You are on page 1of 2

Pangalan: Maderazo, Dheine Louise L.

Iskor:

PILIPINASYON ng mga Agham Panlipunan: Pagliligaw sa Tunay na Isyu

Paksa Tinalakay sa artikulong ito ang karaniwang pag-aangkop at pagsasakatutubo ng mga Pilipino ng mga agham
panlipunan na kadalasang nangyayari dahil ang karaniwanng ginagamit na impormasyon ng mga Pilipino sa pag-
aaral ng mga isyu sa bansa na ukol sa agham panlipunan ay nagmula lamang sa pag-aaral sa ibang bansa.
Naglahad ang awtor ng kaniyang opinyon tungkol dito sa artikulong ito. Sinasabi ring nililigaw ng pamamaraang
ito ang pananaw ng mga mambabasa sapagkat hindi nasasalamin ang realidad ng mga sitwasyong ito sa ating
bansa. Kasabay ng paglalahad ng opinyon tungkol sa ganitong kasanayan ay ang pagbibigay ng awtor ng
impormasyon tungkol sa iba’t ibang isyu sa ating bansa, ay ang pagtatalakay at pagpapalawak sa mga
problematikong sitwasyon na kinakaharap natin sa pagbubuo ng rehistrong panlarangan.

Tema Kung babasahin ang artikulo ay mararamdaman ng mambabasa ang hindi pagsang-ayon ng may-akda sa gawain
ng mga Pilipino na pagsasakatutubo ng mga agham panlipunan na tinawag niya pang “kawalan ng utak” o
kolonisasyong pang-intelektwal ayon sa mga dependency theorist sapagkat hindi ginagamitan ng matalas na pag-
iisip dahil ito ay nagiging panggagaya lamang. Ayon sa may-akda ay dapat daw mawala o mapawi ang ganitong
kagawian sa madaling panahon. Nabanggit ng may-akda ang hindi niya pagkatuwa sa mga pag-aaral na “gawang
Pilipino” sapagkat makikita kung gaano ito itinulad o iginaya lamang sa mga gawa sa ibang bansa. Nasabi rin ng
awtor na madalas ay nasisiraan siya ng loob sa mga ipinepresenta na pagtalakay dahil ayon sa kaniya ay
pagkabasa niya ay ginaya lamang ang disenyong panananaliksik at kadalasang hindi nakakaragdag ng kaalaman
kundi nakapagparami lamang ng pagpapatibay sa mga bagay na alam na natin. Para sa kaniya ay nakasulat man
ang mga likhang ito sa ating wika ngunit hindi ibig sabihin nito ay pansarili na natin itong gawa—hindi ito tunay
at purong gawang Pilipino.

Panimula Naipahayag sa artikulong ito na hindi naman pangunahing kailangan ang sinasadyang paghahanap para sa
ikauunlad ng agham panlipunan sa Pilipinas dahil mas mahalaga ang makatwirang oryentasyon na sumasalamin
sa realidad na nangyayari sa bansa, samahan pa ng malikhang paghula at maigihang paghahanap ng teorya na
susuporta sa mga ito. Nakasaad sa introduksyon ang layunin ng pagsusulat ng artikulong ito.

Sa bandang umpisa ng artikulo ay natalakay na ang tinatawag na red herring, na ayon sa may-akda ay ganito ang
nangyayari sa mga sinasadyang paghahanap ng mga Pilipino para sa agham panlipunan, sapagkat para sa kaniya
ay nililigaw lamang nito ang pansin ng mga mambabasa sa tunay na nangyayari sa bansa.

Nilalaman Pansin na pansin sa buong artikulo ang hindi pagsang-ayon ng may-akda sa nagiging kasanayan ng mga Pilipino
na panggagaya ng mga nakukuhang teorya mula sa pag-aaral na ginawa sa ibang bansa at halos dito umikot ang
artikulo. Sinamahan niya ito ng mga impormasyon tungkol sa mga isyu na ginawa niyang halimbawa na
mayroong isinagawang pag-aaral sa ating bansa, na halos ay itinulad lamang sa pananaliksik sa ibang bansa. Isa
sa mahahalagang nilalaman na nabanggit sa artikulo ay ang paggamit ni Kuhn ng katawagang paradigm na
sinasabi niya na kahit hindi pa ganap na tinatanggap, ay may makabuluhan namang pagtalakay sa mga pagsusuri
ng mga halimbawa. Nabanggit dito na hindi nanggaling sa kahungkagang pang-intelektwal ang mga huwaran, na
kadalasang mga pagpapanibago ng mga nangingibabaw, bilang mga malubhang reaksiyon sa kani-kanilang mga
limitasyon. Nanggagaling ang mga ito sa kaisipang siyentipiko na kadalasan ay sumasalungat sa realidad, na
nagtatangkang linawin ang mga ito at ipaliwanag. Ayon sa kaniya ay tayo ang gumagawa ng ganitong uri ng
kolonisasyon—ang panggagaya at pagsasakatutubo ng agham panlipunan at magmumula ang ating pang-
intelektwal na kaligtasan sa kamalayan natin. Binanggit niya na bagaman tumataliwas at nadidismaya siya sa
kasanayang pagsasakatutubo ng mga pananaliksik na mula sa ibang bansa, ay hindi naman niya minamaliit ang
ginagawa ng mga Pilipino subalit ay hindi pa nakakapagbunga ng mga kawili-wiling resulta. Isa pa sa napansin
ko sa artikulong ito ay ang pagsasabi ng may-akda na sa kaniyang palagay ay hindi pa siya naniniwala o siya ay
nagdududa pa na magkakaroon ng Dakilang Nobelang Pilipinohangga’t nag-aalala tayo na an gating katha ay
tunay na gawang Pilipino.
Konklusyon Tinapos ng may akda ang kaniyang artikulo sa pagsasaad ng sipi mula kay Alvin Scaff na naghahayag kung
gaano kahalaga ang pagbubuo ng teorya sa paghahanap at pagsisiyasat sa Pilipinas. Ayon sa kaniya ay ang teorya
ay nakatutulong upang higit na maunawaan ang lipunang Pilipino. Sinasabi rin na mayroong mga teorya na totoo
sa lahat ng agham at ito ay pang-internasyonal, at maaari namang gamitin at hiramin para sa paglikha ng sariling
pag-aaral o pananaliksik ngunit ay dapat maging gabay lamang ito at hindi lamang direktang gayahin.

You might also like