You are on page 1of 3

“Buhay sa Paaralan”

Ni Crissel Joy Briones

Ang aking buhay sa paaralan,


Saan na kilala ko ang aking mga kaibigan,
Tunay at tapat sila’y walang katapat,
Masaya’t mahirap pero magpapatatag.

Ang mga gawain na mahirap,


Palaging pinagpupuyatan hanggang umaga,
Pag-aaral ay pinag-iisipan,
Isang guro na nagtuturo ng isang palaisipan.

Mga tao natutulungan para sa grupo,


Mga bagay na pinatutulong sa grado,
Mga proyekto na pinag-iisipan,
Mga bagay na nagging palaisipan.

Isang seksyon na masaya,


Mga batang nagpapakasaya,
Walang bangayan at awayan,
Mga bagay na pinag-iiwasan.
“Ang Buhay Estudyante”
Ni Kc Rendaje

Sa aking pagtungtong ng hayskul,


Buhay napatigil sa sandaling hamon,
Hindi malimot limo tang nakaraang nakalipas,
Sa puso’t isip mananatiling wagas.

Sa tuwing kasama ko sila,


Lungkot ko ay napalitan ng saya,
Saya na mananatiling panghabang buhay
Sa puso at habang ako’y may buhay.

Hindi malilimutang mga karantaduhan,


Sama sama sa lahat ng kalokohan,
Pero kahit kami yan,
Nagtutulungan kami at nagmamahalan.

Samahan pa ng mabuting guro,


Guro na magaling magturo,
Tiyak na kami ay magtatagumpay,
Sa aming tatahaking buhay.
“Magbabarkada”
Ni Nadin Canja

Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim,


I flex na nga natin,
Barkada naming masaya noon, masaya parin ngayon,
Magkakasama mula noon, ganon rin naman ngayon.

Magkaiba mn ang seksyon,


Sama-sama pa rin sa isang lokasyon,
Pag di sasama ang isa,
Di sasama ang buong barkada.

Sama-samang bibitbitin ang problema,


At pag-uusapan at isaisang magdadrama
Hanggang sa ito’y tumila at
malimutan ang problema.

You might also like