You are on page 1of 6

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

MID-LA UNION CAMPUS


CITY OF SAN FERNANDO
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES
AB FILIPINO LANGUAGE DEPARTMENT

Pagsasaling-wika
(FILI 114)

Pagsasalin sa Larangan ng Agham at Teknolohiya

Abitona, Elisa
Medilo, Sherilyn
Manuel, Jodalyn
Zenarosa, Kendyll Anne
Pagsasalin sa Larangan ng Agham at Teknolohiya

Ngayon ang panahon ng pagsasalin. Ngayon ang panahon upang lumahok sa


iba’t ibang gawaing pagsasalin-teknikal man o pampanitikan. Dagsa sa
merkado ang mga gawaing nangangailangan ng pagsasalin. At dahil walang
anumang ahensiya sa bansa na nangangasiwa o nagpapatrol sa mga gawaing
pagsasalin, hindi matiyak ang pamantayang gagamitin sa pagsipat sa isang
wasto at tamang salin partikular sa mga isinasagawang teknikal na pagsasalin.

PAGSASALING PAMPANITIKAN
 Isang uri ng pagsasaling naiiba sa pangkaraniwan at pangkalahatang
konsepto ng pagsasalin. Sinasalamin ng pagsasaling pampanitikan ang
imahinasyon, matayug na kaisipan, at ang intuitibong panulat ng isang
may akda.

Halimbawa:
English Filipino

Bread and Butter Hanapbuhay o trabaho

Dressed to kill Bihis na bihis o nakapamburol

To have a hand/ voice Magkaroon ng kinalaman


PAGSASALING TEKNIKAL
 Isang espesyalisadong pagsasaling may kinalaman sa iba’t ibang
larangan o disiplina. Kakaiba ito sa ibang pagsasalin dahil sa mga
terminong kaugnay ng isang disiplina. Ayon kay Newmark (1988) sa
pagsasaling teknikal, mas binibigyang-pansin ng tagasalin ang
deskripsyon, fungsyon at epekto mg konsepto o termino.

Halimbawa:
ENGLISH DEFINITION FILIPINO
An occasion when the
sun loos lke it is
completely or partially
Eclipse covered with dark circle Duyog
because the moon is
between the sun and the
Earth.
An instruments whereby
sound waves are caused
to generate or modulate
Microphone an electric current Miktinig
usually for the purpose
of transmitting or
recording sound.
Science that deals with
ways to useliquid (such
Hydraulics Danumsigwasan
as water) whenit is
moving.
A place on the World
Wide Web that contains
information about a
Website person , organization etc. Pook-sapot
and that usually consists
of many Web pages
joined by hyperlinks.
A highlighted word or
picture in a document or
Hyperlinks Kawingan
Web page that you can
click on with a computer
mouse to go to another
place in the same or a
different document or
Web page.
A branch of mathematics
that deals usually with
the nonnegative real
numbers including
sometimes the
Arithmetic Bilnuran
transfinite cardinals and
with the application of
the operations of
addition, subtraction,
multiplication and
division to them.

Sanggunian:
https://filipiknow.net

Hindi naman kailangan maging “purista” sa pagsasalin ng mga termino, ang


ibang terminong teknikal ay maaaring iwanan na lamang sa pinanggalingang
lengguwahe. Maaari din namang manghiram ng mga salita sa wikang kastila
kung walang salitang malilikha o makukuha. Sa panghihiram inaayon sa
bigkas ang salitang kastila ang pagbaybay sa Filipino.

Halimbawa:INGLES

INGLES KASTILA FILIPINO

Check Cheque Tseke

Liquid Liquido Likido

Liter Educacion Edukasyon

INGLE
Kung wala namang katumbas sa kastila, hiramin nang tuwiran ang
katawagang Ingles at dapat ay konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito ng
walang pagbabago.

Halimbawa:

INGLES FILIPINO

Reporter Reporter

Editor Editor

Memorandum Memorandum

Konklusyon

1. Hindi lamang pagsasalin ng nilalaman at impormasyon ang inaasahan


sa mga anumang pagsasaling teknikal; mahalaga rin ang kakawing
nitong tungkuling pang komunikasyon na may pagsasaalang-ala sa
konteksto at intensiyon ng salin, nagpapasalin, at tareget na
mambabasa ng salin sapagkat ang mga salik na ito ang magbibigay-
pahiwatig sa magsasalin kung ano ang lengguwaheng kanyang gagamitin
sa kanyang salin.

2. Hindi lamang suliranin sa pagtutumbas sa mga terminolihiya at


kaalaman sa mga wikang kasangkot sa pagsasalin ang maituturing na
suliranin sa pagsasalin; mahalaga ring mabigyan ng karampatang
atensiyon at pagpapahalaga ang mga usapin ng kawastuang
pansemantika.kabisaan ng estilo ng mga pangungusap, at
pagpapahayag na gagamitin sa salin, kahalagahan ng teksto bilang
materyal na isinasalin, at mga kaakibat na daynmiks ng mga sitwasyong
pangkomunikasyon nito.

3. Walang iisa o tiyak na estilo ng pagsasalin o lengguwaheng ng pagsasalin


ang makapagbibigay garantiya sa pagsasaling teknikal; sapagkat ang
isang materyal ay maaaring mabago, magdagdagan, batay sa kahingian
ng pang-angkop sa sitwasyong pangkominikasyon ng mga target na
mambabasa; ang pagsasaling teknikal ay hindi usapin ng tekstong
teknikal; kundi, usapin ito ng paggamit ng lengguwaheng teknikal.
4. Tulad ng pagsasaling pampanitikan, maituturing ding isang malikhaing
gawain ang pagsasaling teknikal. Mahalaga ang kakayahang pangwika,
subalit mahalaga rin ang kahusayan o kompetensi ng isang tagasalin sa
paghahanap ng iba’t ibang pamamaraan ng pagpapaliwanag sa
kahulugan, pagtutumbas sa mga terminilohiya, at pahayag na kultural.

Mga Sanggunian:

https://filipiknow.net
http://www.researchgate.net
http://news.stanford.edu/news/2008/august20/teachsci-082008.html

You might also like