You are on page 1of 1

ANAKPAWIS

Ni Reynaldo Arquerro Duque

Anakpawis kaming

Naghuhukay ng mga tigang na lupa

Naghahawi sa mabalasik na karagatan

Nagpupukpok sa mga pandayan

Nananalakay sa mga burol at bundok

Nagtatayo ng matataas na gusali

Kami ay anak ng dalita.

Kami ang mga nagugutom.

Mula sa amin ang tunay na katarungan

Ang tunay na kalayaan, pagkaing sagana,

Ligtas sa lilim, makintab na pananamit-

Kami, ang papabayaan

Sang-ayon sa bayan kami ang batas:

Datapwat ni wala kaming lupaing malawak

Pating sa karagatan, lobo sa kabundukan:

Kami’y alipin ng mga dayuhan

Sinasamba naming ang mga nakaupo sa sinagoga

Sang-ayon sa bayan kami ang batas

Kaming mga anakpawis.

You might also like