You are on page 1of 2

SUMALIG NATIONAL HIGH SCHOOL

Sumalig, Tambulig, Zamboanga del Sur

Kasanayang Pampagkatuto : Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa
nakararami. (F9PS-IVa-b-58)

I – Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakikilala ang mga tauhan mula sa kabanata;
b. napapanindigan ang mga sariling opinyon batay sa akda;
c. naipapahayag nang malinaw ang mga ideyang napapaloob sa paksa.

II- Paksang – aralin: Kabanata V: Isang Tala sa Gabing Madilim


Panitikan: Noli Me Tangere ( Sa Bagong Pananaw) pahina 34-36
Kagamitan: sipi ng akda, papel de manila, laptop,marker

III – Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Balik-aral
 Isang maikling talakayan hinggil sa paksang tinalakay kahapon. Ini integrate ko
sa MAPEH-Arts
B. Paglinang ng Gawain:
1. Pagganyak:
 Ipapakita ang dalawang larawan.Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng
opinyon/ideya na nauugnay sa kanilang nakita.
2. Paglalahad:
 Ipapaalam ang panibagong paksa; Kabanata V:Isang Tala sa Gabing Madilim.
 Ipapabasa rin ang mga layunin.
3. Pagtatalakay:
 Gamit ang larong “ Game Ka Na Ba” maghahawan muna ng mga sagabal na salita.
Pagkatapos,simulan na ang pagsasalaysay tungkol sa kabanata gamit ang inihandang
video. Magkaroon ng malayang talakayan hinggil sa kanilang napanood.
4. Paglalahat:
 Isasagawa ang “Emoji Challenge”.
1. Ano ang dahilan ng pagkabalisa ni Ibarra?
2. Anong pangyayari ang nakaligtaan niyang panoorin dahil sa kanyang pagmumuni?
3. Bakit walang tulog si Padre Salvi sa gabi ng pagdating ni Maria Clara?
4. Ano ang gumugulo sa isipan ni Ibarra at waring hindi alintana ang kasiyahang
nagaganap sa bahay ni Kapitan Tiyago?
5. Bakit tila sinisurot ang budhi ni Crisostomo sa nagging kamatayan ng ama sa loob ng
bilangguan?

Sa bahaging ito,ini
integrate ko sa Araling
Panlipunan
5. Paglalapat:
Pangkatang Gawain:
a. Kung sa inyong ama kaya nangyari ang nangyari sa ama ni Ibarra, ano-ano ang inyong
mga gagawin?
b. “Lumilikha ng masalimuot na guniguni ang mga matatamis at mapapait na
alaala”.Ipaliwanag ito.
c. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan:
 Tila malikmatang pangitain sa kanyang guniguni
 Matinding surot ng budhi
d. Ang sumusunod ay isinasagisag kay Maria Clara. Ibigay ang ipinapahiwatig ng bawat isa.
 Anghel
 Kumikislap na diyamante at ginto Ini integrate ko sa
6. Pagpapahalaga: Edukasyon sa
Sitwasyon: Pagpapahalaga
 Karaniwan na sa isang magulang na Pilipino na sarilinin ang kanyang mga hirap, pasakit o
suliranin sa buhay at itago ito maging sa kanyang mga anak. Sang-ayon ka ba rito?Ibigay
ang iyong sariling opinyon bilang anak.

IV – Pagtataya:
Panuto: Tukuyin ang ipinapahiwatig ng bawat pahayag. Isulat sa isang kapat na papel ang sagot.
1. Ano ang pangalan ng lugar na tinuluyan ni Ibarra?
2. Ano ang nagpapagulo sa isipan ni Ibarra?
3. Sino ang inihahambing sa isang kumikislap na diyamante at ginto?
4. Kaninong bahay nagpapatuloy ang kasiyahan?
5. Saan galing si Maria Clara?
6. Saang bansa nagmula si Ibarra?
7. Sino ang nabilanggo?
8. Sino ang paring labis na namangha sa kagandahan ni Maria Clara.
9. Ano ang naging kinahinatnan sa labis na pagmangha niya?
10. Ano ang madilim na eksena/senaryong nagugunita ni Ibarra mula ka kanyang amang nasa
kulungan?

V – Takdang- aralin:
 Iguhit ang senaryong nangingibabaw sa katauhan ni Ibarra samantalang nakatanaw sa
kabilang pampang na pinagdarausan ng kasayahan.

Inihanda ni:
MARCIANA G. TAN

Pinuna ni:

MA. ELENA B. SURIGAO


School Head/Principal

You might also like