You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN

I. Layunin
1. Nailalarawan ang kaibahan ng pananamit ng babae noon at ngayon.
2. Naisasapuso ang kalakasan ng mga kababaihan at papel nila sa
lipunan.
3. Nakapagsasagawa ng debate tungkol sa positibo at negatibong
epekto ng pandarayuhan.

II. Paksang Aralin

Paksa: Banyaga ni Liwayway Arceo

Sanggunian: Ang Batikan, p. 1-2

Kagamitan: Mga kagamitang biswal, Powerpoint presentation

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Pagganyak (IHAMBING MO!)

Gabay na
tanong:

1. May pagkakaiba ba ang babae noon at ngayon?


2. Ano-ano ang mga pagkakaibang ito? Isa-isahin.
3. Ano ang masasabi mo sa babae noon at ngayon?
B. Paglinang ng Talasalitaan (IHANAY MO)
Panuto: Basahin at unawain. Pagtambalin ang mga nakasalungguhit na
salitang nasa hanay A sa mga kasing kahulugang salitang nasa hanay B.
Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

Hanay A Hanay B

1. Nang dumating si Fely sa nayon, Pitik


hinagod siya ng tingin ni Nana Ibang.

2. Napatingin ang lahat sa pilantik na Lumbay


baywang ni Fely.

3. Biglang nauntol ang kaniyang Hinaplos


pagsasalita nang marinig niya ang
mahinang bulong.

4. Napansin ni Fely na lalong nahapis Biglang pag-urong


ang mukha ni Nana Ibang.

5. Napakislot si Fely nang marinig Naudlot


niya ang busina ng sasakyan.

C. Pagbasa sa Panitikan (TABLEAU)

Panuto: Basahin at unawain. Bumuo ng isang tableau na magpapakita sa


pangyayari sa bawat tagpo ng Maikling kwentong Banyaga ni Liwayway
Arceo at Ipaliwanag ito sa klase.

Unang pangkat: Unang tagpuan (Kalsada)

Ikalawang tagpuan: Ikalawang grupo (Bahay)


Ikatlong pangkat: Ikatlong grupo (Kotse)

Ikaapat na pangkat: Ikaapat na grupo (Paaralan)

D. Pagtalakay sa Paksa

Mga gabay na tanong:


1. Sino-sino ang mga mahahalagang tauhan sa maikling kwento
binahagi?
2. Ano-ano ang mga pagbabagong nangyari kay Fely?
3. Paano siya sinalubong ng mga taga nayon?
4. Ano ang naramdaman ni Fely habang pinagmamasdan siya ng mga
taga nayon?
5. Bakit kaya banyaga ang pamagat ng akda?
6. Ano kaya ang ibig sabihin ng may akda sa mambabasa lalo na sa mga
kababaihan?
7. Aling bahagi ng kwento ang nagpapakita ng kalakasan at pagiging
aktibo ng tauhang babae?
8. Sa iyong palagay, nakatulong ba kay Fely ang pagbabagong naganap
sa kaniya? Patunayan.

E. Pangkatang gawain

Unang pangkat (Gets, Gets Aw!): Pumili ng isang kinatawan na huhula


habang suot ang Headset, sa mga salitang bubunutin na may kinalaman sa
mga kaugalian ni Fely bilang taga nayon, kapamilya at kaklase na ipahuhula
ng isang ka grupo gamit ang bibig sa loob ng 1 minuto.

Ikalawang pangkat (Ano ka ngayon?): Pipili ang pangkat ng dalawang


kakatawan kay Fely. Ang isa ipapakita at ilalarawan ang Fely noong wala
pang pagbabago at ang isa naman ay ipapakita ang Fely ngayong marami
nang nagbago. Gagawin ito sa loob ng 1 minuto.

Ikatlong pangkat (De ba teh?): Magsagawa ng isang debate na may paksang


"Pandarayuhan: Nakabubuti o hindi nakabubuti" sa loob ng 1 minuto at 30
segundo.

Ikaapat na pangkat (Iskor mo, Show Mo!): Magbibigay ang grupo ng komento
at iskor sa tatlong naunang pangkat sa pamamagitan ng Emoji. Heart – 10
puntos, Wow - 8 puntos at sad - 6 puntos

Pamantantayan ng pagmamarka:

Puntos Reaksiyon Puna


Lubos na napalawak ang
paksa sa pag-uulat,
10
malinaw at malakas ang
boses ng taga-ulat at
napakaganda ng mensahe.

Napalawak ang paksa sa


pag-uulat, malinaw ang
8
boses ng taga-ulat at
maganda ang mensahe.

Hindi napalawak ang paksa


sa pag-uulat, hindi malinaw
6
ang boses at hindi maayos
ang pagtalakay sa
mensahe.

F. Sintesis (SIMIBAHAGI)

Panuto: Basahin at unawain. Magbigay ng isang bagay na sa iyong palagay


naglalarawan sa kahalagan ng ginagampanang papel ng kababaihan sa
lipunan. Ibahagi ito sa klase.

You might also like