You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
AMPID NATIONAL HIGH SCHOOL
P. Salamat Extension, Ampid II, San Mateo, Rizal

(02) 534-6358

Setyembre 13, 2019


(Biyernes)

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Ikalawang Markahan- Aralin 2.3 (Linangin)
I. LAYUNIN
Mga Kompetensi:
Pag-unawa sa Binasa: Naipaliliwanag ang mga
 Kaisipan
 Layunin
 Paksa; at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay (F9PB-IId-47)
Paglinang ng Talasalitaan: Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang
kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap (F9PT-IId-47)

II. PAKSANG ARALIN:


A. Panitikan:
Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon
Sanaysay - Taiwan
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
B. Gramatika/Retorika:
Angkop na pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon, matibay
na paninindigan at mungkahi
C. Uri ng Teksto:
Naglalahad
D. Sanggunian/ Pahina
Panitikang Asyano 9 pahina 117-128
Pitak 9 pahina 15-19
E. Kagamitan:
Pisara, Projector, Speaker, DLP, Yeso, mga pantulong na biswal at
larawan, at activity sheet
F. Inaasahang pagganap
Nakapagtatalumpati batay sa isinulat na sanaysay base sa
Napapanahong isyung panlipunan
II. YUGTO NG PAGKATUTO (Ikalawang araw)
A. Balik-aral
 Kahapon ay ating inilarawan ang isang dalagang Pilipina mula sa bahagi ng
awit na “Dalagang Pilipina” ni Jose Corazon De Jesus. Paano mo ilalarawan
ang isang dalagangPilipina

B. Pagganyak: “4 PICS 1 Word”


Hulaan ninyo kung ano ang nasa larawan

1. Unang larawan- KABABAIHAN

B. Paglinang ng Talasalitaan: (Jumbled Letter Gawing Better)


Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang salita
1.

2. Namatay na hindi nakapagpa-Hesus

3. Sumakabilang- buhay na

4. Naulinigan kong may itinututol siya

5. kailangan ng pananalig

C. Pagtalakay sa Akda

Pagbasa ng Teksto: Tiyo Simon


Dula- Pilipinas ni N.P.S. Toribio
D. Gawain 3. Pag-unawa sa Binasa
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang naging impluwensiya ni Tiyo Simon kay Boy?
2. Bakit naganyak na sumama si Tiyo Simon na magsimba kasama ang mag-ina?
3. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa dula? Tukuyin at patunayan ang mga ito.
4. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao?
5. Sa iyong palagay, bakit kailangang maging matatag sa pananampalataya kahit
nahaharap sa matinding pagsubok? Ipaliwanag
E. Gawain 4. Pangkatang Gawain
Pangkat 1: Pagbabalita ( 24 oras)
Panuto: Sa paraan ng pagbabalita mailahad ang paniniwala sa buhay ng mga karater
na ginagampanan ng mga tauhan sa kuwento.

Pangkat 2: Tableau
Panuto: Ilalahad ang larawang eksena na nakapaloob sa kuwento sa pamamagitan ng
tableau.

Pangkat 3: Sosyodrama
Panuto: Sa pagsasadula ipapakita ang suliraning panlipunan sa kasalukuyan na
tinutukoy sa kuwento.

Pangkat 4: Gazzete
Panuto: Gamit ang lumang magasin gugupit sila ng mga larawan at lalapatan nila ito ng
hugot- line na may kaugnayan sa paniniwala at pananampalataya batay sa kuwento.
Pamantayan ng Pagmamarka
Partisipasyon: 20%
Malikhaing pagsasalaysay: 15%

Disiplina sa pangkat: 20%

Lakas ng tinig: 10%

Pagkakabuo ng kuwento: 20%

Dating sa tagapakinig: 15%


Kabuuan: 100%

F. Paglalahat
Ang buhay ay tulad ng isang panulat, tayo
ang nagiging manunulat sa sarili nating
kuwento. Kung magkamali tayo ay hindi
na maaari pang burahin pa ngunit
maaaring itama ang pagkakamaling
nagawa. Huwag lamang mawalan ng
pananampalataya at tiwala.

G. Paglalapat
Tatawag ng isang mag-aaral na magiging kinatawan sa buong
klase. Pasusuriin sa palagid batay sa napansin, narinig sa loob ng
klase. Pagkatapos bibigyan ito ng isang punong-puno ng baso ng
tubig at papaikutin sa loob ng silid aralan na ang tagubilin ay
walang anuman na matatapon sa tubig. Tatanungin ng guro kung
ano ang napansin o nakita sa mga kamag-aral niya.
Mauunawaan ng mga mag-aaral na sa buhay kailangan ng
pokus sa lahat ng gagawin, hindi papatinag sa mga problema at
kailangan ng pananalig sa anumang pagsubok na kakaharapin
hanggat may paniniwala at pananampalataya lahat ay
makakaya.

IV. Kasunduan:
Itala sa kuwaderno ang liriko ng awiting “Natutulog Ba ang
Diyos” ni Gary Valenciano at subukin mong alamin kung
paanong nakatulong ang pandiwang panaganong paturol upang
iparating ang mensahe ng awitin.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Itinala ni:

Marites Olorvida Clarissa DC. Angeles Mila N. Ramirez


Guro sa Filipino Tagapangulo/ Kagawaran ng Filipino Punongguro I

You might also like