You are on page 1of 1

SAGUTAN MO

1. Ano ang iyong reaksiyon sa tinuran ng dating Chairperson ng CHED na si Patricia Licuanan na :
“..After the 12th year, they would presumably better equipped for the jobs out there. So, they
would not have to go to college anymore”
Masaya at malungkot ang aking naging reaksiyon. Masaya dahil makakatulong na ang ibang
kabataan sa kanilang pamilya pagkatpos ng Senior High subalit nakakalungkot isipin na maaaring
mauwi sa Mismatch Job ang ibang kabataan marahil hindi lahat ay may angkop na kakayahan at
limitado lang ang kanilang mga kaya dahil bago palamang sila sa larangan ng pagtatarabaho.
Hindi rin kaya ng gobyerno na matustusan ng trabaho ang lahat na mamayang Pilipinong
naghihintay pagkatapos makagraduate ng Senior High.

2. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong BS Entrepreneurship, ano ang iyong


paninidigan kaugnay ng pagpapatupad ng CMO 20, s. 2013 o pagtanggal ng asignaturang Filipino sa
GE Curriculum sa kolehiyo?
Ako ay di sumasang-ayon at galit ang aking nadarama patungkol sa CMO 20, s. 2013 o
pagtanggal ng asignaturang Filipino sa GE Curriculum sa kolehiyo. Bakit tatanggalin ang isang
asignaturang ito kung ito ay ang bumubuo sa ating identidad at sumasagisag kung sino ang mga
Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay naiiba sa ibang nationalidad, ang wikang Filipino. Kung
hindi dahil sa pagturo ng Filipino hindi malalaman ng kabataan anf mga aspektong bumuo at
paano ito nabuo, mga taong parte ng pang-usbog ng wikang ginagamit noon at hanggang ngayon.

3. Ano-ano ang posibleng epekto ng CMO no, 20, s. 2013 sa pambansang identidad at kaunlaran?
Malaking epekto ang mangyayri dahil sa CMO no.20, s. 2013. Una, libong-libong guro lang
naman ang mawawalan ng trabaho at dahil sa pagkawala nila, sunod na maapektuhan ay ang
kabataan. Itong mga kabataan na magpapatuloy sana ng legasiya ng pagka-pilipino, mas lalawaka
sana ang kaalaman patungkol sa asignaturang Filipino at maaaring palawaking ang wikang
Filipino. Malilimitahan ang nais iparating sa kabataan at ibang tao na kung saan maaari pang
paunalrin at payabungin. "Ang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit
niyon." Sana maisip rin nila ang kapakanan at ang nakasalalay kapag naipabatas na ito, nawa'y
maisip nila ang mga pinagdaaanan ng mga tao upang maisagawa at makagawa ng wikang
ginagamit sa pang-komunikasyon, panitikan at iba pa. Kailan man'y hindi natin makakamit ang
kaunlaran kung wala ang wikang Filipino.

Pangalan: Angelica E. Corral Petsa: September 15, 2020


Kurso, Taon at Blak: BS Entrepreneurship- 1B

You might also like