You are on page 1of 25

9

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 3:
Denotatibo at Konotatibo

2
Filipino – Baitang 9
Kwarter 1 – Modyul 3 : Denotatibo at Konotatibo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Cristina B. Leaňo


Editor: Lovely C. Ariola
Oliver D. Merciales
Tagasuri: Nora J. Laguna
Elisa E. Rieza
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro

3
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye


ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul
na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at


saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa
ka habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at


iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel
o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Denotatibo o Konotatibong Kahulugan

Panimula:

Kumusta ka na? Ayos ba kaibigan?

Mabuti naman at maayos ang iyong


kalagayan!

Kuwentuhan muna tayo. Kasabay ng ating kuwentuhan sa


modyul na ito mabibigyan mo ng kahulugan ang mga malalim na salita
na iyong matatagpuan sa ating kuwento batay sa denotatibo o
konotatibong kahulugan.

Ang denotatibo ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang


salita o mga salitang galling sa diksyunaryo ang kahulugan samantalang
ang konotatibo ay ang pahiwatig o simbolo na ikinakabit sa salita. Ito ay
naaayon sa kung paano ito nauunawaan ng mga tao.

Nasasabik ka na ba? Tara! Simulan na natin. Saan ka? Denotatibo


ba o Konotatibo?

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nabibigyang kahulugan ang malalim na
salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

May mga salitang ginagamit natin sa pangungusap na minsan naiiba


ang kahulugan. Tulad ng mga salitang may salungguhit na ginamit sa
pangungusap sa ibaba.

1. Matigas ang damdamin ng ama sa anak na humihingi ng tawad.


- Ibig sabihin ang ama ay may pusong bato.

2. Nagsunog ng kilay si Alma kaya siya na ngayon ang Pangulo ng


kanilang kompanya.
- Nagsikap sa pag-aaral.

3. May tumawid na pusang itim sa aming daanan habang kami ay


naglalakad pauwi.
- Masamang pangitain.

4. Mabulaklak ang dila ni Erning kaya maraming tao ang natutuwa sa


kanya.
- Mahusay mambola.

5. Sinasabi ko sayo na balat sibuyas si Abeng kaya tigilan mo na ang


pang-aasar.
- Iyakin.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Basahin natin.

Kopyahin ang mga salitang may salungguhit sa talata. Ibigay ang


kahulugan nito na nasa loob ng kahon. Isulat sa tamang hanay na nasa
kabilang pahina kung denotatibo o konotatibo. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Halimbawa:
Ang salitang rosaryo ay maaring denotatibo ang kahulugan
bilang isang bagay at konatatibo naman sapagkat ito ay banal. Depende
sa paggamit ng salita ang kahulugan nito. O, di ba madali lang? Simulan
na natin.
Denotatibo Konotatibo

Rosaryo bagay banal

lalagyan labis matinding interes


pangamba nananakit batas sa tahanan

3
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng
mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na
suntok sa bibig na nagpapatulong dugo at nagpapamaga ng ilang
araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa‟y
iniuuwi ng ama – malaking supot ng mainit na pansit na iginisasa
itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing
pagkain ng ama.
-Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9,17-20

Salitang may salungguhit Denotatibo Konotatibo


_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 19 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

4
O, diba kayang-kaya mong ibigay ang kahulugan
ng mga malalim na salitang ginamit sa akda
batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Mga Katulong sa Bahay
Ni Vei Trong Phung
Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego
(Bahagi Lamang)

May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa


kabataan tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko‟y kalalabas lang
niya ng ospital o bilangguan.

Ano kaya ang kahulugan ng mukha batay sa paggamit


nito?

Tama ! Bahagi ito ng katawan ng tao.

Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na


nababahiran ng itim na sangkap. Noong una‟y di ko alam ang kaniyang
ginagawa, „yun pala hinihimod niya ang tira-tirang opyo.

Ano ang denotatibong kahulugan ng salitang itim?

Tama! Ang denotatibong kahulugan nito ay kulay.

5
Ang isa nama‟y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo
hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala,
tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin.

Batay sa iyong binasa sa itaas, ibigay ang denotatibong


kahulugan ng salitang bituin.

Tama! Ang denotatibong kahulugan nito ay Estrelya.

Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at habang umuupo


siya‟y umuubo at dumudura May isang matandang babae na maayos ang
kasuotan ngunit walang kibo‟t buhaghag ang pagmumukha.

Ano kaya ang kahulugan ng buhaghag batay sa paggamit


nito?

Tama ! Ito ay walang emosyon.

Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na


kawayan naipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang mga anak.
Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng magsasaka, ay
mahimbing na natutulog.

Ano kaya ang kahulugan ng hiyas batay sa paggamit nito?

Tama ! Ito ay mamahaling gamit na yari sa kawayan.

Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako


sa banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga‟t dito sila
nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang
kanilang tiyan.

Ano kaya ang kahulugan ng pansinin batay sa paggamit


nito?

Tama! Ang kahulugan nito ay punahin.

6
Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang
may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang
mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-
ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring
bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing
bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan.

Ano ang ibig sabihin ng tumigil at pagkaing inihanda dito?

Tama! Ang ibig sabihin ng tumigil dito ay tumira o gawing tirahan


at ang ibig sabihin naman ng pagkaing inihanda ay pagkaing ibinibenta
ng may-ari.

Mula sa akdang “Mga Katulong sa Bahay” ni Vel Trong Phung salin sa Filipino ni
Florentino A Iniego
http://supplemental9niwarville.blogspot.com/2017/05/mga-katulong-sa-bahay.html

Sagutin mo.

May isang kalbong napakaputla ng mukha.

Ano kaya ang kahulugan ng salitang mukha na


ginamit sa akda?

Ang mukha ay pangharap na bahagi ng ulo.


Ang mukha ay may literal na pakahulugan na pangharap na
bahagi ng ulo batay sa paggamit sa pangungusap. Ito ay isang
halimbawa ng denotatibong kahulugan na may literal na
pagpapakahulugan.

Maari rin namang gamitin ang mukha bilang identidad, pagkatao o


pagkakakilanlan ng isang tao.
Halimbawa : Mukhang mayaman si Neden ang kaibigan kong
palaging bago ang cell phone.
Halimbawa ito ng konotatibong pagpapakahulugan.

7
Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na
nababahiran ng itim na sangkap. Noong una‟y di ko alam ang
kaniyang ginagawa, „yun pala hinihimod niya ang tira-tirang opyo.

Ano ang kahulugan ng salitang itim ayon sa


pangungusap?

Ang salitang itim ay nangangahulugang kulay.


Ang itim ay may literal na pakahulugan na kulay batay sa
paggamit sa pangungusap. Ito ay isang halimbawa ng
denotatibong kahulugan na may literal na pagpapakahulugan.
Ang salitang itim ay maaring mangahulugan din ng
kasawian o kasamaan .
Halimbawa: Lihim na nakangisi si Erwin at buo na ang
maitim niyang balak kay Maricris.
Ito ay halimbawa ng konotatibong pakahulugan.

Ipagpat ul oy mo ang pagbasa at sagutin


ang mga tanong.

Ang isa nama‟y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo


hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala,
tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin.

Ano ang kahulugan ng salitang bituin ayon sa


paggamit nito sa pangungusap?

Ang bituin ay nangangahulugang estrelya.


Ang bituin ay may literal na pakahulugan na estrelya batay sa
paggamit sa pangungusap. Ito ay isang halimbawa ng denotatibong
kahulugan na may literal na pagpapakahulugan.
Maari rin namang ang kahulugan ng bituin ay sikat, tanyag o
kilala.

8
Halimbawa: Ang Nora Aunor ang nag-iisang maningning na bituin
ng bikol.

Halimbawa ito ng konotatibong pagpapakahulugan.

May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit


walang kibo‟t buhaghag ang pagmumukha.

Ibigay ang kahulugan ng salitang buhaghag


ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap?

Ang buhaghag ay nangangahulugang walang emosyon.

Ang buhaghag ay maari mangahulugang walang emosyon kung


bibigyan mo ito ng pakahulugang konotatibo ayon sa paggamit mo sa
pangungusap. Ang babae sa pangungusap ay maayos ang kasuotan
ngunit walang kibo, walang reaksyon ang mukha na animo‟y pocker face
kaya‟t
Ang salitang buhaghag ay may literal na kahulugang magulo.

Halimbawa: Umangkas sa motor si Joy kaya‟t buhaghag


ang kanyang buhok.
Ito ay halimbawa ng denotatibong pakahulugan.

Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na


kawayan naipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang mga anak.

Ibigay ang kahulugan ng salitang hiyas ayon sa


paggamit nito sa pangungusap?

Ang hiyas sa pangungusap ay nangangahulugang mamahaling


gamit na yari sa kawayan ito ng pakahulugang konotatibo ayon sa
paggamit mo sa pangungusap.

Ang salitang hiyas ay may literal na kahulugang mamahaling bato.

Halimbawa: Natigalgal ang marami sa hiyas na nakasabit sa Leeg


ni Queenie ito‟y lantay na diyamante.

Ito ay halimbawa ng denotatibong pakahulugan.

9
Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa
banig.

Ano ang kahulugan ng salitang pansinin ayon


sa paggamit nito sa pangungusap?

Ang pansinin sa pangungusap ay may kahulugang punahin . Ito


ay isang halimbawa ng denotatibong kahulugan na may literal na
pagpapakahulugan.

Maari rin namang ang kahulugan ng pansinin ay nangangailangan


ng atensyon.

Halimbawa: Pansinin ninyo ang nagkalat na basura sa paligid


matapos ang pagdiriwang wika ni Edward.

Halimbawa ito ng konotatibong pagpapakahulugan.

Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang


may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang
mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-
ari.

Ano ang kahulugan ng salitang tumigil dito ayon sa


paggamit nito sa pangungusap?

Ang tumigil dito sa pangungusap ay may kahulugang tumira o


gawing tirahan . Ito ay isang halimbawa ng konotatibong kahulugan
na may literal na pagpapakahulugan.

Maari rin namang ang kahulugan ng tumigil dito ay manatili o


huminto.

Halimbawa: Tumigil dito sa bilog na palatandaan ang sabi ng pulis


habang sinisita si Ian upang mapanatili ang social distancing .

Halimbawa ito ng denotatibong pagpapakahulugan.

Ano ang kahulugan ng salitang pagkaing inihanda


ayon sa paggamit nito sa pangungusap?

10
Ang pagkaing inihanda sa pangungusap ay may kahulugang
pagkaing ibinebenta. Ito ay isang halimbawa ng konotatibong
kahulugan na may literal na pagpapakahulugan.

Maari rin namang ang kahulugan ng pagkaing inihanda ay


pagkaing para sa lahat.

Halimbawa: Ang pagkaing inihanda ni Zyrah ay para sa kay


Mike
at sa pamilya nito.

Halimbawa ito ng denotatibong pagpapakahulugan.

Ipagpatuloy mo.

Paano mo binigyang Nabigyang kahulugan ko ang


kahulugan ang malalim na kahulugan ng malalim na
salitang ginamit sa akda, batay salitang ginamit sa akda, batay
sa denotatibo o konotatibong sa denotatibo o konotatibong
kahulugan? kahulugan sa pamamagitan ng
pag-analisa sa sa pagkakagamit
nito sa pangungusap at batay na
rin sa pahiwatig o simbolong
ikinakabit sa mga salita.

Bak i t mahal agang pag-aralan


ang pagbi bi gay ng k ahul ugan
sa mal al i m na sal i t ang
gi nami t sa ak da, bat ay sa
denot at i bo o k onot at i bong
k ahul ugan?
Mahalagang pag-aralan ang
pagbibigay ng kahulugan sa
malalim na salitang ginamit sa
akda, batay sa denotatibo o
konotatibong kahulugan
sapagkat sa tulong nito ay mas
napapalawak pa natin ang ating
talasalitaan at mas
nadadagdagan pa ang ating
bokabularyo.

11
Yehey! Nabigyan mo na ng kahulugan ang malalim na salitang
ginamit sa akda, batay sa denotatibo o konotatibong
kahulugan.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang


gawain.

Basahin at Unawain.
Pagsasanay 1

Ang Ama
Mauro R. Avena
(Bahagi Lamang)

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang


lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit
na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay
kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May
dalawang lalaki, kambal, nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso
anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

-Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9,17-20

12
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa akda,
batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan nito. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Salitang may salungguhit Denotatibong Konotatibong


Kahulugan Kahulugan
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina19.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang


nasagutan ang unang
pagsasanay, heto pa ang
karugtong ng kuwento na Pagsasanay 2
magpapatibay ng iyong
kaalaman.

Ang Ama
Mauro R. Avena
(Bahagi Lamang)

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na


sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito – sadyang nag-uwi ito
para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya
nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang

13
ina nila‟y masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti.Pero hindi
na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayo‟y hindi na nag-uuwi ng
pagkain ang ama; ang katunaya‟y ipinapalagay ng mga batang mapalad
sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina.
Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,
may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila‟y si Mui
Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay
madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig
magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-
iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong paulit-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang
siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ng
paghiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog.
-Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9,17-20

Panuto: Batay sa akdang binasa, ibigay ang kahulugan ng malalim na


salitang may salungguhit batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan
nito.

Malalim na Salita Denotatibong Konotatibong


Kahulugan Kahulugan
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________
_____________________ __________ _________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

14
Balikan ang mga
natutunan sa mga
naunang gawain
upang masagutan
Pagsasanay 3
ang sumusunod na
pagsasanay.

Ang Ama
Mauro R. Avena
(Bahagi Lamang)

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla


dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna
ng isang mahabang halinghing at di mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayong binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-
ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata
na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa
inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng
malamig na tubig. Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay
namatay, at ang
ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa
sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo, doon sa tabi ng
gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating
upang makiramay. Ngayo‟y naging napakalawak ang kanyang awa sa
sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-
sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang
awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata,
kaya‟t madalamhati siyang nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui Mui!
Kaawa-awa kong anak!” Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng
gulod – payat, maputla, at napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at
awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga
kapitbahay, na ang iba‟y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-
bulong, “Maaaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na
mahal niya ang bata.”

-Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9,17-20

15
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa akda,
batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan nito.
KONOTATIBONG DENOTATIBONG
SALITA / PARIRALA KAHULUGAN KAHULUGAN
nasisante
kamao
tumalsik
namatay
umiyak
sementeryo
tabi ng gulod
inulilang ama
Wala sa panahon
anak
nagpayanig
ireponsable

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 20.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan


mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot
dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling
pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

16
Panapos na Pagsubok

Panuto: Ibigay ang kahulugang konotatibo o


denotatibo ng mga malalim na salitang may
salungguhit na ginamit sa akdang “Ang Ama”.
Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Lumuhod ito at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang


inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita.

2. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa


pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.

3. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang


mapunit anomang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

4. Naiwan itong nakaluhod kahit bumagsak na ang ulan.

5. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa
sa yaman.

Salita Konotatibong Denotatibong


Kahulugan Kahulugan
1. lumuhod
2. nagmasid
3. madilim na ang
langit
3. ulan
5. yaman

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 20.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  

17
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain at


pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa iyong nabasa, napanood, o narinig na mga akda


gumawa ng dalawang talataan na may 5 - 7 pangungusap na
ginagamitan ng denotatibo at konotatibong salita. Salungguhitan ang
mga malalim na salitang ginamit dito at ibigay ang pakahulugan nito.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo k id!

18
19
Panimulang Pagsubok
Salitang may Denotatibong Konotatibong
Salungguhit Kahulugan Kahulugan
Takot Pangamba
Lasing na suntok Pananakit
Pananabik Matinding Interes
Supot Lalagyan
Ama Batas sa tahanan
Pagsasanay 1
Salitang may Denotatibong Konotatibong
Salungguhit Kahulugan Kahulugan
Lalaki Kasarian ng tao Malakas, Matipuno
Babae Kasarian ng tao Mahina, bebot
Payat Maliit ang hubog ng Sakitin,
katawan Nangangalirang
Paslit Batang-bata
Maingay Malakas na tunog
Pagsasanay 2
Salitang may Denotatibong Konotatibong
Salungguhit Kahulugan Kahulugan
Kaluwagang palad Maawain
Masaya Malawak na ngiti
Lasing Estado ng taong
uminom ng alak
Halinghing Matinis na tinig
Namamaluktot Ayaw makinig
Susi sa Pagwawasto
20
Pagsasanay 3
SALITA / KONOTATIBONG DENOTATIBONG
PARIRALA KAHULUGAN KAHULUGAN
nasisante Natanggal sa trabaho
kamao lakas
tumalsik tumilapon
namatay yumao
umiyak lungkot
sementeryo libingan
tabi ng gulod Nasa gilid ng bulu-
bundukin
inulilang ama Naiwang ama
wala-sa-panahon Hindi pa nararapat
anak Bunga ng
pagmamahalan
nagpayanig nagpagupo
ireponsable Hindi maasahan
Pangwakas na Pagsubok
Mga Salita Konotatibo Denotatibo
Lumuhod Nagdadasal
Nagmamasid Naghihintay
Mapunit Bumuhos
Ulan Likido mula sa ulap
Yaman Pagkain
Karagdagang Gawain:
Pamantayan sa Pagmamarka
Maayos ang pagkakabuo ng talata – 5puntos
Nabigyan ng maayos na kahulugan – 5puntos
ang malalim na salita
Gumamit ng konotatibo at - 10 puntos
denotatibong salita
KABUUAN 20PUNTOS
Sanggunian:

Aklat:

Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine Interlinks


Publishing House, Inc, 2014.

Internet:
http://supplemental9niwarville.blogspot.com/2017/05/mga-katulong-sa-
bahay.html

21
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

22

You might also like