You are on page 1of 1

“Pagod na ako, kung alam niyo lang.


 
Katagang paulit-ulit na inililalabas ng batang si Princess sa tuwing nahihimasmasan siya mula sa kanyang
kalagayang di-maipaliwanag ninuman.
 
Kalagayang maaaring akala natin nalipasan, nalamigan, nagka-nervous breakdown, o batid rin na
pakitang – tao lang. Ngunit ano nga ba ang totoo? Alin nga ba ang totoo?
 
Kilala siya sa pagiging pinaka-matangkad sa klase nila, hindi sakitin, hindi ma-drama, malumanay
gumalaw pero athleta. Nang isang araw ay bigla na lang siyang nawalan ng malay, naninigas, naninigaw,
nag – hallucinate, umiiyak at biglang tumatawa. Nakaka – baliw, hindi ba?
 
Physically exhausted, mentally disturbed, emotionally depressed, spiritually weak. Kung saan-saang
anggulo na lang ang tinitingnan, matukoy lamang ang kalagayan di- alam.
 
“In Jesus Name!” paulit-paulit. Tanging sa mga kataga lamang na ito nararamdaman ng bata na
bumabalik siya sa sarili kapag nasambit.
 
Maraming bagay na hindi alam ng mundong ginagalawan natin. Mga bagay na kahit sabihin nating atin
ay hindi pa rin alam kung saan patungo, anong patutunguhan, anong nangyari, paano nagyari, bakit
nagyari? At tanging Diyos lamang ang makakasagot.
 
Sa ngalan ng Maykapal at ang pagtitiwala at paniniwala sa kapangyarihan Niya ang natatanging mag –
liligtas sa ating lahat.
 
Sa batang ito, manalig ka at magtiwala!
 

You might also like