You are on page 1of 2

I. Layunin: a.

nailalarawan ang tauhan sa kuwento


b. natutukoy ang gawi at kilos ng tauhan na nagpapatunay sa kanilang katangian

II. Paksang Aralin: Si Juan Pusong ( Kuwentong Bayan)

III. Pamamaraan:

A. Bago bumasa:

1. Paggamit ng Dating Kaalaman

Tanong:

- Narinig na ba ninyo ang pangalang Juan Tamad?


- Ano ang masasabi ninyo tungkol sa kaniya?
- Magbigay ng ilang kuwentong nabasa o narinig ninyo tungkol kay Juan Tamad

2. Paglinang ng Talasalitaan

Basahin ang mga salita. Suriin ang kaugnayan ng dalawang salitang pinagtambal. Ibigay ang
katambal ng ikatlong salita.

a. Isda, mangingisda :pananim:________


b. Pakwan, prutas :petsay;_________
c. Araro,bukid :lambat;_________
d. Bangka, dagat :eroplano;_______
e. Paaralan, guro :palengke;_______

3. Pagbibigay ng layunin sa pagbasa

Pagpapaliwanag sa gagawing habi ng tauhan


Sabihin sa mag-aaral na sa pagbasa ng kuwento, aalamin nila ang mga tauhan at ang
katangian ng bawat tauhan.

1. Pagbibigay ng mga tanong na sasagutin


a. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ano-ano ang mga katangian nila?
b. Bakit masasabing may naiibang katangiang taglay si Juan?
c. Ano ang hindi magandang katangiang taglay ni Juan?
d. Paano mo maitutulad si Juan Pusong kay Juan tamad?

B. Habang Bumabasa

1. Pagsagot sa tanong habang bumabasa.


2. Pagbuo ng Habing Semantika ( Pangtauhan)

Sinu-sino ang mga


tauhan sa Kuwento?
C. Pagkatapos Bumasa:

1. Pagpapakita sa klase ng habi ng tauhan na ginawa.


2. Pagbibigay ng katangian ng tauhan batay sa habi na ginawa.
3. Pagbibigay ng katwiran ng mga mag-aaral kung tama o mali ang ginawa ni Juan

IV. Pagtataya

1. Ipasadula sa klase ang kuwentong bayan


2. Ipabuo sa mga bata ang isang habing semantika na ang binibigyang pansin ay ang
mahalagang pangyayari sa kuwento
V. Takdang Aralin

Maghanap ng isang maikling kuwentong bayan at isulat sa bondpaper

You might also like