You are on page 1of 15

 

EL FILIBUSTERISMO-ANG BUOD NG BAWAT KABANATA (1-39)-MGA TULONG SA


PAG-AARAL-MGA TANONG AT SAGOTAng nobelang

El Filibusterismo

ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong
paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.Tulad ng

Noli Me Tangere

, ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito.Sinimulan niyang isulat ito sa London,
Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos
ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang
kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre
22, 1891.Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ang bayan. Mga Tauhan:Simoun-Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming
may kulayIsagani-Ang makatang kasintahan ni PaulitaBasilio-Ang mag-aaral ng medisina
at kasintahan ni JuliKabesang Tales-Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang
sinasakana inaangkin ng mga prayleTandang Selo-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng
kanyang sariling apoGinoong Pasta-Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legalBen
zayb- Ang mamamahayag sa pahayaganPlacido Penitente-Ang mag-aaral na nawalan ng ganang
mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralanPadre Camorra-Ang mukhang artilyerong pariPadre
Fernandez-Ang paring Dominikong may malayang paninindiganPadre Florentino-Ang amain ni
IsaganiDon Custodio-Ang kilala sa tawag na Buena TintaPadre Irene-Ang kaanib ng mga
kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang KastilaJuanito Pelaez-Ang mag-aaral na
kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong KastilaMakaraig-
Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.Sandoval-Ang kawaning Kastila na
sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-a
 
aralDonya Victorina-Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni
PaulitaPaulita Gomez-Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito PelaezQuiroga-Isang
mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa PilipinasJuli-Anak ni Kabesang
Tales at katipan naman ni BasilioHermana Bali-Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay
Padre CamorraHermana Penchang-Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni
JuliGinoong Leeds-Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa peryaImuthis-Ang
mahiwagang ulo sa palabas ni G. LeedsKabanata ISa Ibabaw ng KubyertaCopyright
from http://www.joserizal.ph/fi03.htmlBuodUmaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga
ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya
Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni
Don Custodio: mag-alagang itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral:
Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.
Nagkasagutan silani Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang
pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.Mga Tulong Sa Pag-aaral1.
Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa

y Kastila.2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit
ang Disyembre sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan.3. Si Don Custodio ay tanungan
at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb(Ibanez) ay isang mamahayag.4. Ang tabo ay
isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng
gatas, kape o ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at
dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang tabo aykaraniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng
niyog.Mga Tanong at Sagot1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at
ang Pamahalaan?Tugona. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta,
tuladng paglalagay ng pamahalaan na may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila,
mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at indiyo.b. Sa mabagal
nguni

t mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong
pamumuno sa Pilipinas.c. Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis
at marangal ngunit

tmakikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay
 
at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan.d. Sa bilog
na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinawna kaanyuan; walang
plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano
ng pagpapalakad.e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang
sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay
may union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibilat ng simbahan sa
pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ngbayan. Alin ang makina at
alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan,
bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang
pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat
patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.)2. Bakit inis na inis
si Donya Victorina?TugonIniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.3. Anu-ano ang
ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay
Simoun?Tugona. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid
nakanal.b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.k. Maiiwasan ang mga putik at burak
sa mga pampangin ng Ilog Pasig.d. Giginhawa ang paglalakbay.4. Anu ano ang tutol dito ni
Don Custudio?Tugona. Malaki ang gugulinb. Maraming bayan ang kakailanganing siraink.
Walang ibabayad sa mga manggagawa5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito?Tugona. Kung
maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.b. Kung walang ibabayad sa gagawa,
gumamit ng mga bilanggo.k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad
ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo
ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng
mgaparaon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay
namangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran
at panahon;d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio.6. Dahil sa mga
panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibylaat Don Custodio, ano ang
naging palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta?Tugona. Siya ay isang mulatong (mestisong)
Amerikano.b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw.7. Bakit nangigilag ang mga prayle at
sina Don Custodio kay Simoun?TugonIto

y kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa Habana, Kuba.Dagdag na mga Tanong at Puna1.
Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan.2. Si Don
Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno saPilipinas.3. Si Padre
Sibyla ay pangalawang rektor ng UST.
Kabanata IISa Ilalim ng Kubyerta
Mga Tulong Sa Pag-aaral1. Bakit kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na nakatatagpo ng
balakid sa lahat ng dako samantalamg ang kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina
Isagani?TugonMarami nang kabiguang naranasan ang matatanda kabiguan sa sarili nilang mga
pangarap at balak noong kanilang kabataan samantalang ang mga bata ay may maapoy pang
damdamin na gatong sa kanilang mga balak at adhikain. Di pa sila nakararanas ng maraming
kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong, umuunlad.2. Bakit nangiti si
Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang mga
kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan?TugonKung ang ngiting iyon ay palibak o patuya,
iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo. Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon
ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isang
katangiang hinahangaan niya at hinahanap lalaking matapang at nakikipaglaban para sa
karangalan ngbayan.3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?
TugonAng pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung
pagsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito;
pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila.TugonNa kung si Padre Camorra at
mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa pag-inomng alak, titino sila ng kaunti at ang mga
alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay mabanawasan kundi man maalis. (Ito kaya ay di
tuwirang pangagaral ni Rizalukol sa alak?)ilog?4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya
tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng serbesa?TugonHindi. Ito

y totoo para sa bayang malalamig nguni

t di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba.
Pagkainom ano? Bulagta!5. Ano ang tugon ni Isagani kay Simoun?6. Ano ang ibig sabihin ni
Isagani sa pagiging sulak ng tubig? sa mumunti at watak-watak naTugonAng sulak (steam) ay
pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mgaPilipino; pagsulak, himagsik!
Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming Pilipino na may
matinding gawi ng pag tatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking himagsikan
lamang sa Pilipinas na mula kayLapu-lapu hanggang kaina Diego Silang ay walang tigil nang
pagsiklab, ay nagingparang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa
isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa
Pilipinas.7. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni Basilio?TugonPagtutulugan ng tubig
at ng apoy sa isang makina (steam engine). Pagtutulungan ng Pilipino at Kastila sa mahusay na
sistema ng pamamahala.8. Bakit pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun?TugonHahanapin
pa raw ang makina. Ibig sabihin may apoy nga at may tubig nguni

t walangmakina. Walang makikitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino
atKastila.9. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio?TugonSa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa
sa madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng lahat, pati si Basilio, na isang
naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan.

Kabanata 3
Mga Tulong Sa Pag-aaral1. Dito

y makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing laloPang
nakaiinis ang pangrelihiyon.Mga Tanong at Sagot1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa
ibabaw ng kubyerta?TugonBinatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan
niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng
kulosa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarraay
lumalapastangan sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.2. Ano ang
pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas?TugonNoong una ang
Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng
pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay
pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang,at iba pa. Nang ang
Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mgatao na walang katotohanan ang
masasamang espiritu sapagka

t walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at pumapatay sa mga
napapadpad saMalapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang
Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiinna
pinatunayan ng mga prayleng Kastila

y walang katotohanan. Sila

y tulisang Kastilanaman natatakot ngayon.

Kabanata 4

Mga Tulong Sa Pag-aaral1. Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang
ketongin na napagaling ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito namanay
inihandog ni Basilio kay Huli.Mga Tanong at Sagot1. Bakit mahirap maging cabeza de barangay
noon?TugonSiya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa
angnagpapaluwal.2. Ano ang ibig sabihin ni Kabisang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad
tayong talaga nang ipanganak?TugonHindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat
ay mamamatay at ano angikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang
damit.3. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab.
Tales?TugonWala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot
sa korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis sa tungkulin ng mga prayle. Angtotoo, mabuti ang
mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong
walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang masaklit ang lupa ni Kabesang
Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Plipino. Bakit ka pa magsasakit na
gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos?4. Bakit matagal na di
kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa?TugonDahil pinayagang magkawal si Tano at di
ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon. Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang
pinagkakawal nguni

t maaaring kumasundo sa isang sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay
maaaring di na magkawal.5. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siya

y matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang anak?TugonKung matatalo siya sa usapin wala
na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang anak at kaya puspusan ang ginagawa
niyang paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang hangad ito ang magiging
tagapagmana ng kanyang lupain.6. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang
pakikipag-asunto sa mga prayle?TugonPalayok na bumangga sa kaldero; langggam na
kumakagat kahit na siya

y tiirisinlamang.7. Bakit kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng
mgatulisan?TugonNoong una

y walang makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siya

y may baril noon at siya

y magaling mamaril. Nang ipagbawal ang baril, nagdala naman siya nggulok at siya

y balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala niya saka siya napangahasang lapitan at
dukutin ng mga tulisan upang ipatubos.8. Anong ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal?
TugonAng pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng kanyang mga
alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinana

y ng mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto pang
magtiis ang mga katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong
santo sa halip na gumawa sila ng mga paraangmaaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay
humantong sa himagsikan. Ito kayaang nakatulong sa ating pagpapaubaya ng lahat ky Bathala o
ang kaisipan natin nabahala-na?

kabanata 5
Mga Tulong Sa Pag-aaral1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago.2. Ang mga pag-aari nina
Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) atipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang
nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng matandang namatay.Mga Tanong at
Sagot1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang
guwardiya sibil?TugonDahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong
na walang sibil noon sapagka

t di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaringmaging pari na papagitna pa sa
dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlongHaring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si
Haring Melchor.2. Bakit naging kapani-paniwala sa mga mangmang na Pilipino noon ang alamat
ni Bernardo Carpio?TugonIto ay pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si Bernardo Carpio ay
isang likhangguniguni na hango sa isang alamat na hiram sa Mehiko, dumating dito bilang
tauhan sa isang awit o isang korido, at sa nilakad-lakad ng mga taon ay ginawang katutubo at
kinilalang hari ng mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng mga
kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {saRizal} si Bernardo Carpio nguni

t unti-unti nang nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas.
Pagnakawala raw si Bernardo Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik
laban sa mga Kastila.Kung isang katutubo o mga kura na rin ang nagsimula ng ganitong alamat
ay di natin matiyak nguni

t ay pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng mga Pilipino sa
pamamgitan ng mga aral na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay nagtatamong kaluwalhatian sa
langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito, nawawala o mababawasan ang paghahangad ng mga
Pilipino na ihanap ng lunas ang kanil
 
ang mga kapihan. Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio,
ng kanilang hari, at saka na sila magbabagon.Mga Tanong na Maaaring TalakayinAng mga sibil
ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng Hapones, higit dawna mahigpit magparusa
ang mga Pilipinong naglilingkod sa garison kaysa mga Hapones na rin. Ang mga gerilyo
ay gumagamit ng maraming uri ng pagpatay na totoongnakapanghihilakbot. Noong kalaganapan
ng kilusan ng Huk (1946-1956), ang mga pagpapahirap at pagpatay ng Huk at mga kawal na rin
ng pamahalaan ay nakapangingilabot din. Bakit nagkaganito ang mga Pilipino? Ibatay ang tugon
sa mga paglalarawan ng buhay sa Noli at Fili at sa ating mga ulat na pangkasaysayan.
Makakabangonkaya tayo bilang isang lahi.
Kabanata 6
Mga Tulong Sa Pag-aaral1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon
nina Rizal

300 hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo?2. Dito

y inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na
siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.Mga Tanong at Sagot1. Bakit kailangang
palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago?TugonAyaw na niyang
maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siya

y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa
si PadreSalvi na bahagi ng pamahalaan).
 
2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng
isang agnos na mamahalin?TugonKahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na
ang ketong ay nakakahawa at di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya
ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasa

y pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina
Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang
bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa
raw nalunod na ang bata kaysa mahawa. Nguni

t noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may
katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang estudyante lamang
nguni

t masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin.

Kabanata 7
Mga Tulong Sa Pag-aaral1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang
mag-uugnaysa mga Pilipinong may iba

t ibang wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sapangangailangan natin ng isang
pambansang wika.2. Si Ibarra kailanma

y di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa
kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang pagtatago
niya sa mga guwardiya sibil.Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa
Europa. Ika-23ng Disyembre nang maganap ang habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit
si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipanniyang
hanapin ang ina at sila

y magkita ni Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago
nguni

t si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni
Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid na nag-aabang ng
mamamana sa maysakit na Kapitan nguni

t sa totoo

y upang makasagap ng balita ukol kayMaria Clara.3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng
kanyang paghihigantia) Si Don Rafaelb) Si Maria Clarac) Si Elias-pawang mga sinawing-palad
ng lipunang nais niyang iwasak.Mga Tanong at Sagot1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni
Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra
nang makita sila sagubat makaraan ang labimpitong-taon?TugonSi Basilio ay matalino at pinag-
ugnay niya ang mga pangyayari:a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na
kung walang daratingsa gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite.
Ang dumating ay isang mestiso na ngayo

y siyang humukay sa lugal na pinagbaunan ng kayamanan.b. Alam ni Basilio na mestiso ang
anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay kayumanggi.c. May sugat na taglay ang lalaking
namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawasi Ibarra. Nguni

t ang mestiso ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi anghinabol at pinagbabaril sa
lawa, hindi ang mestisong si Ibarra.2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng
balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa loob ng 13 taon?TugonBilin ni Elias
na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba. May dumating-si
Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang
libing ni Sisa at gabi kung magtungoroon nang palihim si Basilio.3. Bakit ibinaon ni Ibarra si
Sisa nguni

t sinigan ang bangkay ni Elias?TugonIbig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na
sunugin ang kanyangbangkay.4. Ani Simoun ay nakabatid si Basilio ng dalawang lihim ukol sa
kanya na maaaring magpahamak sa kanya kung ibubunyag ng estudyante. Ano ang mga lihim na
ito?Tugona. Na si Ibarra ay buhay pa.b. Na si Ibarra

t si Simoun ay iisa. Ito ay maaaring magpahamak sa kanya at sa balak niyang paghihiganti.5.
Bakit di pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim?Tugona. Si Basilio
ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan.
 
b. Si Basilio ay di makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil.k. May mga utang
na loob si Basilio kay Simoun tulad ng inamin na rin ng estudyante-pagkapagamot ni Ibarra kay
Sisa at pagkahukay ng pinaglibingan nito.c. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun
kaysa kay Basilio.d. Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang
paghihimagsik. At sa kabataan ay si Basilio ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun.6.
Paano nakapang-aalipin ang isang wika?TugonKung ang wikang ito ay dating sa isang
mananakop, ito ay nagiging sagisag ng kapangyarihan kaya

t ito ay pinaghahangaran ng mga sakop dahil katutubo sa tao ang maghangad na tumaas, o
tumayog. (Ito

y isa sa mga mikrobyo ng isipang-alipin o Colonial Mentality). Mamaliitin na ng dating sakop
ang sariling kanya hanggang sa itoay tuluyan naising inisin o patayin at buhayin at payabungin
ang sa dayuhan. Mga aklat, babasahin, at sineng dayuhan ang kanyang pamumuhay sa
pamumuhay ng dayuhan na nababasa at napapanood niya. Pananamit, pagkilos, pagkain,
kasangkapan atiba pa. Pagsusulit-sulit: Dayuhan sa sariling bayan.Sa ngayo

y alipin ng Ingles ang sangkapilipinuhan. Ang salitang imported ay ipinagmamalaki; ikinahihiya
ang lokal. Payabangan sa mga ternong Amerikano na di angkop sa klima natin. Pagandahan ng
kotse na di kayang gawin sa Pilipinas at gasolina

y tiyak na sa angkat lamang daraan. Paglulupit-lupit: Ang ating angkat (Import)ay laging
ibayong malaki kaysa lumalabas na paninda(Export) kaya

t unti-unting namumulubi ang bansa at ang kinabukasan ng ating mga susunod na salin ng lahi ay
ating ipinaaanod sa baha ng kasalukuyan nating mga bisyo at di maiwasang hilig namasasabing
buhat sa pang-aalipin sa atin ng wikang Ingles.7. Ano ang kapuna-puna sa mga inilarawan ni
Rizal na mga tauhang ayaw magsalitang Tagalog at pangangastila ang pinag-iigi?TugonMga
hindi mahusay magsalita ng kastila. (Donya Victorina, Donya Consolacion).8. Bakit ayon kay
Simoun ay hindi magiging wika na ng kapuluan ang kastila?TugonAnya-ang kulubot ng kanyang
isipan at mga pintig ng kanyang puso ay walang akmang katugon sa wikang Kastila. (Paano nga
naman masasabi sa ibang wika ang ganitohalimbawa: Huwag mong itapon ang lamang gugo at
panghilod ng tabo na nasa sulokng batalan.9. Ang makabagong kaisipang ukol sa pandaigdig na
pulitika ang ipinahayag ni Rizal noon pa man sa pamamagitan ni Basilio?TugonAng diwa ng
Nagkakaisang Daigdig o United Nations. (Ani Basilio ay magiging maligaya lamang ang tao
kung ang buong sangkatauhan ay ay ituturing nang mamamayan ng daigdig at ang
magtatalumpati ukol sa kagitingan at pagmamahal sa bayan ay ipalalagay na baliw o fanatico)
Dahil dito masasabi nating isa si Rizal sa mga unang may diwang pandaigdig o internationalist.
Malaki ang pagkakauna niya sa kanyang panahon.

Kabanata 8

Mga Tanong at Sagot1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal
na pagkakaalipin ng Pilipinas?TugonItinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng
mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si
Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng
dimatupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.
 
2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa
nga nila ito?
Tugon
a) maaga silang ginigising para magsimba;b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng
mga bata ng matitigas na damit dahilsa almirol at mga bagong sapatos na masakit
sa paa);k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal;d) pinaluluhod sila sa lahat ng
kamag-anakan upang humalik sa kamay.

Kabanata 9
Mga Tanong at Sagot1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang
prayle.TugonIto

y kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak nalalaki na
naging suwail kaya

t ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak nalalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay
nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na ito ng demonyo. Ito

y naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatilingmga mangmang na magsasaka at
nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga naman
ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang orasupang mangumpisal kura at ang mga
magulang na di susunod dito ay tutungo sa impiyerno.2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na
Mga Pilato sa laman ng kabanata?TugonSi Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako
sa krus gayong batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao
nasulsulan ngmga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing
wala siyang kasalanan.Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si
Hermana Penchang ng nagsamantala sa katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang
gawin itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang
manang na manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunitnagsabing wala.

Kabanata 10
Mga Tanong at Sagot1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun?TugonAyon sa sabi ng
mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sapook na iyon. Ang tunay na
layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari
rito ay maaaring isang taong akma parasa balak niyang maghiganting paghihimagsik.2. Bakit
natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril?TugonNakilala
niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sarebolber ang agnos na
ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak.Nakita niya sa kabesa ang isang taong
hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa
kanyang paghihimagsik.3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si
Tandang Selo?Tugon
 
Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimokniya rito
upang maghimagsik.

Kabanata 11
Mga Tulong sa Pag-aaral1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga
Dominiko.Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. (Basahin ang pagkapatapon sa mga
Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.)2. Si Padre Sibyla ay isang rektor
ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre
Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng
balak.Mga Tanong at Sagot1. Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral?
 
TugonMay kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon.2. Anong sakit
ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?TugonAng paglalangis sa may
kapangyarihan. Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril
lamang sa Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ngbanda ay isa pa.3. Bakit nagagalit si Padre
Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral?TugonDi niya batid na sadyang
nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagigingmasaya ang heneral sa pananalo nito
para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan
ng kabataan.4. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng
utusansamantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan?
TugonBalak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig nakung
ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng
marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya
iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat oupang gawing katunayan ng kanyang
pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay.5. Anong institusyon sa
Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumunanguni

t dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba itongayon?TugonAng
sabong

Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara

t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming
Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni

t ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay
di mahirap. Kung minsa

ymaganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang
bisyo bago ang sandang pangangailangan.6. Alin ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang
balintuna sa kabanatang ito? Bakit?TugonNais ng kabataang Pilipino na ipaturo sa kanila ang
wikang Kastila sukdang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-aaliping
kastila ay napapakatangi- tangi sa hiling na ito.7. Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring
Dominiko, sa paaralang binabalakng kabataan?TugonSi Padre Fernandez ay naiiba sapagka

t siya

y matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng may
katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya
sa katotohanan.

Kabanata 12
Mga Tulong sa Pag-aaral1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa
Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon nang
mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon
ay nasa Intramuros-Letran at Ateneo.2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa
tatlong kolehiyo noon.AteneoNangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming
dalang aklat at kuwaderno.LetranNakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala
ng aklat.USTMalinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala.Paaralang
NormalMga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan
at mapagdala ng aklat.3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa
paaralan ang mgaestudyante.Mga Tanong at Sagot1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-
aaral?TugonApat na taon nang siya

y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral
ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya

y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya

y matalino, ibig niyangmatuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.2. Ano ang
kahulugan ng pangalang Placido Penitente?Tugon
 
Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa.3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang
hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban
kay Huli?)TugonTinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay
maipabibilanggo omaipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam
ng mga dalaga na totoong nangyayari.4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din?TugonKilala
ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at makakagawa
ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli.5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng
karaniwang kabataan noon?TugonKaramihan noo

y walang natutuhan dahil:a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo
na sa UST.b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.k. May mahabang pagpapalagay ang
mga guro sa estudyante.d. Madalas ang araw na walang pasok.

Kabanata 13
Mga Tulong sa Pag-aaral1. Si Padre Millon:a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa
metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura.b.
Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous
thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa
paraan ng pilosopiya. (Siya

y di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at ito

y umiinog at umiikot sa araw.)k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na
kasarian ng isang guro.d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang
katangahan ngtinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.)e.
Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag.g.
Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante.Mga Tanong at Sagot1. Bakit sampay-bakod na
kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase?TugonWala siyang paggalang sa mga tinituruan
na ipinalalagay niyang mga tanga lamang.2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa
pisika ay masasabi kaagad nasadyang walang matutunguhan ang mga estudyante?TugonAng
pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga
halimbawa

t paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan.
At mga pisara ay di ginagamit. Doo

y may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero na

y di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika.3. Ano ang masasabi
natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo?Tugon
 
Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat
maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat inaaglahi at kinagaagalitan o
hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang itinituro
kundi dapat ay may malasakit o lugod siyasa pagtuturo at sa isignaturang itinituro d.) ang
maraming bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban.4. Ano ang
masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata?TugonSiya

y naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayo

t mapayapa. Hangga

t maaari

y nagtitiis tayo lamang sa gulo. Nguni

t kung tayo

y napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan.

Kabanata 14

Mga Tanong at Sagot1. Sino si Sandoval?SagotIsang empleyado at estudyanteng taga-Espanya


na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila.2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang
si Juanito Pelaez?SagotIsang Pilipino na takot manindigan para sa bayan.3. Anong ugali
mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento?
SagotSila ay mapagkumbaba.Kabanata XVSi Ginoong PastaBuodSi Ginoong Pasta ay isang
bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan
ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil
nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-
aari kaya

t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan
ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.Mga Tanong at Sagot1. Sino si
Ginoong Pasta?SagotIsang bantog na mananaggol ng Maynila.
 
2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta?SagotSiya ang
sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas.3.
Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani?SagotSiya ay simbulo ng mga kaisipan na
naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at
kalayaan.

Kabanata 15
Mga Tanong at Sagot1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga?SagotSiya ay
naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas.2. Bakit iginalang ni Quiroga si
Simoun?SagotDahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral.3. Bakit nagkautang si Quiroga
kay Simoun ng siyam na libong piso?SagotKumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na
ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.

Kabanata 16
Mga Tulong sa Pag-aaral1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad
ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic),mga
tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at iba pa.2. Noo

y Enero.3. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa
espinghe ni Mr. Leeds.Mga Tanong at Sagot1. Anong kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni
Rizal sa Kabanatang ito?TugonAng palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining
ng paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal.2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Filipina?
TugonAng pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism): matanda
(makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain
ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa
si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa
larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala
ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa pamahalaan.)Mas malinaw rito
ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas
ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga dinarakip ng guwardiya sibil.
Nguni

t ito man ay di nasakyan ng matatalino

t magagaling na pangkat nina Ben Zayb.(Nasakyan naman kaya ito ng mga indiyo? At sino ang
nakaisip ng gayong mga larawan sa perye?)

You might also like