Makapangyarihan ito sapagkat ito ang nagdidikta ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-igayang panahanan ninuman. Kinapapalooban ito ng mahahalagang probisyong sanligan ng mga bagay at kilos na dapat igawi para sa isang mapayapang bansa. Wikang Filipino
Ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa
Pilipinas. Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at patuloy nating isasalin sa ating mga anak at sa mga susunod pang salinlahi. Ito ang wikang magiging kakampi natin sa ating mga pakikibaka sa usapin ng istandardisasyon at internalisasyon. BILINGGWALISMO - Tumutukoy sa ipinakikitang kakayahan sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng dalawang wika. PCSPE- Presidential Commission to Survey Philippine Education Ahensyang binuo sa pamamagitan ng E.O. 202 ni Pangulong Ferdinand E. Marcos upang magsagawa ng pag-aaral sa mabuting sistema ng edukasyon, na wika ng pagtuturo ang siyang nangangailangan ng agarang atensyon sa larangan ng edukasyon. Pinagtibay ng PCSPE:(Presidential Commission to Survey Philippine Education) 1. Ang Pilipino ang pangunahing midyum sa elementarya, at ang bernakular ang pantulong na wika sa unang dalawang taon sa mga lugar na di-Tagalog 2. Ang Pilipino at Ingles ang mga midyum sa sekondarya at ters’yarya. Sek.3, Artikulo XIV (1973) -pinagtibay ang polisiya ng edukasyon sa pamamagitan ng bagong saligang batas 1. Gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at porma na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino ang Pambansang Asambleya; 2. Ingles at Pilipino ang dapat na maging wikang opisyal hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas. Pebrero 27, 1973 – sinunod ng Lupon ng Pambansang Edukasyon ang Bilinggwal na Patakaran sa Edukasyon batay sa probisyon ng Saligang Batas. Agosto 7, 1973 – pinagtibay ng Lupon ang Resolusyon Blg. 73-7 na ang Ingles at Pilipino ay magsisilbing midyum ng pagtuturo bilang mga asignatura sa kurikulum mula Baitang 1 hanggang sa unibersidad sa lahat ng mga paaralang publiko at pribado. Hunyo 19, 1974- nilagdaan ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Sinasabi rito na ang edukasyong bilinggwal ay tumutukoy sa magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito’y kinakailangan. Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA Ang Wikang Pambansa SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Fiipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Wikang Opisyal SEK.7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag- uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika. Paglalahat: Wikang Pambansa
Ipinapaliwanag ng kasaysayan na ang pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa
rehiyon ng Katagalugan bagamat Tagalog ang nagiging pamantayan sa pagbuo nito. Patuloy na umuunlad ang wikang Filipino sa aspeto ng gramatika, palaugnayan, mga pahiwatig, at pakahulugan bunga na rin ng paggamit dito sa panrehiyon at pandaigdigang ugnayan. Lumawak ang gamit ng Filipino sa mga asignaturang Panitikan, Araling Panlipunan, Teknolohiya, Inhenyeriya, Medisina, Batas, Matematika, at iba pang larangan. Sistemang K to 12 ng Edukasyon
Programang K to 12 – nagkaroon ng ganap na katuparan noong 2011bilang
pagsusulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon ( DepEd). Isinaalang-alang sa pagsusulong nito ang modelo na ginagamit sa edukasyon ng mga kanluraning bansa. Ano-ano ang mga kinaharap na suliranin sa pagpapatupad nito? Sino ang pangulo ng bansa sa panahong iyon?
2013 – pormal na itinalaga ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)bilang
tagapagpatupad at tagapamahala ng Edukasyong K to 12. 1945 hanggang 2011- anim (6) na taon ang ginugugol ng mag-aaral sa elementarya at apat (4) na taon para sa kanyang sekondarya Isang (1) taon- Kindergarten; anim (6) na taon- Elementarya; apat (4) na taon- Junior High School; at dalawang (2) taon para sa Senior High School. Ang Kahalagahan ng K-12 Kurikulum ng DepEd
Pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mapagtuunan ng pansin ang iba’t
ibang larangan ng espesyalisasyon katulad ng pagluluto, tour guiding, animation, at marami pang iba. Ang labindalawang basikong edukasyon ay magbubukas ng sapat na pagkakataon sa mga mag-aaral na higit na matutunan at mapaghusayan ang mga kinakailangang kasanayan sa kolehiyo at unibersidad, at maging sa mundo ng kalakalan at hanapbuhay. Larangan ng Pagpapakadalubhasa Inaasahan na ang mga mag-aaral na makapagtatapos sa bagong Sistema ng edukasyon ay makapagtataglay ng kahusayan na kailangan upang sila ay agad na makapaghanapbuhay. Ang mga electives na ito o pagkakadalubhasaan ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Academics para sa mga nais magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo 2. Technical-vocational para sa mga mag-aaral matapos ang kanilang high school na nais makapaghanapbuhay 3. Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa dalawang larangan. Dr. Patricia Licuanan dating komisyuner ng CHED Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013 Dr. Patricia Licuanan- dating komisyuner ng CHED Naglabas ng Memo 20, Serye ng 2013 ang Commission on Higher Education para sa katumbas na mga asignatura ng tatlumpu’t anim (36) na yunit ng Pangkalahatang Edukasyon (General Education) na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Understanding the Self (Pag-unawa sa Sarili)
Readings in the Philippine History (Mga Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas) The Contemporary World (Ang Kasalukuyang Daigdig) Mathematics in the Modern World (Matematika sa Makabagong Daigdig) Purposive Communication (Malayuning Komunikasyon) Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining) Science, Technology, and Society (Agham, Teknolohiya, at Lipunan) Ethics (Etika) Anong asignatura ang mapapansin n’yo na wala sa naturang Pangkalahatang Edukasyon? Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa kurikulum dahil may inilaan para dito sa ika-11 at 12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School. Kanya ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay may opsyon na gamitin ang Filipino sa 36 na yunit ng General Education. Naniniwala si Ramon Guillermo ng Philippine Studies sa UP Departamento ng Fiipino at Panitikan sa Pilipinas na ang pagtatanggal ng CHED sa asignaturang Filipino sa kolehiyo batay sa CMO 20, Serye ng 2013 ay magbubunga ng kawalang malay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Wala na ring magpapatuloy ng mas mataas na pananaliksik sa Filipino kung mananaig ang memorandum na ito ng CHED. Argumento ng Tanggol Wika Laban sa CMO, Serye ng 2013 Mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner sa CMO 20, Serye 2013: 1. Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan. 2. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan ng mga Pilipino bilang nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Piipinas bilang maunlad na bansa- mga bagay na nilayong iwasan ng mga nagbabalangkas ng konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito. 3. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na ipahinto ang implementasyon ng CMO No. 20, Serye ng 2013 sa pamamagitan ng temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction, tuloy-tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino, anti-nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon. 4. Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura, pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya. Temporary Restraining Order - Isang kautusan ng korte para sa limitadong panahon 1) bilang solusyon sa mga biglaang pangyayari- emergency remedy, 2) pagbabawal sa isang indibidwal na gumawa ng aksyon na makapamiminsala ng iba, o 3) panatilihin ang dating estado- status quo. Ipinagkakaloob lamang ang TRO sa mga pambihirang pagkakataon at mananatili hanggang sa maisagawa ang pagdinig sa preliminary o permanent injunction o sa pagtukoy ng tamang remedy o solusyon. Sagot ng Kataas-taasang Hukuman, Korte Suprema sa Petisyon laban sa CMO 20, Serye ng 2013
Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema (Supreme Court) ang Komisyon
sa Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Hgher Education-CHED) na bigyan ng ganap na implementasyon ang kautusan nito na ibalik ang Filipino at Panitikan sa Antas Tersyarya sa pamamagitan ng pagpapatupad sa bagong Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon (General Education) sa Taong Aralan 2018-2019. Ang kautusang ito ng Korte Suprema ay bunga ng pagsusulong ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Alliance of Defenders of the National Language) o Tanggol Wika, mga alyansa ng iba’t ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad, samahang pang-linggwistika at pang-kultura, at ilang may pagpapahalagang mamamayan, na makakuha ng paborableng desisyon para sa Filipino at Panitikan.