You are on page 1of 11

ANG MUNTING PRINSIPE

Isinalin ni Desiderio Chin


Isinulat ni Antoine de Saint-Exupery

PAGKILALA SA MAY AKDA


Kahit ang kwentong “Ang Munting Prinsipe” ay isa lamang kathang-isip, ang mga naranasan ni Antoine
de Saint-Exupery bilang isang piloto ay naging inspirasyon upang isulat niya ang akda. Nagsimula ang istorya sa
pagbagsak ng eroplano kung saan nakilala ng tagapagsalaysay ang pangunahing tauhan, ay sumasalamin sa
totoong kasawian na nag-iwan sa may akda sa Sahara noong kalagitnaan ng 1930s habang siya ay patungo sa
Saigon mula Paris para sa isang airmail run. Kalaunan ay sinabi sa TIME, “Base sa katangian, habang naghihintay
ng magsasagip sa disyerto, sinamahan siya ng kanyang imahinasyon, na nag-udyok sa kanya upang gawin and
kasiya-siyang pambatang akda, Ang Munting Prinsipe.” Siya’y nagpalakad-lakad sa disyerto bago siya masagip
ng dumadaang Bedouin.
Bago humantong sa pagsulat ng Ang Munting Prinsipe, inilarawan niya ang kanyang naging pagsubok sa
librong “Wind, Sand, and Stars”. Ang matinding naranasan niya sa disyerto ay nauwi sa maraming guni-guni at
haka-hakang pagkatagpo sa mga kakaibang nilalang. (“Lumakad akong nakatingin sa ibaba”, sabi niya, “sa pagkat
ang aking mga nakikita ay hindi ko na kinakaya.”) Ngunit ang librong Wind, Sand, and Stars ay nagsasabi nang
higit pa sa inspirasyon ng Ang Munting Prinsipe. Ipinaliwanag din ng TIME noong 1939 sa kanilang pagsusuri
sa aklat na may mga pahiwatig sa pilosopiya na makakatulong sa akda bilang maging isa sa pangmatagalang
pabula ng dalawampung siglo.

URI NG PANITIKAN
Isinulat ng may-akda ang mahabang piksyon bilang isang nobela kung saan ito ay nahati sa iba’t ibang
kabanata. Gumamit ito ng malikhain at maguni-guning paglalahad upang pumukaw ng damdamin ng mambabasa
para ito’y maging kawili-wili. Ito ay mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
Ito ay naglalayong gumising ng diwa at damdamin ng mambabasa gayundin ang manawagan sa talino at
guni-guni, mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay ng aral, magsilbing daan tungo sa pagbabago, at
higit sa lahat, magbigay ng inspirasyon sa mambabasa.

LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng may-akda ay matutuhan ng mga mambabasa na kailanman ay hindi aksidente ang
pagkakaibigan. Na sa kabila ng pagkakaparepareho, may isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo
dahil ito ay may kakaibang taglay na halaga para sayo.
Sabi nga ng alamid, “Narito ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso, makakakitang
mabuti. Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay.” Nais nitong ipaalam sa mga mambabasa na ang mga
mahahalagang bagay sa buhay ay hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa mga sumusunod: pagpapahalaga ng pagkakaibigan, hindi
pagkakaroon ng makitid na pag-iisip, paglalakabay, adbentura, at pagkakaroon ng relasyon na nagtuturo ng
responsibilidad.

MGA KARAKTER/TAUHAN SA AKDA


Ang pangunahing tauhan sa kwento ay ang piloto kung saan siya ang nagsasalaysay ng kwento. Nariyan
din ang munting prinsipe na bida sa kwento na nagmula sa ibang planeta. At ang huli ay ang alamid kung saan
siya ang nagturo sa prinsipe ng napakahalagang bagay.
Ang iba pang mga tauhan ay ang mga sumusunod: ang rosas, ang hari, ang hambog, ang lasenggo, ang
mangangalakal, ang tagasindi ng ilaw, ang heograpo, ang ahas, at ang bulaklak sa disyerto.

TAGPUAN/PANAHON
Dahil ang akda ay hango sa naging karanasan ng manunulat, masasabi natin na ito ay naganap sa Disyerto
ng Sahara. Nabanggit din dito ang Planeta B-612 o 325, at maging ang iba’t ibang planeta.
Walang tiyak na panahon kung kailan ito nangyari ngunit ang nobela ay unang nailimbag noong Abril
1943 kung saan ang mga pangyayari dito ay nagiging inspirasyon at aral nasaan ka man hanggang sa
kasalukuyan.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


Sa simula ng akda, bumagsak ang eroplano ng isang piloto sa Disyerto ng Sahara. Habang pinag-iisipan
niya kung paano ito aayusin at kung saan siya makakahanap ng makakain at maiinom, dumating naman ang
munting prinsipe. Nagpaguhit ito sa kanya ng isang tupa at pagkatapos ng ilang ulit ay nagustuhan na ito ng
munting prinsipe. Habang inaayos ang eroplano, nagkwento ang prinsipe tungkol sa mga lugar na napuntahan at
natutuhan niya. Nabanggit niya rin ang pagmamahal niya sa rosas at kung bakit siya umalis sa kanyang planeta.
Nakakilala ang prinsipe ng isang alamid. Nang maamo na niya ito, nalaman niya ang tunay na mahalagang bagay
sa ating buhay. Naghanap ng balon ang piloto at ang munting prinsipe. Nang makakita sila nito, mahahalata sa
pananalita ng prinsipe ang pananabik na makabalik sa planeta nila upang makita ang rosas. Nakipagusap siya sa
ahas para siya ay maibalik na sa kanyang planeta. At sa wakas, dumating na rin ang araw kung kailan nakabalik
ang munting prinsipe sa kanyang daigdig dahil sa pagtuklaw ng ahas sa kanya. Ikinalungkot ng piloto ang pag-
alis ng munting prinsipe. Sa pagdaan ng panahon, ang pangungulila ng piloto ay napupunan sa pagtingin niya sa
mga bituin sa langit kung saan naaalala niya ang kanyang munting prinsipeng kaibigan.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA


Ang mga sumusunod ay mga ideya o kaisipang nakapaloob sa tula:
• Ang pagkakaibigan ay nangyari sa isang tiyak na dahilan.
• May isang tao o bagay ang mananatiling natatangi para sayo dahil ito ay may kakaibang
taglay na halaga para sayo.
• Ang mahahalagang bagay ay hindi nakikita o nahahawakan kundi nararamdaman ng puso.
• Ang pagkakaroon ng relasyon ay nagtururo ng responsibilidad.

ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/PANITIKAN


Gumamit ng mga larawan at simbolismo ang may-akda bilang istilo.
May iba’t ibang teoryang pampanitikan din ang makikita sa akda. Ito ay ang mga sumusunod:
• Imahismo - gumamit ang akda ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya at saloobin, at iba pang nais ibahagi ng may-akda.
• Realismo - ang nangyari sa akda ay nangyayari talaga sa tunay na mundo

BUOD
Isang lalaki ang nangarap na maging isang sikat na pintor. Subalit ito ay napalitan ng isang pangarap sa
kadahilanang pinatigil siyang gumuhit at pinagsabihang magtuon na lamang sa Heograpiya, Matematika,
kasaysayan at wika. Siya ay naging isang piloto ng sasakyang panghimpapawid. Nasira ang kanyang sasakyan sa
isang disyerto sa Sahara. Sa kanyang pagkukumpuni ng eroplano, kanyang nakita ang isang batang lalaki at may
suot na prinsipe. Isang bata na naligaw sa gitna ng disyerto. Marami itong naikwento tungkol sa kanyang buhay,
sa planetang kanyang tinitirahan, at sa planetang siya lamang ang nakatira . Maliit lamang ito. Halos maiikot mo
lamang ng isang minuto. Naikwento rin niya ang iba’t ibang taong kanyang nakasalamuha nang siya’y maglakbay.
Iba’t iba ang mga ito: may pag-uugaling kung minsan ay masama o mabuti, may pag-uugaling nakasanayan nang
gawin, ang iba ay seryoso ,nakakalungkot at nakawiwili. Naransan rin niyang mainggit sa ibang taong kanyang
nakakasalamuha. Hanggang isang araw na pag bisita sa isang planetang kakaiba sa kanya at sa iba pang planeta.
Natagpuan niya dito ang isang Heograpo. Isang Heograpo ngunit kakaiba ang gawain . Tinuro sa kanya ang
kagandahan ng buhay at paligid. Sa kanilang paglalakbay, napag-isipan ng piloto na bumalik sa eroplano at ayusin
ito. Habang nakaupo ang prinsipe sa ibabaw ng nakatayong pader, may isang ahas ang dumating. Kinakaibigan
niya ito subalit bigla itong tinuklaw. Sa kagustuhan man ng
piloto na iligtas ang kaibigang prinsipe, hindi naging madali ito. Namatay ang prinsipe subalit itinatak ng piloto
sa kanyang puso’t isipan na nagkaroon siya ng kaibigan na naging isang tagapagpayo at maaalalahanin na nariyan
lang at nakaalalay sa kanya kahit kailan.
ANG MUNTING PRINSEPE
Nobela mula sa Pransiya
Salin ni Desiderio Ching ng kuwentong
"The Little Prince" ni Antoine de Saint-Exupery

MAY AKDA
Ipinanganak sa Lynos si Antoinne de Saint Exupery ay itinuturing na isang pilotong kakaiba sa lahat. Sa
loob ng dalawampung taon, siya ay naglakbay sa kalawakan upang gampanan ang mga pag buo ng mapa ng iba't-
ibang lugar kasabay ng pag-lalakbay komersiyo. Ang kanyang pag-lipad ay nag-dulot sa kanya ng inspirasyon at
halaga sa kanyang mga pag-susulatang mga pilosopiyang sanaysay at pantasya. Ang pag-lipad din ang nag-gayak
sa kanya upang matukoy ang karunungan at kahulugan ng buhay. Si Antoinne de Saint Exupery ay nag simula ng
pag sulat "The Little Prince" noong ikalawang digmaang pandaigdig. Nang sakupin ng Germany ay tumigil sa
pag-lipad at lumisan papuntang New York. Ang pangyayaring ito ay lubusang ikinalungkot niya at ito ay makikita
sa nobelang kanyang isinulat na nagpapadama ng pag asa na makabalik siya. (Ang "The Little Prince" na isinulat
ni Exupery ay nag papahiwatig ng ilang tunay na karanasan sa kanyang buhay ng kanyang kamusmusan at mga
salaysay ng kanyang paglalakbay).

URI NG PANITIKAN
Ang kuwento ng munting prinsipe ay isang uri ng nobela na mas maikli pa sa karaniwang nobela at mas
mahaba sa maikling kuwento. Isa rin itong pabula at alegorya.
LAYUNIN NG AKDA
Isinulat ito upang ipakita at iparamdam sa atin na sa ngayong panahon makikita mong pareparehas ang
lahat ng bagay ngunit makikitaan mo lang ito ng importansya o halaga kung ito'y iyong iningatan, inalagaan at
minahal. Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa mapabata man o matanda na dapat bigyang kalinga at
importansya ang isang bagay upang makita mo ang pag kakaiba nito sa mga katulad niya.
TEORYANG PAMPANITIKAN
Mailalapat ang teoryang romantisismo sa storya. Makikita sa istorya ang romantisismo dahil sa ugnayan
at sa nararamdaman ng munting prinsipe para sa kanyang rosas. Maaari din ito sa ugnayan ng alamid at ng
munting prinsipe dahil gusto ng alamid na mapaamo siya ng prinsipe.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng akda ay patungkol sa di pag sayang ng oras at panahon upang malaman ang mga bagay na
gusto nating malaman.
MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA
Ang pangunahing tauhan sa may akda ay ang munting prinsipe na umakyat sa isang mataas na bundok
upang tignan ang tatlong bundok na ang taas ay abot hanggang tuhod at nakilala niya duon ang naging kaibigan
na si alamid na nagturo sa kanya kung gaano kahalaga ang bawat oras at panahon.
TAGPUAN AT PANAHON
Nagpatunay lang na ang munting prinsipe ay may sariling mundo na marami pang kailangan malaman at
ang kanyang mundo ay naiiba sa makatotohanang mundo ng mga tao na may mga bagay na nalilimutan ng mga
tao.
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Sa aking pag kabasa ang nilalaman ay may pag kakaiba sa karamihang kuwento o istorya pagkat ito’y
may pag lalarawan sa ganap na nangyayari sa aking mundong ginagalawan. Ang ilang pangyayari ay nasa
panahong nag sasaad ngayon ang mga tao ay tulad sa mga rosas sa hardin walang pag kakaiba wala ni isang
natatangi kung kaya't nag papaamo ang alamid sa prinsipe at ng matapos ang amuhan napagtanto ng prinsipe ang
kaibahan ng rosas niya sa ibang hardin malinaw ang gustong ipahayag ng may akda na sa tamang karanasan
malalaman mo ang kaibahan ng isang bagay.
MGA KAISIPAN
Ang mga kaisipan o aral sa akda ay ang mga sumusunod:
Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga, puso
lamang ang nakadarama.
Matutong makuntento sa isang bagay na pinahalagahan mo ng sobra dahil natatangi lang yun sayo na
hindi mo mahahanap sa iba.
Tunay na pag mamahal at pag kakaibigan.
Ang mga kaisipang ito ay maaaring maging iyong gabay sa matiwasay at maayos na pamamalakad ng
iyong buhay.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


Epektibo ang pag kakasulat ng akda sapagkat naipapakita nito ang mga elemento ng nobela. Gumamit
din ang may akda ng mga simbolismo upang maging masining sa pag papahayag ng kanyang mensahe o aral sa
akdang ito. Ang simbolismo sa istorya ay ang rosas na pinahahalagahan at pinaamo ng prinsipe. Kaya rosas ang
simbolismo dahil para sa prinsipe ito ay parang espesyal na tao sa buhay niya.
BUOD
Sa akda ay pinakilala ang munting prinsipe. Pinakilala siyang napaka inosente at nag hahanap ng
makakausap o ng magiging kaibigan. Nag tangka ang munting prinsipe na hanapin ang mga tao ngunit una siyang
napadpad sa hardin ng mga rosas. Nanlumo siya nang makita niya ang isang hardin ng mga rosas. Sapagkat ang
sabi kanyang bulaklak sakanya ay wala nang iba pang tulad niya. Tila napahiya ang prinsipe nang makita niya
ang napaka raming katulad nito. May nakilala naman na alamid ang munting prinsipe at ang alamid na ito ang
nag silbing tagapagturo niya ng aral na ang pag kakaroon ng ugnayan sa kung ano man o sino man ay hindi
mapapantayan ng kahit ano mang kaparehas ng anyo nito sapagkat ang ugnayan nila ang mismong
nangingibabaw.
Ang Munting Prinsipe
Antoine de Saint-Exupery
(Nobela mula sa Pransiya)

Si Antoine de Saint-Exupery ay ipinanganak sa Lyon, France


noong ika-29 ng Hunyo, 1900. Hinirang siya bilang isang pambansang
bayani ng Pransiya. Naging isa siyang piloto at kasabay nito ang
pagkahilig niya sa pagsusulat. Ang pinakatanyag na isinulat ni Antoine
de Saint-Exupery na mayroong isang milyong kopya bawat taon sa
mundo. Ang mga isinulat niya ay
nagtataglay ng pilosopikal na aspekto
at ng kritisismo sa lipunan. Madalas
gamiting libro ng mga nagsisimulang
mag-aral ng Pranses Impormasyon sa
Awtor Antoine de Saint-Exupery
Impormasyon sa Akda.

URI NG PANITIKAN
Nobela - akdang buhay o kathambuhay. Ay isang mahabang
kuwentong pikisyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

LAYUNIN
Layunin ng may akda na ipaalam sa mga mambabasa lalo na sa matatanda na ang mga mahahalagang
bagay sa buhay ay hindi natin nakikita o nahahawakan kundi nararamdaman ng puso.

TEORYA
Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang tuon
nito ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, atbp.

TEMA
Ang pangunahing tema ng Ang Munting Prinsipe ay ang kahalagahan ng pagtingin sa buong katauhan
upang mahanap ang tunay na katotohanan at kahulugan ng isang bagay. Ito ay ang alamid na nagtuturo sa Prinsipe
upang makita ang puso ng isang tao sa halip na sa mga mata lamang.
TAUHAN
Ang mga tauhan ay ang:

Munting Prinsipe - ang bida sa kwento na nagmula sa ibang planeta.


Alamid - ang nagturo sa prinsipe ng napakamahalagang bagay.
Rosas - ang mahal at pinaka mahalaga sa Munting Prinsipe.

TAGPUAN
Bundok - dito niya nakita ang iba't ibang planeta.
Planeta - dito siya naglakbay at nakakilala ng iba't ibang bagay.
NILALAMAN
Ang kwento ng munting prinsipe ay di pangkaraniwan sa mga nababasa natin, dahil ang Munting Prinsipe
ay nakabase sa totoong buhay. Ito ay may koneksyon sa totoong buhay ng awtor. Ginamitan ito ni Antoine de
Saint-Exupery ng mga simbolismo tulad na lamang ng rosas na sinisimbolo ang kanyang asawa.

KAISIPAN

Ang kaisipan ng kwento ay ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi mo makikita sa iyong mga mata,
tanging ang iyong puso lamang ang makakadama.

ESTILO

Isinulat ito ng awtor base sa totoong pangyayari sa buhay niya na ginamitan niya lamang ng
pagkakaiba tulad ng pagbibigay simbolo sa mga tauhan. Gaya na lamang ng rosas, sinsimbolo nito
ang asawa ng may-akda na si Consuelo de Saint-Exupery at ang alamid naman ay pinaniniwalaan
na sinisimbolo ang kapatid ng awtor na si Francois.

BUOD

Ang Munting Prinsipe ay natutunan ang kahalagahan ng relasyon simula ng dumating sa kanya ang alamid, na
nagpaliwanag sa kanya ng kahalagahan ng pag papaamo. Dito lamang nakita ng alamid ang Munting
Prinsipe bilang higit pa sa isang ordinaryong maliit na batang lalaki. Tulad ng nakita ng Prinsipe na bagaman ang
kanyang rosas ay hindi lamang basta rosas, wala ng mas espesyal pa sa kanya dahil sa pagsasama na nilikha sa
pagitan nila, at ang pananagutan na nararamdaman niya.
ANG MUNTING PRINSIPE
Antoine de Saint-Exupéry

PAGKILALALA SA MAY AKDA

-Ipinanganak si Antoine noong ika-19 ng Hunyo, 1900 sa Lyon, France


-Nakapagtapos ng pag-aaral sa Sainte-Croix-du-Mans at sumubok sumali sa Navy sa Switzerland
-Siya’y nahirang bilang pambangsang bayani ng Pransya

Antoine de Saint-Exupéry

-Naging isang piloto kasabay ng kanyang hilig sa pagsulat

Si Antoine de Saint-Exupéry ay ipinanganak sa Lyon, France noong Hunyo 29, 1900. Ipinanganak sa isang
aristokratikong katolikong pamilya. Nauna siyang magpalipad ng eroplano sa edad na labindalawa, natanggap
niya ang kaniyang Pilot's Wings noong taong 1922, panahon kung kailan din siyang magumpisang magsulat.
Siya ay isang manunulat, manunula at piloto.
Nag-aral siya sa Villa St. Jean International School. Ang mga sumusunod ay kaniyang mga parangal na
nakamit:

-Légion d'honneur(1930,1939)
-Prix Femina (1929)
-Grand Prix du roman de l'Académie française(1939)
-U.S. National Book Award(1940)
-Croix de guerre (1940)
-Prix des Ambassadeurs(posthumous)
-Croix de guerre avec palme (1944) (posthumous)

Dahil sa katungkulan niya bilang isang piloto sa panahon ng Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, nawala
siya sa Mediterrenean sa isang reconnaissance mission noong Hulyo 1944, at pinaniniwalaang ito na rin ang
araw ng kaniyang kamatayan. Pagkatapos ng giyera, siya ay nakakuha ng katanyagan bilang isang Pranses na
manlilipad.

PAGKAKAUGNAY
Nakilala ng munting prinsipe ang mga iba pang tauhan sa kanyang paglalakbay at ang heograpo ang
dahilan kung bakit nakarating sa planetang daigdig ang munting prinsipe. Mahalaga ang papel ng ahas sapagkat
siya ang makakatulong sa prinsipe makabalik sa kanyang planeta.

URI NG PANITIKAN
Nobela – akdang-buhay o kathambuhay. Ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata.
Petsa ng paglimbag 1943

LAYUNIN NG MAY AKDA


“Narito ang lihim ko. Napakasimple nito: sa pamamagitan ng puso makakakitang mabuti. Hindi kita ng mata
ang pinakapuso ng mga bagay.” –Alamid
-Ipaalam sa mga mambabasa mas lalo na sa mga nakakatanda na ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay
hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.

TEMA O PAKSA NG AKDA


-Makitid na pag-iisip
-Paglalakbay, Adbentura
-Pagkakaroon ng relasyon ay natuturo ng responsibilidad

3 PANGUNAHING TAUHAN
1. Ang Munting Prinsipe – ang bida ng ating kwento, nagmula sa ibang planeta
2. Ang Piloto – ang tagapagsalaysay sa kwento
3. Ang Alamid – ang nagturo sa prinsipe ng napakamahalagang bagay.

IBA PANG TAUHAN


- Ang Rosas
- Ang Hari
- Ang Hambog
- Ang Lasenggo
- Ang Mangangalakal
- Ang Tagasindi ng ilaw
- Ang Heograpo
- Ang Ahas
- Ang bulaklak ng disyerto

TAGPUAN O PANAHON
- Planetang B-612 o 325
- Sa Disyerto ng Sahara
- Sa iba’t ibang planeta

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY SA AKDA


-Ang paglalakbay ng munting prinsipe
-Pagdating ng munting prinsipe sa daigdig
-Pagpapaalam ng munting prinsipe
-Pagtatapos ng kwento

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


Humanismo
-Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang susulatin. (magkakaugnay at
nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaa-aliw, at pagpapahalaga sa katotohanan)
-Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala
sa kultura.
Humanismo – ang humuhubog at lumilinang sa tao
-Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kay’t mahalagang ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapasya.

BUOD NG AKDA
Ang nobela ay tungkol sa isang batang prinsipe na naninirahan sa isang napakaliit na planeta kasama ang
tatlong bulkan, mga umuusbong na baobab, at isang bulaklak. Siya ay naglalakbay sa iba’t ibang planeta kung
saan nakilala niya ang hari na walang pinaghaharian, ang hambog na wala naman talagang tumitingala, isang
lasengero, isang negosyante, isang taga-sindi ng ilaw, at isang heograpo, hanggang napadpad sa lupa, ang
planetang pinaninirahan ng hindi mabilang na hari, hambog, lasenggo, negosyante, at heograpo.
Ito ang planeta kung saan abalang-abala ang mga matatanda sa mga bagay na para sa munting prinsipe ay
wala namang importansya. Ito rin ang planeta kung saan siya tumira nang matagal-tagal, at nakakilala ng ahas
na magbabalik sa kanya sa planetang kanyang pinanggalingan, daan-daang mga rosas na hindi pumapantay sa
ganda ng rosas na nagpaamo sa kanya, at alamid na kanyang pinaamo. Dito niya rin nakilala ang may-akda.

You might also like