You are on page 1of 2

Ang estado ng wikang Filipino

(The state of the Filipino language)


Published on Aug 20, 2014
“Nakapanayam ng Rappler si Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino, para
kunin ang kanyang opinyon sa estado ng pambansang wika. Napag-usapan din ang mga
hakbanging kailangang gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino.”
Ayon kay Gng. Virgilio Almario ang kaniyang layunin ay iproklama ang isang wikang pambansa
batay sa katutubong wika, dahil magiging daan ito sa pakakabuklod- buklod nating mga
mamamayang Filipino. Naisip din niya ito sapagkat noong sila’y nagsagawa ng “Summit Conference
for Peace” sa Bukidnon na kung saan ay kanilang inanyayahan ang mga etnikong grupo na dumalo
doon nila natuklasan ang malaking suliranin ng mga Lumad na kung saan ayon sa kanila ay hindi
nila lubusang naiintindihan ang mga dokumentaryo ukol sa kalayaan at maging mismo sa kanilang
sariling kapakanan sa kadahilanang nakasulat ito sa wikang Ingles. Maging ang simpleng mga
“form” ay nakasulat din sa wikang Ingles. Tama nga naman ang punto ng mga Lumad paano tayo
magkakaroon ng tuwirang kalayaan kung nasa wikang Ingles ang midyum sa mga sulatin.
Nangangahulugan lang ito na hindi tayo nagkakaisa.
Ano na nga ba ang estado ng wikang Filipino sa ngayon? Ayon din sa kaniya ang wikang Filipino ay
ginagamit na ng halos lahat ng mamamayan mula Batanes hanggang Tawi-tawi samakatuwid ang
wikang Filipino ay tumatayong “lingua franca” halimbawa ang isang Bisaya at Ilokano ay nagtagpo
mag-uusap sila sa wikang Filipino.
Pagdating naman sa mga bagong salita ayon sa kaniya walang masama dito sapagkat kailangan
nating paunlarin ang ating wika araw-araw, ang pagpasok ng mga bagong salita ay
nangangahulugan lang na aktibo at buhay ang ating wika. Ngunit ang nakakalungkot ay mas
maraming kolonyal na mga salita ang bago, ayon nga sa Konstitusyon ng 1987 dapat nating linangin
at paunlarin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng katutubong wika, sa kadahilanang mas
dominante ang wikang Ingles mas maraming bokabularyo ang nadadagdag sa wikang Ingles. Ang
“reorientation” na kanilang isinasagawa upang mapalakas ang katutubong sa pamamagitan ng
paglahok ng mga katutubong wika ng Pilipinas sa ating Pambansang wika.
Ayon rin sa kaniya hindi ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang nagpapaunlad ng ating wika
kundi tayo mismo, tayong mga mamamayan na gumagamit ng wikang ito. Ang gawain lang ng KWF
ay pangasiwaan, kung may nakakalimutan katulad na lang ng mga katutubong wika ay agad silang
magsasagawa ng mga hakbang upang mas paunlarin ang mga katutubong wikang ito.
Mahalagang magkaroon ng ortograpiya ang isang bansa sapagkat nararapat na magkaroon ng
istandardisong paggamit ng wika, at ang istandardisyong ito ay kinakailangan para sa tinatawag na
intelekwalisasyon o kultibasyon ng isang wika, hindi magkakaroon ng mataas na yugto ang
paggamit ng wikang Filipino kung hindi ito magiging istandardisado.
Bilang mga mamamayan nararapat natin itong gamitin ng gamitin upang maramdaman natin ang
diwa ng wikang ito, upang mapalinang natin ito, at maisapuso natin ang kasaysayan at sibilisasyon
ng wikang ito. Hindi natin mabibigyang importansiya ang wikang ito kung pilit nating iwawaksi at
patuloy na yakapin ang wikang kolonyal.
Para sa susunod na henerasyon mananatiling buhay at maunlad ang estado ng wikang Filipino, at
sana sa paglipas ng panahon makamtan natin ang tunay na kalayaan – ang kalayaan na hindi
nababahiran ng sariling pagkakulong, at tuluyan ng masilayan ang gahum para sa wikang Filipino na
matagal ng inaasam.
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=K36PKvcEpV

You might also like