You are on page 1of 9

Aralin

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
3 Hindi Pantay Pero Patas

Mga Inaasahan

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa lipunang pang-ekonomiya.


Aalamin mo ang katangian ng mabuting ekonomiya at ang kabutihang naidudulot nito.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod
na kasanayan:

1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.1)


2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.2)
3. Napatutunayan na: (EsP9PL-If-3.3)
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang taong
sobrang mayaman at maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad
ng lahat.
4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at
lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal (hal.YouScoop)
(EsP9PL-If-3.4)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
paunang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
letra ng pinakaangkop na sagot.
1. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Max Scheler na “nasa hulma ng ating katawan
ang kakayahan nating maging isang sino”?
A. Hindi nakukuha sa practice ang kakayahan, kung ipinanganak kang
mahina hanggang dyan ka na lang.
B. Ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan ang magdidikta ng
ating propesyon.
C. Ang mga mahihina ay hindi makakaranas ng tagumpay.
D. Ang mga malalakas ang siyang laging nagwawagi.

2. Ano ang prinsipyo ng proportio na binabanggit ni Sto. Tomas de Aquino?


A. Pantay C. Hindi pantay pero patas
B. Walang lamangan D. Pantay dahil patas

3. Paano nangyari na ang lipunang pang-ekonomiya ay hindi pantay pero patas?


A. Hindi maaaring maging pantay dahil ang namumuhunan ang siyang dapat
may mas malaking pakinabang upang masabi itong patas
B. Magsinrami ang pagbabahagi ng yaman ng bansa sa bawat tao, mayaman
man o mahirap
C. Angkop na pagbabahagi ng yaman ng bansa ayon sa pangangailangan ng
tao
D. Ang pulitiko ang may patas na bahagi sa ekonomiya ng bansa

1
4. Ano ang makabuluhang dahilan ng paggawa at pagmamay-ari?
A. Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa
iba kundi upang maipamalas ang talento, maging produktibo at makatulong
sa kapwa tao.
B. Bumibili si nanay ng mga bagong gamit sa bahay para inggitin ang iba.
C. Nagsisikap maghanapbuhay si tatay para ipagmayabang niya sa kaniyang
kapitbahay ang kaniyang salapi at sasakyan.
D. Gumagawa at nagmamay-ari ang tao upang maging sikat at pamarisan.

5. Ano ang kahulugan ng lipunang pang-ekonomiya?


A. Pagbabantay sa maayos na pinansyal na kalagayan ng bawat tahanan at
pamilya
B. Paghikayat ng trabahador sa ibang bansa upang lumaki ang padalang dolyar
C. Paghikayat sa foreign investors na mamuhunan sa ating bansa
D. Pangangasiwa sa patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan

6. Alin ang naglalarawan ng mabuting ekonomiya?


A. Napauunlad ang lahat ng dayuhan na namumuhunan sa ating bansa
B. Napauunlad ang mga mayayamang negosyante upang patuloy na magtayo
ng maraming negosyo sa bansa.
C. Nahihikayat ang mga tao na maghangad na mapaunlad ang kanyang sarili
upang siya ay matanyag at kumita ng mas malaki
D. Nahihikayat ang mga tao na magsikap na mapaunlad ang kanyang sarili at
magmalasakit sa kapwa upang mapaunlad din naman ang iba.

7. Bakit kaya nabuo ang paniniwala na ang lahat ng tao ay pantay-pantay?


A. Dahil lahat ay iisa ang hangarin
B. Dahil lahat ng tao ay nilikha ng Diyos
C. Dahil lahat ay dapat mayroong kayamanan
D. Dahil lahat ay may kani-kanyang angking talento

8. Alin ang tumutukoy sa prinsipyo ng proportio?


A. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa minimithi ng tao
B. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng mamamayan
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa impluwensiya ng kinauukulan

9. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi kaysa sa pantay na pagbabahagi ng


yaman ng bayan?
A. Dahil walang kakayahang magpasiya ang mga mamamayan para sa
kanilang sarili
B. Dahil naitutuon ang pagbabahagi ayon sa tunay na pangangailangan ng tao
C. Dahil ang bawat mamamayan ay may karapatan sa yaman ng bayan
D. Dahil hindi kailanman magiging pantay-pantay ang mga tao

10. Ano ang kaugnayan ng pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


A. Ang taong masipag ay siguradong maunlad.
B. Nakatutulong sa bansa ang taong maraming pera.
C. Ang maunlad na mamamayan ay sikat at makapangyarihan.
D. Ang taong produktibo at may matinong hanapbuhay ay nakatutulong sa
pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Natutuwa ako sa iyong ipinamalas na pagsisikap na sagutin ang unang


pagsubok. Bago ka magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral
sa nakaraang aralin.

2
Balik-tanaw

A. Panuto: Punan ang tsart ng napapanahong halimbawa tungkol sa pagtutulungan.

MGA HALIMBAWA NG TULONG MULA MGA HALIMBAWA NG


SA PAMAHALAAN NA IBINABABA SA PAGTUTULUNGAN NA GINAGAWA NG
TAUMBAYAN MGA MAMAMAYAN PARA SA
KAPWA MAMAMAYAN
1 1
2 2
3 3

B. Panuto: Ayusin ang mga salita na nasa kahon. Isulat ito sa graphic organizer upang
mabuo ang slogan tungkol sa lipunang pulitikal.

SAMBAYANAN NG PAGTUTULUNGAN SA BUONG PAG-UNLAD TUNGO

Pagpapakilala ng Aralin

Naisip mo na ba kung paano nagkakaroon ng budget ang ating bansa at kung


paano pinamamahalaan ng gobyerno ang naipong salapi para matugunan ang iba’t-
ibang pangangailangan ng mga mamamayan? Suriing mabuti ang larawang ito mula
sa Wikipedia upang magkaroon ka ng ideya tungkol sa ekonomiya.

3
Batid mo na ba na ang bawat tao ay natatangi o unique individual? Bagama’t
hindi pantay-pantay ang ating kakayahan, mayroon namang espesyal na abilidad at
talento na ibinigay ang Diyos sa bawat tao. Huwag mong bilangin at ikalungkot ang
iyong mga kakulangan, sa halip ay matuto kang gamitin ang talento na mayroon ka at
magpunyagi ka upang mapaunlad ang sarili at maiahon sa hirap ang iyong pamilya.
Kapag ikaw ay natutong maging produktibo, magiging kabalikat ka sa pag-unlad ng
ating ekonomiya.

Mga Gawain

Gawain 1 KATANGIAN NG MABUTING EKONOMIYA

Panuto: Ipaliwanag ang kalagayan ng mga tao na namumuhay sa maunlad na


ekonomiya batay sa mga sumusunod na katangian.

MGA KATANGIAN MAUNLAD NA EKONOMIYA


1. Halaga ng bilihin
2. Hanapbuhay
3. Pabahay
4. Edukasyon
5. Kagamitan at teknolohiya

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bukod sa mga nabanggit na katangian ng mabuting ekonomiya, ano pa ang


maidaragdag mo rito? Bakit?
2. Paano yung lipunan na hindi kabilang sa maunlad na ekonomiya, may pag-asa pa
bang naghihintay para sa mga taong naninirahan doon? Ipaliwanag.
3. Tama bang sisihin ang gobyerno sa lahat ng pinagdaraanang problema sa
ekonomiya ng bansa? Bakit mo ito nasabi?
4. Mayroon bang tungkulin na dapat gampanan ang mga mamamayan upang
makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa? Kung wala, bakit? Kung
mayroon, ano ito? Ipaliwanag.
5. Ikaw, bilang mag-aaral, paano ka magiging isang mabuting halimbawa sa iyong
kapwa pagdating sa usapin ng pagsuporta sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
lalo na sa mga taong may hinanakit sa pamahalaan?

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga katangian ng sagot : puntos:
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 10 – taglay ang 3 pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag 7 – dalawang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap 4 – isang pamantayan lamang

Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 10.

Gawain 2 ANG NAIDUDULOT NG MAUNLAD NA EKONOMIYA

Panuto: Isulat sa graphic organizer kung ano ang naidudulot ng maunlad na ekonomiya
sa buhay ng tao at sa bansa.

4
__

___ MAUNLAD
__
NA
EKONOMIYA

__ __
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng sagot : 3 – taglay ang 3 pamantayan
 Sinunod sa panuto 2 – dalawang pamantayan lamang
 Makabuluhan ang sagot 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 15.

Gawain 3 ANG MAUNLAD NA EKONOMIYA AY PARA SA LAHAT

Panuto: Punan ang tsart ng makabuluhang sagot.

Sang-ayon ka ba sa Magbigay ng
pangungusap na ito? napapanahong
Bakit? halimbawa.
1. Ang mabuting ekonomiya ay
iyong napauunlad ang lahat-
walang taong sobrang mayaman
at marami ang mahirap.
2. Ang ekonomiya ay hindi
lamang para sa sariling pag-
unlad kundi para sa pag-unlad
ng lahat.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga katangian ng sagot : puntos:
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 5 – taglay ang 3 pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan lamang
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 20.

Gawain 4 KALAGAYAN NG EKONOMIYA SA IYONG LUGAR

Panuto: Magsaliksik ng mga dokumentaryo o photo/video journal (hal. YouScoop)


tungkol sa pamayanan na iyong kinabibilangan (5 puntos). Maaari mo itong ipadala sa
email address ng iyong guro kasama ang kumpletong sagot sa mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang masasabi mo sa kalagayan ng ekonomiya sa lugar na iyong
kinabibilangan?
2. Ano ang napansing mong sitwasyon tungkol sa ekonomiya ng lugar na ito na
kailangang bigyan ng agarang pansin?
3. Ano ang maimumungkahi mong mabisang solusyon dito?
4. Ano ang maitutulong ng isang mag-aaral na kagaya mo upang maging maunlad

5
ang mismong lugar na kinabibilangan mo?
5. Ano ang paghahanda na maaari mong gawin upang ang pamilya na iyong
itataguyod sa hinaharap ay makaranas ng isang maunlad na ekonomiya?

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot : 3 – taglay ang 3 pamantayan
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 2 – dalawang pamantayan lamang
 Mahusay ang pagpapaliwanag 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 20.

Tandaan

Ang lipunang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa wastong pamamamahala sa


yaman ng bansa. Tungkulin ng pamahalaan na pangangasiwaang mabuti ang
pagbabahagi ng yaman ng bansa sa patas na pamamaraan. Ang salitang ekonomiya
ay nagmula sa griyegong salita na oikos na ang ibig sabihin ay bahay at nomos na ang
ibig sabihin ay pamamahala. Ang ekonomiya ng bansa ay maihahambing sa
pamamahala sa bahay. Ang namamahala sa bahay ay nagsisikap na magkaroon ng
sapat na budget. Ginagawan niya ng paraan na pagkasiyahin ang budget sa lahat ng
mga bayarin upang ang mga tao na nakatira sa bahay na ito ay makapamuhay ng
matiwasay.

HINDI PANTAY

Ayon kay Max Scheler, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan”. Idinagdag pa niya rito ang iba pang aspekto gaya
ng mga kinagisnan ng tao, mga koneksiyon ng pamilya, lahi, relihiyon at iba pa. Ang
lahat ng ito ay maaaring makaapekto sa pagkamit ng tagumpay ng isang tao.

PRINSIPYO NG PROPORTIO

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, “ang prinsipyo ng proportio ay tumutukoy sa


angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao”. Sinabi rin niya na hindi
man pantay-pantay ang mga tao, mayroon namang angkop para sa kanila. Kaya
nararapat lamang na ang tao ay makatanggap ng patas ayon sa kaniyang
pangangailangan.

HINDI PANTAY PERO PATAS: PRINSIPYO NG LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Patas. Ito ang prinsipyong sinusunod ng lipunang


pang-ekonomiya. Ang ating pamahalaan ay nagsisikap
na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa mga
pangangailanan ng tao. Ang ating gobyerno ay
humahanap ng paraan upang ang mga negosyante ay
makapamuhunan sa ating bansa. Ito ang magbubukas
ng oportunidad upang maipamalas ng tao ang kaniyang
angking talento, kakayahan at husay sa
paghahanapbuhay.

Napakaganda ng wikang Filipino para sa salitang trabaho. Ang tawag natin dito
ay hanapbuhay. Ang hinahanap ng gumagawa ay ang katuturan ng kaniyang buhay.
Hindi lamang pera at pag-aari ang hinahanap ng tao. Ginagamit lamang niya ito
upang matulungan siyang matupad ang kaniyang mga layunin at mahanap ang
kaniyang buhay.

6
Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili sa pamamagitan
ng mahusay at tapat na paggawa. Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na
mayroon siya o wala, ang humuhubog sa tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong
marunong makuntento, mapagpasalamat, tumutulong sa kapwa, nagpupuri sa Diyos,
nag-iingat sa kalikasan at nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi
sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan nasusukat ang tunay na yaman.
Nasa pagmamalasakit, pagsisikap at pagkilos ng tao sa anomang ipinagkaloob sa
kaniya ang kaniyang ikayayaman.

Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay nagreresulta sa pag-


unlad ng bansa. Kapag ang bansa ay maunlad, mas nahihikayat ang mga negosyante
na mamuhunan at ito ang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao—
pagkakataon upang maipamalas ang kanilang husay sa paggawa at pagkakataon
upang tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay. (Gayola, Sheryll T. et.al.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang
Edisyon 2015.)

Inaasahan ko na naunawaan mo ang mga mahahalagang konsepto na tinalakay


sa modyul na ito. Kung may bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang
mag-atubiling magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa
kasunod na bahagi.

Pag-alam sa mga natutunan

Ngayong nalaman mo na ang pagsisikap ng pamahalaan na maging patas sa


kaniyang mga mamamayan, mahalagang maisabuhay mo rin kung paano magiging
patas sa iyong kapwa.

1-4. Magbigay ng makabuluhang halimbawa kung paano mo maipapakita ang


pagiging patas sa iyong:
pamilya ______________________________________________________________________
kamag-aral ___________________________________________________________________
komunidad ___________________________________________________________________
bansa ________________________________________________________________________

5. Anong katangian o pag-uugali ang dapat mong taglayin upang makatulong ka


sa pagtaguyod ng maunlad na ekonomiya? Bakit mahalaga ang katangian na
iyong binanggit? Ipaliwanag.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot : 3 – taglay ang 3 pamantayan
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 2 – dalawang pamantayan lamang
 Mahusay ang pagpapaliwanag 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap
Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 15.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Piliin sa Hanay B ang angkop na salita na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang
letra ng tamang sagot.

7
HANAY A HANAY B
1. Ito ay isang Griyegong salita na ang ibig a. Max Scheler
sabihin ay bahay.
2. Ito ay tumutukoy sa angkop na pagkakaloob o b. Prinsipyo ng proportio
pagbabahagi ayon sa pangangailangan ng tao.
3. Ito ay salitang Griyego na pinagmulan ng c. Santo Tomas de Aquino
katagang ekonomiya. Ang kahulugan ng
salitang ito ay pamamahala. d. Pantay
4. Ang terminong ito ay tulad din sa
pamamahala ng bahay. e. Patas
5. Ayon sa kaniya hindi man pantay-pantay ang
mga tao, may angkop para sa kanila. f. Hanapbuhay
6. Ito ay taglay ng tao maging siya man ay
mahirap o mayaman kaya hindi dapat itali g. Ekonomiya
ng tao ang kaniyang sarili sa materiyal na
bagay. h. Halaga
7. Ito tumutukoy sa pagbabahagi na walang
lamangan kahit hindi mo ito kailangan. i. Oikos
8. Ito ay tumutukoy sa prinsipyo ng proportio
na sinusunod sa lipunang pang-ekonomiya. j. Nomos
9. Ayon sa kaniya kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng bayan.
10. Ito ang napakagandang salitang Filipino na
tumutukoy sa trabaho dahil hindi siya
nagpapakapagod para lamang sa pera kundi
para ito sa buhay na hinahanap niya.

Pagninilay

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang


mapalawak ang iyong pagkaunawa sa aralin.

Ano ang mahalagang aral Paano mo maisasabuhay


na iyong natutunan tungkol ang mga aral na
sa mga sumusunod na natutunan mo?
konsepto?
1. Pagkakapantay-
pantay
2. Pagiging patas
3. Lipunang
pang-ekonomiya
4. Mga bagay na kaya
mong gawin upang
makatulong sa
pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa
5. Mga tamang
pag-uugali, positibong
pananaw at bukal sa
loob na pagsuporta sa
mga pagsisikap na
ginagawa ng
pamahalaan

8
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na
Mga katangian ng sagot : puntos:
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3 – taglay ang 3 pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag 2 – dalawang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan lamang

Ang pinakamataas na puntos na maaring makuha sa gawaing ito ay 30.

Binabati kita sa ipinakita mong pagsisikap, pagtitiyaga at kahusayan sa pag-


unawa at pagsagot sa modyul na ito. Nawa ay iyong isabuhay ang mga kaalaman na
iyong natutunan upang ito ay magkaroon ng saysay at maging makabuluhan.

Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring


makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

You might also like