You are on page 1of 1

Jhana Celine B.

Quinoneza

STEM 11

Ang istorya ng “Barcelona: A love untold” ay umiikot sa isang binata na nagngangalang Ely na
nagtratrabaho sa bansang Spanya para masuportahan ang kaniyang pag-aaral ng arkitekto.
Isang binata na  hindi makalimutan ang nag-iisang babae na kaniyang minahal mula sa
nakaraan na pumanaw na at sa isang dalaga nanagngangalang Mia na may nais patunayan sa
kaniyang amang hindi naniniwala sa kaniyang abilidad at kakayahan. Muli siyang magsisismula
sa kaniyang paglalakbay sa Spanya at makikipagsapalaran upang ipagpatuloy ang buhay.
Isang pagkakataon ang magtutulak at magsisilbing daan upang mapagtagpo ang kanilang mga
landas at tulunganang isat-isang makalimot mula sa nakaraan habang patuloy nilang
kinikilalaang isat-isasapagdaan pa ng mga araw.

Isa sa isyung ipinapakita sa pelikula ay ang hirap ng buhay ng mga Overseas Filipino Workers
(OFW) na nagtatrabaho ng kahit ano para sa mga mahal nila na naiwan sa Pinas. Pangalawa,
ang mga sirang pamilya na nakakaapekto sa bawat miyembro ng pamilya. At ang panghuling
isyung pinakita sa pelikula ay ang mga kakulangan ng mga trabaho at opurtunidad na aangkop
sa mga nagtapos mula sa ibat-ibang larangan na may sapat na suweldo at benipisyong
binibigay.

Nakakarelate ang sino mang makakarinig ng ilang linya na sadya namang pumapatok sa mg
amanunuod at tumatatak sa kanilang mga isipan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi
madaling makalimutan ng mga manunuod ang nasabing pelikula. Ilan sa mga parte nito ay
sadyang nakakapukaw ng atensyon at nagbibigay kasiyahan upang ang manunuod ng pelikula
ay hindi mabagot at mawili.

“Huwag mo akong mahilin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil mahal mo ako. Because that
is what I deserve.” Isa lamang sa mga linyang tumatak sa isipan ng mga nakanuod ng
pelikulang ito. Ang pelikulang ito ay patungkol sa pagmamahalan ng dalawang tao bagkus
matututo rin tayong magpatawad at tumanggap para muling makapagsimula ng panibagong
pahina ng ating buhay.

You might also like