You are on page 1of 4

TRANSCRIPTION

ROTARY CLUB

Pano po nag start ang rotary na magbigay tulong sa mga biktima ng taal eruption?

Noong January 12, kagagaling ko lang ng Mindor. Umattend ako ng Rotary (meeting/seminar? Di
ko maintindihan word). Nakita ko post ni sergel about taal eruption. Nagkataon naman akoy available na
that time nagpunta kami agad dun sa covered court sa san pascual. Yung unang dumating na group of
evacuees nadun na kami nina sergel. At yun nga, kami ang nag welcome sa kanila. Mabuti nalang meron
na agad akong tubig sa aking sasakyan. Nabigay naming agad sa first group of evacuees. Then patuloy
ang aming pag aayos ng mga personal needs ng evacuees. Then si cp noli ay nag decide ng temporary
bathroom dun sa tapat na di na naituloy the following day dahil nailipat na yung mga evacuees sa
school. Pero sana yun yung balak sa tapat ng covered court. Then after that, nung mga sumunod na
araw nagig busy nga sa pag asikaso sa mga evacuees. Mga sumunod pang araw kami na mismo
nagpunta sa evacuation center sa san pascual. Siguro mga 25 evacuation centers din yung napuntahan
naming. Nung una, tinanong naming sa kanila kung anong mga kailangan nila, kanilang mga basic needs
para alam namin ang dadalhin the following day. Tapos may mga dumating na mga donations, pera and
goods. Yun ang dinistribute naming sa mga evacuation centers. Yun ang mga naging action namin.
Nagbigay din kami ng mga gamot. Ang aking anak na doctor sinama ko minsan sa isang barangay.
Nagbigay sya ng mga gamot at ipinaliwanag din niya kung para saan yung mga gamot na yun.

Anong naging strategy sa pag distribute ng mga donasyon sa iba’t-ibang evacuation centers?

Halimbawa sa isang evacuation center, hindi naming mabibigay lahat yung mga nandun. Kasi
gusto naming mabigyan naming lahat ng evacuation center. Parang pinaghati hati naming doon kina cp
noli dun kami nagrerepake. Sabi naming sa evacuation center, di naming mabibigyan lahat. Isama nalang
nila dun sa mga kasamahan doon edi kapag marami nae di saka nila idistribute. Hindi katulad noong sa
ibang nagrerelief operation, madami silang dala pero sa isang evacuation center lang. dun sila
nagconcentrate. Ang strategy ng san pascual mabigyan lahat ng evacuation center kahit na konti konti
lang.

Regarding po sa inyo pong organization, pano po at paano nabuo ang rotary club of san pascual?

Ang rotary club of san pascual ay nagchartered noong June 18, 2015. Ang chartered president ay
so architect noli merhan and the next year ay si Ronald Generoso yung coordinator ng Red cross
Batangas. Then followed by, Atty. Oliva. Followed by doc francis abrahan. Then ako. Bale ngayon ay fifth
year na. Ang year ng rotary ay starting July hanggang June. July nag iistart ang rotary year.

Para po macharter, ilan po dapat ang members ng isang rotary club?

Kailangan may 20 members bago macharter ang isang rotary club. Dapat may mag sponsor na
rotary club mismo.

Pano naman po tumatakbo ang isang rotary club sa mga funds po at project?

Sa beginning of the rotary year, ang isang rotary club ay nagkakaroon ng planning. Tinatawag na
club planning. During that session, pinag uusapan kung anong pedeng maging projects during the rotary
year. Meron kasing tinatawag na 6 areas of focus ang isang rotary. Dapat magkaroon ng projects per
area of focus. Hindi naman pinagbabawalan na makaroon ng maraming projects per focus pero atleast
magkaroon ng 1. Ang mga areas of project ay Maternal and child, basic education literacy, water and
sanitation, peace and (di ko maalala word patanong nalang kay kuya bugel), economic and community
development. Then the next rotary year magiging 7 na sya dahil na approve na ang sa environment. Kasi
ang rotary every year laging nagkakaroon ng coastal clean up, tree planting. Yun pasok yun sa
environment. Bawat area of focus, halimbawa basic education literacy dapat may isang project about
that area of focus. Bawat project pag uusapan ng club, titingnan ang funding kung magkano. Pag
uusapan kung saan kukuha ng fund. Kung minsan meron kaming fund raising na tinatawag para
mabigyan ng fund ang project.

Ano na pong mga project ang nagawa?

Kick off project naming yung tree nurturing. Yun ay kasama ang bauan and Mabini rotary club. Nagtanim
kami ng mga puno sa manghinao. Then followed by dental mission noong 50 th founding anniversary ng
San pascual sa munisipyo. Then nagkaroon ng coastal clean up sa barangay aplaya sta rita. Then ang
pinakamaganda naming naging project sa ngayon yung aming adapt school program na second year na
ngayon. Under that school program, si sergel inventor nyan. Nagkakaroon din kami ng dental mission sa
mga estudyante. Ang aming school na napili ay yung elementary school sa barangay resplandor. Ang
dental mission doon ay every second Tuesday of the month. Bumibisita yung mga dentist. Yung mga
member ng Philippine dental association Batangas city chapter sumasama sa amin tinitingnan ang mga
ngipin ng mga bata. And then nagpatayo kami doon ng handwashing and toothbrushing facility. Di pa
tapos yun. Balak palagyan ng bubong kung magkakaroon ng pera. Dahil din ng mga bata doon kapag
umuulan o mainit bale naghahanap palang ng fund. Sana maumpisahan na agad para bago matapos ang
term ko ay matapos na agad. Meron kaming gusting matagal ng gustong gawing project yung rotary
market na di maintindihan kung saan ilalagay. Walang makitang magandang pwesto na pedeng payagan
kung san ilalagay. Malaki din kasi yun eh. Yun ay ongoing pa bale yung project nay un. Bale ng last
December, eh taon taon naman nagkakaroon kami ng annual giving ang tawag naming ay bag of love.
Pumupunta kami sa bahay ng mga mahihirap. Kami mismo nagdadala ng gift sa kanila. Kakaiba yun sa
gift giving na ginagawa ng iba kasi yung sa rotary ay surprise. Walang idea yung may bahay na
pupuntahan sya. Kaya mas ramdam nung may bahay at mas touching yung reaksyon ng mga tao na di
mo matatawaran. Ang iba ay gusting umiyak pinipigilan nila dahil very happy sila makatanggap ng gift
from rotary club of san pascual. Hindi kasi yun kagaya ng sa iba na sasabihan mo in advance na pupunta
doon. Tska kami mismo yung pumupunta sa kanila. Nito ngang nagdaan eh parang susuko na ako sa layo
ng nilalakad. Di mo iisipin na may nakatira pa sa lugar na yun kasi sobrang layo ng nilakad namin. Isang
bahay lang pala pupuntahan naming don. Okay din naman masaya. Meron kaming dalwang kasamang
bata nung nagpunta dun, anak ng rotarian na sya pang nanguna nguna sa paglalakad kaya kamiy hindi
makaatras. Kasi yung dalwang bat ana yun sige lang eh. Yun ang aming project na yearly ginagawa
naming. Yung annual gift giving na tinatawag na bag of love. Hopefully next year madagdagan naming
yung mga recipients na family na bibigyan. Then nagkaroon din kami ng fund raising. Block screening ng
frozen 2 fund raising project. Sayang din yung iba naming projects na hindi nagawa dahil ng pagputok ng
bulkan. So bale naging busy na kami sa relief operation. Kaya yung iba naming projects hindi na naming
nagawa. Noong march 5 nagkaroon kami ng career orientation sa ilat national highschool. Pagbibigay ng
kaunting talk sa students. Kaunting idea kung anong magandang career ang kanilang kukunin sa college.
Yun ay pailang taon na din naming na ginagawa.

Bale ano po ang mga sources of fund?


Yung galing sa members, galling sa annual dues. Pero nitong taal eruption, napakaraming nagbigay ng
cash donation. Yung per ana yun ang ginamit sa pamimili ng basic needs ng mga evaucees. Kaya nung
nagpunta kami sa mga evacuation center inalam naming kung anong mga kailanagn nila at yun ang binili
namin. Mga gamot, blankets, unan, banig, hygiene kit dun galling din sa cash donations. Meron
nanggaling pa sa mga Pilipino sa brunei. pinakaMalaki yung nabigay nila 40k mahigit. Meron ding rotary
club of quezon city na nagbigay ng pera. District of (di ko din marinig ng ayos kung ano district patanong
nalang) nagbigay din. Yun ang aming mother club yung district nay un. Nagbigay sila ng pera for relief
operation.

Regarding naman po sa members ng rotary club taga saan naman po sila at ano ang kanilang mga
propesyon?

Hindi naman porke rotary club of san pascual ibig sabihin from san pascual lahat. May taga
bauan, Batangas city. Madaming mga propesyon din. Ang madami ay dentist. May lawyer din may
architect din, engineers, merong ding optalmologist, may veterinarian, may high school graduate ako
yun (di ko alam kung joke yun). May pulis, meron ding journalist, meron ding dating municipal councilor
ng san pascual. Basta ibat iba. Kailangan kasi sa rotary may classifications ang mga members. May limit.
5 bawat classification. Kasi isa din yun sa tinitingnan kapag mag rerecruit ka ng member kung sang part
sila kailangan as a member. Wala palang doctor of medicine ang club. Hanggat maari makapag recruit
kami ng doctor.

Ano po ang biggest challenge ng pagiging member po ng rotary?

Problema ngayon samin yung pag attend attend sa mga activities meetings. Syempre yung mga
member busy din yan may mga trabaho din. Kaya marami nga yung iba halos madalang na umattend ng
meetings, club activity at projects. Nung relief operation iilan ilan nalang kami. Yan yung nagiging
problema kung pano maeencourage ng president ang members na mag join ng mga activities at
meetings. Syempre isa pang nagiging problema, syempre di nawawala sa usapan yung pera. May mga
annual dues din kasi. Sabi ko nga kanina yun ang pinagkukunan ng fund bukod sa fund raising. minsan
nadedelay pagbibigay ng iba. Yun lang naman.

Greatest accomplishment?

Ang rotary club of san pascual ay narecognize ng deped gawa nun gaming adapt school program.
Nabigyan kami ng certificate of recognition ng deped ng Batangas chapter. Dahil nga dun sa relief
operations ng taal eruption narecognize din kami ng sangguniang panlalawigan. Nabigyan din kami ng
certificate of recognition kasama ang mga iba pang rotary clubs dito sa Batangas. Ang rotary club kasi
nagbibigay ng mga recognition award. Ngayong taong ito, this coming march or April, dyan irerecognize
ang mga different rotary club district.

Paano nagwowork ang interact, Rotaract at rotary?

Ang interact mas bata eh, 14-18yrs old. Ang organization na ito ay school based. Ang Rotaract
naman 18-30yrs old. Dalwa naman ito, community based and school based. Kasopag mga pang school
based edi pang college na yun. Ang interact dapat magkaroon din sila ng project atleast dalwang project
lang sa buong taon community and school based. Ang Rotaract naman may project din silang kanila pero
parang rotary na din. Yung dalwa, dapat may close coordination. So bawat activity nila dapat icoordinate
din sa amin sa mga meetings. May officer din sila, reporting gaya ng amin. Yung set of officers parang
gaya din ng amin kasi ang essence nun ay we are preparing them to become the future rotarians. Kung
sabaga it doesn’t end there sa pagiging Rotaract and interact. Ngayon actually, the rotary international
are encouraging the members of Rotaract to have a dual membership. Pede syang member ng Rotaract
at pedeng maging member ng rotary. Yun nga lang pag nag dual membership sila, may annual dues din
pero di kagaya mismo ng annual na dues na binabayadan ng isang rotarian. Parang ang babayadan
nalang nya ay yung tinatawag ri dues, yung binabayad mismo sa rotary international yun lang as
member pero other payments ay di sya kasama. Magaan gaan ng konti at maliit lang babayadan nya. Sila
yung mga ranging age na 26yrs old above.

“Masarap maging member ng rotary. Very fulfilling kasi in the end of the day kahit na sometimes
sa mga sariling bulsa nanggagaling yung pera.” (Sergel Dacut)

Sabi nga ni sergel fulfilling, masarap ang pakiramdam kasi. Tulad nga nung sa relief
operations kahit na pagod nakakatuwa yung madaming nagpapasalamat sayo sa kaunting binigay mo
walang katapusan naman ang pasasalamat nila. Tska halimbawa din ako yung blessings na meron ako,
ang mga anak ko ay graduate na. wala na ako pinapapag aral syempre yung excess na di ko naman
talaga kailangan edi yun yung pambigay ng kaunting tulong. Tska sab inga kapag ikay nakapagbigay ng
kaunting tulong, madadagdagan ang mananalangin na hahaba pa ang iyong buhay. Saka sa rotary kasi di
naman laging service eh. Sa rotary din kasi may tinatawag na fellowship. Kasi meeting, after meeting
may fellowship pero may araw din talaga na designated yung fellowship itself. Ang rotary kasi ay naform
ng apat na magkakaibigan dahil sa fellowship. Maglalasing yung apat na yun nakaisip ng fellowship. Sina
paul harris yung magkakaibigan nung nabuo yung rotary internatonal. Mga businessman at
professionals. Pero hindi si paul harris yung unang naging president yung kaibigan nya nakalimutan ko
lang pangalan. Yung ang history nun. Siguro naghahappy happy napag usapan nila bumuo ng rotary.
Kaya ang fellowship hindi mawawala sa rotary. Service with fellowship is rotary. Service without
fellowship is slavery. Parang ganon. Service and fellowship yan ang rotary. Kaya ang aming motto ay
service above serve. Yung campaign ng rotary international na end polio campaign. Si bill gates yung isa
sa pinakamayaman bilyon bilyon ang ginagastos pakikiisa sa rotary. Sya ang biggest donor ng rotary pati
dun sa covid.

You might also like