You are on page 1of 36

WIKA

- Isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.


(Edward Sapir)

- Isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay


nakakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao (Tumangan, Sr., et al.)

- Isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng
tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay
arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may
sariling set ng mga tuntunin (Todd)

- Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na gamit


ng tao sa isang kultura (Henry Gleason)

Kalikasan ng Wika

1. Pinagsama-samang tunog

2. May dalang kahulugan

3. May ispeling

4. May gramatikal istraktyur

5. Sistemang oral-awral

6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika

7. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indijenus

Katangian ng Wika

1. Dinamiko/buhay

2. May lebel o antas

3. Gamit sa komunikasyon

4. Malikhain at natatangi

5. Kabuhol ng kultura

6. Gamit sa lahat ng uri ng disiplina/propesyon

Kahalagahan ng Wika

1. Instrumento ng Komunikasyon
2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman

3. Nagbubuklod ng bansa

4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip

MGA TEORYA SA WIKA

• Teoryang Hinggil sa Kalituhan sa Wika

- Babel (kalituhan)

• Teoryang Aramaic ang Unang Wika

- Afro-Asiatic, wika ng unang bibliya

• Teoryang Bow-Wow

- panggagagad ng tao sa mga tunog mula sa kalikasan

• Teoryang Ding-dong

- lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan dito

• Teoryang Pooh-pooh

- damdamin, nakapagbubulas siya ng mga salita kaakibat ng nararamdaman

Hal. Wow! (nasisiyahan)

Aray! (nasasaktan)

Naks! (humahanga)

• Teoryang Yo-He-Ho

- gumagamit ng pisikal na lakas

• Teoryang Ta-ta

- Ta-ta ay paalam o “goodbye” sa Pranses

- kumpas o galaw ng kamay

• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

- ritwal

Dayalek
- Wikang subordineyt ng isang katulad ding wika

- Pekuliyar ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon

Sosyolek

- Relasyong sosyal

- Wikang ginagamit ng bawat partikular na grupo ng tao sa isang lipunan

- Maaaring ang grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, sa seks, sa uri ng trabaho, sa istatus sa buhay,
sa uri ng edukasyon, atbp.

Idyolek

- May tatak ang pagiging indibidwal

- Kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng isang indibidwal

Jargon

- Tanging bokabolaryo ng isang pangkat

Pidgin

- Tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkaroon nito kapag ang dalawang wika ay
nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift

Creole

- Isang wika sa unang pidgin ngunit kalaunan ay naging likas na wika na. Nagkakaroon nito
sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-aangkin dito bilang unang wika

Antas ng Wika

A. Pormal

- salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng nakararami lalo nang mga
nakapag-aral ng wika

1. Pambansa

- mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa paaralan at maging sa


pamahalaan

2. Pampanitikan/Panretorika

- ginagamit ng manunulat sa kanilang akdang pampanitikan


e.g. tayutay

B. Impormal

- salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa


pakikipagtalastasan sa mga kakilala at mga kaibigan

1. Lalawiganin

- bokabularyong dayalektal; ginagamit sa mga partikular na pook o lalawigan

2. Kolokyal

- ginagamit pang-araw-araw

- Pagpapaikli sa isa, sa dalawa o higit pang salita lalo na sa pasalitang komunikasyon

Hal: mayroon-meron

3. Balbal

- tinawag sa ingles na slang; mababang antas ng wika

Hal: Erpat(tatay), syota(kasintahan)

WIKANG FILIPINO

Manuel L. Quezon - Ama ng Wikang Pambansa

- sa pangunguna ni Pang. Manuel L. Queszon nagsimula ang pormal na kasaysayan ng


paghahangad ng bansa na magkaroon ng isang wikang mag-uugnay sa lahat ng mamamayan nito
na magsisilbing behikulo ng pagkakaunawaan para sa pambansang pagkakaisa noong 1935

Artikulo XIV, Sek. 3 ng 1935 Konstitusyon

Ang Konggreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang


wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hanggat hindi itinatakda ng batas,
ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika.

Batas Komonwelt Blg. 184

- Nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa

- (SWP na naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LWP, at ngayo’y Komisyon sa Wikang
Filipino o KWF)

Surian ng Wikang Pambansa


- ahensiyang nagsagawa ng mga pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas para sa pagpili ng magiging
batayan ng wikang pambansa

Miyembro ng SWP

Tserman: Jaime C. de Veyra(Samar-Leyte)

Kalihim/Punong Tagapagpaganap:

Cecilio Lopez (Tagalog)

Miyembro:

Casimiro F. Perfecto (Bikolano)

Felix S. Sales Rodriguez (Hiligaynon)

Santiago Fonacier (Ilocano)

Hadji Butu (Muslim) – maagang yumao

Filemon Sotto (Cebuano)-tumanggi dahil sa kapansanan

Mga Dagdag na Miyembro ng SWP

Lope K. Santos (Tagalog)

Jose I. Zulueta (Pangasinense)

Zoilo Hilario (Kapampangan)

Isidro Abad (Cebuano)

Batayan ng Wikang Pambansa

1. Gamit na wika sa Maynila na sentro ng pamahalaan at kalakalan

2. May pinakamayamang talasalitaan at panitikan

3. Madaling pag-aralan at unawain

4. Pinakamalaganap itong ginagamit sa kapuluan

1938 – naipasa ng mga kagawad ng SWP ang resolusyong nagpapahayag na “ang wikang Tagalog ang
magiging batayan ng wikang pambansa”

1939 – ipinalimbag ng surian ang kauna-unahang opisyal na aklat panggramatika na sinulat sa wikang
pambansa

1959 – ipinanganak ang Pilipino bilang katawagan sa wikang pambansa na pinirmahan ni Jose E. Romero
Art. XIV, Sek. 3 ng 1973 Konstitusyon

Ang pambansang asembleya ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, patuloy na wikang opisyal ang Ingles at Pilipino.

Art. XIV, Sek. 6 ng 1987 Konstitusyon

Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito’y dapat


payabungin at pagyamanin sa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Mga batas, kautusan, memorandum at sirkular na may kinalaman sa wikang pambansa

Kautusang Tagpagpaganap Blg. 236, s. 1940

- Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng Wikang Pambansa sa pambayan at


pampubliko

Proklama Blg. 12 (1954)

- Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay

- Pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29-Abril 4 ayon sa mungkahi ng SWP

- Parangal kay Francisco Balagtas na nagdiriwang ng kaarawan tuwing Abril 2

Proklama Blg. 186 (1954)

- Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay

- Pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Agosto 13-19.

- Parangal kay Manuel L. Quezon

Kautusang Tagpagpaganap Blg. 60, s. 1973

- Nilagdaan ni Pang. Diosdado Macapagal

- Nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik ng Filipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967

- Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos

- Nagtatadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa


Filipino.

Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968)


- Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Sales

- Ipinag-utos na ang mga letterheads ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Filipino,


kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles

- Ipinag-uutos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng


Pamahalaan ay sa Filipino gagawin.

- Itinagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan.

- Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang rehiyong linggwistika ng
kapulungan.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969)

- Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos

- Nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na


gamitin ang wikang Filipino hangga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man
nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.

Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970)

- Pinalabas ni kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor

- Nagtatalaga ng mga maykakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa


Filipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan
kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971)

- Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos

- Nagpapanauli sa dating kayarian ng surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang mga


kapangyarihan at tungkulin nito

Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972)

- Nilagdaan ni Pang. Marcos

- Nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay kilala bilang “Komisyon ng Wikang


Filipino” na isalin ang teksto ng Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng mga limampung
libong (50,000) mamamayan alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas Artikulo XV Pangkat 3

Memorandum Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974

- Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel


- Itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin sa ortograpiyang Filipino

Memorandum ng MECS Blg. 203, s. 1978

- Accelerating the Attainment of the Goals of Bilingual Education.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987

- Nilagdaan ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports

- Paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas

Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987

- Mayo 27

- Mahigpit na pagpapatupad ng mga patakaran ng Edukasyong Bilingual sa lahat ng paaralan sa


Pilipinas

Ang alpabetong Filipino

- Binubuo ng 28 letra (20 letra sa dating ABAKADA at 8 dagdag na letra na galing sa mga umiiral na
mga wikain sa Pilipinas at sa iba pang wika.

- Ang tawag sa mga letra ng alpabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles malibansa Ñ (enye) na
tawag Kastila.

Baybayin o Alibata

- Binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik: 14 katinig at 3 patinig

 Kalikasan at istruktura ng wikang Filipino

Kategorya ng Fonemang Filipino

1. Mga fonemang segmental

2 Grupo ng Walong Dagdag na Letra

1. Fonemik – may iisang kinakatawang tunog

(f, j, v, z)

2. Redandant – nakakatunog ng isa pang letra o sunuran ng mga letra

(c, ñ, q, x)
Punto ng Artikulasyon-naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang
saglit na pagpigil o pag-abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig.

Saan nagaganap ang pagbuo ng katinig?

Paraan ng Artikulasyon-inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa


pagsasalita aay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong
sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.

Mga Fonemang Katinig

2. Mga fonemang suprasegmental


1. Tono

- ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita

Hal.

1. I

kaw - (may katiyakan)

2. kaw? - (hindi sigurado, nagtatanong)

2. Diin

- ang haba ng bigkas na iniuukol sa patinig ng isang salita

Hal.

búkas – sa susunod na araw

bukás – walang takip, hindi sarado

3. Antala

- ay isang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang
ipinahahayag

Hal.

1. Hindi ako ang pumatay//

(Maaaring ibang tao ang pumatay, at hindi ang nagsasalita.)

2. Hindi// ako ang pumatay.

(Inamin ng nagsasalita na siya ang pumatay.)

Pagbigkas ng mga salita

Mabilis- pahilis (‘)

Hal. Sahíg,

Maragsa- may impit, pakupya (^)

Hal. Dukhâ, dagâ, maiklî, tukâ, salitâ, dapâ

Malumanay- pahilis (‘), iminamarka sa itaas na patinig bago ang huling pantig
Hal. mása, báhay, mísa, kósa, Pintúan

Malumi-may impit, paiwa (`)

Hal. Dalirì, ugalì, palamutì,

Tatlong Anyo ng Morfema

1. Ang morfemang salitang-ugat

- Payak na salita, walang panlapi

- Tinatawag na malayang morfema dahil kaya nitong tumayong mag-isa.

Hal.

libro, bata, aral, takbo,

lakad, ganda, pangit

2. Ang morfemang panlapi

- Nagtataglay ng kahulugan ngunit hindi maaaring makapag-isa

- Di-malayang morfema

Hal.

ka- + laro = kalaro o kasama sa laro

3. Ang morfemang binubuo ng isang fonema

- Ito ay fonemang /a/ na laging ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat

- Ipinakikilala nito ang kasariang pambabae

Hal.

doktor + a = doktora

Mga Pagbabagong Morfofonemiko

1. Asimilasyon

- Naaasimila ng isang morfema ang tunog ng isa pang morfema

pang- + p, b = pam-

pang- + d, l, r, s, t = pan-
Ganap

pang- + sukat = panukat

pang- + tusok = panusok

pang- + bato = pamato

Di-ganap

pang- + laro = panlaro

pang- + bansa = pambansa

2. Pagpapalit ng fonema

- Ang d ay nagiging r kung napapagitnaan ng dalawang patinig.

Hal.

lakad + -an = lakaran

dagat + ka- -an = karagatan

- Ang o ay nagiging u kapag nilalagyan ng hulapi at kung inuulit ang salitang-ugat.

Hal.

tao – tauhan

damo – damuhan

- Ang an ay nagiging han kung ang salita ay nilalagyan ng hulapi ang salitang-ugat na nagtatapos
sa patinig at binibigkas nang malumanay o mabilis

Hal.

pasa – pasahan

3. Pagkakaltas ng fonema

- Kapag nilalagyan ng hulapi ang salitang-ugat ay may nawawalang fonema sa loob bf salitang-
ugat

Hal.

dama + -in = damahin damhin


takip + -an = takipan takpan

4. Paglilipat ng diin

- Nalilipat ang diin ng salita kapag nilalapian

Hal.

lúto + -an = lutúan

sáma + -an= samáhan samahán

5. Metatesis

- Nagkakaroon ng pagpapalitan ng fonema sa loob ng salita kapag nilalapian.

- May mga salita ring bukod sa nagkakapalitan ang fonema ay may nagaganap pa ring pagkakaltas
ng fonema

Hal.

tanim + -an = taniman tamnan

atip + -an = atipan aptan

luto + -in = linuto niluto

6. Pagdaragdag

Hal.

paalala + han = paalalahan; paalalahan + an = paalalahanan

7. Pag-aangkop

Hal.

hintay + ka = teka

tayo + na = tena

winika + ko = ika ko

hayaan + mo= hamo

Paraan sa Pagbuo ng mga Salita

1. Pagtatambal

(bahag + hari = bahaghari)


2. Akronim

(NSO – National Statistics Office)

3. Pagbabawas o clipping

(doktor – dok; titser – tser)

4. Pagdaragdag

(boss – bossing)

5. Paghahalo o blending

(banyuhay – bagong anyo ng buhay; gravylicious – gravy at delicious)

6. Mga salita mula sa mga pangalan

(Colgate; Xerox)

Parirala

 lipon ng mga salita na walang diwa

Sugnay

 pangkat ng mga salitang may paksa at panaguri ngunit walang diwa

Sugnay na makapag-iisa

- may paksa at panaguri

- maaaring gawing pangungusap

Hal.

Maraming estudyante ang nagsusunog ng kilay.

Sugnay na di-makapag-iisa

Hal.

tinitiis nila ang pagod at puyat

Pangungusap

 salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.

-maaaring isang salita o kataga o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan
Hal. Opo Talaga Aray!

Naku! Ano? Umaambon

Bahagi ng Pangngusap

1. Paksa

2. Panaguri

Nagsusulat ng maikling kwento ang matanda.

PANAGURI PAKSA (aktor, gumagawa ng aksyon)

ang ginagawa ng paksa ang pinag-uusapan

Ayos ng Pangungusap

1. Karaniwang Ayos – nauuna ang panaguri na sinusundan ng paksa

Halimbawa: Nakabili ng dyip ang Tatay


Naglaba kami ng mga damit sa sapa .

2. Di-karaniwang ayos – nauuna ang paksa at sinusundan ng panaguri

- ginagamitan ng pangawing na ay.

Halimbawa: Ako ay naatasang mamuno ngayon.


Sila ay maghahain ng reklamo laban sa kapitan ng barangay.

1. payak

- Kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng isang kaisipan lamang

Hal.

Nangangailangan ang Pilipinas ng mga pinunong may takot sa Diyos

2. tambalan

- Nagpapahayag ng dalawang magkaugnay na kaisipan

Hal.
Nagtataasan ang mga bilihin ngunit hindi naman tumataas ang suweldo.

3. hugnayan

- Nagpapahayag ng isang punong kaisipan at isang pantulong na kaisipan

Hal.

Maraming Pilipino ang naghihirap sa ating bansa sapagkat marami sa kanila ang walang trabaho.

4. langkapan

- Nagpapahayag ng isang punong kaisipan at dalawa o higit pang katulong na kaisipan

Hal.

Maraming estudyante ang nagsusunog ng kilay dahil nais nilang makatapos agad sa pag-aaral
kaya tinitiis nila ang pagod at puyat.

Ang Pangungusap Ayon sa Tungkulin

1. paturol o pasalaysay- nagpapahayag ng isang katunayan o kalagayan at ginagamitan ng tuldok


(.) sa katapusan nito

2. patanong – Nagtatanong o nag-uusisa sa isang bagay o pangyayari at naghihintay ng kasagutan


at ginagamitan ng tandang panahon (?)

3. pautos o pakiusap – nagpapahayag ng utos o pakiusap at ginagamitan ng tuldok (.)

4. padamdam – nagpapahayag ng masidhing damdamin at ginagamitan ng tandang padamdam (!)

Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

1. Penomenal – pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran

Umuulan!

Bumaha kahapon.

2. Temporal – panahon

Tanghali na.

Alas singko pa lang ng umaga.

Pasko na bukas.

3. Eksistensyal – nagsasaad ng “pagka mayroon” o “pagka-wala”


Wala pang bisita.

May nakakuha na.

Walang sumasagot.

4. Modal – nangangahulugang gusto/nais/ibig/ pwede/maaari/dapat o kailangan.

Pwede bang sabihin.

Nais/ibig mo ba?

Gusto kong magbigay.

5. Mga Ka-pandiwa – katatapos na kilos

Kagagawa ko lang.

Kasasara pa lang.

6. Mga Pambating/Pormulasyong Panlipunan – magagalang na pananalita na mahalaga sa


pakikipagkapwa-tao

Makikisuyo nga po.

Salamat po. Wala pong anuman.

Pasensiya na po.

Kumusta ka? Mabuti

7. Mga Panawag – tinatawag ding “vocative” na iisang salita o panawag

Psst! Nene!

Hoy! Totoy!

Ssst...! Manong!

8. Mga Pandamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin

Aray ko! Inang ko po!

Susmaryosep! Ano ka ba?

Ow, talaga! Mananagot ka!

Ano? Aba sobra!

Silabikasyon
Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga local na wika at panghihiram.

Ang pagtukoy sa pantig, gaundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong


K para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.

Kayarian Halimbawa

P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KKP pri-to
PKK eks-perto
KKPK plan-tsa
KKPKK trans-portasyon
KKPKKK shorts

Mga Diptonggo

Tumutukoy ang diptonggo sa mga pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,I,o,u) at isang
malapatinig (w,y). Nasa ibaba ang tsart ng mga diptonggo sa wikang Filipino.

Posisyon ng Bahagi ng Dila Harap Bahagi ng Dila


sa Pagbigkas Sentral Likod
Mataas iw, iy uy
Gitna ey oy,ow
Mababa ay,aw
Halimbawa:

aywan baytang alay


awdisyon restawran dilaw

Mga Klaster

Ang mga klaster o kambal-katinig sa Filipino ay dumarami dahil sa pagpasok ng mga Sali8tang
Ingles sa wikang Filipino. Ang klaster ay ang mga magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang
pantig.

Halimbawa:

blakboard brigada kard


kliyente krokis nars
komonwelt transportasyon dimpols

Pares Minimal
Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit
upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.

Halimbawa:

tela-tila pala-bala talon-talong


puso-poso uso-oso

Bahagi ng Pananalita

1. Pangngalan

Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.

Dalawang uri ng PANGNGALAN:

1. Pangngalang Pambalana

Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari

Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon

2. PANGHALIP

Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang
paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

Uri at Halimbawa:

1. Panao - ako, siya, sila

2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin

3. Pananong - sino, ano, kailan

4. Pamatlig - dito, doon

5. Pamilang - ilan, marami

6. Panaklaw - madla, pangkat

3. PANDIWA

Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

Uri ng Pandiwa:
1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. 
Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral. 

2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon 


Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena. 

3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. 


Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.

4. PANG-URI

Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang


sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang
pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.

Napakaganda nga ng bistidang iyan!

Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.

Ang sasakyan ay kulay pula.

Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.

5. PANG- ABAY

Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. 

Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan  at  gaano.

Uri ng Pang-abay

1.  Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng
pandiwa.

Halimbawa:

- Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.

2.  Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon
ng pandiwa.

Halimbawa:
- Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.

3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng


pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:

- Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

4. Pang-abay na Pang-agam  - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.

5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa.  Sumasagot ito


sa tanong na gaano o ilan.

Halimbawa:

- Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.

Halimbawa:

- Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.

Halimbawa:

- Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.

Halimbawa:

- Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

6. PANGATNIG

Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang
salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa
pangungusap.

Uri ng Pangatnig at halimbawa:

1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.

Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.


2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga
kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.

Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun na magpapatuloy ng


kanyang naudlot na gawain.

3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.

Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.

4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.

5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap


upang mabuo ang kahulugan.

Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.

Halimbawa: At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.

Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.

7. PANG-UKOL

Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay


na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.

Dalawang pangkat ng Pang-ukol

1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa. 

Mga Halimbawa:
1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao
tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.

Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2. Para  kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.

8. PANG-ANGKOP

Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang


maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-
ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.

Uri ng PANG-ANGKOP

1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o
u).

Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa titik i na isang patinig.

Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang
salita ay nagtatapos sa katinig na n.

Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang.
Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.

Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n.

9. PANTUKOY

Ang PANTUKOY ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa
dalawang uri.
1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
ang, ang mga, mga

ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

ang mga (maramihan)
Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

mga (maramihan)
Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)


si, sina, ni, nina, kay, kina

- si (isahan)
Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro.

- sina (maramihan)
Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.

- ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.

- nina (maramihan)
Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at Luis.

- kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam.

- kina (maramihan)
Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.

10. PANGAWING

 Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos pangungusap.
Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang
bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos

Halimabawa:

- Ako ay galing sa banyo.


Pokus ng Pandiwa

Ito ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

 Pokus sa Tagaganap (aktor)

 ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa

Halimbawa:

Lumikas ang mga nasalanta ng bagyo.

Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy.

Umawit ng Lupang Hinirang ang Sunis.

 Pokus sa Layon (gol)

 ang layon o object ang paksa ng pangungusap

Halimbawa:

Ginagawa niya ang kanyang takdang-aralin.

Ido-donate ko ang aking ipon.

Inilabas na ang bagong Iphone.

 Pokus sa Tagatanggap (benepaktib)

 tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa

Halimbawa:

Ipaglalaba ko ang aking nanay.

Ipagluluto niya ng karekare ang mga panauhin.

Ipaghahanda ko ng party ang aking kaibigan.

 Pokus sa kagamitan (instrumental)

 ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa pagganap ng kilos

Halimbawa

Ipansusulat ko ang bolpen na bigay sa akin.

Ipambibili ko ng damit ang sweldo ko.


 Pokus sa sanhi

 ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa

Halimbawa

Ikauunlad ng bayan ang kasipagan ng mamamayan.

Ipinagkasakit niya ang labis na pag-inom ng softdrinks.

 Pokus sa Resiprokal

 Ang pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang
kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap. Samakatwid, laging dalawang indibidwal o
dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa.

Halimbawa

Nagsulatan si Florante at Laura.

Nagtulungan ang mga magkakapitbahay.

 Pokus sa Ganapan (lokatib)

 ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinaggaganapan o pinangyayarihan ng kilos

Halimbawa

Pinaglanguyan ko ang batis na malapit sa amin.

Pinintahan niya ang pader.

 Pokus sa Direksyunal

 pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o tinutungo ng kilos

Halimbawa

Pupuntahan natin ang bagyo.

Papasyalan niyo ang aming tahanan.

Diskurso at Komunikasyon

Kahulugan ng Diskurso

 Nagmulang sa salitang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and from”


 Gamit ng wika na bunga ng komunikasyon na nagreresulta sa pagbubuo ng mga talata,
pasisismula at pagpapatuloy ng kombersasyon, pag-iinterbyu, atbp. nang may pagkakaugnay-
ugnay ang paraan ng paglalahad

Kahulugan ng Komunikasyon

 Lorenzo, et al. (1994)

Ang salitang Ingles na communication na pinaghanguan ng salitang komunikasyon ay


hinango sa salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay karaniwan. Sa Pakikipagkomunikasyon,
nabubuo sa isipan ng tagatanggap ng mensahe ang isang ideya o larawang katulad ng nasa isip ng
nagpapadala ng mensahe. Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay nagbabahaginan ng kanilang
ideya sa paraang kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa at pagsulat.

 Webster Dictionary (1987)

Ang komunikasyon ay ang pagpapalitan ng ideya o opinyon; pagsasabi; pagbubunyag;


pagpapahayag; pagbibigay-impormasyon; pakikipag-ugnayan; pakikipag-unawaan at isang sistema o
paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telepono, telegrama, radyo,
telebisyon at kompyuter.

 Brown (1980)

Ang komunikasyon ay isang serye o pagsusunod-sunod ng mga aktong komunikatibo o


speech acts na maparaang ginagamit upang maisakatuparan ang mga tiyak na layunin.

 Barker at Barker (1993)

Ang komunikasyon ay isang proseso kung saan ang dalawa o higit pang elemento ng
isang sistema ay nagkakaroon ng interaksyon upang matamo ang ninanais na kalabasan o hangarin.

Mga Uri ng Komunikasyon

 Komunikasyong Verbal

- gumagamit ng wika na maaaring pasalita o pasulat

 Kominukasyong Di-verbal

- karaniwang kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa


pakikipagtalastasan .

Mga Sangkap ng Komunikasyon

 Tagahatid/Enkoder – nagpapadala ng mensahe o pinagmulan ng komunikasyon

 Mensahe – inihahatid
 Mga Tsanel – paraang ginagamit sa paghahatid ng mensahe

 Tagatanggap/dekoder – tumatanggap at nagbibigay interpretasyon sa mensahe

 Ganting mensahe o feedback– sagot ng tumatanggap ng mensahe

 Mga hadlang/barriers – posibleng balakid sa patuluyang proseso ng komunikasyon

 Tagatanggap/dekoder – tumatanggap at nagbibigay interpretasyon sa mensahe

 Ganting mensahe o feedback– sagot ng tumatanggap ng mensahe

 Mga hadlang/barriers – posibleng balakid sa patuluyang proseso ng komunikasyon

Konteksto ng Komunikasyon

 Intrapersonal

 Interpersonal – 2 kalahok

 Maliit na grupo – 3 o higit pang kalahok

 Pampubliko – kontrolado ng tagapagsalita

 Organisasyunal - formal

 Komunikasyong Pangmadla – Mass Media .

Mga Makrong Kasanayan

Pakikinig

 proseso ng pagbibigay kahulugan sa mensaheng natatanggap sa pamamagitan ng paraang


pasalita.

Uri ng mga Tagapakinig

 Mapagkunwaring tagapakinig (Pseudolistener)

 Mapamiling tagapakinig (Selective listener)

 Mapagsanggalang na tagapakinig (Defensive listener)

 Mananambang (Ambusher)

 Insuladong tagapakinig (Insulated listener)

 Insensitibong tagapakinig (Insensitive listener)

 Agaw-eksenang tagapakinig (Stage hog) .


Pagsasalita

 kakayahang ihatid ang iniisip o nadarama sa pamamagitan ng mga salitang nauunawaan ng


kausap, at sa pamamagitan ng wika na karapat-dapat hindi lamang sa nagsasalita kundi maging
sa kausap man

Pagbasa

 interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan

(Tumangan, et al., 1997)

Pagbasa

 pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng
pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo.
Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimabag
(Austero, et al., 1999)

Uri ng Pagbasa ayon sa Layunin

 Iskiming o madaliang pagbasa- madaliang pagkalap ng mahalagang impormasyon;


pinapasadahan lamang ng mata

 Iskaning o mapagmasid na pagbasa- paghahanap ng isang partikular na impormasyon

 Masaklaw o ekstensibong pagbasa- makakuha ng pangkalahatang pang-unawa

 Masikhay/masinsinan o intesibong pagbasa- ginagamit sa may kaiksiang teksto upang


makakuha ng mga tiyak na impormasyon

Pagsulat

 paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga
simbolo. Isang paraan sin ito ng pagpapahayag na naisasaayos ang iba’t ibang ideya na
pumapasok sa isipan ng tao.

(Bron, et al., 2000)

 Pagsulat

 isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng salita

(Alejo, 2005)

Retorika
- galing sa salitang “rhetor” na mula sa wikang Griyego na ang ibig sabihin ay “guro” o isang taong
mahusay na mananalumpati o isang mahusay na orador

- sining at agham maging pasalita o pasulat na pagpapahayag

- Ayon kay Socrates, binigyan niya ng kahulugan ang retorika bilang isang siyensiya o agham ng
panghihimok o panghihikayat.

- Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang retorika ay isang sining ng maayos na pagpili ng wastong
salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o
bumabasa.

- Ayon sa aklat ni Simplicio Bisa, ang retorika ay sining ng mabisa at magandang pagpapahayag na
sumasaklaw sa maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig,
istruktura at kalinawan ng pagpapahayag.

- Dagdag pa ni Bisa, ang retorika ay isang sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan

Ang Wastong Gamit ng Salita

Ng at Nang

Gamit ng NG

 ginagamit bilang pantukoy


Halimbawa: Nag-aaral ng Ilokano si Sonia

 ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay with


Halimbawa: Hinampas niya ng paying ang aso.

 ginagamit bialng pang-ukol na ang katumbas ay sa


Halimbawa: Magsisisuwi ng Pilipinas ang magagaling na doctor.

Gamit ng Nang

 ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong na sugnay o


sugnay na di makapag-iisa
Halimbawa: Nang siya ay dumating, dumagsa ang tao.

 ginagamit bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na inangkupan ng “ng” kaya’t nagiging “nang”
Halimbawa: Nagbalita nang malakas ang aking kaibigan sa opisina.

May at Mayroon

Gamit ng May
 ginagamit ang may kung ang sumusunod na salita ay:

Pangngalan

Halimbawa: May batang nahulog.

Pandiwa

Halimbawa: May sasayaw na babae mamayang gabi.

Pang- uri

Halimbawa: May bagong bahay na nasunog.

Panghalip na paari

Halimbawa: May kanya-kanya tayong alam.

Pantukoy na mga

Halimbawa: May mga batang pupunta ditto mamaya.

Pang-ukol na sa

Halimbawa: May sa- kalabaw ang boses ng taong iyan.

Gamit ng Mayroon

 sinusundan ng panghalip na palagyo


Halimbawa: Mayroon kaming dadaluhang pulong bukas.
 sinusundan ng isang kataga
Halimbawa: Mayroon ding pulong ang kababaihan.
 ginagamit sa patalinghagang kahulugan
Halimbawa: Si Mayor Favila ang mayroon sa lahat.

Subukin at Subukan

subukin- “pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang bagay o tao.”

subukan- “tingnan kung ano ang ginagawa ng isang tao o ng mga tao.”

Halimbawa: Subukin mong gamitin ang sabon na ito.


Sinubukan nila ang disiplina ng mga mag-aaral.
Pahirin at Pahiran

pahirin- pag-aalis o pagpawi

pahiran- paglalagay ng bagay


Halimbawa: Pahirin mo ang dumi sa iyong mukha.
Pahiran mo ng pulang pintura ang gate.

Walisin at Walisan
walisin- pandiwang pokus sa layon
walisan- pandiwang pokus sa ganapan

Halimbawa: Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.


Walisan mo ang bakuran.
Maliban at Bukod

maliban- (except o aside) may kahulugang matangi sa bagay na binanggit ay wala nang iba.
bukod- (in addition to o besides) karagdagang sa mga bagay na binanggit.
Halimbawa: Maliban sa lupa, wala na siyang maiiwan sa nag-iisang anak.
Bukod sa lupa, may bahay pa siyang maiiwasan sa nag-iisang anak.
Kung at Kong

Gamit ng Kung
 ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makap-iisa sa mga pangungusap na hugnayan

Halimbawa: Kung siya’y narito, tayo’y magiging magulo.

Gamit ng Kong
 buhat sa panghalip na ako ang akong at nilalagyan lamang ng pang-angkop na ng sa pakikiugnay
sa salitang sumusunod:

Halimbawa: Ipinagtapat kong nangyari.


Din at Rin; Daw at Raw; Doon at Roon

Gamit ng din,daw,doon

 ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y

Halimbawa: Napanood din nila ang pelikula.


Napanood daw nila ang pelikula.
Napanood doon nila ang pelikula.

Gamitin ng rin, raw, roon

 ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig. Ang w at y ay itinuturing na


malapating. Samakatuwid, an grin, raw, roon ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa mga titik na ito.

Halimbawa: Himala rin ang kailangan niya.


Kaliwete raw ang dalaga.
Umuwi roon ang kanyang asawa.

Ika at Ika-
Gamit ng ika

 ginagamit bilang panlapi sa bilang na isinusulat balng salita


Halimbawa: ikatlong taon
Ikalimang araw
Gamit ng ika-
 ginagamit ang ginitlingan na “ika” bilang panlapi kung mismong bilang ang isusulat.

Halimbawa: ika-25 ng Enero


Ika- 5 taon

Maka at Maka-

Gamit ng maka
 ginagamit ang “maka” na walang gitling kung pangngalang pambalana ang kasunod na salita.

Halimbawa: Naglunsad ng poetry reading ang mga makabayan.

Gamit ng maka-

 ginagamit ang may gitling na “maka-“ kapag sinusundan ngt pangngalang pantangi

Halimbawa: Maka-Nora ang mga nanonood ng kanyang mga pelikula.

Gawin at Gawan

 ginagamit ang mga panlapi –in/-hin sa mga pandiwang pokus sa layon

Halimbawa: Gawin mo ang sa tingin mo ay tama.

 ginagamit ang panlaping –an/-han sa mga pandiwang pokus sa direksyon

Halimbawa: Subukan mong gawan siya ng mabuti.

Mga Idyomatikong Pahayag

- Isang pariralang ang kahulugan ay di mahahango sa alinmang bahagi ng pananalita.

- Ang kahulugan ng mga ito ay di bunga ng pagsasama ng kahulugan ng mga salitang bumubuo
sa mga ito kundi isang natatanging kahulugang naiiba sa mismong parirala.

- Malayo ang kahulugang literal o tuwirang kahulugan sa kontekstuwal o tunay na kahulugan.

- Matatag na ang pagiging gamitin ng mag pahayag idyomatiko dahil ginagamit na sa mahabang
panahon at bahagi na ng talasalitaan ng bayan.
- Nagpasalin-salin ito sa bibig ng mga tao.

alagang ahas - taksil, walang utang na loob, kalawang sa bakal

gagapang na parang ahas - maghihirap ang buhay, maghihikahos, magiging miserable ang buhay

parang ahas na kuyog - galit na lahat ang buong angkan sa kagalit ng isa sa kanila

lumilipad sa alapaap - walang katiyakan, alinlangan

inalat - minalas, inabot ng alat

pinakain ng alikabok - tinalo sa isang karera ng takbuhan

nasagap na alimuon - nakuhang tsismis,sabi-sabi,bali-balita,alingasngas

amoy-pinipig – mabango ang amoy

abot ng isip – kayang unawain o intindihin

agaw-buhay – bingit ng kamatayan

agaw-liwanag – malapit ng mag-umaga o lumiliwanag

anak ng dilim – maligno o engkanto

anak ng Diyos – may kapangyarihan o may espesyal na pribilehiyo

anak ng lupa – magbubukid o magsasaka ang trabaho

asal-hayop – mabangis o malupit

atras-abante – hindi desidido

ayaw padapuan ng langaw – sobrang protektado

bagong buhay – nagsisimula muli

bagong tao– nagbibinata o binatilyo

bakal ang dibdib– matibay ang loob

balian ng buto – disiplinahin

bantay-salakay– tagabantay na isa palang magnanakaw

basa ang papel– hindi mapagkakatiwalaan

batang kalye– nakatira o lumaki sa lansangan


batang-isip – inosente o wala pang muwang sa buhay

bibig na pakakainin – mga taong pinakakain

bilugin ang ulo– lokohin

buhay-alamang – hirap na hirap sa buhay

buhos ang panahon– binibigay ang lahat ng oras

butas ang bulsa– walang pera o ubos na ubos ang pera

buwaya sa katihan– sakim o suwapang

kabiyak ng puso– asawa

kailangan ng palo– kailangang utusan para gumawa, walang kusa

kainin ang salita– bumalik sa sarili ang panghuhusga

kagat ng dilim– malapit na ang dilim

kaututang dila – kakuwentuhan

kuyom ang palad– matipid

dugo ng dugo– anak o kaanak

dinidiyos ang pera– pinahahalagahan ang pera

duling na duling – labis na humahanga

ginto ang puso– mabuti ang kalooban

halang ang bituka– masama

inaapoy ng lagnat– mataas ang lagnat

isang kahig, isang tuka– mahirap na mahirap

kakaning itik– mahinang klase

kalatog pinggan– mahilig kumain sa ibang bahay

kinain ng abo – nasunog

hinahabol ng gunting– lalaking kailangang gupitan

hindi kaning isusubo– hindi madaling magawa


hindi maabot ng tingin – napakalawak

hindi malunok– hindi matanggap

luha ng buwaya– pakunwarng pag-iyak

mabigat ang paa– malakas ang bagsak ng paa kapag naglalakad

magaan ang kamay– madaling manakit

nagbilang ng poste– walang trabaho

makapal ang bulsa– maraming pera

malapot ang dugo sa tubig– mas pinapaboran ang kaanak

matalas ang pang-amoy–palaging nakakahanap ng impormasyon

saulian ng kandila– putulin na ang relasyon

sinisilihan ang puwet– hindi mapalagay

You might also like