You are on page 1of 46

NOBENA SA

Birhen ng Kapayapaan at
Mabuting Paglalakbay
Nihil Obstat:
ARTEMIO G. CASAS
Censor Librorum

Imprimatur:
JOSE N. JOVELLANOS
Vicarious Generalis
NOBENA SA
Birhen ng Kapayapaan at
Mabuting Paglalakbay
(Mapaghimala at mapagpalang Ina ng Diyos. Sinasamba sa
bayang Antipolo at patnugot ng mga naglalakbay sa buhay na ito,
ng madlang nasa kasakunaan, at ating tagapamagitan sa ating
Panginoong Hesukristo. Itinatanghal at ipinagkakapuring pintakasi
ng Misyon ng Kapayapaan, na ipinalaganap ng samahang mga
Deboto ng Mahal na Birhen ng Julugan , Tanza, Cavite.)

ORASYON (ANGELUS)
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espritu Santo. Amen.
O Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na pinipintuho ng
sangkatauhan. Makinabang po sana kaming iyong mga abang
lingkod sa grasya mong kamahalmahalan.
Kami po ay narito sa harapan mo – humihingi ng tulong mo at
saklolo. Ipagkaloob mo po, Mahabaging Verbo ang kapatawaran
sa lahat ng tao. Siya Nawa.
Binati ng Anghel ng Panginoon si Santa Maria
-At siya ay naglihi lalang ng Espiritu Santo-
(ABA GINOONG MARIA…)
Ako ang alipin ng Panginoon
-Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo-
(ABA GINOONG MARIA…)
At ang Salita ay nagkatawang tao
-At nakipamuhay sa atin-
(ABA GINOONG MARIA…)
Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos
-Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristo.-
Manalangin Tayo
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga
kaluluwa ng iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa
pamamalita ng Anghel ay makilala naming ang pagkakatawang tao
ni Hesukristong Anak mo. Pakundangan sa mahal niyang
pagpapakasakit at pagkamatay niya sa krus ay papakinabangin mo
kami ng kaniyang pagkabuhay na maguli sa kaluwalhatian sa
langit. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Amen.
(LUWALHATI SA AMA…)
VENDITO
Vendito alabado sia santissimo sacramento del altar, de limpia
Immaculada Concepcion de Nuestra Senora ala Birhen Maria,
Madre de Dios, Senora Nuestra Concivida, si mancha el picado
original el primer, estante de siser , natural con siempre, Amas.
Amen.
Salamat po sa inyo Panginoon naming Diyos at kami’y isinapit mo
sa mahal na hapong ito. Isapit mo rin po sa mahal na umaga na
walang sakit ang aming kaluluwa’t katawan. Poon bigyan mo po
kami ng mahabang buhay na makapagsilbi sa Dios, sa Magulang,
at sa kapwa naming tao. Siya Nawa.
Namumuno: (3x) Ama Namin, (3x) Aba Ginoong Maria, (3x)
Luwalhati…
LAHAT: Isang Aba po Santa Mariang Hari…

PAGPUPURI
Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo, tao namang totoo, gumawa
at sumakop sa amin, Siya po lamang ang aming iibigin…
Namumuno: Ave Maria Purisima (3x)
Sagot: Simpicado Concevida (3x)
MGA AWIT SA ORASYON
I. Sa Hari ng Langit, Ina ni Hesus
Tayo na’t mag-alay, magpuring lubos.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
Sinta ka ng puso, Mahal kong Ina
Yaman at pag-asa, niyaring kaluluwa.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

II. Araw-araw kay Maria, kami ay nagdarasal


Si Maria, aming reyna, ibig naming marangal
Kanyang tulong lagi-lagi, kami ay humihingi
Pupurihin naming siya tuwing araw at gabi.
Kung kami’y nasa panganib, kay Maria tatakbo
Tatawagin namin siya, kung malapit ang tukso
Oh Maria iyong tulungan, kaming nangabubuhay
Kami ay ipanalangin, kung kami’y mamamatay.

III. A trece ng Mayo, nanaog ang birhen


Sa Cova Da Iria, sa langit nanggaling.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria
Halina’t umawit at dumalangin
Maghari pag-ibig ng Ina natin.
Ave, Ave, Ave Maria
Ave, Ave, Ave Maria

SALVE REGINA
Salve Regina, mater misericordiae.
Vita dulcedo, et spes nostra salve.
Ad te clammamus, exsulles filii heave.
Ad te suspiramus, gementes et flentes,
In hac lacrimamum valle.
Eia Ergo, advocata nostra, illos tuos
Misericordes oculos, ad nos converte.
Et Iesum, benedictum, fructum, ventris tui
nobis, post hoc exsillium, ostende.
O Clemens, O pia, O dulcis virgo Maria.

Lahat: Salamat po sa inyo Panginoon naming Diyos, Huwag niyo


po kaming pababayaan, iligtas po ninyo kami sa lahat ng
panganib sa gabing ito. Patnubayan ninyo po kami sa lahat ng
aming mga gawa, isip, at paglalakbay hanggang kami ay
makarating sa aming patutunguhan. Kaawaan po ninyo kami,
kahabagan ang may karamdaman na nakaluhod sa inyong
harapan. Salamat po sa inyo Panginoon Naming Diyos at dininig
niyo po ang aming mga dalangin na kahit manawari’y huwag na
po sanang mawalay sa aming piling. Siya nawa.

LAHAT: O Virgen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, Ina


ng Divino Berbo, sa amin ay ipagkaloob mo po ang mahal mong
bendisyon.

Namumuno: Kamahal-mahalang Puso ni Jesus (3x)


Sagot: Maawa ka po sa amin (3x)
Namumuno: Kalinis-linisang Puso ni Maria (3x)
Sagot: Ipanalangin mo kami (3x)
Namumuno: Mahal na Poong San Jose
Sagot: Ipanalangin mo kami.
Namumuno: Mga Santos at Angeles ng Panginoong Diyos
Sagot: Ipanalangin ninyo kami.
Namumuno: Ave Maria Purisima (3x)
Sagot: Simpicado Concevida (3x)

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen.

BIRHEN NG MISYON NG KAPAYAPAAN AT MABUTING


PAGLALAKBAY
Ang Santo Rosaryo
Ang tanda ng + Krus ang ipagadya mo sa amin, Panginoon
naming + Diyos, sa mga kaaway namin, Sa ngalan ng Ama, ng
Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa
lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng
Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni
Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay,
inilibing.
Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at
nangamamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
Sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli
ng nangamatay na tao,
At sa buhay na walang hanggan. Amen.
PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang
totoo, gumawa at sumakop sa akin: pinagsisisihan kong masakit
sa tanang loob ko, ang dilang pagkakasala ko sa iyo, Ikaw nga ang
Diyos ko, Panginoon ko’t Ama ko, iniibig kong lalo sa lahat;
nagtitika akong matibay na matibay na di na muling magkakasala
sa iyo, lalayuan ko na’t pangingilagan ang balang makababakla ng
loob ko sa masama at nakalilibat ng dating sakit ng kaluluwa ko, at
nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko,
umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa mahal na Pasion
mo at pagkamatay mo sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.
(AMA NAMIN… 3 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)

PAG-AALAY SA BAWAT MISTERYO


Ang mga Misteryo ng Tuwa
(Lunes at Sabado)
UNANG MISTERYO: Ang Pagbati ng Anghel sa Mahal na Birhen
Panginoon, aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa iyong pagkakatawang tao. Alang-alang sa misteryong ito
at sa iyong Mahal na Ina, pagkalooban mo kami ng kababaang-
loob.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
pagbati ng Anghel sa iyong Ina at ng iyong pagkakatawang-tao
upang kami ay maging mapagpakumbaba.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALAWANG MISTERYO: Ang pagdalaw ng Mahal na Birhen
kay Sta. Isabel
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa pagdalaw ng iyong Ina sa kanyang pinsang si Sta. Isabel.
Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong Mahal na Ina ay
pagkalooban mo kami ng lubos na pagmamahal sa aming kapwa.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
pagdalaw ng iyong Ina sa kanyang pinsan upang mahalin ko sa
gawa ang aking kapwa.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKATLONG MISTERYO: Ang panganganak sa Nino Jesus
sa Belen
Jesus, aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang papuri
sa iyong pagsilang sa Belen. Alang-alang sa misteryong ito at sa
iyong Mahal na Ina, ilayo moa ng aming puso sa mga bagay na
makalupa at pagkalooban mo kami ng pagmamahal sa mga dukha.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng iyong
pagsilang upang ang aming puso ay huwag maghangad ng
kayamanang lumilipas.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang paghahandog sa sanggol na
si Hesus sa Templo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa Pag-aalay sa iyo sa templo noong ikaw ay isang sanggol
pa lamang. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong Mahal na Ina
ay pagkalooban mo kami ng Banal na karunungan at malinis na
puso at kaluluwa.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
Pagaalay sa iyo sa templo o Paglilinis upang ako ay maging tunay
na marunong at malinis.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKALIMANG MISTERYO: Ang Pagkakita sa batang si Jesus
sa Templo
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa pagkatagpo sa iyo ng iyong Mahal na Ina sa templo sa
gitna ng mga pantas – matapos na ikaw ay mawala. Alang-alang
sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina, ipagkaloob mo na kami
ay magbagong buhay. Nawa’y magbalikloob ang lahat ng mga
makasalanan, ang mga naniniwala sa maling aral, an gaming mga
kapatid sa pananampalataya na humiwalay sa amin, at ang mga
hindi naniniwala sa Diyos.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
Pagkatagpo kay Jesus sa templo upang kami ay tunay na
magbago.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birheng maluningning na walang kapara
ng palad sa lahat ng mga babae, yayamang ikaw Ina ang
nanganak, nagpasuso, at nagiwi sa nagalila sa iyo at sa lahat,
napupuno bga ang loob ng di-ugaling tuwa sa pagbati sa iyo ni San
Gabriel at pagpupuri ni Santa Isabel sampu sa pagsamba ng
sangkalangitan at ng mga pastores – pati ng tatlong hari, sa inyong
mag-ina doon sa sinilungan ng mga hayop na gawa rin naman sa
mga kamay mo. At kalungin ni San Simeon ang Mahal na Sanggol
na si Hesus at nang Makita mo siya doon sa simbahan ng
Herualem, na ginigitna ng mga marurunong, tumatanong at
sumasagot naman sa kanila.
Magdalita ka, Ina naming maawain, at tanggapin mo po itong
Rosaryong inihahain sa limang Misteryo ng Tuwa mo; at yayamang
pintakasi ka naming, ay ipakiusap mo kaming walang tugot sa
Mahal na Anak mo, na kanyang kawilihan, dalawin at tahanan ang
mga kaluluwa naming, at pagbiyayaan ng kaniyang mahal na
grasya na ikasisipag naming gumawa ng kabanalan, at ikasisinta
pa naming humanap sa kaniya hanggang makapiling sana namin
siya diyan sa langit.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi binyagan,
ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang pagkakasundo ng mga
haring Kristiyano, sampu ng katahimikan at kapayapaan ng buong
mundo at ng kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya
mop o kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama. Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng
kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
Ang mga Misteryo ng Hapis
(Martes at Biyernes)
UNANG MISTERYO: Ang panalangin sa Halamanan ng
Hestsemani
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang mistryong ito bilang
papuri sa pagpapawis mo ng dugo sa halamanan ng Hetsemani.
Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina,
pagkalooban mo kami ng lubos na pagsisisi sa aming mga
kasalanan at sana’y magig lubos kaming masunurin sa iyong banal
na kalooban at kagustuhan.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
Pagpapawis ng Dugo ng Panginoon sa halamanan ng Hetsemani
upang lubos na akong magsisi at ganap na sumunod sa iyong
kagustuhan.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKALAWANG MISTERYO: Ang paghampas sa ating Panginoong
Hesukristo
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa pagtitiis mo ng walang awang paghampas sa iyo. Alang-
alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina, ipagkaloob mo
na aming mapigilan ang dila, tainga, mata, sampu ng aming puso
at damdamin sa mga bagay na aming ipagkakasala.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
walang awang paghahampas upang ako’y lubos na makapagpigil
at makapagtimpi.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKATLONG MISTERYO: Ang pagpuputong ng koronang tinik
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa pagtitiis mo ng hirap noong putungan ka ng koronang
tinik. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina,
ipagkaloob mon a huwag kaming mahumaling sa mga bagay sa
mundong ito.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
pagpuputong ng koronang tinik sa Panginoon upang huwag kong
labis na pahalagahan ang mundo.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang pagpapasan ng Krus patungong
Kalbaryo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa pagpasan mo ng Krus patungong Kalbaryo. Alang-alang
sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina, pagkalooban mo kami
ng pagtitimping magpasan ng aming krus at sumunod sa iyong
yapak araw-araw sa aming buhay.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng iyong
pagpapasan ng Krus upang ako’y maging lubos na matiisin at
mapagtimpi.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
IKALIMANG MISTERYO: Ang pagpapako at pagkamatay sa
Krus ng Mananakop – Panginoong Hesukristo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa pagtitiis na dinanas mo sa pagpapako sa iyo sa Krus ng
Kalbaryo. Alang-alang sa Misteryong ito at sa iyong Mahal na Ina,
pagkalooban mo kami ng malaking takot sa kasalanan, at sana’y
tanggapin namin ng may ngiti ang mga pasaning krus sa buhay.
Pagkalooban mo rin kami ng banal na kamatayan, gayun din ang
mga nagaagaw-buhay sa oras na ito.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
pagpapako at pagkamatay sa Krus ng ating Panginoon upang ako
ay maging ganap na banal.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida
PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birheng wagas, napupuno ka nga ng
hapis, sindak at dalamhati sa mga kahirapan at kasakitan ng anak
mong bugtong, nalulunusan ang loob mong maawain sa pagdakip
sa kanya, at namura kang masakit nang siya ay paghahampasin.
Pinagtausan pa ang loob mo ng Makita mo siyang nagpapasan ng
krus, na pagpapakuan sa kaniya, at naulila kang totoo sa
pagkamatay niya.
Magdalita ka, Ina naming maalam at tanggapin mo itong
Rosaryong inihahain naming sa iyo, galang at pagaala-ala naming
sa limang Misteryo ng Hapis. Yayamang pintakasi ka namin, kami
ay ipagmakaawa mong idalangin sa Panginoong Diyos ng
pananalanging maluwat, pati ng katapangan ng loob sa pagdaralita
ng anumang hirap at kamurahang dumarating sa amin. Tuloy,
Ihingi mo kami ng malalim na pagsisisi sa mga kasalanan naming
upang siyang ikaawa ng Panginoong Diyos sa amin, at
pagkalooban kami ng mgandang kamatayan.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi binyagan,
ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang pagkakasundo ng mga
haring Kristiyano, sampu ng katahimikan at kapayapaan ng buong
mundo at ng kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya
mo po kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama. Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng
kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
Ang mga Misteryo ng Liwanag
(Huwebes)
UNANG MISTERYO: Ang Binyag ni Kristo
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa kusang pagpapabinyag mo kay Juan upang makiisa sa
lahat ng makasalanan at akuin ang aming mga pagkakasala at
upang magkaroon ng panibagong buhay para sa Ama. Alang-alang
sa misteryong ito at sa iyong Mahal na Ina ay pagkalooban mo
kami ng dalisay na pagibig sa iyo.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng iyong
gawa, upang ang lahat ay tumanggap ng Sakramento ng Binyag at
tulungan silang buksan ang kanilang puso sa mga handog na
kaloob ng Espiritu Santo, upang sila man ay makapagpahayag ng
mabuting balita at sumunod sa iyong dakilang kalooban at
kagustuhan.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALAWANG MISTERYO: Ang paghihimala ni Hesus sa Kasalan
sa Cana.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa iyong paghihimala sa kasalan sa Cana. Alang-alang sa
misteryong ito at sa iyong mahal na Ina, pagkalooban mo kami ng
biyaya na maging mapagmahal sa kapwa at lagging huingi ng
tulong sa Diyos.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagSsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinung ng iyong
unang paghihimala sa Cana upang ugaliin naming magmahal at
humingi ng tulong sa Ama.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKATLONG MISTERYO: Ang pagpapahayag ng Kaharian ng
Diyos.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang msteryong ito bilang
papuri sa pagpapahayag ng bagong kaharian ng Diyos. Alang-
alang sa misteryong ito at sa iyong mahal na Ina ay pagkalooban
mo kami ng biyaya na maging maawain, mapagpatawad at
mapagmahal.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
Pagpapahayag mo ng Kaharian ng Diyos upang kami ay
magkaroon ng malalim na debosyon sa Salita ng Diyos.
Ave Maria Purisima, Simpicado Cocevida.
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang pagbabagong-anyo ni Hesus
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa iyong pagbabagong-anyo. Alang-alang sa misteryong ito
at sa iyong mahal na Ina ay pagkalooban mo kami ng biyaya ng
pagibig para sa mga nagdurusa.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng iyong
pagbabagong-anyo upang tanggapin ko ang mga Sakaramento ng
simbahan ng may malalim na pananalig sa mga biyayang kaloob
nito.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALIMANG MISTERYO: Ang pagtatatag ng Eukaristiya
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa Huling Hapunan. Alang-alang sa misteryong ito, at sa
iyong Mahal na Ina ay pagkalooban mo kami ng biyaya ng
katapatan at pagiging mapagpasalamat.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
Pagtatatag ng Eukaristiya upang ibigin ko ang Santa Misa bilang
rurok ng aking pananampalataya.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.

PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birhen ng kaliwanagan, na nagbibigay sa
amin ng walang kaparang pagmamahal at paggabay. Ikaw ang
birheng may anak sa Manunubos, na walang ibang ninais kundi
ang gabayan ang buong mundo. Ikaw ang maawain at mahabaging
Ina na naging tulay upang maging alak ang tubig sa kasalan sa
Kana. Ikaw ang mula ng tuwa namin – ikaw ang intersorang
nagbubulong ng aming mga kahilingan kay Hesus sa Eukaristiya.
Pagkalooban mo kami ng biyaya na mahalin ang iyong anak na
siyang aming tanglaw dito sa bayang kahapishapis.
Magdalita ka, Ina naming mapagmahal, at tanggapin mo ang
Rosaryong hain namin, bilang paggalang sa limang Misteryo ng
Liwanag. Huwag mong ipahintulot na kami ay mapasama at
mapatungo sa maling daan, sapagkat ikaw ang walang kaparang
liwanag na tatanglaw sa amin - na mga anak mong lahat.
Pagkalooban mo rin kami ng biyaya na mahalin ang Banal na Misa
dahil dito lamang kami makatatagpo ng kapahingahan sa mga
kamay at bisig ng Ama. O Tore ni David, O Toreng Garing, O
Bahay na Ginto, ipanalangin mo kami.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi binyagan,
ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang pagkakasundo ng mga
haring Kristiyano, sampu ng katahimikan at kapayapaan ng buong
mundo at ng kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya
mo po kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama. Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng
kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
Ang mga Misteryo ng Luwalhati
(Miyerkules at Linggo)
UNANG MISTERYO: Ang pagkabuhay na mag-uli ng ating
Panginoong Hesukristo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa iyong pagkabuhay na maguli. Alang-alang sa misteryong
ito at sa iyong mahal na Ina, pagkalooban mo kami ng matibay na
pananampalataya.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng iyong
pagkabuhay na mag-uli upang huwag magbago ang aming
angking katapatan sa iyo.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALAWANG MISTERYO: Ang Pag-akyat sa langit ng ating
Panginoong Hesukristo.
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa iyong maluwalhating pagakyat sa langit. Alang-alang sa
misteryong ito at sa iyong mahal na Ina, pagkalooban mo kami ng
matibay at buhay na pag-asa, pananalig at malaking paghahangad
ng langit.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng pag-
akyat sa langit ng ating Panginoong Hesukristo upang maging
karapatdapat ako sa langit.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKATLONG MISTERYO: Ang pagkapanaog ng Espiritu Santo sa
Harap ng mga Apostoles.
Diyos Espiritu Santo, aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito
bilang papuri sa pagpanaog mo sa mga apostoles. Alang-alang sa
misteryong ito at kay Mariang tapat mong esposa, pagkalooban mo
kami ng banal na karunungan upang makilala naming, mahalin at
isagawa ang iyong banal na aral at upang ito ay pakinabangan ng
lahat.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
pagpanaog ng Espiritu Santo sa harap ng mga Apostoles upang
kami ay maging tunay na marunong sa mata ng
makapangyarihang Diyos.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKAAPAT NA MISTERYO: Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na
Birhen, katawan at pati kaluluwa
Panginoon aming iniaalay sa iyo ang misteryong ito bilang
papuri sa pagakyat sa langit ng iyong banal na ina na taglay ang
katawan at kaluluwa. Alang-alang sa misteryong ito at sa iyong
mahal na ina, pagkalooban mo kami ng tunay na pagmamahal sa
kanya upang maging banal an gaming buhay at kamatayan.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng Pag-
akyat sa langit ni Maria upang magkaroon ako ng tunay na
pagmamahal sa kanya
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
IKALIMANG MISTERYO: Ang pagpuputong ng Korona sa Mahal
na Birhen bilang reyna ng Langit at Lupa.
Panginoon aming iniaalay sa iyo misteryong ito bilang papuri
sa pagpuputong ng korona sa iyong mahal na Ina sa langit. Alang-
alang sa Misteryong ito at sa iyong mahal na Ina, pagkalooban mo
kami ng tiyaga na nawa ay patuloy na maragdagan an gaming
kabanalan hanggang sa oras ng aming kamatayan, at pagkatapos
ay matamo naming ang koronang walang-hanggan na inilalaan sa
amin. Pagkalooban mo rin ng biyaya ang lahat ng tapat sa kapwa
at lahat ng tumutulong sa amin.
(AMA NAMIN… 10 ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo
kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa
purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.
Jesus, Maria at Jose. Patawarin niyo po kami, ipanalangin
niyo po kami, ipagsanggalang niyo po kami. Siya Nawa.
Sumaamin nawang kaluluwa ang grasyang ibinunga ng
Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen upang araw-araw ay
maragdagan ang aming kabanalan at pagkatapos ay matamo
namin ang koronang walang hanggan.
Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.
Panginoon, isinasamo namin sa iyo na alang-alang sa
dalawampung misteryo ng iyong buhay, hirap, sakit, at kamatayan,
alang-alang sa iyong Mahal na Ina ay pagbalikloobin mo ang mga
makasalanan. Tulungan moa ng mga nag-aagaw-buhay, hanguin
moa ng mga kaluluwa sa purgatoryo at marapatin mo na kaming
lahat ay magkaroon ng mabuting buhay at kamatayan, upang sa
wakas, sa tulong ng liwanag ng iyong nagniningning na
kaluwalhatian ay Makita ka namin sa harapan at makapiling ka
namin magpasawalang-hanggan. Amen.
PAGHAHAIN
Aba Ginoong Maria, Birheng kamahalmahalan,
pinagkakatipunan ng dilang kabutihan, sapagkat nasa iyo ng dilang
kamahalan, yayamang ikaw nga ang may anak kay Jesukristo
punong mula ng dilang galing. Napupuno nga ang loob mo ng di
masabing ligaya nang ipakita sa iyo ang mahal na anak mo nang
pagkabuhay niyang mag-uli, ng pagdalaw at paggalang sa iyo ng
mga Santos, na hinango niya sa kinaroroonan ng mga yumao,
sampu ng pagbiyayaan ka ng Diyos Espiritu Santo, at ng
pagpapala at pagpapaging Hari sa iyo ng Santisima Trinidad sa
lahat ng ginagawa niya.
Magdalita ka, Hari at Panginoon namin na tanggapin mo itong
Rosaryong inihahain namin sa iyo, galang at pag-aala-ala namin
sa limang Misteryo ng Luwalhati. At yayamang ina ka naming
maawain ay idalangin mo po kami sa Panginoong Diyos nang
pakamtan niya sa amin ang mahal na grasyang ikapagtatama ng
loob naming umibig sa kanya at masunod ang kanyang utos,
upang kami ay maging dapat pamanahan niya ng kaluwalhatian sa
langit.
Tunghan mo naman at ipatnugot ang ikababantog at
ikalalatag ng Kristiyanismo sa sandaigdigan, ang
ikapagbabalikloob sa Panginoong Diyos ng mga hindi binyagan,
ang ikapapawi ng mga herehiyas, ang pagkakasundo ng mga
haring Kristiyano, sampu ng katahimikan at kapayapaan ng buong
mundo at ng kaluwalhatian ng mga kaluluwa sa Purgatoryo. Iadya
mo po kami sa mga lindol at sakuna, at sa lahat ng masama. Amen.
+ Aba Anak ng Diyos Ama.
+ Aba Ina ng Diyos Anak.
+ Aba Esposa ng Diyos Espiritu Santo.
+ Aba Simbahang Mahal ng Santisima Trinidad.
+ Aba Kalinislinisang Birheng Mariang di-nagmana ng
kasalanang orihinal.
(AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA…LUWALHATI)
LETANIA
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, paka-pakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.


Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,
Diyos Espiritu Santo,
Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,

Santa Maria, ipanalangin mo kami.


Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga Birhen,
Ina ng Kristo,
Ina ng grasya ng Diyos,
Inang kasakdal-sakdalan,
Inang walang malay sa kahalayan,
Inang 'di malapitan ng masama,
Inang kalinis-linisan,
Inang ipinaglihi na walang kasalanan,
Inang kaibig-ibig,
Inang kataka-taka,
Ina ng mabuting kahatulan,
Ina ng may gawa sa lahat,
Ina ng mapag-adya,
Birheng kapaham-pahaman,
Birheng dapat igalang,
Birheng dapat ipagbantog,
Birheng makapangyayari,
Birheng maawain,
Birheng matibay na loob sa magaling,
Salamin ng katuwiran,
Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,
Sisidlan ng kabanalan,
Sisidlan ng bunyi at bantog,
Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann Rosang bulaklak ng 'di
mapuspos ng bait sa tao ang halaga,
Torre in David,
Torre na garing,
Bahay na ginto,
Kaban ng tipan,
Pinto sa langit,
Talang maliwanag,
Mapagpagaling sa mga maysakit,
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,
Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,
Mapag-ampon sa mga kristiyano,
Reyna ng mga anghel,
Reyna ng mga patriarka,
Reyna ng mga propeta,
Reyna ng mga apostol,
Reyna ng mga martir,
Reyna ng mga confesor,
Reyna ng mga Birhen,
Reyna ng lahat ng mga santo,
Reynang ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,
Reynang iniakyat sa langit,
Reyna ng kasantu-santosang Rosaryo,
Reyna ng kapayapaan.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.


Patawarin mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan.


Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng santinakpang


langit. Maawa ka sa amin.

Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.

-Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni


Hesukristong Panginoon.

Manalangin Tayo
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga
kaluluwa ng Iyong mahal na grasya, at yayamang dahilan sa
pananalita ng anghel, ay nakilala namin ang pagkakatawang tao in
Hesukristong Anak Mo. Pakundangan sa mahal Niyang
pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus, ay papakinabangin Mo
kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa
langit. Alang-alang kay Hesukristo ring Panginoon namin. Siya
Nawa.
PANALANGIN KAY SAN JOSE

Sa iyo po maluwalhating San Jose, nagsasakdal kami sa


aming mga kahirapan, at pagkatapos na maipagmakaawa naman
namin ang tulong ng Kabanal-banalan mong Esposa, ay
ipinagmamakaawa naman namin sa iyo ang iyong pagaampon sa
amin. Alang-alang po doon sa santong pagibig mo sa walang bahid
dungis na Birheng Mariang Ina ng Diyos, na iyo pong esposa, at
dahil sa pagibig mo at pagyakap sa Sanggol na Jesus ay
mapakumbabang nagmamakaawa kami sa iyo, na tunghan mo po
ng mga matang mahabagin kaming lahat – na dahil sa dugo ni
Jesukristo ay naging mga Kristiyano, at sa iyong kapangyarihan at
saklolo, nawa ay tulungan mo po kami sa aming mga
pangangailangan.

Ampunin mo po, O Lubhang masikap na tagpagkalinga ng


Sagrada Familia, Ampunin mo po ang hirang na lahi ni Jesukristo,
ilayo mo po sa amin ang lahat ng dungis kamalian at ng kasalanan.
Mahabag ka, magmula diyan sa langit, at tumulong sa amin,
kalakas-lakasang tagapag-adya namin dito sa aming pakikilaban
sa impiyerno. At katulad noong iligtas mo ang Anak ng Diyos sa
lubhang dakilang kapanganibang ikapapatid ng buhay, ngayon ay
ipagtanggol mo po ang Santa Iglesya ng Diyos sa mga kasukaban
at daya ng kaniyang mga kaaway at sa lahat ng mga karalitaan, at
ang bawat isa sa amin ay iyong ipagtanggol ng lagi mong
pagsaklolo, nang sa iyong halimbawa at tulong ay magkaroon kami
ng isang banal na pamumuhay at isang santong kamatayan. At
makamtan nawa namin sa langit ang walang hanggang
kaluwalhatian.
(ABA PO SANTA MARIANG HARI…)

Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida.


Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espritu Santo. Amen.

Pagsisiyam sa Birhen ng Kapayapaan at Mabuting


Paglalakbay
Ang Tanda ng Santa Krus
Ang tanda ng + Krus ang ipagadya mo sa amin, Panginoon
naming + Diyos, sa mga kaaway namin, Sa ngalan ng Ama, ng
Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Ang Pagsisisi
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang
totoo, gumawa at sumakop sa akin: pinagsisisihan kong masakit
sa tanang loob ko, ang dilang pagkakasala ko sa iyo, Ikaw nga ang
Diyos ko, Panginoon ko’t Ama ko, iniibig kong lalo sa lahat;
nagtitika akong matibay na matibay na di na muling magkakasala
sa iyo, lalayuan ko na’t pangingilagan ang balang makababakla ng
loob ko sa masama at nakalilibat ng dating sakit ng kaluluwa ko, at
nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko,
umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa mahal na Pasion
mo at pagkamatay mo sa Krus dahilan sa akin. Siya nawa.

Makaitlong dadasalin itong


Aba Po Santa
Mariang Hari
Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng awa! Ikaw ang kabuhayan
at katamisan! Aba pinanaligan ka namin! Ikaw nga ang tinatawag
namin ng pumapanaw na taong Anak ni Eba. Ikaw nga ang
pinagbubuntuhang hininga namin sa aming pagtangis dito sa
lupang, bayang kahapis hapis. Ay aba pinatakasi ka namin, ilingon
mo sa amin ang mata mong maawain at saka kung matapos yaring
pagpanaw mo sa amin ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si
Hesus, Santa Maria, Ina ng Diyos maawi’t maalam at matamis na
Birhen. Kami ay ipanalangin mo nang mapatuloy sa amin ang mga
pangako ni Hesukristo. Siya nawa.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW
Lumalapit ako sa Iyong harapan, O Panginoon upang ihandog
sa Iyo sa pamamagitan ng Banal na Birhen lahat ng aking nasa,
pagasa, at Gawain sa Iyo lalong higit na karangalan at sa
kapurihan ng Iyong mahal na Ina. Hinihiling ko na tanggapin Ninyo
ang alay na pagsamba, bilang pasasalamat at sa pagpapatawad
ng lahat ng aking mga kasalanan.
Totoong nalulungkot ako dahil sa malaking pagkakasalang
nagawa ko, sapagka’t nasaktan ko ang Iyong damdamin ng
kabutihan at kailangan suklian ko ng tapat na pagmamahal.
Pinapangako ko na hindi na muling magkakasala. Kupkupin Ninyo
ako at nawa’y manatiling lagi sa Iyong pagkakandili.

PAGPUPUGAY SA MAHAL NA BIRHEN


O Pinaka-Banal na Birhen, pinili na pinakaganap na Ina ng
ating Panginoong Jesukristo, Ako’y nagagalak sa marangal na
handog na ipinagkaloob sa iyo bilang tagapagkupkop at kaaliwan
simula ng siya ay isilang hanggang sa kamatayan niya sa
Kalbaryo.
O Magiliw na Ina, ipagkaloob mo rin sa akin ang tanging
subaybay sa buo kong buhay, lalung-lalo na sa pangangailangang
pangkaluluwa. Pinamalas mo na ang iyong pagmamahal sa mga
kaluluwang umiibig at laging tumatawag sa iyo sa oras ng aming
pangangailangan at kagipitan. Sa pamamagitan ng Iyong mahal na
imahen at sa ilalim ng taguring Birhen ng Kapayapaan at Mabuting
Paglalakbay, ay nagiwan ka ng maraming himalang kabutihan –
kapuwa pangkatawan at kaluluwa.
Muli akong luluhog sa iyo, na ipakita sa akin, ako na
makasalanan mong anak, ang iyong pagkakandili at awa na
kamtan ko ang hinihiling ko sa novenang ito. Amen.
PANALANGIN SA ARAW-ARAW NG PAGSISIYAM
Oh! Birheng kalinislinisan ng Kapayapaan at mabuting
paglalayag, yayamang sumasa iyo po itong dalawang dakilang
pamagat na kadangaldangalan, ipakilala mo po sa akin ang
nauukol na lalong malaking kapurihan at kaluwalhatian ng Diyos,
igawad mo po sa akin ang kapayapaan na di maibibigay ng sino
man, kapayapaang lubos at siyang ipinagbilin ng kamahalmahalan
mo pong Anak sa kaniyang mga alagad, kapayapaang lubos at
sadyang ipinagbilin ng kaibigibig mong Anak sa kaniyang mga
disipulos, na ipagpatawad ko sa aking mga kaaway ang madlang
masamang nagawa nila sa akin na isinta ko naman sa kapuwa ko
tao ng sintang Kristiano, igawad mo po sa aking puso at kaluluwa
ang kapayapaang totoo, na huwag bagang lumaban ang nais ng
katawan sa katuwiran at ang katuwiran ay huwag lumaban sa
Diyos.
At yayamang kaming naglalakad at nangingibang bayan dito
sa bayang kahapis hapis, pangunahan mo po ako sa landas na
binabagtas ko sa kadiliman at madlang kapanganibang nakaligid
sa akin, at matutuhan ko ang kabulusang landas ng pagsasa Langit
sa pagtalima at pagsunod sa utos ng Diyos, ituro mo po at dalhin
sa kagalingan ang anomang aking gagawin at iisipin, ilayo mo po
ako sa mga silo ng dimonyo, at ng sa iyo pong tulong at saklolo ay
makamtan ko sa oras ng kamatayan ang pagpasa maluwalhating
daratnan sa paglalayag ko sa aking pangingibang bayan,
magparating man saan doon sa kaluwalhatian, ng iyo pong
karikitdikitang luklukan at kamahalmahalan mo pong anak. Siya
nawa.

(Dito pagtitibayin ang pananalig at hingin sa Kabanal-


banalang Birhen ang biyaya at tulong na ninanasa, ng tayo ay
kahabagan ay dasalin ang mataimtim na panalangin ni San
Agustin, na nagdudulot ng tunay na kaaliwan sa ating mga
kalumbayan at kahirapan.)

PANALANGIN NI SAN AGUSTIN SA MAHAL NA BIRHEN


Alalahanin Mo po, Birheng maawaing totoo, na kailan man
hanggang sa ngayon ay wala pa isa mang lumapit sa iyo na
napasaklolo, o humingi ng tulong na di mo kinaawaan. Kaya sa
pananalig kong ito, ay lumapit ako sa kamahalan mo. Birhen ng
mga Birhenes at Ina ko, dumudulog ako sa harap mo po, at wala
nga akong ibang alay, kung di mga karaingan at panalangin.
Huwag mo pong walang bahala ang mga hibik ko, bagkus ipakita
mo po ang iyong pagkamaawaing loob, at malaking nais sa
pakikinig at pagtitingin sa akin at sa madali mo pong pagkakaloob
ng mga hinihingi ko. Siya nawa.
UNANG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Angheles na nagiingat sa mga
tao, tulungan mo po ako sa aking kahirapan, ipagsanggalang mo
po ako sa madlang kapanganibang nakaliligid sa akin, tulungan mo
po ako, lalong-lalo na sa pagtatangan ng kalinisan na matulad
nawa sa kalinisan ng mga Angheles na iyo pong kinalulugdan, na
nababatbatan ng hiyas ng kabaitan at ng makaharap ako doon sa
pagpipiging sa Langit ng Korderong kalinis-linisan, at mangyari
naman na ako’y manatili sa buhay na ito sa grasya at kamtan ko
doon sa kabilang buhay ang buong kaluwalhatian, at ang ninanasa
hinihingi dito sa pagsisiyam, kung mamarapatin sa kapurihan at
kaluwalhatian ng Diyos. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)

IKALAWANG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Arkangheles, na may
katungkulang magmalasakit sa kapurihan ng Diyos, at kagalingan
ng tao, isinasamo ko po sa iyo, alang-alang sa mga karapatan
nitong mararangal na Espiritu, na hingin mo po sa Diyos ang
kagalingang walang katapusan ng aking kaluluwa, na siya lamang
dapat pagpilitan ng tao, at siya rin naman ang kinawiwilihan ng
mahal mo pong Anak, na dahilan dito ay hindi niya ipinagkakait at
ipinagkaloob ang kaniyang kamahalmahalang dugo, at gayon din
naman igawad mo po sa akin ang biyayang hinihingi ko sa
pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan ng Diyos, at
kagalingan ng kaluluwa ko. Siya Nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)

IKATLONG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Principados, na
nangangailangan ng ikagagaling ng mga tao sa pagtuturo,
pagtatanglaw, at paguutos sa kanila, isinasamo ko po sa iyo na
alang-alang sa kabanalan nitong marangal na Espiritu, ay turuan
mo po at ilawan ang kaluluwa ko, ng matutong magkamit ng
kaluwalhatiang naging dahilan, na ikinapal sa kaniya, at tulungan
naman ako ng iyo pong kapangyarihan at kaawaan, ng dito sa
kinalalagyan ko, ay magpilit akong umilaw, magturo at makatulong
sa kaginhawahan ng kaluluwa, at kagalingan ng kapuwa ko tao, at
gayon din naman igawad mo po sa akin ang ninanasa ko at
hinihiling sa pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan ng
Diyos, at kagalingan ng kaluluwa ko. Siya Nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)

IKAAPAT NA ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Patestades, na may
kapangyarihang tunay sa mga dimonyo. Isinasamo ko po iyo na
ako ay abutan mo ng ligaya ng Diyos na mailaban ko sa
masasamang espiritu, at huwag akong mahulog sa kanilang mga
tukso at paraya, kundi bagkus sila ay talunin ko: at gayon din
naman igawad mo po sa akin ang ninanasa ko at hinihingi sa
pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan ng Diyos, at
kagalingan ng kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)

IKALIMANG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Virtudes, na pinahihintulutan ng
Diyos na gumawa ng mga himala: yayamang namamahay sa iyo,
ay lalo ang kapangyarihang ito ay isinasamo ko sa inyong ako ay
ipagadya sa mga kaluluwa, tulungan mo po ako ng hindi ako
mahikayat ng mga kasalanan at masasamang hibo ng katawan,
talunin ko nawang lahat, at ako ay magpilit tumulad sa kababaan
ng iyo pong loob, at iba pang kabanalan; at gayon din naman
isinasamo ko po na igawad mo po sa akin ang aking ninanasa at
hinihingi dito sa pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan ng
Diyos, at kagalingan ng kaluluwa ko.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)
IKAANIM NA ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Dominaciones, na nangunguna
sa lahat ng mga Angheles na alagad ng Diyos; ipinagmamakaamo
ko po sa Iyo, alang-alang sa mararangal na Espiritu ay iyo pong
papangyarihin sa akin ang mataas na munukala ng kataastaasang
Diyos, at ang lahat na paraang ipagkamit ko ng kaluwalhatian,
kahi’t hindi nababagay sa katawan ko, at igawad mo po sa akin ang
lubos na pagalinsunod sa kalooban ng Diyos, sampo ng hinihingi
ko at ninanasa sa pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kaniyang
kapurihan, at kagalingan ng kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)

IKAPITONG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Tronos, na nililikmuan ng Diyos,
yayamang Ikaw po ang lalong minamahal na tronong luklukan ng
kaniyang Kamahalan, na siyam na buwang nalagak sa tiyan mong
kalinislinisan, at gayon din naman sa iyo pong mga kamay ng Siya
ay sanggol pa: hingi mo, Poon, sa kasantusantusan Mong Anak,
na ako ay kaniyang pagkalooban ng tunay niyang biyaya; at ng
pahingahan ng kaniyang pag-ibig; at gayon din naman kaniyang
ipagkaloob, ang hinihingi ko sa pagsisiyam na ito kung baga ukol
sa kapurihan ng Diyos, at kagalingan ng kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)
IKAWALONG ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Querobines, na punung-puno ng
kataastaasang karunungan: isinasamo ko sa iyo na hingi mo po sa
kabanalbanalan Mong Anak na igawad sa akin ang totoong
karunungang ikakilala ko ng masama at at magaling, ng pabayaan
ko ang kasamaan, at matutuhan kong yakapin ng kagalingan, ng
tumimo sa puso ko ang totoong takot sa Diyos, na pinagmumulan
ng lahat na karunungan, at matuto akong manguna sa iba ng
pagtupad sa utos ng Diyos: at gayon din naman igawad mo po sa
akin ang ninanasa ko at hinihingi dito sa pagsisiyam na ito kung
baga at ukol sa kapurihan ng Diyos at kagalingan ng kaluluwa ko.
Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong
Aba Ginoong Maria.)
IKASIYAM NA ARAW
Reyna at Panginoon ng mga Serafines, na sumisinta at
umiibig sa Diyos ng totoong maalab na sinta: isinasamo ko po sa
iyo, na igawad sa akin ang tunay at parating sinta sa
kabanalbanalan Mo pong Anak, ng walang kapanatilihan, at ihingi
mo lamang ang aking puso sa mga bagay na makapagdadala sa
akin sa pagkamit ng kayamanang walang katapusan at gayon din
naman ipagkaloob Mo po ang ninanasa ko at hinihingi dito sa
pagsisiyam na ito, kung baga ukol sa kapurihan ng Diyos, at
kagalingan nang kaluluwa ko. Siya nawa.
(Banggitin ang hinihiling sa araw na ito, at dasalin ang tatlong Aba
Ginoong Maria.)

KAPURIHAN SA BIRHEN NG ANTIPOLO

Ang lugod sa kalangitan


Bukal sa pusong timtiman;
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Ang Simbahan Mo pong ito,
bunga ng pagsamba sa iyo,
at aliw ng madlang tao,
na sa Iyo po ay dumadalo;
Ikaw ang aming saklolo,
na panglaban sa dimonyo.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Ang mga alagad ni Kristo
sa lahat na biyaya mo,
nakikilalang totoo
ang awa Mo ay natamo
balang taong nasok dito,
ng tanang mga Kristiyano;
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Alin kundi ang tulong Mo
sa kay Jacinto Bernardo
sa kamatayang totoo
nagsanggala’t sumaklolo
ay natanyag na totoo
ang buo Mong milagro.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Gayon mang pito ang sugat
na sa kamatayan ay dapat,
siya ay tunay nakailag
sa madlang dalita’t hirap;
Ikaw ngani ang naggawad
ng kaniyang naging lunas,
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Ganap ng dalawang daan
dipang kaniyang dinaanan,
sa Silangang karagatan
ng gabing siya ay sugatan:
gayon ang kanyang isipan
na wala ngang pagkukulang.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Isang bata sa angono
sa ilog napadapiyo,
di nalunod di naano
sa awang iyong saklolo:
na nahayag na totoo,
sa maraming mga tao.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Isang Dominico naman
na may lagnat sa katawan
sa laki Mo pong kaawaan
nagmisa kinabukasan:
dito’y pinangigilalasan
dakilang kapangyarihan.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Isa namang malapit na
sa hukay pagtawag niya
sa awa Mo po ay sumigla,
at nakabangon pagdaka;
marami ang nakakita
nitong gawa Mong maganda.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Mga bulag sampong pilay,
at mga lumpong lupaypay,
pagkatanaw, pagkasilay;
sa mukha Mo nagtagumpay;
tayo ay magsamang Magsaysay
niyong sa Birhen, Kaawaan.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Kahit malayong totoo
ang bundok ng Antipolo,
sasalunga rin ang tao
pagdalaw lamang sa Iyo:
kaya kaawaan Mo
silang lahat nanagano.
Ikaw po ay iginagalang
Birhen ng Kapayapaan.
Inihahandog po naming ang isang Aba po Santa Mariang Hari para
po sa ikahahango ng mga kaluluwa sa purgatoryo. (ABA PO
SANTA MARIANG HARI…)
Pagkalooban po ninyo sila ng kapayapaang walang hanggan.
Bigyan po ninyo sila ng liwanag at ilaw na walang katapusan. At
mapanatag nawa sila sa kapayapaan.

PAGHAHANDOG NG STO. ROSARIO AT NOBENA


Sa inyo mahal naming Inang Birhen, buong puso po naming
iniaalay itong (lima o dalawampung misteryo) ng kasanto-santusan
mong Rosario at nobena pong ito para sa inyong walang hanggang
kaluwalhatian, kapurihan, at karangalan po ninyo Mahal na Ina, at
bilang pasasalamat sa lahat ng mga biyaya at tulong at pagpapala
na ipinagkakaloob po ninyo sa amin sa bawat sandali ng aming
buhay, at pinatutungkol din po naming sa ikapagkakaloob ng aming
mga kahilingan kung ito po ay sa ikaluluwalhati at sa ikabubuti ng
aming mga kaluluwa: pagkalooban mo rin po kami, mahal naming
Ina – ng kapayapaan ng aming kalooban, kapayapaan ng mga
tahanan dito sa aming nayong PAG-ASA, ng aming Bansang
Pilipinas, at ng buong sandaigdigan. Siya Nawa.

Ave Maria Purisima, Simpicado Concevida. (3 ulit)

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

AWIT SA ROSARIO CANTADA


Venid fieles hijos de Dios al sagrario
Canta del Rosario las glorias simpar
Del Santo Rosario la Reina adorada
Hoy nuestra sagrada sen suenia de Paz
Hoy nuestra sagrada sen suenia de Paz
Virgen Divino Divino Sagrario
Virgen Divino Divino Sagrario
Nuestras glorias cantaremos
Los misterios del Rosario
Los misterios del Rosario.
HAIL MARY
The Angel Gabriel announced to Mary
She will be God’s Mother you’ll see
And she was conceived by the Holy Spirit
Born of the Virgin Mary.
II. REFRAIN:
Hail Mary, Mother of God
Lady in Blue, I love you
Hail Mary, Mother of God
Mary is my mother too.
Each Day I say a little prayer to Mary.
Everywhere, her medal, I wear
Her Son on the cross, who is Christ our brother
Said Behold thy Mother.
(Repeat Refrain)
PAGPAPAALAM
(Awitin)
Jesus, Maria’t Jose, kami po’y paalam.
Paalam na muna at kayo’y iiwan sa aming pag-alis.
Ang nasa ay makamtan,
Ang Bendisyon ninyong hinihintay-hintay.
(Uliting muli)
At kung sa bagay ay tantong masakit,
sa puso ng tanan – Ang dito ay pag-alis
Kaya aming poon, Jesus, Maria’t Jose,
Kayo’y nalilimbag sa ubod ng dibdib.
(Ulitin ang unang bahagi)

AMA NAMIN
Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa
para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa
araw-araw. At patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang
pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo
kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa dilang masama.
Amen.
ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,ang Panginoong
Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at
pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng
Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung
kami’y mamamatay. Amen.
LUWALHATI
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara nang
sa unang-una ngayon at magpakailanman, magpasawalang-
hanggan. Siya Nawa.

You might also like