Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas
ng salita o nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na PONOLOHIYA O PALATUNUGAN. Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika ay PONEMA. May dalawampu’t isang (21) ponema ang wikang Filipino. Labing-anim (16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y Ang mga patinig naman ay ang: a, e, i, o, u Mga Ponemang Patinig Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig------Unahan, sentral, likod at kung ano ang pusisyon ng nasabing bahagi ng pagbigkas------mataas, nasa gitna o mababa. Ayos ng Dila: Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig, may pagkakataon na napapalitan ang ponemang e ng i at ang o ng u subalit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Mga Halimbawa: bibe-bibi babae-babai doon-duon noon-nuon
Subalit may pagkakataon na kapag napapalitan ng e ng i at ang o ng u, nagbabago ang
kahulugan ng salita. Kapag naganap ang pagpapalit at pagbabago ng kahulugan, ang e ng i at ang o ng u ay dalawang magkahiwalay o magkaibang ponema na. Halimbawa: mesa-table misa-mass
MGA PONEMANG KATINIG
Ang mga ponemang katinig ay maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito katulad ng makikita sa tsart na nasa ibaba. Samakatuwid, sa pagsasalita, ang paglikha ng ponema ay mailalarawan sa tagpuan- bigkasan o punto ng artikulasyon at paraan ng pagbigkas / artikulasyon. Itinituring na digrapo ang ng sapagkat ang ponemang ito ay binubuo ng dalawang letra subalit kumakatawan sa isang makabuluhang tunog. Malapatinig Kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon. /w, y/ Sa/w/ ay nagkakaroon ng glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi-papasok; samantala ang/y/ ay ang kabalikan nito---palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga katinig. Halimbawa sa pagbigkas ng salitang watawat, yayakapin, walis, yayain, Tunog na Belar Ang mga belar o velar ay ang mga katinig na sinasalita sa likod na bahagi ng dila (ang dorsum) laban sa malambot na ngalangala, ang likod na bahagi ng bubong ng bibig ( kilala rin bilang angVelum) Ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala. Tulad ng Pagbigkas ng /k, g, h/ Halimbawa: Kain, Gutom Haplos Kulog Hangin Gabay