You are on page 1of 3

Ang Manobo o Manuvu na ang ibig sabihin ay “tao” o “grupo ng tao” o ang orihinal na

tawag ay “Mansuba” mula sa “man” o “tao” at “suba” o “ilog” bagkus, “taong-ilog.” Ang

pangatlong ngalan ay “Banobo,” isang creek na kasalukuyang dumadaloy sa Pulangi

River na may layong 2 kilometro sa ibaba ng Lalawigan ng Cotabato. Pang-apat ay

mula sa “man,” na ang ibig sabihin ay “una, orihinal” at “tuvu” na “pag-laki, pag-tubo.”

Ang Manobo ay isang hispanikong termino na, sa kadahilanang nasakop tayo noon ng

mga Kastila ng mahabang panahon.

Ayon sa Ethnolouge (2000 census), 58,000 ang mananalita ng Sarangani Manobo, at

dahil ito’y Developing (5) language, marahil dumami na ang bilang nito sa panahon

ngayon.

Ang Sarangani Manobo ay sinasalita sa Mindanao, partikular sa Davao del Sur

Province, Jose Abad Santos municipality; Davao Oriental Province, Governor Generoso

municipality; Sarangani Province at Glan municipality. Galing ito sa pamilyang

Austronesian, Malayo-Polynesian, Philippine, Greater Central Philippine, Manobo,

South

Isang patunay na ito’y buhay na wika: mayroon itong dayalektong Governor Generoso

Manobo, na sinasalita din sa probinsya ng Governor Generoso.

Sa katunayan, ang pag-aaral na ginawa ng Summer Institute of Linguistics (SIL) ay

nagkamit ng parangal na 1973 Ramon Magsaysay Award for International


Understanding, dahil naging isang instrument ang kanilang pag-aaral bilang isang

simulain sa pag-unlad ng wika partikular sa Mindanao, na naka-sentro sa wika at

edukasyon.

Si Carl D. DuBois ang pangunahing tagapag-saliksik ng wikang Sarangani Manobo,

taong 1970-1980’s. kung kaya’t halos lahat ng akdang may patungkol sa Sarangani

Manobo, nanggaling mula sa kanyang grammar book na pinamagatang, Sarangani

Manobo: an introductory guide na nailimbag noong 1976, sa Linguistic Society of the

Philippines, Manila at parte ng Phillipines Journal of Linguistics, Special monograph

issue; no. 6. Ito’y nakalimbag sa wikang Ingles, kung kaya’t bukas para sa lahat ang

librong ito, kahit hindi espesyalista ng pag-aaral ng wika. Naging sandigan ni DuBois

ang naunang pag-aaral nina Meiklejohn noong taong 1956, na pinamagatang

Introduction to Sarangani Manobo, na ginawaan niya ng sarili niyang bersyon at hango

sa kanyang sariling pagsasaliksik.

Ang Connectives in Sarangani Manobo narratives na isang artikulo naman ay kumuha

rin ng mga sipi mula sa grammar book ni DuBois na nailimbag noong 1973.

May ilang pagtatala ring ginawa sina Jahn, Joosten, Lewchenko at Scannelle na

suportado ng National Science Foundation, na naglalaman ng lahat ng tala patungkol

sa wikang Sarangani Manobo, taong 2015.


May ginawa ring diksyunaryong patungkol sa ilang mga wika, partikular sa Sarangani

Manobo. Ito ang Diksyonaryo te Manobo: Sarangani Manobo, Cebuano Visayan,

Pilipino, Sarangani Blaan, English na ginawa nina DuBois, Guinang, at Roque noong

1978. Ang SIL at Ministry of Education and Culture ang naglimbag nito.

Ang Accentuation in Sarangani Manobo nina Kathleen at Percy Meiklejohn naman at

tumatalakay patungkol sa Sarangani Manobo language suprasegmentals. Nailimbag ito

noong 1958 ng University of Sydney at parte ng Oceania Linguistic Monographs.

Mayroon ding ginawang pag-aaral na pinamagatang: A Case Study of Lexical

Borrowing: The Tagakaulo and Sarangani Manobo Languages of the Southern

Philippines (Abridged) ni Scott L. Burton. Ito’y tumatalakay sa pagkakaparehas ng

Tagakaulo at Sarangani Manobo, sa leksikal na aspeto. Ito’y nagmula sa SIL Language

and Culture Archives.

Mayroon ding ilang mga maikling tala patungkol sa wikang Sarangani Manobo. Ang

Alphabet and Numbers Book na nailimbag noong 1980 ng SIL, patungkol sa basikong

alpabeto at pagbilang sa wikang Sarangani Manobo. Ang Megbasa kidon 1, na isang

primer at nalathala noong 1966 ng SIL. Ito’y isang teacher’s guide para sa mga

natibong mananalita ng Sarangani Manobo.

You might also like