You are on page 1of 2

Jan Carlos H.

Salenga
V-FPDG

1. Gamit ng Pangngalan
- Ang pangngalan ay may iba’t- ibang gamit sa pangungusap.

a.Simuno o Paksa
- Pangngalan pinag-uusapan sa pangungusap.

Halimbawa
a. Nawala ang pitaka ni Romeo.
b. Nagpunta ng Palawan si Michaela.
c. Masayang naglaro ang mga bat.

b. Kaganapang Pang simuno


- Ang pangngalan ito at ang simuno ay tumutukoy sa iisang tao, bagay,
hayop, o lugar lamang. Lagi ito sumusunod sa panandang “ ”. Nasa
unahan naman ito kung walang panandang " " sa pangungusap.

Halimbawa
a. Si Marvin at Diana ay mabuting magulang.
b. Si Sarah ay isang magaling na mang-aawit.
c. Si Billy ay sikat na mananayaw.

c.Tuwirang Layon
- Pangngalang tumatanggap ng kilos sa pangungusap. Binubuo nito ang
diwang pinahahayag ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na “ ”.

Halimbawa
a. Si Johan ay nagbabasa ng libro.
b. Ako ay nagluto ng ulam ko kahapon.
c. Si Michelle ay magsasayaw bukas sa entablado.

d.Layon ng Pang-ukol
- Pangngalang pinaglalaanan ng kilos o bagay. Maaaring gamitin ang mga
pang-ukol na sa, ka, ng, para sa, para kay, tungkol sa, nang may, nang wala
at iba pa.
Halimbawa
a. Ang pagdiriwang na ito ay inihahandog kay Raquel.
b. Ang asukal ay Ihahalo sa kakanin.
c. Ang toyo ay isang rekado sa pagluluto ng Adobo.

e.Panawag

- Pangngalang tumutukoy sa tao o sa mga taong kinakausap .

Halimbawa
a. Manang, dito po ba ang Maligaya Sreet?
b. Bunso, halika may pasalubong ako.
c. Nay, may ipabibili po ba kayo?

f.Pamuno
- Pangngalang ipinupuno o nagbibigay ng paliwanag o dagdag
impormasyon tungkol sa simuno, kaganapang pang simuno o tuwirang
layon.

Halimbawa
a. Ang bata na si Maria ay mahusay umawit.
b. Ang kaklase ko na si Bea ay pumasa sa pagsusulit.
c. Ang pinsan ko na si Raphael ay mahusay sa paglalaro ng Mobile
Legends.

You might also like