You are on page 1of 2

TALUMPATI

magandang umaga sa inyong lahat! bago ko simulan ang aking talumapati nais kong
batihin ang ating butihin principle na si Karius Janrik Mercadejas. dahil sa kanyang
paunlak na akoy mag salita sa inyong harapan. Gusto kong simulan ang aking talumpati
patungkol sa korapsyon na ating natatamasa kahit saan mang sector ng ating bansa.

kapag nababanggit na ang salitang korapsyon gobyerno kaagad ang nasa isip mo taba
ako?Hindi matatanggal sa pag-iisip natin lahat na kapag korapsyon na ang pinag-uusapan
siguradong gobyerno kaagad ang laman ng ating isipan. At hindi mo masisisi ang tao na
mag-isip nang ganun, dahil masyadong malalalim na ang pagkakalaman ng mamamayang
pilipino sa korapsyon sa ating bansa. Kahit anong linis pang gawin nila dito hindi yun
mawawala mawawala lahat. Pero naniniwala ako na malaki ang mababawas sa korapsyon
sa ilalim ng ng pangulong duterte ngayon.

Pero mayroon din korapsyon sa pribadong sektor ng ating bansa hindi lamang sa
gobyerno kundin maging sa mga korporasyon sa ating bansa na ang mas masaklap ay
wala kang matatakbuhang ahensiya para isumbong ang katiwaliang nagaganap.
Halimbawa, may ilang korporasyon diyan kumukuha ng sampung porsyento sa
binabayad nila sa kanilang mga supplier. at bukod pa ito sa napakatagal magbayad para
sa mga serbisyong naibigay na pero kapag nangailangan muli ng serbisyo, dapat
mabilisan diba parang gubyerno na rin sila kung mangurap haha nagmamadaling silang
matapos ang mga kanilang proyekto o serbisyo pero napakatagal magbayad, Kung hindi
ko sinabing pribadong korporasyon ito, gobyerno kaagad ang nasa isip ninyo.

Masyado na bang malalalim ang korapsyon sa ating bansa na pati sa pribadong sektor
umiiral ang ganitong kaugalian? Kailan ba magiging tunay na mga propesyonal ang
mamayang Pilipino na gabay ng maayos at tapat na paghahanap-buhay? Hindi malalagay
ang Pilipinas sa isa sa listahan ng mga pinaka-corrupt na bansa kung magiging
propesyonal lang ang kilos at trabaho ng lahat ng mamamayang pilipino maging
gobyerno o pribado.
Sa ibang maulad na bansa hindi makikita ang ganitong klaseng kaugalian vng korapsyon.
Pag nabigay na ang serbisyo o produkto nag babayad kaagad.hanggang dito na lamang po
ang aking talumpati kung mayroon mang akong nasabing nakasakit sa inyong damdamin
nais kong umingi ng paumanhin pero nais ko lamang imulat ang sambayanan pipilipino
tungkol sa korapsyon na ating natatamasa sa ating bansa. maraming salamat sa inyong
pakikinig muli ako po si atty. karius jandrik Mercadejas.

You might also like