You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Semestre, Taong Panuruan 2017-2018

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________


Baitang at Pangkat _________________________________________ Petsa:________________

PANGKALAHATANG PANUTO:Basahing mabuti ang bawat tanong at sagutin nang buong


husay.Bilugan ng maayos ang katumbas na letra ng pinakatamang sagot na napili.

1. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng isyu o


paksang sinasaliksik. Anong uri ng pananaliksik batay sa panahon na pagkukunan ng datos.
a. Diskriptib b. Eksistensyal c. Eksperimental d. Historikal
2. Proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan batay sa
impluwensya ng mga partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang
nag-uusap.
a. Diskurso b. Komunikasyon c. Interpersonal d. Interkultural
3. Tinatawag na berbal o di-berbal na porma ng ideya, naiisip, o nararamdaman ng isang tao.
a. Koda b. Tsanel c. Mensahe d. Midyum
4. Kodang nakapaloob ang mga simbolong gamit sa wika tulad ng pagkakaayos ng mga
pangungusap at salita.
a. Significant b. Di-Berbal c. Signifier d. Berbal
5. Sa paraan ng komunikasyon na ito, ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay naghahatid ng
mensahe na maaaring natanggap ng tagatanggap (receiver). Halimbawa nito ay ang
pagpapadala ng isang text message ni Romeo kay Sophia subalit hindi nito nabasa ang
mensaheng ipinadala.
a. Komunikasyon bilang aksyon c. Komunikasyon bilang Interaksyon
b. Komunikasyong Internal d. Komunikasyon bilang transaksyon
6. Ito ay makaagham na pag-aaral sa mga tunog. Dito rin pinag-aaralan ang wastong pagbigkas ng
mga tunog na tinatawag na ponema.
a. Ponolohiya b. Semantiks c. Morpolohiya d. Sintaks
7. Ito ay tumutukoy sa makabuluhang tunog na nangangahulugan na maaaring makapagpabago ng
kahulugan ng isang salita.
a. Ponema c. Ponemang segmental
b. Ponemang suprasegmental d. Pagbabagong morpoponemiko
8. Ito’y tumutukoy sa mga salitang nagtatapos sa malapatinig na /w/ at /y/ na magkasama sa isang
pantig.
a. Klaster b. Digrapo c. Pares minimal d. Diptonggo
9. Tumutukoy say unit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa
halip, kinakatawan ito ng mga notasyon ponemiks upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
a. Ponemang suprasegmental c. Ponolohiya
b. Pagbabagong morpoponemiko d. Ponemang segmental
10. Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig na binibigyang-diin.
a. Haba b. Hinto c. Stress d. Tono
11. Isang sistematiko, pormal, mahigpit, at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng mga
lunas sa suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at
kaugnayan.
a. Pananaliksik c. Pagbabagong morpoponemiko
b. Semantika d. Malikhaing sanaysay
12. Ito ang batayang yunit ng impormasyon
a. Detalye b. Batas c. Teyorya d. Datos
13. Tumutukoy sa mga nasubok na palagay.
a. Teorya b. Datos c. Prinsipyo d. Impormasyon
14. Mga napatunayang teorya.

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

a. Datos b. Impormasyon c. Prinsipyo d. Palagay


15. Nagmula ang salitang komunikasyon sa salitang latin na ito na ibig sabihin ay “ibahagi”.
a. Communis b. Communal c. Communi atus d. Communicare
16. Kontekstong komunikasyon na ang mensahe at kahulugan dito ay nabubuo o nagaganap sa
sariling isip o ideya lamang.
a. Interpersonal b. Pampubliko c. Intrapersonal d. Pang-masa
17. Sa pamamagitan nito naipapadala ang mensaheng nais ihatid ng tagapagpadala sa tagatanggap.
a. Oras b. Tsanel c. Ingay d. Tao
18. Nagtext si Arnold kay Louie, ng matanggap ito ni Loiue ay agad itong tumugon sa text mesg. na
kanyang natanggap. Ang sitwasyong ito ay nagpapakita ng anong paraan ng komunikasyon.
a. Komunikasyon bilang Transaksyon c. Komunikasyong Internal
b. Komunikasyon bilang Aksyon d. Komunikasyon Interaksyon.
19. Uri ng pananaliksik na ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa
kasalukuyang kalagayan ng isyu o paksang sinasaliksik.
a. Eksperimental b. Historikal c. Diskriptib d. Konbensyunal
20. Ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istatistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang
pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
a. Kwaliteytib b. Kwantiteytib c. Etnograpiya d. Pinominograpiya
21. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kalagayan o kaganapan sa
nakalipas na panahon. Maaari ring gamitin ang pamamaraang ito upang mabago ang ating
pananaw sa mga itinakda ng katotohanan sa mga kaganapang nakalipas na.
a. Diskriptib b. Historikal c. Eksperimental d. Konbensyunal
22. Paksa + Grupo + Lugar + Panahon ang mga ito ay tumutukoy sa pagbuo ng isang __________.
a. Pagpapahayag ng Layunin sa Paksa
b. Paghahanda ng mga pansamantalang sanggunian
c. Paraan ng Pagpili at Pagbuo ng Paksa
d. Paggawa ng pansamantala at pinal na balangkas
23. Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala, o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala ang
kausap o bumabasa sa opinion, palagay, at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat.
a. Pangangatuwiran c. Pasalaysay
b. Paglalahad d. Paglalarawan
24. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay tutukoy sa epekto ng paksa o isyu a pinag-aaralan at
karaniwang nangangailangan ng grupong lalapatan ng ineterbensyon.
a. Diskriptib b. Eksistensyal c. Eksperimental d. Historikal
25. Kakayahang tumatalakay sa payak na pagsukat kung paano magbasa at umunawa ang iba’t
ibang teksto tulak ng kathang-isip at di kathang-isip (fiction and non-fiction), ng mga transkripsyon
ng pinag-usapan o teknikal na material.
a. Diskurso b. Kohesyon c. Tekstuwal d. Retorikal
26. Ito ay kung paano ang aktwal na salita sa isang teksto ay kaugnay at umayos sa isa’t isa upang
makabuo ng isang kahulugan sa antas sintaks.
a. Kohesyon b. Eksternal c. Internal d. Kohirens
27. Isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng
pagpapahayag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag
upang bigyang-diin ang kanyang saloobin.
a. Sintaks b. Tayutay c. Pagbabagong morpoponemiko d. Pangungusap
28. Nagiging mahalaga ang gamit ng mga simbolo para makabuo nito.
a. Mensahe b. Prinsipyo c. Kahulugan d. Estruktura
29. Ito ay instrumento o midyum na ginagamit sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.
a. Dinamiko b. Produkto c. Wika d. Nilalaman
30. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kalagayan o kaganapan sa
nakalipas na panahon.
a. Diskriptib b. Eksistensyal c.Eksperimental d. Historikal

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

31. Sa prinsipyo ng komunikasyon na ito dito nakapaloob o naaaplay ang “No man is an island”.
a. Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao
b. Ang komunikasyon ay komplikado
c. Ang komunikasyon ay binubuo ng dimension
d. Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo
32. Isa sa mga komponent ng komunikasyon na may sistematikong pagkakaayos ng mga simbolong
ginagamit upang makabuo ng mga kahulugan sa kaisipan ng tao o pangkat ng tao.
a. Mensahe b. Tsanel c. Koda d. Tao
33. Komponent ng komunikasyon na kung saan magsasagawa ng berbal o di-berbal na sagot ang
tagatanggap (receiver) sa pinaggalingan ng mensahe (sender).
a. Koda b. Pidbak c. Tsanel d. Ingay
34. Ang kakayahang komunikatibo ay isang aspeto na nagbibigay sa atin ng kakayahan upang ihatid
at bigyang-kahulugan ang mga mensahe at maunawaan ang kahulugang interpersonal sa loob
ng ispesipikong konteksto. Ito ay ayon kay ______________.
a. Saussure b. Hymes c. Watzlawick d. Duck at Mc Mahan
35. Mahalagang matutuhan na ang mensahe ay binubuo ng pangnilalaman (content) at relasyonal
(relational) na dimensyon. Ito ay _________________ ng prinsipol ng komunikasyon.
a. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili c. Ang komunikasyon ay komplikado
b. Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon d. Ang komunikasyon ai isang proseso
36. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na nakapagpapabago ng kahulugan ay anong paraan ng
pagbigkas ang tinutukoy.
a. Hinto b. Tono c. Diin d. Tigil

37. Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng


isang salita o morpema.
a. Pagbabagong morpoponemiko c. Ponolohiya
b. Ponemang segmental d. Morpolohiya
38. Tumutukoy sa estraktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa
pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.
a. Semantiks b. Sambitlang c. Sintaks d. Eksistensyal
39. Pag-aaral ng lingguwistikang kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at pangungusap.
Tumatalakay ito sa kahulugan ng salita sa iba pang salita, at parirala at pangungusap.
a. Sintaks b. Semantiks c. Eksitensyal d. Modal
40. Tumutukoy ito sa tuwiran o direktang pagtukoy sa tinatapatang bagay o mas kilalang
diksyunaryong pagpapakahulugan.
a. Konotasyon b. Semantiks c. Sintaks d. Denotasyon

41. Uri ng diskursong nagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod na pangyayari,


mga tauhan, at may tagpuan.
a. Paglalahad b. Pangangatuwiran c. Pasalaysay d. Paglalarawan
42. Isang proseso ng paghahanap ng natatanging kasagutan sa natatanging katanungan sa
pamamagitan ng isang organisado, patas, at maaasahan paraan.
a. Pagsusulit b. Datos c. Pananaliksik d. Sitwasyong
panlipunan
43. Ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat manipulahin sapagkat nagdudulot ito
ng kawalang katiyakan at pagiging inbalido ng resulta ng pananaliksik.
a. Kontrolado b. Lohikal c. Balid d. Kwantiteytib
44. Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at paulit-ulit na pagrerebyu sa mga datos at resulta ng
pananaliksik na may pag-iingat. Ginagawa ang pananaliksik gamit ang inaasahang panahon at
oras o time table. Anong katangian ng panaanaliksik ito.
a. Balid c. Pinagtitiyagaan o hindi minamadali
b. Sistematiko d. Kwantiteytib
45. Katangian ng isang mananaliksik na inihahalintulad sa isang imbestigador, lahat ay
pinaghihinalaan hangga’t hindi natatanggal ang pagdududa.
a. Matanong b. Matiyaga c. Mapanghinala d. Maingat

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

46. Katangian ng mananaliksik na ang pangunahing kalaban ng mananaliksik ay oras. Kinakailangan


na ang mananaliksik ay mahaba ang pasensya sa paghahanap ng katotohanan kahit gaano pa
ito kahirap at katagal.
a. Matiyaga b. Mapanuri c. May paggalang sa kapwa tao d. Maingat
47. Uri ng pananaliksik batay sa pagsisiwalat ng datos na ginagamit sa pagkalap ng numeriko o
istatistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o
paksa o isyu na pinag-aaralan.
a. Kwaliteytib b. Diskriptib c.Kwantiteytib d. Historikal
48. Ang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalayong ipakita ang mga teorya na sumusuporta sa
iyong pananaliksik. Ang mga teoryang ito ang magiging basehan mo sa pagbibigay kahulugan sa
mga makakalap na datos sa pananaliksik.
a. Konseptuwal na Balangkas c. Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral
b. Teoretikal na Balangkas d. Pagsasaad ng Suliranin
49. Nagsasaad ng mga operasyonal at teknikal na kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit sa
paggawa ng pamanahong sulatin.
a. Saklaw at Limitasyon c. Pinagdadausan ng Pagsasalik
b. Katuturan ng mga Katawagan d. Kahalagahan ng Pag-aaral
50. Makikita sa kabanata II na binubuo ng tipon ng mga artikulo, dyornal, balita sa pahayagan,
nalathalang istatistiko, at iba pang lathalaing naipahayag sa loob ng ating bansa.
a. Sintesis c. Katuturan ng mga Katawagan
b. Mga Palagay d. Lokal na Literatura

Inihanda Ni:
JONNIE A. PAYOYO
Guro III, Talavera Senior NHS (CD-I)
Sinuri Nina:
JOSELITO S. MALAMANIG (Ulong Guro III, Exequiel R. Lina NHS)
ERFE DONNA A. VIDAD (Ulong Guro III, Dr. Ramon de Santos NHS)
LOLITA C. GATDULA (Ulong Guro III, Talavera NHS)

Konsultant:
REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Old Capitol Compound, Burgos Avenue, Cabanatuan City, 3100

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Unang Semestre, Taong Panuruan 2017-2018

Item Specification
Bilang ng Bilang ng
Kasanayang Pampagkatuto Porsyento (Type of Test
Oras aytem
Placement)
Nasusuri ang ilang pananaliksik na
pumapaksa sa wika at kulturang 4 10 5 1,12,19,20,21
Pilipino
Natutukoy ang iba’t ibang paggamit
ng wika sa nabasang pahayag
5 12.5 6.25 (6) 2,3,4,5,28,32
mula sa mga blog, social media
post at iba pa.
Natutukoy ang iba’t ibang register
at barayti ng wika na ginagamit sa 6 15 7.5 (8) 8,9,15,27,34,36,38,40
iba’t ibang sitwasyon
Nasusuri at naisasaalang-alang
ang mga lingwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino 4 10 5 6,7,37,38,44
sa mga pelikula at dulang
napanood
Naiisa-isa ang mga hakbang sa
pagbuo ng isang makabuluhang 4 10 5 11,13,14,30,41
pananaliksik
Nahihinuha ang layunin ng isang
kausap batay sa paggamit ng mga 4 10 5 10,16,17,18,29
salita at paraan ng pagsasalita
Nakasusulat ng isang panimulang
pananaliksik sa mga
penomenangkultural at panlipunan 2 5 2.5 (3) 22,23,45
sa bansa
wika.
Nakabubuo ng mga kritikal na
sanaysay ukol sa iba’t ibang
paraan ng paggamit ng wika ng 4 10 5 46,47,48,49,50
iba’t ibang grupong sosyal at
kultural sa Pilipinas
Natutukoy ang mga angkop na
salita , pangungusap ayon sa
konteksto ng paksang napakinggan 3 7.5 3.75(4) 26,31,33,35
sa mga balita sa radyo at
telebisyon
Naiisa-isa ang mga hakbang sa
pagbuo ng isang makabuluhang 3 7.5 3.75 (4) 24,25,42,43
pananaliksik
KABUUAN 40 100 50

Inihanda Ni:
JONNIE A. PAYOYO
Guro III, Talavera Senior NHS (CD-I)

Telefax: 044-463-1707 local 114. Website: www.deped-ne.net Email: nueva.ecija@deped.gov.ph

You might also like