You are on page 1of 66

KOMUNIKASYON

AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
YUNIT 1:
 YAMAN NG WIKA NATIN, HALINA’T TUKLASIN
 Isang paraan ng komunikasyon ang wika.

 Ano ba ang wika?


 Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na

nagsasalita ng humigit-kumulang 180 wika,


mahalagang maunawaan ang kalikasan ng
wika at maging malay sa mga varayti ng
wika na umiiral sa buong bansa.
ARALIN 1: MGA
BATAYANG KAALAMAN SA
WIKA
 A. Isulat sa loob ng bilohaba kung ano
ang wika para sa iyo. Tingnan ang una
bilang halimbawa
MIDYUM NG
KOMUNIKASYON

WIKA
 B. Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa
loob ng kahon sa unahan ng bilang
kung tama ang sinasabi ng
pangungusap.
Gumuhit naman ng malungkot na mukha (
) kung mali ang pahayag.
 1. Walang malinaw ng konseptong
nag- uugnay sa wika at kultura.
 2. Tagalog ang unang pambansang
wika ng Pilipinas.
 3. May masistemang balangkas ang wika.
 4. Unique o natatangi ang bawat wika.
 5. May mga wikang mas
makapangyarihan kaysa iba pang wika.
 6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat
na maging pambansang wika.
 7. Namamatay ang wika kapag namatay
ang taong gumagamit o nagsasalita nito.
 8. Filipino ang tawag sa
kasalukuyang pambansang wika ng
Pilipinas.
 9. Ginagamit natin ang wika para
makamit natin ang ating mga kagustuhan.
 10. Binubuo ng mga tunog at sagisag
ang wika.
 11. Napagkakasunduang gamitin ng mga
tao ang wika
 12. Kailangang manatiling puro ang wika
at hindi dapat tumanggap ng mga
pagbabago.
 13. Dinamiko ang wika.
 14. Walang mga tuntuning sinusunod
sa paggamit ng wika.
 15. May pasulat at pasalitang anyo ang
wika.
LUSONG KAALAMAN
 Mayroon tayong iba’t ibang
karanasan sa paggamit ng wika,
Ingles man ito o Filipino. May
mga gumagamit ng Filipino para
masabing makabayan sila.
 Ang iba naman, gumagamit ng

Ingles para magpasikat sa kausap


nila.
 Ano ang karanasang hindi mo

malilimutan sa paggamit ng wika?


GAOD-KAISIPAN
 Mayaman ang wika at isa itong
malawak na larangan. Hindi
nauubos ang mga kaalamang
natutuhan at natutuklasan tungkol
sa wika.
 Sa tanong na “ano nga ba ang

wika?” napakaraming makukuhang


sagot mula sa iba’t ibang dalubhasa
sa wika.
 Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng
wika na ibinigay ng lingguwistang si Henry
Gleason (mula sa Austero et al. 1999).
 Ayon sa kaniya, ang wika ay masistemang

balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili


at isinisaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
 Saaklat nina Bernales et al.
(2002), mababasa ang
kahulugan ng wika bilang
proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong
cues na maaring berbal o di-
berbal.
 Samantala, sa aklat naman nina Mangahis
et al. (2005), binanggit na may
mahalagang papel na ginagampanan ang
wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.
 Marami pang Pilipinong dalubwika at
manunulat ang nagbigay ng
kanilang pakahulugan sa wika.
 Ayong sa edukador na sina Pamela C.

Constantino at Galileo S. Zafra (2000),


“ang wika ay isang kalipunan ng mga salita
at ang pamamaraan ng pagsasama-sama
ng mga ito para magkaunawaan o
makapag- usap ang isang grupo ng mga
tao.”
 Binanggitng Pambansang
Alagad ng Sining sa Literatura
na si Bienvenido Lumbera
(2007) na parang hininga ang
wika.
Gumagamit tayo ng wika
upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.
 Para naman sa lingguwistang si
Alfonso O. Santiago (2003), “wika
ang sumasalamin sa mga mithiin,
lunggati, pangarap, damdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya,
kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala, at mga
kaugalian ng tao sa lipunan.
Kung sasangguni naman sa
mga diksiyonaryo tungkol sa
kahulugan ng wika, ang wika
ay sistema ng komunikasyon
ng mga tao sa pamamagitan
ng mga pasulat o pasalitang
simbolo.
 Samantala, ayon sa UP
Diksiyonaryong Filipino (2001)
ang wika ay “lawas ng mga
salita at sistema ng paggamit sa
mga ito na laganap sa isang
sambayanan na may iisang
tradisyong pangkultura at pook
na tinatahanan.”
 Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan
ng wika na tinatalakay sa itaas, masasabi na
ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog na binibigkas o
sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan,
nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao.
 Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng

mga tao ang kaniyang naiisip, maibabahagi


ang kaniyang mga karanasan, at maipadama
ang kaniyang nararamdaman.
Gayundin, bawat bansa ay may
sariling wikang nagbibigkis sa
damdamin at kaisipan ng mga
mamamayan nito.
Sa wika nasasalamin ang

kultura at pinagdaanang
kasaysayan ng isang bansa.
MGA KAHALAGAHAN NG
WIKA
 Mula sa mga tinuran ng nabanggit na mga
dalubhasa tungkol sa wika, mapatotohanan na
sadyang mahalaga ang wika at kakabit na ito ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa
tao at ng bawat bansa sa daigdig.
 Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan

ng wika ang pagiging instrumento nito sa


komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang
komunikasyon kapag walang wikang ginagamit.
Kailangan naman ang komunikasyon hindi lamang
sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto
at sa pagkalat ng karunungan at kaalaman sa
mundo.
 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,
pagpapahayag, at pagpapalaganap ng
kultura ng bawat grupo ng tao.
 Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa

sa tulong ng wika. Kung walang wika,


walang magagamit na pantawag sa
tradisyon at kalinangan, paniniwala,
pamahiin, at sa iba pang bagay na
kaugnay ng pamumuhay at paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
 Naipakikilala ang kultura dahil
sa wika. Yumayaman naman
ang wika dahil sa kultura.
 Isang magandang halimbawa

nito ang mga payyo


(tinatawag ding payao o
payaw), ang hagdan-hagdang
taniman ng palay ng mga
Igorot.
 Kapang may sariling wikang ginagamit ang
isang bansa, nangangahulugang ito ay malay
at may soberanya.
 Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung

hini nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa


pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
 Malaki ang papel na ginagampanan ng wika

bilang tagapagpanatili ng pambansang


kamulatan at pagkakakilanlan.
 wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan

ng isang bansa at nga mga mamamayan nito.


 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at
tagapagpalaganap ng mga karunungan
at kaalaman. Bawat bansa ay may kani-
kaniyang yaman ng mga karunungan at
kaalaman.
 Ang mga nakaimbak na karunungan at

kaalaman sa isip at dila ng sinaunang


mamamayan ay nagagawang magpasalin-
salin sa mga sumunod na henerasyon dahil
sa wika.
 Nagkakaroon din ng hiraman ng karunungan
at kaalamang nakasulat at nakalimbag dahil
naisasalin sa sariling wika ng isang bansa
ang karunungan at kaalamang nahiram at
nakapasok sa kanila mula sa ibang bansa.
 Halimbawa, lumaganap ang Bibliya

nangg maisalin sa iba’t ibang wika.


 Naging mahalagang instrumento ang

wika para maunawaan ng daigdig ang


nilalaman ng Bibliya at maipakalat ang
Kristiyanismo sa mundo.
 Ang nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay
naisalin sa iba’t ibang wika ng daigdig,
gayundin ang mga akda ni F. Sionil Jose,
isang Pilipinong nagsusulat sa wikang
Ingles, at ang wika na “Anak” ni Freddie
Aguilar.
 Mahalaga ang wika bilang lingua franca o
bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng
taong may kani-kaniyang wikang
ginagamit.
 Mas nagkakaunawaan ang mga tao sa isang

bansa at nakabubuo ng ugnayan ang bawat


bansa sa daigdig sapagkat may wikang
nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng
bawat isa.
 Hindi matatawaran ang kahalagahan ng
wika sa pagkikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan tungo sa pagkakaunawan at
pagkakaisa.
 Walang saysay ang sangkatauhan kung wala

ang wika sapagkat walang hiraman ng


kultura at/o paraan ng pamumuhay, walang
mangyayaring kalakalan, walang
pagbabahagi ng mga tuklas at imbensiyon,
walang palitan ng talino at kaalaman,
walang diplomatikong pagkakasundo ang
bawat pamahalaan, at walang
pagtutulungan sa paglinang ng siyensiya at
teknolohiya.
 Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng
pagkabigo ng sangkatauhan.
 Sa kabilang banda naman, ang pagkakaroon

ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad


at masiglang sangkatauhang bukas sa
pakikipagkasunduan sa isa’t isa.
MGA KALIKASAN NG WIKA
 Lahat ng nilikha sa mundo ay may
katangian o kalikasang taglay. Tulad ng
mga tao at ng iba pang mga bagay sa
mundo, nagtataglay rin ng mga katangian
o kalikasan ang wika.
 Kung babalikan ang kahulugan ng wika

ayon kay Henry Gleason, nakapaloob sa


kahulugang kaniyang ibinigay ang taltlong
katangian ng wika.
 Una, ang wika ay may sistemang
balangkas. Binubuo ng mga
makabuluhang tunog o ponema ang wika
na nakalilikha ng mga yunit ng salita na
kapag pinagsama-sama sa isang maayos at
makabuluhang pagkakasunod-sunod ay
nakabubuo ng mga parirala, pangungusap,
at talata.
 Pangalawa, ang wika ay
arbitraryo. Pinagkakasunduan
ang anomang wikang
gagamitin ng mga grupo ng tao
para sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay.
 Pangatlo, ginagamit ang wika ng
pangkat ng mga taong kabilang sa
isang kultura. Magkaugnay ang wika
at kultura at hindi maaaring
paghiwalayin.
Katulad ng nabanggit, ang kultura ang
nagpapayaman sa wika samantalang ang
wika naman ang nagbibigay ng ngalan o
salita sa lahat ng mga gawaing
nakapaloob sa kultura.
 Kasama rin sa mga katangian ng wika ang
pagiging buhay o dinamiko nito. Ibig
sabihin, sumasabay sa pagbabago ng
panahon ang wika at malaya itong
tumatanggap ng mga pagbabago upang
patuloy na yumaman at yumabong.
 Namamatay ang wika kapag hindi

nakasabay sa pagbabago ng panahon o


kapag hindi tumanggap ng mga
pagbabago.
 Nagbabago ang anyo, gamit, at kahulugan
ng mg asalita ayon sa takbo ng panahon
at sa mga taong gumagamit nito.
 Dahil nagbabago ang wika, may mga

salitang namamatay o hindi na ginagamit


sa paglipas ng panahon, at may
nadaragdag o naisisilang namang mga
bagong salita sa bokabularyo.
 Katulad ng salitang “hataw” na
nangangahulugang “pagpalo”. Ngayon, may
dagdag itong kahulugan sa pangungusa na
“Humataw sa takilya ang pelikula ng
bagong tambalan.” Sa pangungusap na ito,
ang “humataw” ay may dagdag na
kahulugan ng pagiging mabili o nagustuhan
ng marami kaya kumita nang malaki.
 Hindi na naririnig sa ngayon ang mga

salitang “kasapuwego” (posporo), “sayal”


(naging palda at ngayon ay mas tinatawag
na skirt)”, “kolong-kolong” (playpen), at
iba pa.
 Bawat wika ay unique o natatangi.Walang
wikang may magkatulad na magkatulad
na katangian. May kani-kaniyang lakas o
kahinaan din ang wika.
 May mga salitang mahirap hanapan ng

eksaktong salin o katumbas sa ibang wika


dahil sa magkakaibang kulturang
pinagmulan.
 Gayundin, hindi dahil mas mayaman,
malakas, at mas maunlad ang isang bansa
ay mas superyor o mas makapangyarihan
na ang wika ng bansang ito kaysa sa
ibang mahirap na bansa.
 Walang wikang superyor sa isang pang

wika. Lahat ng wika ay pantay-pantay


sapagkat mayroon itong kaniya-kaniyang
katangian taglay na natatangi sa isa’t isa.
 Kabuhol ng wika ang kultura dahil
sinasalamin nito ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao. Nahihinuha
ang kulturang kinabibilangan ng mga tao
sa kanilang wikang ginagamit.
 Para sa lingguwistang si Ricardo Ma.

Nolasco, dating Tagapangulo ng Komisyon


sa Wikang Filipino (KWF), may bentahe
ang pagkakaroon ng maraming wika at
maraming kultura sa isang bansa.
 Sa kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa
Pambansang Seminar sa Filipino ng KWF sa
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM)
noong Mayo 10 hanggang 12, 2006, sinabi
niya na “bukod sa nabibiyayaan tayo ng
maraming katutubong wika ay mayroon din
tayong wikang pambansa – ang Filipino –
at may wikang internasyonal pa – ang
Ingles.
 Ang pagtutulungan ng mga wikang ito – lokal

at dayuhan – ay siyang nagpapatotoo kung


gaano ka-linguistically diverse at
culturally diverse ang ating bansa, isang
bagay na dapat nating ipagbunyi at
ipagmalaki.
Ilan pang Kaalaman Hinggil sa
Wika
 Ayong sa mga lingguwista, may mahigit
5,000 wika na sinasalita sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang
biniyayaan ng maraming wika: di
kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita
sa Pilipinas.
 Heterogenous ang sitwasyong pangwika

sa Pilipinas dahil maraming wikang umiiral


dito at may mga diyalekto o varayti ang
mga wikang ito.
 Homogenous ang sitwasyong pangwika sa
isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita
ng mga mamamayan dito.
 Gayunman, hindi naiiwasan ang

pagkakaroon ng mga diyalekto kahit isang


wika lamang ang ginagamit sa isang bansa
dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng
isang wika na magkaroon ng ilang
pagbabago sa bigkas ng mga salita, at sa
pagbubuo ng mga salita at mga
pangungusap. Nagkakaintindihan pa rin
ang mga taong gumagamit ng iba’t ibang
diyalekto ng isang wika.
Wika,
Diyalekto,
Bernakular
 Ang Tagalog, Sinugboang Binisaya, Ilokano,
Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol, at
iba pa ay mga wika, hindi diyalekto at hindi
rin wikain (salitang naimbento upang tukuyin
ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba).
 Ang diyalekto ay nangangahulugang varayti

ng isang wika, hindi hiniwalay na wika.


Kapang hindi nagkakaintindihan ang dalawang
pag-uusap na gumagamit ng magkaibang
wika, ibig sabihin, bawat wikang ginagamit
nila ay hiwalay na wika.
 Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang
mga nagsasalita ng isang wika, batay
sa lugar na pinanggalingan, ay
maaaring magkaroon ng bahagyang
pakakaiba sa bigkas, paggamit ng
panlapi, o ayos ng pangungusap.
 Dahil dito, may tinatawag na Tagalog-

Bulacan, Tagalo-Cavite, Tagalog-


Metro Manila, at iba pa.
 Ngayon, dahil maraming gumagamit ng
pambansang wika na galing sa iba’t ibang
rehiyon, nakakaroon na rin ng iba’t ibang
diyalekto ng Filipino, tulad ng Filipino-
Ilokano, Filipino-Hiligaynon, at iba pa, na
bawat isa ay nagpapakita ng natatanging
pagkakakilanlan ng unang wika ng
tagapagsalita ng Filipino.
 Bernakular ang tawag sa wikang katutubo
sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang
wika tulad ng diyalekto, kundi isang
hiwalay na wika na ginagamit sa isang
lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng
kalakal.
Tinatawig din itong wikang panrehiyon.
Bilingguwalismo at
Multilingguwalismo
 Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa
dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung
nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang
may pantay na kahusayan. Bilang
patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas,
nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles
at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang
magkakahiwalay na subject: Ingles
matematika at siyensiya, Filipino sa agham
panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
 Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi
multilingguwalismo ang pinaiiral na
patakarang pangwika sa edukasyon. Ang
pagpapatupad ng mother tongue-based
multilinggual education o MTB-MLE ay
nangangahulugan ng paggamit ng unang
wika ng mga estudyante sa isang partikular
na lugar.
 Halimbawa, sa Ilokos, Ilokano ang wikang
panturo sa mga estudyante mula
kindergarten hanggang ikatlong baitang.
Ituturo naman ang Filipino at Ingles
pagtuntong nila sa ikaapat na baitang pataas.
 Ipanapatupad ang ganitong pagbabago sa

wikang panturo dahil napatunayan ng


maraming pag-aaral na mas madaling
natututo ang mga bata kapag ang unang
wika nila ang ginamit na panturo.
 Mas madali rin silang natututong makabuo ng

kritikal na pag-iisip kapag naturuan sila sa


kanilang unang wika.
 Sa bansang tulag ng Pilipinas na may
humigit-kumulang 180 na umiiral na wika,
hindi kataka-takang maging multilingguwal
ang nakararaming populasyon.
 Halimbawa, ang mga Ilokano, bukod sa

wiang Ilokano, ay marnuong din ng


Filipino at Ingles.
 Ang mga nagsasalita ng Kiniray-a ay

maaring marunong din ng Hiligayon bukod


sa Filipino at Ingles.
 Ang unang wika ay tinawag ding
“wikang sinuso sa ina” o “inang wika”
dahil ito ang unang wikang natutuhan ng
isang bata.
Tinatawag na “taal” na tagapagsalita ng
isang partikular na wika ang isang tao
na ang unang wika ay ang wikang
pinag- uusapan.
 Halimbawa, “taal na Tagalog” ang mga

tao na ang unang wika ay Tagalog. May


nagsasabi rin na sila ay “katutubong
tagapagsalita” ng isang wika.
 Pangalawang wika ang tawag sa iba pang
mga wikang matutuhan ng isang tao
pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang
wika.
 Halimbawa, Hiligaynon ang unang wika

ng mga taga-Iloilo. Ang Filipino ay


pangalawang wika para sa kanila. Ang
Ingles, Nipongo, Pranses, at iba pang
mga wikang maaari nilang matutuhan ay
tinatawag ding pangalawang wika.
Wikang Pambansa.
 Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas
at may konstitusyonal na batayan ang
pagiging pambansang wika ng Filipino.
 Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon

6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na,


“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at payamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.”
 Bilang pambansang wika, Filipino ang
sumisimbolo sa ating pambansang
pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ating
kalinangan at kultura, gayundin ang ating
damdamin bilang mga Pilipino.
 Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa

mundo na hindi tayo alipin ng alinmang


bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang
dayuhan. Ang wikang pambansa ang
sumasagisag sa ating kalayaan.
 Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang
wika sapagkat ito ang nadadala sa ating sa
pambansang pagkakaisa at pagbubuklod.
Mahalagang pagyamanin at pahalagahan
ang ating pambansang wika, ang isa sa
mga natatanging pamana ng ating mga
ninuno at nagsisilbing yaman ng ating
lahi.
 Bukas ang wikang Filipino sa
pagpapayamang matatamo mula sa iba
pang mga wika ng rehiyon. Lalo pang
mapapayaman ang leksikon ng Filipino sa
pamamagitan ng paglalahok ng mga
salitang mula sa iba pang katutubong wika
sa Pilipinas.
 Halimbawa, gahum mula sa Binisaya sa

halip ng hiram sa Espanyol na


“hegemoniya.” Marami na ring gumagamit
ng “bana” na nangangahulugana “asawang
lalaki.”
Wikang Panturo
 Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas,
iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang
paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa
ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6,
nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas
at sang-ayon sa nararapat na maaring
ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipno bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon.”
 Maraming sikolohista sa wika ang
naniniwala na ang katulong ng utak sa
pagproproseso ng kaalaman ay ang
wikang nauunawan ng tao. Mahalaga kung
gayon na gamitin ang Filipino sa pagtuturo
hindi lamang para sa mas epektibong
pagtuturo kundi pati na rin sa mas
makabuluhang pagkatuto ng mga
estudyante.
Opisyal na Wika
 Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika
na bingyan ng natatanging pakilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga
opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May
dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – ang
Filipino at Ingles.
 Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga

wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at


hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.
 Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at

magkahiwalay na gamit ang Filipino at


Ingles.
 Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na
wika sa pag-akda ng mga batas at mga
dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang
wikang gagamitin sa mga talakay at
diskurso sa loob ng bansa, halimbawa, sa
mga talumpati ng pangulo, mga
deliberasyon sa kongreso at senado,
pagtuturo sa mga pamahalaan, mga
paglilitis sa korte, at iba pa. Mahalaga
ang paggamit ng Filipino sa mga
talumpati ng pangulo at sa mga talakay
at diskurso upang maunawaan ng mga
mamamayan ang mahahalagang usapin
ng bansa.
 Bukod sa pagiging pamabansang wika at isa
sa mga opisyal na wika ng Pilipinas,
gumaganap din ang Filipino bilang lingua
franca o tulay ng komunikasyon sa bansa.
Kapag may dalawang taong mag-uusap
na may magkaiba o magkahiwalay na
kultura at sosyolingguwistikong grupo,
halimbawa, ang isa ay Kapampangan at
isa naman ay Bikolano, gagamitin nila ang
Filipino para magkaunawaan.
 Samantala, gagamitin naman ang Ingles
bilang isa pang opisyal na wika Pilipinas
sa pakikipag-usap sa mga banyagang
nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang
bansa sa daigdig. Ingles ang itinuturing
na lingua franca ng daigdi. Ito ang
ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang
bansa para mag-usap at magkaunawaan.

You might also like