You are on page 1of 1

PARAAN NG PAGHAHANDA, PAMAMAHAGI AT

PAGBABALIK NG SISIDLAN
1. Bawat mag-aaral ay may nakalaang SISIDLAN kung saan ilalagay ito ng
kanilang gurong tagapayo sa kanikanilang itinalagang upuan sa loob ng
silid-aralan.
2. Bawat subject teacher ay maglalagay ng kanikanilang gawain sa bawat
SISIDLAN ng mag-aaral. Maaari nila itong gawin mula Lunes hanggang
Huwebes na naaayon sa itinalagang iskedyul.
3. Responsibilidad ng gurong tagapayo na siguraduhing kumpleto ang
nilalalaman ng bawat SISIDLAN ng mag-aaral.
4. Ang gurong tagapayo ang nakatalagang magdala ng SISIDLAN ng
bawat mag-aaral sa itinakdang lugar sa loob ng paaralan (distribution
room).
5.May nakalaang gurong magdadala sa bawat barangay ng SISIDLAN
tuwing Lunes ng umaga.
6. May tagapangasiwang guro sa barangay na siyang mangangasiwa sa
pamamahagi at pagbabalik ng SISIDLAN.
7.Tuwing araw ng Biyernes ang pagbabalik ng sisidlan. Ang bawat
SISIDLAN na nakuha ay ibabalik sa paaralan na siyang tungkulin ng DRs
na maayos na maibalik sa gurong tagapayo.
8. Tuwing Biyernes ng hapon, ang gurong tagapayo ay makikipagpalitan ng
modyul sa ibang seksyon upang siya namang magamit ng mag-aaral sa
darating na linggo.
9.Ang mga sinagutang papel ay ilalagay sa itinalagang kahon upang
mamarkahan ng mga guro sa bawat asignatura.
10. Upang muling makapagpamahagi ng modyul balikan ang proseso
bilang 1.

You might also like