You are on page 1of 5

Ang epekto ng estereotipo sa mga katutubong Badjao

Sulating Pananaliksik

Na ipapakita sa mga guro ng

Senior High School ng Notre Dame of Kidapawan College

Bilang Pambahagiang Pagsasakatuparan sa pangangailangan ng Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik

Taong pampaaralan 2019-2020

nina

Chan, Charles Nichole

Redosendo, Jboy

Macapobre, Hazel
Kabanata 1

A. Panimula

Ang mga badjao o mas kilalang sea gypsies sum at Celebes sea. Ang mga

Badjao ay nag kalat sa iba’t ibang parte ng tawi-tawi at basilan. Diskriminasyong

kanilang nararanasan ay ang di makatarungang pagpuna sa kanilang lahi dahil sa

kakulang sa kaalam. Panlimos ang kanilang pangunahing hanapbuhay.

Inilarawan ng Komisyon ng mga Karapatang pantao ng Ontario ang mga

komunidadd na humaharap ng kinapootang lagi bilang “racialized”. Ang lahi ay gawa ng

lipunan. Dibig sabihin nito binubuo ng lipunan ang mga ideya ukol sa lahi batay sa mga

dahilan na heograpiko, kasaysayan, politika, ekonomiya, panlipunan, at kultura, at pati

na run itsura, kahit na waka sa mga ito ang magagamit upang pawawalang-sala ang

pagiging pinakamahusay o pagkiling sa isang lahi.

Ayon kay lhordyx (2017), ang diskriminasyon ay ang pagtatrato ng masama sa

isang tao o grupo. Maari rin itong katulad ng paghihiganti sa kapwa. Dahil dita napipilit,

nabibigyan nga mali na kahulugan, o ipinagwawalang-bahala pa ng mga taong ang mga

katotohanang sa kanilang opinion.

Kadalasan, dahil sa pride, nagiging mapagmataas at mayabang ang tao. Kaya

isipin niyang angat siya sa iba para maliitin niya ang iba na mababa ang pinag-aralan o

mahirap. At kung naiisip naman niyang mas angat ang iba sa kanya, sinisiraan niya ang

mga ito at hinihila pababa.

B. Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipaalam sa mamamayang Pilipino ang

mga maaring epekto ng stereotyping sa mga katutubong badjao. Ito ay sumasagot sa

sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang klase na diskriminasyon ang kanilang napagdaraanan?

2. Ano ang nararamdaman nila?

3. Ano ang kanilang mekanismo sa pagkaya nito?

C. Katuturan ng Salitang ginamit

1. Esteriotipo – isang maginoo o formulaic pagbuo o imahe

2. Mapagmataas – hilig na itaas ang sarili kaysa sa iba

3. Lahi – Pangkat ng tao na nagtataglay ng magkatulad at natatanging pisikal

na katangian.

4. Racialized – May kauganayan sa mga pankat na nakikilala genetically


Kabanata 3

A. Disenyo ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng kwalitatibong paraan ng pangangalap ng

mga datos upang makuha ang mga mahahalagang sagot ng mga kalahok. Malalaman kung

ano-ano ang kanilang mga nararanasan na diskriminasyon at mga nararamdaman ng mga

kalahok.

B. Paraan sa pag likom ng datos

Ang mga nanaliksik ay makikipag panayam sa mga badjao sa lungsod ng

Kidapawan upang makakalap ng mabisang impormasyon para sa kabuuang pag aaral ng

pananaliksik. Tatanungin naming ang mga kalahok kung ano ang mga nararanasan nila na

diskriminasyon, mga nararamdaman nila at kung ano ang kanilang mekanismo sa pagkaya nito.

Idodokumento ng mga mananaliksik ang mga sasabihin ng mga kalahok.

Ang lahat na makakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay ang siyang gawing

batayan sa pananaliksik na ito.

C. Paraan sa pag pili ng kalahok

Upang makakalap ng impormasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang ito

“Ang epekto ng estereotipo sa mga katutubong badjao” ginamit ang opportunity sampling

kung saan gumagamit ng mga tao mula sa target na populasyon upang mas madali

makahanap ng mga kwalipikadong manlalahok.

Ang napiling mga kalahok sa pagsusuring ito ay mga katutubong badjao na nasa

lungsod ng Kidapawan.
D. Lugar ng pag-aaralan

Ang lokasyon ng pag aaral na aming gagawin ay sa kidapawan dahil may

mahigit na 100 na pamilya ng tribung badjao na naninirahan dito. Dito mag sasagawa

ng pag aaral ang mananaliksik upang malaman kung ano ang mga nararanasan ng

mga katutubong badjao dito.

You might also like