You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


Guimaras State College
Buenavista, Guimaras

JANET A. CABAGSICAN GENALYN L. MOSCAYA, Ph. D.


TAGA-ULAT PROPESORA

 Mga Patinig
Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung aling
bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig------Unahan, sentral,
likod- at kung ano ang pusisyon ng nasabing bahagi ng pagbigkas------mataas, nasa
gitna o mababa
Mga Ponemang Patinig sa Filipino
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
 Malapatinig
Kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng
labi o dila patungo sa ibang pusisyon.
/w, y/ - Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi-
papasok; samantala ang /y/ ay ang kabalikan nito---palabas. Ito ang dahilan kung
bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga
katinig.
Halimbawa sa pagbigkas ng salitang watawat, yayakapin
 Tunog na Belar
Ang mga belar o velar ay ang mga katinig na sinasalita sa likod na bahagi ng dila
(ang dorsum) laban sa malambot na ngalangala, ang likod na bahagi ng bubong ng
bibig ( kilala rin bilang ang Velum) Ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o
malambot na bahagi ng ngalangala.
Tulad ng /k, g, h/ Halimbawa: Kain, Gutom, Haplos

You might also like