You are on page 1of 5

Aralin 2.

A. Panitikan: Ang Aking Pag-ibig


Tulang pandamdamin mula sa Inglatera
Isinalin sa Filipino Alfonso O. Santiago
Mula sa Ingles na How Do I Love Thee
Ni Elizabeth Barrett Browning

Panimula

Ang aralin 2.5 ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pag-ibig” mula sa Italya na isinalin sa
Filipino ni Alfonso O. Santiago. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa sa kahalagahan ng angkop at
mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita sa pag-unawa mo sa tula na tatalakayin.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagawa ng sariling pandamdaming tula na


naglalaman ng mga matatalinghagang salita batay sa sumusunod na pamantayan: 1.) sulat kamay, 2.)
pagkakasunod-sunod, 3.) nilalaman, 4.) kaangkupan ng mga salita.

Yugto ng Pagkatuto

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam ka na sa pagkakaiba ng tulang pandamdamin
sa iba pang uri ng tula.

Magbabasa ka ng isang tulang inihanda sa iyo ng guro. Matapos mo itong mabasa, gawin mo ang gawain
1.

Isang Punungkahoy

Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ang mga kampana sa tuwing orasyon,

Ako’y tila isang nakadipang kurus Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy

Sa napakatagal na pagkakaluhod, Ibon sa sanga ko’y may tabing ng dahon,


Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Batis sa paa ko’y may luha ng daloy.

Organong sa loob ng isang simbahan, Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

Ay nanalangin sa kapighatian, Natuyo, namatay sa sariling aliw,

Habang ang kandila ng sariling buhay, Naging kurus ako ng pagsuyong laing,

Magaling na tanod sa aking libingan. At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Sa aking paanan ay may isang batis, Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis, Panakip sa aking namumutlang mukha!

Sa mga sanga ko ay nangagkasabit Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Ni ibon ni tao’y hindi na natuwa!

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan At iyong isipin nang nagdaang araw,

Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal Isang kahoy akong malago’t malabay,

At saka nag buwang tila nagdarasal, Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,

Ako’y binabati ng ngiting malamlam! Dahon ko’y ginawang korona ng buhay.

GAWAIN 1: Lantad-Damdamin

1.1 Ilahad ang mga damdamin na naghahari sa nasabing tula. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.

Damdamin
1.2 Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Tungkol saan ang tulang iyong nabasa?
2. May mga damdamin ba ng pag-ibig o pagpapasakit ang inilahad dito?
3. Makatotohanan ba o hindi makatotohanan ang nilalaman ng tula?
4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong isipan matapos mong basahin ang nasabing tula?

Linangin

Tunghayan ang sumusnod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si ElizabethBarrett Browning ng


Inglatera at isagawa ang hinihingi ng kasunod na mga Gawain.

ANG AKING PAG-IBIG

(How Do I Love Thee ni Elizabeth Barrett Browning

Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,

Kung paano kita pinakamamahal? Tulad ng lumbay kong di makayang bathin

Tuturan kong lahat ang mga paraan, Noong ako’y isang musmos pa sa turing

Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Na ang pananalig ay di masusupil.

Iniibig kita nang buong taimtim, Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagy

Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,

Lipad ng kaluluwang ibig marating Na nang mangawala ay parang nanamlay

Ang dulo ng hindi maubo-isipin. Sa pagkabigo ko at paghihinayang.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,

Ng kailangan mong kaliit-liitan, Ngiti, luha, buhay at ang aking hininga!

Lagging nakahandang pag-utus-utusan, At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

Maging sa liwanag, maging sa karimlan. Malibing ma’y lalong iibigin kita.


Kasinlaya ito ng mga lalaking

Dahil sa katwira’y hindi paaapi,

Kasingwagas ito ng mga bayani

Marunong umingos sa mga papuri.

GAWAIN 2: Paglinang ng Talasalitaan

Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. Isulat sa kasunod na chart
ang sagot. Gayahin sa sagutang papel ang chart.

1. Lipad ng kaluluwang ibig marating


Ang dulo ng hindi maubos-ispin.

2. Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi
Kasingwagas ito ng mga bayani
Marunong umingos sa mga papuri.

3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at ang aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Ang Aking Pag-ibig

Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3

GAWAIN 3: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Suriin ang tula batay sa elemento nito. Gawin sa sagutang papel.


2. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata?
3. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal?
4. Sa iyong palagay, anong bahagi ng tula ang nagpalutang sa ganda at kariktan nito? Patunayan
ang sagot.
5. Paano nakakatulong ang paggamit ng matatalinghagang salita upang maihatid ng may-akda sa
mambabasa ang mensahe?
6. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. “ang pag-ibig ay buhay, ang buhay ay pag-ibig.
Nabubuhay ang tao upang umibig at magmahal sapagkat sapol pa sa pagksilang, kakambal na
ng tao ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

GAWAIN 4: Suriin at Gumawa

Basahing mabuti at unawain ang tula. Suriin ang pagkakabuo nito at gumawa ka ng sariling tulang
pandamdamin.

You might also like