-
bilang mga panimulang gawain sa pagsulat. Ang lang gawain, (b) karaniwang humihiling pa sila sa
mga graphic organizer na ito ang nagsilbing pa- guro na magdaragdag pa sila ng kanilang mga
ghahanda (o lunsaran) sa mga mag-aaral sa ideya, at (c) may natitira pang oras ang klase
aktwal na pagsulat. Mahihinuhang ito ang dahi- upang tayain o suriin ang kanilang sariling su-
lan kung bakit nagtamo ng MA na 2.7 ang kate- latin.
goryang “Sapat ang mga nakalahad na kagami-
tan upang matamo ang mga layunin (lunsaran at Maliban dito, matapos magsulat ay
mga kagamitang biswal)”, at nakakuha din ng nagkakaroon pa ng pagbabahaginan ng mga na-
MA na 3 ang “Nakatulong ang mga gawain tapos na sulatin ang mga mag-aaral sa yugtong
upang mapukaw ang mga datihan nang kaala- “Pagkatapos Sumulat”. Sinusundan ito ng rebi-
man ng mga mag-aaral.” syon ng mga indibidwal na sulatin sa klase,
kung saan karaniwang natutugunan ang kahi-
Nakita ng mga gurong kalahok na na- naan ng mga mag-aaral sa mekaniks ng pagsu-
katutulong ang ganitong panimulang gawain sa lat.
paghahanay-hanay at pagsasama-sama ng mag-
kakaugnay na ideyang dati nang alam ng mga Dahil sa mga yugto-yugtong gawaing ito,
mag-aaral. Nakadaragdag din ito sa pagkaka- mahihinuha lamang na nakita ng mga gurong
roon ng barayti sa mga gawain sa pagpapasulat kalahok, sa pamamagitan ng matataas na aver-
(MA na 3) at pagpapadali ng mga gawaing pasu- age mean rating sa kategoryang 6 hanggang
lat (MA na 3). Idagdag pang matapos maka- 14 (Pamaraan), ang kabisaan ng mga naturang
paglista ng magkakaugnay na ideya ang mga gawain.
mag-aaral, nagkakaroon din ng maikling ta-
lakayan ang klase tungkol sa uri ng tekstong
kanilang susulatin. Kaya naman nakakuha ang Pagtaya ng mga Kalahok na Mag-aaral
tanong bilang 11 ng MA na 2.7, na nangangan-
gahulugang nakabuti ang pagkakaroon ng pag- Nasa Talahanayan 2 ang resulta ng pag-
kakataong makapagsuri ng iba’t ibang teksto taya ng mga kalahok na mag-aaral sa mga aralin
ang mga mag-aaral. sa pagsulat na kanilang ginamit. Nasa ibaba na-
man ang pagpapahalaga o deskripsyon ng is-
Bahagi ng prosesong pagdulog ang kalang 1 hanggang 3.
yugtong ito na tinatawag na “brainstorming” na 1: Lubos na sumasang-ayon
ang mga mag-aaral, kasama ang guro, ay nag- 2: Sang-ayon
babahaginan ng kanilang mga ideya tungkol sa 3: Di-sang-ayon
paksa ng sulating isasagawa.
24 Alipato

Talahanayan 2: Talahanayan ng Resulta ng Pagtaya ng mga Mag-aaral na Kalahok

Mga Kategorya Dami ng mga Sumagot na Mag-aaral


A. Paksa ng mga Aralin 1 2 3 Mean
Aver-
age
1. Interesante ang mga paksa n gaming aralin sa pag-
sulat. 15 12 2.56
2. Interesante ang mga paksa ng aming aralin
sa pagsulat. 15 12 2.56
3. May kaalaman ako sa mga paksa ng aming
aralin sa pagsulat. 17 10 2.63
4. Naaangkop o tama lamang sa aming edad ang mga
paksa. 19 8 2.70
5. Nagustuhan ko ang mga paksa ng aming sulatin. 2.52
15 11 1
B. Mga Gawain
6. Nakatulong sa akin ang mga gawain upang maging
madali ang pagbuo ng mga sulatin 24 3 2.89
7. Nasiyahan ako sa mga inihandang gawain. 16 11 2.59
8. Naipaliwanag ng guro ang bawat gawain. 21 6 2.78
9. Napaunlad ng mga gawain ang aking kasanayan sa 17 10 2.63
pagsulat.
C. Pamamaraan
10. Nakatulong sa akin ang hakbang-hakbang na pag-
sulat ng sulatin. (Bago sumulat, Habang sumusulat 22 5 2.81
at Pagkatapos sumulat)
11. Nakatulong sa akin ang mga modelong teksto. 18 9 2.33
12. Binigyang kami ng sapat na oras upang makapag- 20 5 2 2.67
sulat.
13. Nakatulong sa akin ang talakayan bago ang pagsu- 21 6 2.78
lat ng sulatin.
14. Naging mahalaga na sa akin ang pagsulat dahil sa 19 7 1 2.67
mga gawain.

Tulad ng Talahanayan 1, nagpakita ang ginamit sa mga sinuring aralin. Bunga nito, ma-
Talahanayan 2 ng matataas na mean average sa hihinuha ang mga sumusunod na kabatiran
lahat ng kategorya. Pinakamataas ang MA (insights) tungkol sa pagtuturo at pag-aaral ng
(2.89) ng “Nakatulong sa akin ang mga gawain pagsulat:
upang maging madali ang pagbuo ng mga su-
latin” at pinakababa man ang MA na 2.33 sa Sa pagbuo ng mga banghay-aralin sa
kategoryang “Nakatulong sa akin ang mga pagsulat, kailangang isaalang-alang ang tatlong
modelong teksto,” nangangahulugan pa ring mahahalagang bahagi ng isang aralin: ang
mataas ang pagsang-ayon ng mga mag-aaral na paksa, mga gawain, at pamamaraang ginagamit
kalahok sa kaangkupan ng mga paksa at sa pagpapasulat.
kabisaan ng mga gawain at pamaraang
Alipato 25

Sa pagpili ng paksa, mahalagang bigy- Una, “Naka-relate ka ba sa mga paksa


ang-pansin ang (a) interes at kaalaman ng ng sulatin na ginawa ninyo sa klase? Bakit?” Li-
mga mag-aaral tungkol sa papaksain ng sulatin; mang respondent ang sumagot ng naka-relate
(b) kaangkupan ng paksa sa edad at lebel ng sila sa mga paksa ng kanilang aralin sa pagsulat.
kakayahan ng mga mag-aaral; at (c) barayti sa Enjoyable daw para sa kanila ang mga paksa
mga paksa ng iba’t ibang sulatin. Napatunayang dahil interesting sa kanila ang mga ito. At dahil
napakahalaga ng pagpili ng mahusay na paksa nga ayon sa kanilang interes ang mga paksa, nag
upang magkaroon ng positibong motibasyon sa -enjoy din sila sa pagsusulat. Ilan sa mga pak-
pagsulat ang mga mag-aaral. Ang mga paksang sang naibigan nila ang pagsulat ng impormas-
luma at hindi naaayon sa kanilang interes ay yon tungkol sa computer. Marami umano silang
maaaring maging dahilan ng kanilang pag-ayaw natutuhan sa paksang ito at natuklasan nila ang
o pagkabagot sa pagsulat ng anumang sulatin. mga bagay na nagagawa ng kanilang computer.
Naibigan nila ang paglalarawan sa mga kaklase
Sa paghahanda ng mga gawaing pasulat, sapagkat sa tulong nito, nakilala nila ang
napatunayang mas nagiging epektibo ang pagpa- kanilang mga kamag-aral at nasabi nila ang mga
pasulat kung (a) may maayos na panimulang katangian ng isa’t isa. Samakatwid, sa unang
gawain ang guro bago ang aktwal na pagpapasu- tanong pa lamang ay natukoy na ang dapat
lat; (b) ang mga gawain ay kasiya-siya at maka- isaalang-alang tungkol sa paksang magagamit
buluhan sa mga mag-aaral; nahihimok ng mga sa mga sulatin: makabubuting may kaugnayan
gawain na magsulat ang mga mag-aaral; (c) ang paksa sa sarili, interes o hilig, at Gawain ng
may malinaw na panutong ibinibigay ang mga mga mag-aaral. Hindi maitatangging marami
guro sa bawat gawain; at (d) may barayti sa mga silang ideya tungkol sa mga paksang makahu-
gawaing ibinibigay sa mga mag-aaral. Ang mga lugan at may relasyong sa kanilang murang
gawaing malabo at hindi mauugnay sa aralin ay edad.
dagdag-pasanin lamang sa mga mag-aaral,
samantalang ang kasiya-siyang gawain ay dahi- Ikalawa, “Naging madali ba sa iyo ang
lan upang kahiligan ng mga mag-aaral ang pag- pagsulat dahil sa mga gawain? Bakit?”
sulat. Apat sa limang kinapanayam ang sumagot na
Kaugnay ng pamamaraan sa pagtuturo naging madali sa kanila ang pagsulat dahil sa
ng pagsulat, lubos na magkakaroon ng pag-unlad mga gawain. Nagustuhan daw nila ang mga
ang mga mag-aaral sa kasanayang pasulat kung grapikong pantulong na ibinigay sa kanila at
(a) maayos, malinaw at madaling sundin ang natulungan sila nito sa pag-oorganisa ng mga
mga panuto sa bawat gawain; (b) may modelong ideya tungkol sa paksa. Binanggit pa ng isang
teksto na matutularan ang mga mag-aaral; (c) batang kinapanayam na ang “step-by-step” na
may sapat na panahon upang makapagsulat; at pagsulat sa klase ay nakatulong sa pagbuo ng
(d) nararanasan ng ang proseso ng pagsulat. sulatin, at ang pagkakaroon ng “sequence” ay
Samakatwid, nagiging maganda ang pagtingin nakatulong sa organisasyon ng kanilang sulatin.
ng mga mag-aaral sa pagsulat kung naging ma- Nangangahulugan lamang na mahalaga ang pa-
ganda ang kanilang karanasan sa gawaing pasu- ghahanda ng mga gawain upang maisaayos ang
lat. hakbang-hakbang na pagpapasulat.

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Focus Ikatlo, “May sapat na oras bang ibinigay
Group Interview ang guro upang makapagsulat?”. Sumang-ayon
naman ang limang kinapanayam na nabigyan sila
Ito ang resulta ng focus group interview ng sapat na oras upang makapagsulat. Dahil
sa limang kalahok na mag-aaral na pinili sa daw sa sapat ang panahon, nagkaroon sila ng
pamamagitan ng random sampling. Limang pagkakataong makapag-isip tungkol sa paksa.
tanong lamang na kaugnay ng paksa, mga ga- Binanggit din ng isa na nagkaroon siya ng oras
wain, at pamaraang ginamit sa sinuring aralin para “mapaganda pa ang aking isinulat.”
ang binuo para sa panayam, kabilang ang mga
sumusunod:
26 Alipato

Mahihinuhang ang pagkakaroon ng sapat “Nakapagbasa po kasi ako, ang dami ko


na panahon ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng tuloy nakuhang impormasyon, kaya
panahong makapag-isip, maingat na magsulat, marami akong naisulat.”
mataya ang sariling sulatin, at makapaglapat ng
rebisyon sa isinulat. “Ang dami po kasi nating ginawa bago
sumulat, sumali ako sa mga gawain, ang dami ko
Ikaapat, “Nakatulong ba sa iyo ang tuloy naisip.”
yugtu-yugtong pagsulat? Bakit?” Pawang suma-
got ng positibo ang limang mag-aaral. Malaking Kasi po, nakapagpraktis po akong mag-
tulong umano sa kanila ang yugto-yugtong pag- sulat.”
sulat. Ang paggamit daw ng grapikong pantulong
sa unang gawain ay nakatulong agad sa kanila sa Sa kabuuan ng panayam, nahinuhang
paghahanay ng mga ideya. Madali raw nilang mas matutulungan ang mga mag-aaral kung (a)
naalaala ang kanilang mga naiisip at ideya dahil mahusay na pinipili ng guro ang mga paksa ng
nakasulat sa kanilang graphic organizer ang mga sulatin; (b) organisado, tiyak at kawili-wili ang
ito. Binabalik-balikan na lamang nila ang mga mga gawain; at (c) yugto-yugto ang pagpapasu-
ideyang isinulat sa organizer, at nasuri nila ang lat. Sa ganitong paraan, mas nagiging madali at
mga ideyang dapat at hindi dapat isama sa makabuluhan para sa mga mag-aaral ang mga
kanilang sulatin. Sa mga gawain naman pagkata- gawaing pasulat.
pos sumulat, sinabi nilang gusto nilang binabasa
sa klase ang kanilang sulatin dahil (a) naibaba- Konklusyon
hagi nila sa mga kaklase ang kanilang ideya; (b)
may napupulot silang ideya mula sa ibang kak- Lumalabas na naging epektibo ang mga
lase; (c) nakikita nila ang kanilang mga mali sa nabuong banghay-aralin sa pagsulat para sa mga
pamamagitan ng pagbabahaginan ng mga isinu- mag-aaral na nasa grado 3 ng UP Integrated
lat sa klase; at (d) nakaka-enjoy marinig sa School. Ayon na rin sa mga kalahok na mag-
klase ang isinulat ng kanilang mga kaklase. aaral, nakatulong sa kanila ang mga inihandang
Batay sa sagot ng mga batang kinapanayam, gawain upang mapaunlad ang kanilang ka-
masasabing malaki at makahulugan ang gina- sanayang magsulat ng iba’t ibang teksto. Naging
gampanan ng prosesong pagsulat sa pagbuo ng makahulugan sa kanila ang pagsulat dahil sa
isang maayos na sulatin. Mas nakikita ng mga mga paksa at gawaing pasulat na kanilang nara-
mag-aaral ang kabuluhan ng kanilang ginagawa nasan.
dahil aktibo silang nakikilahok sa proseso. Batay
pa sa obserbasyon ng mananaliksik, namasid na Ito ang mahahahalagang kabatirang na-
kusang isinagawa ng mga mag-aaral ang proseso tamo sa pag-aaral:
ng pagsulat. Kinailangan nga lamang ang mga
pamatnubay na gawain para sa bawat yugto. Ang angkop at kawili-wiling paksa at
gawain sa pagpapasulat ng mga sulatin ay maha-
halagang salik upang matuto at mawiling magsu-
At ikalima, “Sa inyong palagay, may nag- lat ang mga mag-aaral. Gayon din, ang mga
bago ba sa inyong kakayahan sa pagsulat ng paksa at gawaing naaayon sa kanilang kakaya-
iba’t ibang uri ng talata?” Apat ang sumagot na han at interes ay positibong motibasyon upang
nagkaroon sila ng pagbabago sa kakayahang maging kasiya-siya ang pagsulat.
magsulat. Kabilang sa mga dahilang binanggit
ng mga bata ang mga sumusunod: Importanteng magkakaroon ng barayti o
pag-iiba-iba ng mga gawaing pasulat sa prose-
“Marami po akong natutuhan tungkol sa song pagdulog sa pagsulat. Base nga sa
paksa bago tsumulat kaya gumaling po ako panayam, kusang sumasailalim ang mga mag-
sa pagsulat.” aaral sa mga yugto-yugtong gawain, at kailangan
lamang na gabayan sila ng kanilang guro.
Alipato 27

Totoong malaki ang papel na ginagam- Rudell, Robert. 1995. Teaching Children to Read
panan ng guro sa pagkatuto sa pangkalahatan, and Write: Becoming an Influential Teacher.
ngunit lalo higit sa pagkatuto ng pagsulat ng Allyn and Bacon Publishing.
mga sulatin na masasabing “pinakamahirap”
ngayong ituro sa mga estudyante. Mahalaga Tompkins, Gail. 2003. Literacy for the 21th Cen-
talagang matutuhan, mapili, maplano at main- tury. (3rd Ed.). New Jersey: Pearson Educa-
gat na maisagawa ng guro ang mga estratehiya tion, Inc.
o pamamaraang angkop sa kanyang mga saril-
ing estudyante tungo sa mabisa at kawili-wiling Villafuerte, Pat. et. al. 2008. Pagtuturo ng/sa
proseso ng pagsulat. Filipino: Mga teorya at Praktika. Mutya Publish-
ing House, Inc.
Mga Reperensya

Badayos, Paquito. 1999. Metodolohiya sa Pag-


tuturo ng Wika: Teorya, Simulain at
Istratehiya. Makati City: Grandwater Publica-
tions and Research Corp.

Concepcion, Marie Yvette C. 2006. Process


Writing as Reading Comprehension Tool for
Expository Text in Social Studies. University
of the Philippines Diliman, Quezon City.

Legaspi, Leonida Q. 2005. Mga Gawain sa Pag-


linang ng Kasanayan sa Pagsulat sa Ikaapat
na Baitang sa Elementarya. Philippine Nor-
mal University, Taft Avenue, Manila.

Lantolf, James. 2000. Introducing Sociocultural


Theory. Viv Edwards at David Corson (eds.),
Encyclopedia of Language Education. Nether-
lands: Kluwer Academic Publisher.

Owocki, Gretchen at Goodman, Yetta. 1997. The


Teaching of Writing. Viv Edwards at David
Corson (eds.), Encyclopedia of Language
Education. Netherland: Kluwer Academic
Publisher.

Paguirigan, Gina R. 2004. Sanayang Aklat sa


Paglinang ng mga Kasanayan sa Pagsasalita,
Pagbasa at Pagsulat ng mga Mag-aaral sa
Unang Taon ng Sekondarya. Philippine Nor-
mal University, Taft Avenue, Manila.
Raimes, Ann. 1983. Techniques in Teaching
Writing. Oxford: Oxford University Press.

You might also like