You are on page 1of 1

MacArthur National High School

MacArthur, Leyte
Banghay- Aralin sa
Filipino 9
Petsa: Pebrero 13, 2020
I. Layunin
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng: pamamalakad ng pamahalaan
paniniwala sa Diyos kalupitan sa kapuwa kayamanan - kahirapan at iba pa

KBI: Masinsinang pakikinig

II. Paksang- Aralin


A. Paksa: Aralin 4.1 Noli Me Tangere (Nobela)
B. Sanggunian
K to 12 CG F9PB-IVg-h-60 ph.122-141
C. Iba Pang Kagamitang Panturo
Teachers Guide
III. Pamaraan
A. Balik-Aral
 Magtanong sa mga mag-aaral tungkol sa nakaraang talakayan
B. Paghahabi sa Layunin ng aralin
 Paglalahad sa layunin sa araw na ito upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
 Pagpapakita ng mga salitang hindi pamilyar na makikita sa tatalakaying kabanata sa nobela.
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
 Pagbibigay ng mga katanungan sa maaaring mangyari sa tatalakaying kabanata ng nobela
ngayong araw.
 At paghahanda ng mga tagapag-ulat
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
 Pag-uulat ng nobelang Noli Me Tangere
F. Paglinang sa Kabishasnan
 Pangkatang Gawain
 “Paint me a picture” ang guro ay mag bibigay ng pangyayari mula sa natalakay na kabanata sa
nobela at gagayahin ito ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagfefreez habang ipinapakita ang
pangyayari.
G. Paglalapat
 Magtanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang natutunan ngayong araw at kung ano pa
ang kailangan o gusto nilang matuto.
H. Paglalahat
 Bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay may pasabog na estorya at may mga bagong tauhan
tayong nakikilala, gayun din ang mga matatalinghagang pahayag na isinasaad. sa nobela.
Matutunghayan pa natin sa mga susunod na kabanata ang maayos na takbo ng nobelang Noli Me
Tangere.
I. Pagtataya
Panuto: Basahin at ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa kabanata IV ng Noli Me Tangere
(Erehe at Pilibustero). Bigyang ng sariling enterpretasyon ang mga katanungan sa ibaba batay sa
iyong pagpapaliwanag. (3puntos bawat isa)
1-3 Bakit nagkaroon ng mga pag-aaklas/pag-aaway-away ng mga opisyal ng gobyerno?
4-6 Sang-ayon k aba sa mga pamamalakad ng pamahalaang hapon sa ating bansa?
7-9 Ano ang inyong pananaw sa estado o pamumuhay ng mga katutubo sa nobela?
J. Kasunduan
Basahin at unawain ang susunod na kabanata.
Inihanda ni: Noted:

ANGELICA R. SANTOME LEIZL T. ADVINCULA


Subject Teacher Teacher-in-Charge

You might also like