You are on page 1of 1

Ang asignaturang Filipino ay tumutukoy sa pag aaral ng kahalagahan ng wika, tamang gramatika,

pagsusulat at marami pang iba na maglilinang sa pagiging makabansa ng isang Pilipino. Noong ika-
dalawang libo’t labing walo, ipinapatupad ng Commission on Higher Education sa kanyang
Memorandum no. 20 na naghahayag ng pag aalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at paglilipat sa
Senior High School. Ayon sa CHED, nais nila na ang mga mag-aaral ay pagtuunan ang mga asignaturang
naaayon sa kanilang propesyon at makipagsabayan sa makabagong henerasyon. Para sa akin, hindi na
kailangan pang tanggalin ang asignaturang Pilipino sa kolehiyo.

Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang Filipino ay lumilinang sa mga kasanayan sa
pagbabasa, pakikinig, pagsusulat at pagsasalita sa Filipino. Paano tayo makikipagsabayan sa bagong
generasyon kung hindi tayo huhubugin ng asignaturang Filipino lalo na sa aspeto ng
pakikipagtalastasan? Halimbawa, sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao, gamit ang wikang Filipino ay
mas naipapahayag natin ng maayos ang impormasyon ng hindi nagdudulot ng kalituhan. Dito pa lamang
ay makikita na natin ang kahalagahan ng asignaturang Filipino. Base sa ating kapaligiran ngayon,
maraming tao ang naimpluwensyahan ng ibang bansa lalo na sa kanilang lengguwahe. Kung ngayon pa
lamang na hindi pa naipapatupad ang pagpapaalis ng asignaturang Filipino na may kinalaman sa ating
wika ay nakakalimutan at naisasantabi na ng iba, paano pa kaya kapag tuluyan na nga itong natanggal?
Ang sarili nating wika na siyang pinapaigting sa pag aaral ng Filipino ang nagbubuklod sa atin. Ito ang
tulay upang magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang kultura, tradisyon at paniniwala nang sa
gayon ay mas magkaintindihan ang bawat isa. Ngunit, nawawalan na ng interest ang Pilipino partikular
na ang mga kabataan sa ating wika. Kung kaya’t nararapat lamang na mas maiging pag aralan ang
asignaturang Filipino. Sabihin na nating napag aralan na natin ito noong elementarya at sekondarya
ngunit ang pagkatotoo ay isang proseso at dapat tuloy tuloy sapagkat maaring makalimutan ito at
mabalewala.

Hindi na kailangang alisin ang asignaturang Filipino sa tersyarya sapagkat ayon kay Tipones
(2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag iisip ng kabataang Pilipino. Ayon din sa grupong
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) na dapat ay hindi alisin bagkus ay
mas dapat ayusin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ito ay dahil sa pinkahuling resulta ng National
Achievement Test na karamihan sa mga estudyante ay bumagsak. Pinapakita lamang nito na mas dapat
pang hubugin ang mga mag aaral patungkol sa mga sakop ng asignaturang Filipino.

Ang pag alis ng asignaturang Filipino ay magdudulot ng epekto sa bawat pamumuhay ng tao.
Ngunit para sa akin, mas magdudulot ito ng negatibong epekto sapagkat mahihirapan ang bawat isa sa
pakikipag ugnayan sa kanyang kapwa Pilipino. Ito rin ang magpapabagal sa pag-unlad ng bansa dahil
magiging limitado ang kaalaman ng bawat isa. Lagi nating tandaan na tayo pa rin ang susi sa kaunlaran at
makakamit natin ito sa pamamagitan ng pagpapayabong ng sariling wika at pagtangkilik ng sariling atin.

You might also like